top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 13, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 13, 2026 (Biyernes): Katangian mo ang pagiging matapang, at kahit anong problema ang dumating sa iyo, hindi ka matatalo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dapat kang matuwa, dahil ang iyong suwerte ay mauulit na muli. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-15-22-24-31-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - ‘Wag mong pansinin ang mga taong may galit sa iyo, dahil hindi ito makatutulong para sa iyong pag-unlad at baka makasagabal pa ito sa mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-11-18-25-30-43.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Tadhana ang mismong kikilos upang mapabuti ang kinabukasan mo. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-14-23-36-38-42.

 

CANCER (June 21-July 22) - Maging mabait ka sa mga taong nakapaligid sa iyo, dahil langit na ang gagawa ng paraan para sa mga taong gusto kang ipahamak. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-16-20-27-39-44.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Maging wais ka sa mga taong nakatataas sa iyo. Dadating ang araw na lahat ng iyong paghihirap ay magbubunga rin ng magandang kinabukasan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-10-19-24-31-40.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Langit na mismo ang gagawa ng paraan upang matupad ang iyong kahilingan. Kaligtasan ng iba ang lagi mong unahin, sa paraang ito, maraming biyaya at pagpapala mula sa langit ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-2-18-21-29-33-41.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makakaranas ka ng matinding galit. Gayunman, ang pagiging mahinahon at palaisip ay iyong sandata para sa mga taong gusto kang pabagsakin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-15-22-26-37-43.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ang init at lamig ay magkahalo ngayon. Sa ganitong pangyayari,  magbubunga ng maganda ang iyong mga kilos at pagod. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-28-31-34-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakamasid sa iyo ang langit at iniisip na Niya ngayon kung paano paghandaan ang kinabukasan mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-14-25-30-36-40.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka pagdaramutan ng langit. Kaya ‘wag kang matakot makipagsapalaran, dahil ibibigay Niya rin sa iyo ang iyong kagustuhan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-17-23-35-39-41.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Susuwertehin ka ngayon. Kaya lakasan mo rin ang loob mo at ‘wag kang mag-aalinlangan sa mga bagay na gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-19-26-32-37-42.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ang iyong kalakasan ay puwede mo ring maging kahinaan. Pakinggan mo ang mga payo ng taong higit na nakakaalam kung ano ang maganda para sa iyo, sila ang sundin mo! Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-24-33-38-45.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 12, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 12, 2026 (Huwebes): Maging mailap man sa’yo ang suwerte, nakatakda pa rin sa iyo ang pag-upo sa mataas na posisyon sa lipunan.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ituloy mo lang ang iyong mga nasimulan. Kung ika’y magdadalawang-isip at kukupad-kupad, ito’y magiging sanhi ng iyong pagbagsak. Masuwerteng kulay-peach.Tips sa lotto-3-12-29-34-39-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Harapin mo ang iyong pagsubok at ‘wag mo itong tatalikuran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-10-14-23-37-42.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Isa-isahin mo nang tapusin ang dapat tapusin. Hindi makabubuti sa’yo kung pagsasabay-sabayin mo ito. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-8-19-25-38-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Paniwalaan mo lang ang sarili mo. Sabihin mo na lang ang katuwiran mo at gawin mo kung ano ang gusto mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-11-20-22-35-43.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Hinay-hinay lang sa mga planong gusto mong gawin. Hindi magandang may matapakan kang ibang tao, dahil maaaring mawala ang respeto nila sa’yo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-14-28-31-36-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bumubuhos ang malakas na ulan kapag maalinsangan. Ang kailangan mo ngayon ay tanggapin ang iyong pagkakamali, kasabay nito, patawarin mo rin ang mga taong may atraso sa’yo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-13-21-27-32-40.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ituring mong kaibigan ang mga taong nakapaligid sa’yo. Sa ganitong paraan, sila rin ang makakatulong sa’yo sa mga panahong kakailanganin mo ng karamay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-15-23-33-39-42.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bitawan mo ang mga dapat bitawan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-18-24-38-41.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - ‘Wag kang manatili sa iyong nakasanayan, bagkus tularan mo ang halaman na nagpapalit ng mga lumang dahon sa mga panahong kinakailangan. Sa ganitong paraan, ang iyong mga problema ay mapapalitan na ng saya at galak, tulad ng dahong sagana sa bulaklak. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-12-26-29-31-44.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sumunod ka sa taong marunong, dahil lahat ng iyong matututunan ay magsisilbing haligi ng iyong negosyo at pagkakakitaan sa hinaharap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-19-22-25-34-43.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tandaan, ang lahat ng iyong ginagawa ay may kapalit. Tanggapin mo ang katotohanan na rito sa mundo, may mga problemang kalakip ng tagumpay. Gayunman, ‘wag kang mag-alala dahil ang nagdaang problema ay kusa ring aalis. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-14-17-23-36-42.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ang mga nagmamataas ay ibinababa. Mag-ingat ka, dahil ngayon ay marami ng isip-talangka ang pumapaligid at gustong magpabagsak sa’yo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-27-30-35-45.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 11, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 11, 2026 (Miyerkules): Lahat ng gusto mo ay masusunod, tanggihan ka man ng iba, wala pa rin silang magagawa. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ang pagkakaroon ng lakas ng loob ay susi sa iyong suwerte, lalo na ngayong kakambal mo na ang pagwawagi at karangalan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-11-18-20-28-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong sabayan ang galit ng ibang tao. Ang pagiging mapagkumbaba ay magiging lakas mo para maibaba ang mga taong may hindi magandang balak sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-12-23-29-34-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Magpursigi ka at huwag kang makokontento sa mga bagay na meron ka. Magugulat at mamamangha ka, dahil lalapit na sa iyo ang magagandang oportunidad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-17-24-30-38-42.


CANCER (June 21-July 22) - Ang pagiging negatibo ay sanhi ng iyong pagbagsak. Madalas ang tao ay dinadaya ang kanyang sariling paniniwala, kaya kadalasan ang kanyang nasa isip ay madalas kabaliktaran. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-16-21-32-39-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Humahanga sa iyo ang langit dahil sa kabaitang ipinapakita mo sa taong may galit sayo. Dahil dito, bibiyayaan ka ng nasa Itaas at patuloy ang pagdating ng suwerte sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-13-19-27-36-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ang araw na ito ay ginawa para sa iyo. Anuman ang isipin at hilingin mo sa langit, tiyak na ipagkakaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-green.  Tips sa lotto-9-14-20-28-33-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Minsan, ang langit ay hindi pabor sa buhay mo. Matagal nang nakatakda ang mangyayari, sa ayaw at sa gusto mo, mangyayari pa rin ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-24-26-36-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ang maliliit na problema ay may kapalit na kaligayahan. Kaya ‘wag mong kalimutang magpasalamat sa Itaas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-15-22-31-38-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tuluy-tuloy ang agos ng suwerte sa buhay mo. Gayunpaman, ang pagiging makasarili ay magdadala sa iyo sa kapahamakan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-17-29-35-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lahat ng mga paghihirap na iyong dinaranas ay may kapalit ding biyaya. Habang namomroblema ka, mas madaming suwerte ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-14-25-32-37.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ang suwerte mo ay matagal nang itinakda. Sa kabila nito, hindi mawawala ang mga taong gusto kang mapahamak at mabigo sa buhay, pero ‘wag kang mag-alala, dahil sa kanila iyon mangyayari. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-13-20-28-34-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli kang bibiruin ng tadhana. Aakalahin mong minamalas ka, pero ang bawat malas na ito ay may kaakibat na suwerte para sa iyong pag-unlad. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-16-28-33-39-42.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page