top of page
Search

ni Madel Moratillo @News | Feb. 25, 2025



Photo File: Comelec


Nasa 60% na ng mga balotang gagamitin para sa May 12 National and Local Elections ang naimprenta na. 


Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nasa 44 milyong balota na ang naimprenta sa National Printing Office. 


Bumilis na rin naman aniya ang beripikasyon ng mga balota dahil may extension na sila sa Amoranto Stadium. 


Target ng Comelec na matapos lahat ng ito hanggang sa Abril 14 para masimulan naman ang deployment ng balota. 


Nasa 1.5 milyon hanggang 1.7M balota kada araw ang naiimprenta na ngayon gamit ang mga makina ng NPO at ng Miru.

 
 

ni Madel Moratillo @News | Feb. 25, 2025



Photo File: Comelec


Bumuo ng Task Force Respeto ang Commission on Elections (Comelec) bilang bahagi ng kanilang gagawing regulasyon sa mga pre-election survey. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nais nilang gawing patas ang playing field sa mga kandidato, mayaman man ito o mahirap. 


Sa Huwebes, makikipagpulong ang Task Force sa opisyal ng mga survey firm. Una rito, sa inilabas na resolusyon ng Comelec, inaatasan ang mga survey firm na magparehistro sa poll body. 


Sabi ng Comelec, ang mga nagparehistro lang sa kanilang Political Finance and Affairs Department ang puwedeng magsagawa at magpakalat ng election survey habang umiiral ang election period. 


Para naman sa mga kumpanya na nagsasagawa na ng survey bago ang inilabas na resolusyon ng Comelec, binigyan sila ng 15 araw para magparehistro. Babala ng poll body, ang mabibigong sumunod dito ay puwedeng masuspinde, mapagmulta o maharap sa election offense.

 
 

ni Madel Moratillo @News | Feb. 19, 2025



Rep. Robert Ace Barbers - FB Kamara - FP

Photo File: Rep. Robert Ace Barbers - FB Kamara - FP


Pinag-aaralan ng Kamara ang posibilidad na pakuhanin na rin ng prangkisa ang mga social media platforms sa Kongreso.


Ito ang sinabi ni Surigao del Norte Second District Rep. Robert Ace Barbers sa pagdinig ng House Tri-Committee sa gitna ng pagkalat ng fake news, disinformation at misinformation online.


Paliwanag ni Barbers sa pamamagitan nito ay mare-regulate ang mga social media.

“Because we want to make sure that it’s not just the platforms who make money, but also the Philippine government. That’s one. Number two, if you are under the franchise of this government… you will be subject to the regulations, and then the rules that will be enforced under this law,” pahayag ni Barbers sa pagdinig.


Tiniyak naman niya at ni House Committee on Public Order and Safety vice chairperson at Antipolo Second District Rep. Romeo Acop na hindi nito layuning sagkaan ang freedom of expression o speech.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page