- BULGAR
- Dec 30, 2025
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 30, 2025

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 30, 2025 (Martes): Bababa at tataas ang galaw ng kapalaran mo, pero sa huli, tataas din ang destinasyon mo at hindi ka na bababa pa.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magtiwala ka sa sarili mong kakayahan kahit pa may pagkakataong mas angat sila kesa sa iyo. ‘Wag mong kalilimutan, tiwala sa sarili ang sikreto ng tagumpay at kaligayahan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-15-18-20-39-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang galaw ng karamihan, dapat iyon din ang iyong galaw, pero kapag may nasilip kang oportunidad, sunggaban mo na agad ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-13-28-31-34-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Ikaw na mismo ang mag-isip kung ano ang makabubuti para sa iyo. Bakit iaasa mo sa iba ang pagdedesisyon? Muli, kung ano ang makabubuti, iyon ang isipin mo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-5-11-21-24-37-40.
CANCER (June 21-July 22) - Magpahinga ka at pagkatapos mong magpahinga, dapat magtrabaho ka uli. Hindi puwedeng trabaho ka lang nang trabaho. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-14-19-27-31-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit walang buwan sa langit, ang mga bituin ay magniningning pa rin. Kahit nag-iisa ka, ang iyong kislap ay magpapatuloy pa rin. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-17-20-25-39-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi mahalaga ang nakaraan, pero puwede mo itong balikan kung may mapupulot kang mahahalagang aral sa buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-15-23-29-36-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag sobra, dapat magbawas; kapag kulang, dapat magdagdag. Pag-aralan mo ngayon ang buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-27-34-37-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumalakas ang mahina, at ang mahina ay lumalakas. Lalakas ka ngayon, pero kailangan mong tanggapin na mahina ka rin minsan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-16-26-33-35-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang mabuhay sa walang katapusang pag-aalala at pangamba, dahil puwede kang masingitan ng karuwagan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-12-20-30-38-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magdaratingan na ang mga magagandang bagay sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-14-23-35-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi maganda ang sobrang palakaibigan, dahil dumarami ang nagkakagusto sa iyo at sa huli, ikaw ay malilito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-16-21-29-37-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Yumuko ka. Hindi masama ang yumuko, lalo na kung ang pagyuko ay pagkilala sa mas magaling at mas mahusay kesa sa iyo. Masuwerteng kulay-crystal green. Tips sa lotto-6-18-25-28-33-43.




