top of page
Bea Alonzo at Dominic Roque - fb
Search

by MC @Sports News | May 17, 2026



 Ilan lamang sa naging matitinding bakbakan sa pambato ng bansa na si Pinay Alessandra Jillian Bautista laban sa katunggaling si Emie Lacourt ng France sa kanilang mahigpit na tagisan para sa Karate One Youth League  Manila 2026 sa MOA Arena, Pasay City kahapon.

Photo: Ilan lamang sa naging matitinding bakbakan sa pambato ng bansa na si Pinay Alessandra Jillian Bautista laban sa katunggaling si Emie Lacourt ng France sa kanilang mahigpit na tagisan para sa Karate One Youth League  Manila 2026 sa MOA Arena, Pasay City kahapon. (Reymundo Nillama)  



Nanatiling mailap ang medalya sa mga pambatong Pinoy nang mabigo sina Ysabella Arwen Varias at Carl Caruana sa kani-kanilang katunggali para sa  bronze sa Karate One-Youth League na inihanda ng  Philippine Sports Commission sa MOA Arena sa Pasay City.


Parehong nakaabot sa  repechage round nang gapiin ni Varias si WKF-1's Mariaa Sereda 1-0 sa  first match, na natumba kay Romania's Momanu Alexandra at nabigo sa 0-4 cadet kumite female -61-kilogram division sa bakbakan para sa bronze. 


Maliit man pero may puso, nalasap ni Caruana ang 1-9 na kabiguan kay WKF-1's  Levon Shaishian na siyang nakakuha ng bronze medal sa junior kumite male +76 class ng torneo. Pero nanatiling sila pa rin ang best performers ng bansa matapos ang 3 araw na bakbakan na sanctioned ng  World Karate Federation, inorganisa ng Karate Pilipinas Sports Federation, Inc. at suportado ng Philippine Olympic Committee. 


"Nakaka-overwhelm po na makasali dito sa tournament kasi lahat ng kalaban magagaling," saad ni Varias, na kailangan ng apat na laban mula sa preliminaries bago nakarating sa  bronze medal play sa repechage. 


"Ysabella could have used her nervousness in fighting against the Romanian but she was stiff and tentative. But this young girl learn  from that experience and be better in the long run," saad ni Oliver Manalac, ang karateka's coach.


"Mataas talaga yung kalaban kaya mahirap tamaan. But I am proud that I was able to get here," ani Caruana, 17, kung saan ang kanyang magulang ang kumalap ng panggastos para makalahok dito. "Kaya dini-dedicate ko itong laban ko dito sa mga magulang na nangutang para makarating ako dito sa Manila sa pamamagitan ng barko. I owe this achievement to them," aniya.


 
 

by MC @Sports News | May 12, 2026



Ang mga nagpa-abot ng buong suporta kay cyclist rising start Zedric Ivan Honorica (gitna) na sina Lew Lopez, Director of Public Affairs & Public Relations; Patricia Jacinto, Director of Growth and Marketing; Leopoldo De Castro Jr, Finance Director; at Andalib Hasan, Director of Logistics upang maipagpatuloy ang training at makumpleto sa mga gagamitin sa kompetisyon.	 (Gen Villota)

Photo: Ang mga nagpa-abot ng buong suporta kay cyclist rising start Zedric Ivan Honorica (gitna) na sina Lew Lopez, Director of Public Affairs & Public Relations; Patricia Jacinto, Director of Growth and Marketing; Leopoldo De Castro Jr, Finance Director; at Andalib Hasan, Director of Logistics upang maipagpatuloy ang training at makumpleto sa mga gagamitin sa kompetisyon. (Gen Villota)



Sinusuportahan na ngayon ng isang delivery service company ang record-breaking cyclist na si Zedric Ivan Honorica na dati nilang delivery rider at ngayon ay working student na nagtala ng 10.865 segundo sa men’s elite flying 200-meter sprint sa nagdaang Asian Cycling Confederation Track and Para Track Cycling Championships sa Tagaytay City Velodrome.


Itinakda niya ang bagong Philippine record at mabasag ang 20 taong marka sa nasabing event. Mas naging kahanga-hanga ang kanyang tagumpay dahil nakamit niya ito gamit lamang ang simpleng bike setup, malayo sa mamahaling kagamitan na ginagamit ng karamihan sa kanyang international competitors. Ginamit ni Honorica ang kinita bilang delivery rider upang i-upgrade ang bisikleta. 


