top of page
Search

ni Madel Moratillo @News | August 29, 2023





Pinaalalahanan ni Commission on Election (Comelec) Chairman George Garcia ang mga maghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections na hindi pa maaaring mangampanya.


“Basta lahat po ng mag-file ng certificate of candidacy simula bukas hanggang September 2, kayo po ay considered nang kandidato. Bawal ang premature campaigning. Lahat ng mga materials na mayroon kayo, kailangang tanggalin. Bawal maglagay ng kahit anong materials, kahit walang nakalagay na 'vote for'. Kinakailangan na nasa social media post, kailangan tanggalin lahat,” ani Garcia sa isang panayam.


Dagdag pa ni Garcia, lahat ng magsusumite ng COC ay maaari nang masampahan ng reklamong premature campaigning at disqualification.


“Kaya po kayo ay kandidato na, puwede po kayong ma-file-an ng kasong kriminal na premature campaigning at disqualification kung kayo ay mangangampanya na pagkatapos mag-file ng certificate of candidacy,” ani Garcia.


Nagsimula nang tumanggap ng COC ang Comelec kahapon, Agosto 28 na tatagal hanggang Setyembre 2.


Magsisimula naman ang campaign period sa Oktubre 19 hanggang 28.



 
 

ni Madel Moratillo @News | August 29, 2023




Kasabay ng pagsisimula ng checkpoint para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), pinaalalahanan ang mga pulis na irespeto ang mga motorista kung ayaw nilang magpakapkap o magpabukas ng box ng motor.


Paalala ni PNP chief information officer Police Brigadier General Red Maranan, ang pagkapkap ay hindi kasama sa plain view doctrine na dapat pairalin sa checkpoint.


Ang pagkapkap, pagbukas ng glove compartment o box ng motor ay puwede lang kung may consent ng may-ari. Pero kung tumakbo sa checkpoint, puwede itong habulin ng mobile car ng PNP. Puwede lang aniya ang warning shot kung malalagay sa panganib ang publiko.



 
 

ni Madel Moratillo @News | August 27, 2023




Balik na ulit sa normal ang operasyon ng LRT Line 1 na biyaheng Baclaran (Parañaque)-Fernando Poe Jr. Station (Quezon City) vice versa.


Sa isang advisory, sinabi ng Light Rail Manila Corporation na nakumpleto na ang track inspection kasama na ang operational test at safety clearance.


Ayon sa LRMC, walang pagbabago sa regular na service schedule ng tren sa kanilang last trip.


Ang huling biyahe ng tren mula sa Baclaran station ay alas-9:30 ng gabi, habang sa Fernando Poe Jr. Station ay alas-9:45 ng gabi.


Matatandaang noong Agosto 20, nagkaroon ng limitado at half day operations ang LRT 1 dahil sa system upgrade. Nagpasalamat naman ang pamunuan ng LRMC sa pang-unawa ng kanilang mga mananakay.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page