ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 1, 2025

Dear Chief Acosta,
Mayroong isinampa na reklamo laban sa aking kaibigan dahil diumano, ginawan niya ng kalaswaan ang babae na kapatid ng kanyang kapitbahay. Mariin na itinatanggi ng aking kaibigan ang paratang laban sa kanya. Giit pa niya, siya ay nasa ibang lungsod noong mangyari ang sinasabing insidente. Mayroong nakapagsabi sa amin na mahina na depensa ang pagtanggi at pagdadahilan. Ang kaso, ito lamang ang maaaring igiit ng aking kaibigan. Sana ay malinawan ninyo ako. – Steve
Dear Steve,
Sa pangkalahatan, hindi pasanin ng tao na inaakusahan na patunayan ang kanyang kawalan ng kasalanan kaugnay sa krimen na ipinaparatang sa kanya. Sa katunayan, alinsunod sa ating Saligang Batas at Rules of Evidence, ipinagpapalagay na inosente ang isang tao na inaakusahan hanggang ang kanyang pagkakasala ay mapatunayan ng higit sa makatwirang pagdududa:
“Section 14. (1) x x x
(2) In all criminal prosecutions, the accused shall be presumed innocent until the contrary is proved, x x x” (Section 14 (2), Article III, 1987 Philippine Constitution)
“Section 2. Proof beyond reasonable doubt. - In a criminal case, the accused is entitled to an acquittal, unless his or her guilt is shown beyond reasonable doubt. x x x” (Section 2, Rule 133, The 2019 Proposed Amendments to the Revised Rules on Evidence)
Samakatuwid, ang pasanin ng pagpapatunay sa krimen at sa kriminal na responsibilidad ng tao na inaakusahan ay nakaatang sa panig ng nag-uusig. Kung kaya’t kinakailangan na mayroong matibay na ebidensya na magpapatunay sa bawat elemento ng krimen at sa partisipasyon ng tao na inaakusahan upang siya ay mapatawan ng karampatang kaparusahan.
Kaugnay nito, maaaring gamitin ng inaakusahan ang pagtanggi at pagdadahilan bilang kanyang depensa, subalit mahalaga na mayroong kaakibat na saksi at/o ebidensya na susuporta sa kanyang depensa. Sa maraming desisyon na ng ating Kataas-taasang hukuman, kanilang ipinaalala na ang pagtanggi at pagdadahilan ng tao na inaakusahan, nang walang ebidensya na susuporta rito, ay mahinang uri ng pagdedepensa sapagkat madali lamang umano gumawa ng istorya upang gamitin bilang pagdadahilan ngunit ito ay mahirap na patotohanan. Binigyang-diin ng Kataas-taasang hukuman ang sumusunod:
“As we explained in People v. Ogarte:
This Court has uniformly held, time and again, that both “denial and alibi are among the weakest, if not the weakest, defenses in criminal prosecution.” It is well-settled that denial, if unsubstantiated by clear and convincing evidence, is a self-serving assertion that deserves no weight in law.
In People v. Palomar, we explained why alibi is a weak and unreliable defense:
Alibi is one of the weakest defenses not only because it is inherently frail and unreliable, but also because it is easy to fabricate and difficult to check or rebut. It cannot prevail over the positive identification of the accused by eyewitnesses who had no improper motive to testify falsely. x x x.
We have also declared that in case of alibi, the accused must show that he had strictly complied with the requirements of time and place: In the case of alibi, it is elementary case law that the requirements of time and place be strictly complied with by the defense, meaning that the accused must not only show that he was somewhere else but that it was also physically impossible for him to have been at the scene of the crime at the time it was committed. x x x. (Citations omitted.)” (People of the Philippines vs. Edmundo Vitero, G.R. No. 175327, April 3, 2013, Ponente: Former Supreme Court Associate Justice Teresita J. Leonardo-De Castro; Emphasis supplied)
Sa sitwasyon ng iyong kaibigan, maaaring masabi na hindi magiging sapat ang kanyang pagtanggi at pagdadahilan lamang na siya ay nasa ibang lungsod noong mangyari ang krimen. Upang maging solido o matibay ang kanyang depensa, kinakailangan ding mapatunayan niya, sa pamamagitan ng saksi at/o ebidensya, na sadyang pisikal na imposible na naroon siya sa lugar kung saan naganap ang krimen sa panahon na naganap iyon. Bilang karagdagan na kaalaman, ipinaliwanag ng Kataas-taasang hukuman:
“Jurisprudentially, while his alibi can be considered as a valid defense, the following elements must be alleged and proven for it to be entitled merit: (a) that he was present at another place at the time of the perpetration of the crime, and (b) that it was physically impossible for him to be at the scene of the crime during its commission. “Physical impossibility refers to distance and the facility of access between the crime scene and the location of the accused when the crime was committed. He must demonstrate that he was so far away and could not have been physically present at the crime scene and its immediate vicinity when the crime was committed.” (People of the Philippines vs. XYZ, G.R. No. 244255, August 26, 2020, Ponente: then Supreme Court Associate Justice, presently Honorable Chief Justice Alexander G. Gesmundo)
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.




