top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | May 19, 2025



Photo: Enzo at Edu Manzano - IG


Nabigo man si Luis Manzano sa unang attempt niya ng pagpasok sa pulitika, nakabawi naman si Edu Manzano sa isa pa niyang anak na si Enzo Manzano.


Proud na idinispley ni Edu sa kanyang Facebook (FB) account ang mga pictures nila ni Enzo pagkatapos gumradweyt ang anak sa New York University (NYU) last Friday, May 16.


Bukod sa mga larawan, ipinost din ni Edu ang content ng kanyang personal letter kay Enzo.


Caption ni Edu, “Yesterday, May 16, 2025 was an amazing day for our family. Enzo graduated w/ a Masters Degree in Public Administration from New York University (NYU).


“This is my letter to him. Dear Zo, (clapping hands emoji) on achieving this incredible milestone! Your hard work, dedication, and determination have paid off, and we couldn’t be prouder of you. Completing your master’s degree is a significant achievement, and it’s a testament to your passion and perseverance.


“We have watched you tackle every challenge with grace and resilience, and we've seen you grow into the remarkable person you are today. As you move on to your next adventure, know that we are here to support you and cheer you on every step of the way.


“May this achievement be just the beginning of a future filled with success and happiness. We are very proud of you.”


Ang kursong Public Administration ay nalilinya rin sa pagpapatakbo sa gobyerno. Kaya malamang, sooner or later ay papasukin din ni Enzo ang pulitika.



DAY 2 na ng BINI sa Dubai kahapon. They spent their free time sa pamilili ng gold jewelries. Most of them, bumili para sa kani-kanilang family.


Sa unang araw pa lang ng BINI sa Dubai ay sobrang exciting na. Kasi, na-meet nila nang personal ang world-renowned Filipino designer na si Michael Cinco. 

Siyempre, sobrang kilig ng BINI when they met the famous designer sa mismong bahay nito.


Say ng BINI sa pangunguna ni Jhoanna nu’ng ma-meet nila si Cinco, “Thank you for making us extra beautiful.” 


Ipinost nila sa kani-kanilang socmed account ang video ng pakikipag-meet nila kay Cinco sa Dubai. 


Caption sa IG post ng video ng BINI, “Want more? Here's to complete BINI’s Day 1 in Dubai! From finally meeting Michael Cinco, visiting Time Out Dubai, and a cozy welcome dinner at Kooya!”


Ang KOOYA ay isang Pinoy resto sa Dubai.


Ang pakikipagkita ng BINI kay Cinco sa Dubai ay bahagi ng itinerary nila para sa first BINIverse World Tour stop kahapon, Sunday (May 18) at the Coca-Cola Arena.

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 14, 2025





Ikinasal na ang former Star Magic star na si Kristel Fulgar sa Korean boyfriend nitong si Ha Su-hyuk sa South Korea last Saturday (May 10, 2025).


Sa larawang kuha sa newlyweds na in-upload via Instagram (IG), makikita sina Kristel and Su-hyuk na looking radiant in their wedding attire.


Nakilala ni Kristel si Su-hyuk through a mutual friend based in South Korea. 

Kuwento ni Kristel, “Meron akong friend sa Korea na ipinakilala sa akin si Su-hyuk. Matagal na siya dito sa Korea nakatira at kilala niya si Su-hyuk na mabait.


“And that friend, kilalang-kilala rin ako, alam n’ya rin ‘yung personality ko, and alam n’ya rin kung ano ang gusto ko sa guy.


“And so, s’ya ‘yung nagpakilala sa aming dalawa. And then ‘yung una pa lang naming pagkakakilala, para talagang super magical. Hindi ko ma-explain.


“Swak kami sa values, pareho kaming very respectful, pareho kaming conservative. ‘Yung approach n’ya sa dating, very classic and ‘yun din talaga ang gusto ko sa guy,” masaya niyang pagkukuwento.


Aniya pa, perfect ang timing ng kanilang pagkakakilala, noong panahong si Kristel ay praying to find the right person, ready na ito sa relationship.


Kristel knew Su-hyuk was the one when he chose to convert to Iglesia ni Cristo (INC), embracing her faith and beliefs.


“Du’n ko talaga na-realize na God-sent s’ya para sa ‘kin,” ani Kristel.


Padir ni Daniel… ROMMEL, TALUNAN BILANG MAYOR SA NUEVA ECIJA


BASE sa official and unofficial results nitong nakaraang midterm elections, may ilang celebrities na hindi pinalad sa kanilang pagtakbo ngayong halalan. May wagi rin namang mga artista.


Kabilang sa mga celebrities na nanalo sa katatapos lamang na midterm elections na ginanap nitong May 12, 2025 ay ang former beauty queen na si Leren Bautista, na kasintahan ng basketball player na si Ricci Rivero. Nahalal siya bilang konsehal ng lone district ng Los Baños, Laguna sa pangalawang pagkakataon.


Ang dating Star Magic Circle star na si Niña Jose-Quiambao ay nanalo ring mayor ng Bayambang, Pangasinan, sa kanyang ikalawang termino.


Ang anak ni Alma Moreno kay Joey Marquez na si Yeoj ay nahalal na konsehal ng unang distrito ng Parañaque City.


