top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Mar. 15, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Kapag parating ang tag-ulan ay nangangamba ako na baka bumaha na naman dito sa amin at maapektuhan ang kabuhayan ng pamilya ko. Noong nakaraang taon kasi ay nasalanta kami ng sunud-sunod na bagyo at nalubog sa baha ang aming sakahan at ani, kaya hindi namin nabayaran ang tuition fee ng anak ko. Nangangamba akong hindi payagang kumuha ng eksaminasyon ang anak ko dahil sa posibleng hindi pagbayad ng tuition fee sa tamang oras. May batas ba tungkol dito? Nais ko sanang maliwanagan. Maraming salamat.


— Eufracio



Dear Eufracio,


Ang pagpapabuti ng sektor ng edukasyon ay kabilang sa mga pangunahing layunin ng ating pamahalaan. Kaya naman ang pamahalaan ay nagsusumikap na baguhin ang pamamahala sa sistema ng edukasyon upang mas matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral mula sa mahihirap na pamilya.  


Kaugnay nito, ipinasa ng ating Kongreso ang Republic Act No. 11984 (R.A. No. 11984) o mas kilala bilang “No Permit, No Exam Prohibition Act.” Ayon sa Seksyon 3 at 4 ng R.A. No. 11984:


Section 3. Coverage. – 


This Act shall cover all public and private basic (k to 12) institutions, higher educational institutions, and technical-vocational institutions (TVIs): Provided, That in the case of TVIs, this Act shall only cover long-term courses exceeding one (1) year.


Section 4. Mandate of Educational Institutions to Disadvantaged Students. – 


All public and private educational institutions covered by this Act are hereby mandated to accommodate and allow Disadvantaged Student unable to pay tuition and other fees to take the scheduled periodic and final examinations without requiring a permit: Provided, however, That in the case of K to 12 students, the mandate shall be for the entire school year: Provided, That the Municipal, City or Provincial Social Welfare and Development Officer, or the Regional Office of the Department of Social Welfare and Development (DSWD), as the case may be, shall issue the necessary certificate on the disadvantaged status of the student due to calamities, emergencies, force majeure and other food or justifiable reasons in accordance with the rules and regulations to be issued by the DSWD: Provided, further, That this Act shall be without prejudice to the right and power of educational institutions to require the submission of a promissory note, withhold records and credentials of students and such other legal and administrative remedies available to them for the collection of unpaid fees: Provided, finally, That educational institutions may voluntarily, without need of the certification mentioned herein, allow a Disadvantaged student with outstanding tuition and other fees to take examinations and release their relevant records and credentials in accordance with its policies, rules and regulations.”


Ayon sa nasabing probisyon, ang lahat ng pampubliko at pribadong institusyong pang-edukasyon ay minamandatong tanggapin at payagan ang mga disadvantaged na estudyante, na hindi kayang magbayad ng matrikula at iba pang bayarin, na kumuha ng kanilang mga pagsusulit nang hindi na kinakailangan ng permit. Ang mga munisipal, siyudad o probinsyal na social welfare and development officer, at mga regional offices ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ay inaatasan ng batas na magbigay ng sertipikasyon ng pagiging disadvantaged ng isang estudyante dahil sa kalamidad, emergency, force majeure, at iba pang mga makatarungang dahilan alinsunod sa mga patakaran at regulasyong ilalabas ng DSWD.


Upang sagutin ang iyong katanungan, malinaw sa batas na ang hindi pagbabayad ng matrikula sa tamang oras ay hindi maaaring maging dahilan upang itanggi sa isang estudyante ang pagkuha niya ng nararapat na pagsusulit kung ang dahilan ng hindi pagbayad ng matrikula ay kalamidad.  Kailangan lamang na maipakita ng nasabing estudyante na siya ay maituturing na disadvantaged upang masakop ng nasabing batas sa pamamagitan ng sertipikasyon mula sa nabanggit na mga opisina.  


