top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M
Search

ni Maeng Santos @News | August 19, 2026



Parking attendant, huli sa aktong nagsa-shabu 

Photo: File



Bulagta ang 35-anyos na kelot nang ratratin ng hindi pa kilalang mga suspek sa harap ng isang tindahan sa Malabon City, Lunes ng gabi.


Dead-on-the-spot si Kenneth Alapide, ng Brgy. Catmon habang nagsitakas naman ang mga salarin.


Sa ulat ni Malabon police chief P/Col. Kenneth Mission kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, nangyari ang pamamaslang alas-10:30 ng gabi sa harap ng isang tindahan sa Block 1, NASACA, Sitio 6.


Sa pahayag sa pulisya ng may-ari ng tindahan na si alyas Emerson, umupo sa harapan ng kanyang tindahan ang biktima upang doon manigarilyo habang pumasok naman siya sa loob ng bahay para magpahinga.


Makalipas ang ilang sandali ay nakarinig na siya ng sunud-sunod na putok ng baril.

Ayon kina P/MSg. Ernie Baroy at P/MSg. Diego Ngippol, patuloy ang kanilang imbestigasyon para madakip ang mga salarin.

 
 

ni Maeng Santos @News | August 13, 2026



Parking attendant, huli sa aktong nagsa-shabu 

Photo: File



Kulong ang isang parking attendant nang maaktuhan umanong nagsa-shabu sa Valenzuela City, Martes ng hapon.


Ayon kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si "Russel," 43, ng Brgy. Malanday.


Sa ulat ni Col. Talento kay NPD Acting Director P/BGen. Benliner Capili, nakatanggap ng tawag sa telepono ang Police Sub-Station 6 at ipinaalam sa kanila ng tumawag na madalas umanong may nagaganap na pot session sa isang makeshift shelter sa MacArthur Highway, Brgy. Malanday.


Agad namang nagsagawa ng validation ang mga tauhan ng SS6 sa nasabing lugar at naaktuhan umano nila ang suspek na nagsa-shabu sa loob ng nasabing shelter alas-5:15 ng hapon na dahilan ng kanyang pagkakaaresto.


Nakuha sa suspek ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng umano'y shabu at ilang drug paraphernalia.


 
 

ni Maeng Santos @News | August 12, 2026



Bodega ng ukay-ukay nilooban, 3 tiklo

Photo: File



Arestado ang tatlong kawatan na sinamantala ang malakas na ulan para pasukin at looban ang isang bodega sa Malabon City.


Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission ang mga suspek na sina alyas Jr Topeng, 24; Boni, 26, at Johan, 24, pawang residente ng Brgy. Tonsuya.


Sa imbestigasyon nina P/MSg. Ernie Baroy at P/MSg. Diego Ngippol, nakapasok sa bodega na nasa P. Aquino Avenue, Brgy. Longos ang mga kawatan nang wasakin ang bahagi ng pader na tinakpan lang ng yero bago lumabas, tangay ang mga ninakaw.


Nagkataon namang gising pa ang testigong si alyas Ric, 41, na nakatira sa tabi ng bodega na agad tumawag sa Malabon Police Sub-Station-5 nang masaksihan ang panloloob na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.


Nabawi sa kanila ang dalawang sako ng hanger na nagkakahalaga ng P16,000 at isang sako ng ukay-ukay na mga damit na nagkakahalaga ng P3,000.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page