top of page
Search

by Info @Brand Zone | Jan. 21, 2025



The EB Pillow Pop Multipot



Ever Bilena introduces its newest makeup must-have, the Pillow Pop Multipot! An innovation inspired by the fun and comfort of a sleepover with your besties, this all-in-one cream blush is your BFF for effortless, playful beauty. Designed to give your eyes, cheeks, and lips a soft, natural glow, the Pillow Pop Multipot will have you blending, bouncing, and glowing like never before.

 

A Fun, Fluffy Formula You’ll Love

 

The Pillow Pop Multipot is like resting your skin on a cloud. Its bouncy, creamy texture glides on smoothly and melts into your skin, leaving behind a fresh flush of color. It’s there for everything you need—working as a blush, contour, bronzer, and even an eyeshadow!

 

Pillow-Perfect Shades for Every Mood

Whether you want a sparkly glow, a rosy flush, or a neutral touch, the Pillow Pop Multipot comes in colors for every vibe. All you have to do is choose your pillow (shade!)

 

Ranging from shimmery hues that come in the shades Glitzy Gold (funky gold) and Glitzy Champagne (frosted champagne), to rosies such as Dreamy Sakura (nudish pink), Dreamy Dahlia (rosy almond), Dreamy Rose (reddish pink), and Dreamy Coral (toasted coral), to berries like Dreamy Punch (deep berry), and neutrals to accentuate your face shape, Toasted Pecan (cool brown) and Toasted Oak (deep neutral brown).

 

Priced at just Php 295, the EB Pillow Pop Multipot is available on Ever Bilena’s official Shopee, TikTok, and Lazada flagship stores. You can also find it in Watsons and leading department stores nationwide.

 

No more complicated routines, and 100% yes to versatile, fun beauty—because with the EB Pillow Pop Multipot, your makeup bag just got its new BFF!


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 19, 2025



Photo: Jinkee Pacquiao - YT Dyan Castillejo


Manghang-mangha ang ABS-CBN sports anchor na si Dyan Castillejo sa mansion ni Manny Pacquiao sa General Santos City habang itinu-tour ng misis ng boxing legend na si Jinkee Pacquiao.  


Tulad ng mansion ng ibang bilyonaryo na naipakita na sa socmed (social media), gaya ng negosyanteng si Alice Bernardo, may sariling salon, sinehan at opisina ang bahay ng mga Pacquiao.  


Ang naiba lang ay ang mahabang exhibit tunnel, multi-level pool, at high-ceiling living room sa Pacquiao mansion.  


Ang mahabang exhibit tunnel ay naglalaman ng mga memorabilia, championship belts, at trophies na nakuha ni Manny during his luminous boxing career.  


Isa sa mga talagang na-amazed si Dyan sa mansion ni Manny ay ang exhibit tunnel.


Never pa raw nakakita ng ganoon kagandang mansion si Dyan.  


Kung ‘di kami nagkakamali, si Dyan ang nag-alok kay Manny ng bahay nito sa Forbes Park na balitang ibinebenta na ng boxing champ, o maaaring naibenta na by this time sa halagang P1B.  


Wala naman sigurong planong ibenta ng mga Pacquiao ang mansion nila sa GenSan kaya ipinakita nila kay Dyan para sa ABS-CBN News. 



Balik-socmed, cheating nila ni Anthony, ‘di pa rin makalimutan… MARIS, TINAWAG NA “P*KPOK” NG NETIZEN




Nakakalokah, may netizen na tumawag na “p*kpok” kay Maris Racal sa X (dating Twitter). 


Tila ‘di pa rin naka-move on ang mga bashers ni Maris pagkatapos ng cheating scandal nila ni Anthony Jennings last year.  


Makikita ang comment ng mga netizens kung saan may isang tinawag na p*kpok si Maris sa isang post niya sa X.  


Ipinost ni Maris ang kanyang larawan habang may akap-akap na piktyur na may

malaking letra ng bago niyang kanta na Perpektong Tao (PT). 


Ito ang kauna-unahang post sa socmed (social media) ni Maris pagkatapos ng malaking kontrobersiya sa kanila ni Anthony.  


Caption dito ni Maris: “Writing this song healed me in ways I never thought possible. Perpektong Tao drops tomorrow.”


