top of page
Search

ni Lolet Abania | Pebrero 2, 2023



Idineklara na bilang malaria-free ang Oriental Mindoro, ayon sa Department of Health ngayong Huwebes.


“We wish to congratulate all of you for this milestone, but our work does not end here, as the gains achieved by the province must be maintained to prevent re-establishment of transmission through several strategies,” ani DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa isang statement.


Sinabi ng DOH na nakumpleto ng lalawigan ang mga kailangang requirements na nakasaad sa Department Circular No. 2021-0249, na nagbibigay ng guidelines para sa pagdedeklara ng mga probinsya bilang malaria-free.


Gayundin anang ahensiya, ang naturang deklarasyon sa lugar ay inirekomenda ng National Malaria Elimination and Control Technical Working Group.


Ayon sa World Health Organization (WHO), “Malaria is a life-threatening disease caused by parasites that are transmitted to people through the bites of infected female Anopheles mosquitoes.”


Batay sa WHO, noong 2021, may tinatayang 247 milyong kaso ng malaria na naitala sa buong mundo. Habang ang tinatayang bilang naman ng malaria deaths ng 619,000 ng nasabing taon.


 
 

ni Lolet Abania | Pebrero 2, 2023



Nakapag-usap na sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at United States Defense Secretary Lloyd Austin III.


Nabatid na nag-courtesy call ang American official kay Pangulong Marcos kasama ang iba pang mga opisyal ngayong Huwebes ng umaga.


Si Austin ay dumating sa bansa noong Martes ng gabi habang binisita naman niya ang local troops sa Zamboanga City nitong Miyerkules.


Bago pa ang kanyang meeting kay P-BBM, nakipagkita si Austin kina National Security Adviser Eduardo Año at Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.


Matapos ang pag-uusap nila ng Pangulo, nagkaroon din ng meeting si Austin sa kanyang Filipino counterpart na si Defense Secretary Carlito Galvez Jr.


Samantala, ilan sa mga usapin na inaasahang tatalakayin sa pag-uusap nina Austin at Galvez, at iba pang Defense officials ay ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), ang kasunduan sa pagitan ng US at ng Pilipinas na pinagtibay noong 2014, na naglaan para sa karagdagang rotational presence ng mga tropang Amerikano sa bansa.

 
 

ni Lolet Abania | Pebrero 1, 2023



Sisimulan na ang implementasyon ng single ticketing system sa National Capital Region (NCR) sa Abril, ayon kay Metro Manila Council (MMC) head at San Juan City Mayor Francis Zamora.


“Within April, realistic ‘yan. Like what I've mentioned earlier, after today, it has been approved already. Aandar na ‘yung proseso natin,” ani Zamora sa press briefing ngayong Miyerkules matapos ang meeting ng MMC.


Sinabi ni Zamora na inaprubahan na rin ng MMC ang Metro Manila Traffic Code na gagamitin para sa single ticketing system sa NCR.


Ayon sa opisyal, inamyendahan ng mga concerned LGUs ang kani-kanyang mga ordinansa kaugnay sa ipinatutupad na mga traffic policies bago mag-Marso 15.


Magsisilbing guideline sa nasabing system, ang Metro Manila Traffic Code of 2023, kabilang dito ang 20 pinakakaraniwang traffic violation penalties na ipapatupad nang pare-pareho sa NCR. Ito ay ang mga sumusunod:


• Disregarding traffic signs

• Illegal parking (attended and unattended)

• Number coding UVVRP

• Truck ban

• Light truck ban

• Reckless Driving

• Unregistered motor vehicle

• Driving without license

• Tricycle ban

• Obstruction

• Dress code for motorcycle

• Overloading

• Defective motorcycle accessories

• Unauthorized modification

• Arrogance/Discourteous conduct (driver)

• Loading and Unloading in Prohibited Zones

• Illegal counterflow

• Overspeeding

• Special laws:

• Seat Belts Use Act of 1999

• Child Safety in Motor Vehicles Act

• Mandatory Use of Motorcycle Helmet Act

• Children's Safety on Motorcycle Act

• Anti-Distracted Driving Act

• Anti-Drunk and Drugged Driving Act


Patungkol sa listahan ng mga itinakdang multa para sa mga violations, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na subject pa rin ang mga ito para sa amendment.


Layon ng single ticketing system na magkaroon ng isang uniform policy hinggil sa mga traffic violations at penalty system sa Metro Manila.


Sakop nito ang mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon, Marikina, Pasig, Taguig, Makati, Manila, Mandaluyong, San Juan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, at Pateros.


Ayon kay MMDA chairman Romando Artes, ang MMDA ang sasagot ng mga expenses para sa equipment na kakailanganin para sa bagong system.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page