Matapos ang breakout performance, agad na nakipag-ugnayan ang foodpanda upang magbigay ng suporta para sa kanyang training at competitive journey, bilang bahagi ng layunin nitong suportahan at bigyan ng oportunidad ang kanilang riders kahit lampas sa delivery platform. Kabilang sa support package ang financial assistance, isang taong supply ng groceries mula sa pandamart, pati na cycling gear at equipment upang mas makapag-focus siya sa training at mga susunod na kompetisyon. “Zedric’s story is a powerful example of the talent and determination within our rider community. At foodpanda, we create opportunities for our Ka-panda riders to go beyond the road and pursue what matters most,” sambit ni Patricia Jacinto, Growth and Marketing Director ng foodpanda Philippines. 


Nakatuon ngayon si Honorica sa paghahanda para sa international competitions at target na makapag-uwi ng mga medalya.  Nakatakda siyang sumali sa mas marami pang road races bilang bahagi ng kanyang paghahanda, habang target niyang muling maging kinatawan ng Pilipinas sa international competitions, kabilang ang Southeast Asian Games. 


 
 

by MC @Sports News | May 4, 2026



Umabot sa 10 gintong medalya ang nasungkit nina Kyla Bulaga, Ashel Evangelista, Xiandi Chua at  Jasmine Mojdeh sa  2026 National Long Course Age-Group Championships na ginanap sa New Clark City Aquatics Center.

Photo: Umabot sa 10 gintong medalya ang nasungkit nina Kyla Bulaga, Ashel Evangelista, Xiandi Chua at  Jasmine Mojdeh sa  2026 National Long Course Age-Group Championships na ginanap sa New Clark City Aquatics Center. (Gen Villota)



Capas, Tarlac – Muling nangibabaw ang karanasan matapos pangunahan nina Kyla Bulaga at Aishel Evangelista ang Class A competition sa penultimate round ng 2026 National Long Course Age-Group Championships na ginanap sa New Clark City Aquatics Center. 


Ang 16-anyos na si Bulaga ang pinakabatang miyembro ng Philippine team sa nakaraang SEA Games sa Bangkok ay umani ng 5 gintong medalya matapos magwagi sa dalawa pang event—ang girls’ 16-year 200-meter individual medley (2:28.52) at 1500m freestyle (18:23.35). “Ikinagagalak ko ang aking naging performance dahil nagbubunga ang lahat ng paghihirap sa training,” ani Bulaga. 


Tinalo ni Bulaga sina Stracey Bee (2:44.04) sa IM at Eliana Isabel Rodriguez (18:56.68) sa 1500m freestyle, dahilan upang maging malakas ang kanyang tsansa para sa Most Outstanding Swimmer sa kanyang kategorya. 


Sa opening day, nanaig din ang beteranang SEA Age Group campaigner sa 200m butterfly (2:25.78), 200m breaststroke (2:43.18), at paborito niyang 800m freestyle (9:44.99). 


Samantala, nagningning din si Evangelista, isang standout mula sa UST, matapos dominahin ang boys’ 16-year division. Nagwagi siya sa 1500m freestyle (17:10.99), naungusan si Zyrhed Pajas (17:13.87), at sa 200m freestyle (1:58.89). Nasungkit din ni Evangelista ang 200m breaststroke (2:33.86) noong opening day ng 3-araw na torneo na suportado ng Philippine Sports Commission.


Ang kompetisyon ay nagsisilbing selection process para sa bubuuing pambansang koponan na lalahok sa iba’t ibang international competitions ngayong taon, kabilang ang Southeast Asian Age-Group Championships sa Singapore. 


Sa 19-over class, nakamit ni SEAG record holder at 2-time gold medalist Xiandi Chua ang ika-2 ginto sa girls’ 200m freestyle (2:06.37), tinalo si beteranang Mishka Sy (2:14.30). 


Ang teammate sa nakaraang SEAG na si Jasmine Mojdeh ay nagtala ng ikatlong gintong medalya matapos magwagi sa 50m butterfly (28.50), naungusan sina Alyza Ng (28.25) at Shairinne Floriano (28.59), kasunod ng panalo sa 800m freestyle (9:27.5).

 
 
RECOMMENDED
bottom of page