Ini-repost ito ng isang netizen at nilagyan ng caption na ganito: “She said sorry and moved on. A lot of you all are mad because she’s talented, gorgeous, and skinny.”

Comment naman ng ibang mga netizens…


“P*kpok pa rin.”


“Hindi na mabubura sa isip ng tao ang kap*kpokan n’yang taglay sa katawan.”  


“I like Maris since PBB days pero I cannot talaga, lalo na’t nasira ang pamilya ko dahil sa mga kabit na ‘yan. Kahit na alam na may pamilya na, go pa rin, amp.”


“Cheating is cheating (broken heart emoji)?”

Ganern?!


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Jan. 17, 2025





Kinumpirma ni Shaira Diaz sa naging panayam sa kanya ng King of Talk na si Boy Abunda nu’ng Miyerkules (Enero 15) sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) na sa isang simbahan sa Silang, Cavite sila ikakasal ni Edgar Allan “EA” Guzman sa darating na Agosto 25.  


Sa nasabing episode, nasa studio si Shaira kasama si Ruru Madrid para mag-promote ng Lolong: Bayani ng Bayan (LBNB), ang kanilang action-drama series na mapapanood sa GMA-7.


Bilang bahagi ng panayam, nabanggit ni Shaira na sa South Korea niya bibilhin ang wedding gown na gagamitin sa mahalagang araw ng kanilang buhay ni EA.  


“Sobrang love ko ‘yung Korea, ‘yung culture nila. Mahilig ako sa K-drama, sa K-pop, kay Jungkook [ng BTS], so parang gusto kong lagyan ng very personal sa ‘kin,” kuwento ng aktres.  


Sa naturang panayam, sinabi ni Shaira na isang intimate wedding ang magaganap at kinumpirma niyang si Boy Abunda ang magiging ninong sa kasal nila ni EA.  


Ikinatuwa rin ni Shaira ang pagpapaubaya sa kanya ni EA sa mga paghahanda para sa nalalapit nilang kasal, pati na ang pagpili sa mga invited guests. 


Aniya, mahalaga na ang mga taong malapit sa kanilang puso, na saksi sa simula ng kanilang pagmamahalan, ay naroroon.  


“Nakakatuwa kasi hinahayaan lang n’ya ako. Kung may idea ako na gusto kong makita sa wedding namin, isine-send ko sa kanya, ipinapakita ko, at nagye-‘yes’ lang s’ya.  


“Kasi, sabi n’ya nga, ‘‘Yung kasal ay para talaga sa bride.’  


“Parang iyon ang day ng bride, so ibinibigay po n’ya sa ‘kin ‘yun. Walang away, walang pressure, walang stress,” ani Shaira.  


After mag-box-office… HLA NINA KATHRYN AT ALDEN, IPAPALABAS NA SA NETFLIX 




Maraming fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang nagbubunyi dahil ang all-time box-office hit ng taon na Hello, Love, Again (HLA) ay mapapanood na sa Netflix simula Pebrero 13, 2025, bisperas ng Valentine’s Day!  


Matatandaang halos buong bansa ang dumagsa sa mga sinehan para sa nasabing KathDen movie simula noong Nobyembre 13, 2024. Sabik ang mga netizens sa istorya at pagpapatuloy ng love story nina Joy (Kathryn Bernardo) at Ethan (Alden Richards), na kinunan on-location sa Canada.  


Kaya’t magandang regalo ito sa mga solid KathDen fans. 


Sa mga hindi pa nakakapanood ng pelikula, maaari nang ulit-ulitin ang panonood ng HLA sa Netflix.  


May iba pang gawang Pinoy na malapit nang mag-stream sa Netflix tulad ng pelikulang Friendly Fire (FF) na pinagbibidahan nina Loisa Andalio, Coleen Garcia, Yves Flores at Harvey Bautista, sa direksiyon ni Mikhail Red na mapapanood na sa Enero 23, 2025.  


Samantala, sa Enero 17, Biyernes, ay streaming na rin sa Netflix ang Kapamilya series na Incognito, kung saan isa sa 7 bida ay ang ex ni Kathryn Bernardo na si Daniel Padilla.  

 
 
RECOMMENDED
bottom of page