Gayunpaman, bilang pambalanse sa interes ng mga estudyante at paaralan, mayroong mga remedyo ang isang paaralan upang masiguro ang koleksyon ng hindi nabayarang tuition fee at iba pang bayarin. Kabilang dito ang pag-withhold ng school record. Kaya naman nararapat pa rin na pagsikapang bayaran ang paaralan para sa mga tuition fee at iba pang bayarin na nauukol para dito.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Mar. 14, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


May nagsabi sa amin na may krimen diumano na tinatawag na Death Caused in a Tumultuous Affray o ang kamatayan na naidulot sa isang magulong awayan. Aniya, ito diumano ang tamang kaso at hindi Homicide kapag “rambulan” ang dahilan ng pagkasawi.  Kaugnay nito, tama ba na gamitin ang nasabing probisyon ng batas kapag ang ebidensya ay tinutukoy na mayroong tatlong lalaki ang sangkot sa isang awayan na tila nagrambulan, bagaman lumalabas din na napagtulungan ng dalawa ang isa? — Celine



Dear Celine, 


Ang sagot sa iyong mga katanungan ay binigyang-linaw ng ating batas at mga kaugnay na desisyon ng Korte Suprema. Para sa iyong kaalaman, ang basehan ng krimeng tinatawag na Death Caused in a Tumultuous Affray, o kamatayan na naidulot sa isang magulong awayan, ay matatagpuan sa Artikulo 251 ng Act No. 3815, o mas kilala sa tawag na “Revised Penal Code of the Philippines,” viz.:


Article 251. Death caused in a tumultuous affray. - When, while several persons, not composing groups organized for the common purpose of assaulting and attacking each other reciprocally, quarrel and assault each other in a confused and tumultuous manner, and in the course of the affray someone is killed, and it cannot be ascertained who actually killed the deceased, but the person or persons who inflicted serious physical injuries can be identified, such person or persons shall be punished by prision mayor.


If it cannot be determined who inflicted the serious physical injuries on the deceased, the penalty of prision correccional in its medium and maximum periods shall be imposed upon all those who shall have used violence upon the person of the victim.” 


Kaugnay ng nasabing probisyon ng batas, binigyang-linaw sa kasong Bitol vs. People (G.R. No. 213792, 22 June 2015) sa panulat ni Honorable Associate Justice Estela M. Perlas-Bernabe, ang mga alituntunin at requisites upang masabi na nangyari ang nasabing krimen:


 “The elements of Death Caused in a Tumultuous Affray are as follows: 


(a) that there be several persons; 

(b) that they did not compose groups organized for the common purpose of assaulting and attacking each other reciprocally; 

(c) that these several persons quarreled and assaulted one another in a confused and tumultuous manner; 

(d) that someone was killed in the course of the affray; 

(e) that it cannot be ascertained who actually killed the deceased; and 

(f) that the person or persons who inflicted serious physical injuries or who used violence can be identified.


Based on case law, a tumultuous affray takes place when a quarrel occurs between several persons and they engage in a confused and tumultuous affray, in the course of which some person is killed or wounded and the author thereof cannot be ascertained.” 


Gamit ang nabanggit na desisyon ng Korte Suprema, malinaw na mahalaga ang pagkakaroon ng kaguluhan at magulong pag-aaway o alitan, bukod sa kapwa gantihan at agresyon. Sa madaling salita, nararapat na ang mga taong sangkot ay nag-away at inatake ang isa’t isa sa isang magulong paraan. 


Sa iyong nailahad, lumabas na hindi ganito ang sitwasyon sapagkat iyong nasambit na napagtulungan ng dalawang tao ang isang biktima. Sa ganitong sitwasyon, tulad ng nabanggit ng Korte Suprema sa kaparehong kasong Bitol vs. People:


In the instant case, there was no tumultuous affray between groups of persons in the course of which Aro died. On the contrary, the evidence clearly established that there were only two (2) persons, Wacoy and Quibac, who picked on one defenseless individual, Aro, and attacked him repeatedly, taking turns in inflicting punches and kicks on the poor victim.  There was no confusion and tumultuous quarrel or affray, nor was there a reciprocal aggression in that fateful incident.  Since Wacoy and Quibac were even identified as the ones who assaulted Aro, the latter's death cannot be said to have been caused in a tumultuous affray. Therefore, the CA correctly held that xxx the latter’s death; and as such, they must be held criminally liable therefor, specifically for the crime of Homicide.” 


Samakatuwid, kung natukoy ang salarin, lalo kung lumalabas pa na pinagtulungan ang biktima na namatay tulad ng iyong nailahad, maaaring hindi ito maituring na Death Caused in a Tumultuous Affray katulad sa naging hatol ng Korte Suprema sa nabanggit na kaso. 


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala. 

