top of page
Search

ni Jeff Tumbado / Madel Moratillo / Mai Ancheta @News | July 28, 2023




Umabot sa 21 pasahero ang nasawi habang 30 naman ang nailigtas sa paglubog ng bangka sa Talim Island, Barangay Kalinawan, Binangonan sa Rizal, kahapon.


Sa panayam kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, 51 ang kabuuang bilang ng mga sakay sa MBCA Princess Aya.


Bandang ala-1 ng hapon, hinampas umano ng malakas na hangin ang 45-metrong bangka kaya’t nataranta ang mga pasahero at nagpuntahan sa kaliwang bahagi ng sasakyan kaya’t nawalan ng balanse at lumubog.


Ayon pa kay Balilo, binigyan ng clearance na maglayag ang bangka dahil walang sama ng panahon sa area.


Patuloy pa umano ang imbestigasyon sa insidente.



 
 

ni Madel Moratillo @News | July 27, 2023




Tumaas ang presyo ng ilang school supplies, isang buwan bago magbukas ang klase.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo, nasa piso hanggang onse pesos ang itinaas ng presyo ng ilang school supplies. Dahil na rin ito sa pagtaas ng halaga ng raw materials.


Kaya para makatipid, payo ng DTI sa mga magulang, bumili ng bundle at ang mga gamit na pwede pa naman ay gamitin ulit.


Kahapon, binisita ng opisyal ang ilang establishments sa Marikina para matiyak na sumusunod sila sa suggested retail prices para sa school supplies.


Sa bagong SRP ng DTI, ang mga 80 leaves na composition notebook ay pwedeng ibenta mula P23 hanggang P52, depende sa brand.


Sa ballpen naman, P9.25 hanggang P19 habang para sa lapis ay P11 hanggang P17.



 
 

ni Madel Moratillo @News | July 25, 2023




Hindi puwedeng parusahan ang mga empleyadong hindi makakapasok sa trabaho dahil sa masamang panahon.


Ito ang nakasaad sa abiso ng Department of Labor and Employment kasunod ng banta ng Bagyong Egay na may posibilidad pang maging isang super typhoon.


Ayon sa DOLE, mabigat na kadahilanan ang masamang panahon sa hindi pagpasok sa trabaho lalo na kung malakas ang buhos ng ulan kaya hindi sila dapat patawan ng administrative sanction.


Ayon kay Labor Sec. Bienvenido Laguesma, puwedeng i-excuse sa trabaho ang empleyado na hindi papasok dahil sa bagyo.


Pero salig sa Labor Advisory ng DOLE, kung hindi papasok ang empleyado dahil sa masamang panahon hindi siya makakatanggap ng bayad o suweldo sa araw na iyon malibang may company policy o collective bargaining agreement.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page