Nanalo rin bilang board member ng second provincial district ng Laguna si Tutti Caringal ng 6CycleMind.


Muling nagwagi bilang mayor ng Pandi, Bulacan si Enrico Roque, ang producer ng CineKo Productions.


Sa kasamaang palad, natalo ang actor na si Dan Fernandez sa kanyang gubernatorial bid sa probinsiya ng Laguna, kalaban ang dating ABS-CBN News anchor na si Sol Aragones.


Hindi rin pinalad na manalo ang kanyang anak, ang aktor na si Danzel Fernandez, na tumakbong cong. ng lone district ng Sta. Rosa, Laguna.


Hindi natupad ang pangarap ni Lito Camo na paglingkuran ang kanyang mga kababayan sa Bongabong, Oriental Mindoro dahil hindi siya nanalong alkalde ng kanilang bayan.


Hindi rin nagwagi si Rommel Padilla, ang ama ni Daniel Padilla, na kumandidatong mayor ng Cuyapo, Nueva Ecija.


Tulad ng kanyang kapatid na si Anjo Yllana na tumakbong vice-mayor ng Calamba City, Laguna, hindi pinalad si Paulie Yllana na maging konsehal ng lone district ng naturang siyudad.


Malungkot din ang kinahinatnan ng pagtakbo ni Bobby Yan, ang kuya ng pumanaw na aktor na si Rico Yan, dahil hindi siya nagwaging konsehal sa lone district ng City of Cabuyao, Laguna.


 
 

ni Lucille Galon @Special | May 11, 2025





Ibinulgar ng aktres-comedienne na si Kiray Celis ang sagot sa matagal nang tanong ng marami kung bakit inabot ng ilang taon bago siya inalok ng kasal ng longtime partner niyang si Stephan Estopia. 


Ito ay mapapanood sa interbyu ni Julius Babao para sa YouTube (YT) vlog.


“Isa talaga sa mga dahilan kung bakit natagalan si Stephan mag-propose, kasi sinabi ko sa kanya, ang minimum na singsing na tatanggapin ko, P1 million,” sey ni Kiray.

Hindi lang daw luho ang hinihingi niyang halaga—may malalim daw itong dahilan. 


Ayon kay Kiray, “‘Pag nagyaya ka magpakasal, dapat prepared ka. Kasi kung sakaling mangailangan kami, puwede naming ibenta 'yung singsing. Hindi naman sa gusto kong ibenta, pero in case of emergency, parang insurance kumbaga.”


Bilang breadwinner ng kanyang pamilya, inamin ng aktres na isa sa mga nagmulat sa kanya ay isang personal na problema. 


Kuwento niya, “Nu’ng mawala ‘yung sister-in-law ko 2 years ago, du’n ko talaga na-realize ang bigat ng responsibilidad. Kakabili ko lang ng sasakyan nu'n, tapos ang mahal pala ng lupa at kabaong. Dapat talaga, handa ka sa lahat.”


Well, para sa kaalaman ng mga Marites, engaged na nga sina Kiray at Stephan, at handa na rin silang ikasal ngayong taon sa Maynila. 


Ayon kay Kiray, nais niyang panatilihing personal o pribado ang selebrasyon.

Aniya, “Tinatanong ako ng wedding coordinator ko kung gusto ko ba ng star-studded na kasal. Siyempre, trending ka 'pag ganu'n. Pero mas pinili ko na lang na mga ka-close lang talaga namin ang imbitado—‘yung mga taong mahal namin at kilala kami.”


Na-finalize na rin daw niya ang listahan ng mga ninong, ninang at bridesmaids. 

Sey niya, “Inuna ko pa nga ‘yun kaysa sa iba, kasi gusto ko sure na 'yung mga taong importante sa amin, nandu'n.”


At ang engagement ring? Ayon kay Kiray, 3-carat diamond ang ibinigay sa kanya ni Stephan na pasok sa kanyang requirement.

Bongga! Congratulations, Kiray!



NAG-TRENDING sa socmed (social media) ang komento ng aktres na si Alexa Ilacad sa pagpapapayat ni Mika Dela Cruz na makikita sa Instagram (IG). 


Proud kasing ibinulgar ng aktres na si Mika sa kanyang socmed ang weight loss journey niya—mula sa 63 kilos, bumaba ito sa 48 kilos. 


Grabe, total transformation talaga dahil malaki ang ipinayat niya na pinagkaguluhan din ng mga Marites.


Naging usap-usapan ito dahil ex-girlfriend ni Nash Aguas si Alexa. Si Nash ay mister na ngayon ni Mika. Nagpakasal sila last year.


Ito ang sey ni Alexa kay Mika, “SLAYYY!!! Great job!!”


Reply ni Mika, “Salamat, Alexa. Huhuhu! Proud of our journeys!”


True the fire nga, dahil mismong si Alexa na ang nag-confirm na nagkaayos na sila ni

Mika, matapos ang matagal na panahon ng hindi pagkikibuan.


Noong 2024 kasi, napansin ng mga fans na pina-follow na nila ang isa’t isa sa Instagram (IG). Instant kilig para sa kanilang supporters, na umaasang magbabalik ang pagkakaibigan nila.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page