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Mar. 13, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Nanalo ako sa Labor case na inihain ko laban sa dati kong kumpanya. Ipinagkaloob sa akin ang aking 13th month pay, backwages at reinstatement. Binayaran na rin ang aking money claims, at nangako ang aking employer na ipapatawag ako para makabalik sa trabaho. Dahil dito, pinapirma ako ng Quitclaim and Release. Subalit, wala na akong narinig mula sa kumpanya. Kung kaya iginiit ko sa kanila ang reinstatement na parte ng desisyon ng labor arbiter, ngunit ayaw nila akong pakinggan dahil mayroon na diumanong naging settlement at quitclaim. Tama ba ito? – Belle



Dear Belle,


Ang quitclaim ay kontrata kung saan ang mga partido ay pumapasok sa isang kasunduan o kompromiso upang maiwasan ang paglilitis. Ito ay itinuturing na wasto at may bisang kasunduan sa pagitan ng mga partido, sa kondisyon na ito ay kapani-paniwala at makatuwiran, ginawa ng kusang loob, at may ganap na pag-unawa sa importasyon nito.


Kaugnay nito, ayon sa ating Korte Suprema sa kasong F.F. Cruz & Co., Inc. vs. Jose B. Galandez, G.R. No. 236496, ika-08 ng Hulyo 2019, sa panulat ni Honorable Associate Justice Estela M. Perlas-Bernabe, ang quitclaims at waiver ay dapat na maingat at mahigpit na suriin nang may pagsasaalang-alang hindi lamang sa mga salita at terminong ginamit, kundi pati na rin sa makatotohanang mga pangyayari kung saan ang mga ito ay isinagawa: 


“For a deed of release, waiver, and quitclaim to be valid, it must be shown that: (a) there was no fraud or deceit on the part, of any parties; (b) that the consideration for the quitclaim is credible and reasonable; and (c) that the contract is not contrary to law, public order, public policy, morals or good customs, or prejudicial to a third person with a right recognized by law. The burden rests on the employer to prove that the quitclaim constitutes a credible and reasonable settlement of what an employee is entitled to recover, and that the one accomplishing it has done so voluntarily and with a full understanding of its import. x x x


However, records disclose that petitioner was only able to partly comply with the NLRC Decision by paying respondents Galandez and Sajuela the amount of P123,230.25 each, and Namoc the sum of P116,587.18, representing their backwages, 13th month pay and attorney's fees as provisionally computed by the NLRC as of July 17, 2012. Thereafter, respondents executed a Quitclaim and Release in favor of the petitioner acknowledging payment x x x.


Other than petitioner’s bare assertion, there is no showing that respondents intended to freely and voluntarily waive their right to reinstatement under the said quitclaim. In fact, respondents had consistently averred that the afore-mentioned quitclaims were executed with the assurance that petitioner would reinstate them as decreed in the NLRC’s final judgment. It bears stressing that in determining the intention of parties to a contract, their contemporaneous and subsequent acts shall be principally considered. For this reason, in Solgus Corporation v. CA, the Court ruled that quitclaims and waivers should be carefully examined and strictly scrutinized with regard not only to the words and terms used, but also to the factual circumstances under which they have been executed. Thus, as respondents executed the quitclaim in consideration of, among others, petitioner’s promise of reinstatement as evinced by their contemporaneous and subsequent acts, then the said contract must be interpreted accordingly.”


Ayon sa ating Korte Suprema, ang pagsang-ayon ng mga apektadong empleyado sa isang quitclaim ay upang mabilis na mabayaran ang money claims, nang hindi ikinokompromiso ang kanilang karapatan na makabalik sa kanilang mga trabaho. Lalo na at wala namang sirkumstansya na malinaw na magpapakita na isinantabi o tinalikuran na ng mga apektadong empleyado ang kanilang karapatan na makabalik sa trabaho. 


Sa iyong kaso, kung maipakikita o mapatutunayan na hindi mo nilayon na talikdan ang iyong karapatan na makabalik sa trabaho, maaari mong maigiit ang reinstatement na iginawad sa iyo sa desisyon ng labor arbiter. Ang pagpirma mo sa ikinokompromiso ang iyong karapatan na makabalik sa iyong trabaho, lalo na at wala namang sirkumstansya na malinaw na magpapakita na isinantabi o tinalikuran mo ang karapatang iyon. Bagkus, pinanghawakan mo pa ang pangako ng iyong employer na ipatatawag ka na lang sa trabaho.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page