top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 7, 2025



Photo: Marjorie Barretto - IG



Mapapa-sana all ka na lang talaga kapag nakita mo ang post ng aktres at celebrity mom na si Marjorie Barretto.


Sa social media post ng mother dearest ni Julia Barretto ay nagbahagi siya ng larawan niya na may katabing brand new car na regalo lang naman ng kanyang anak na si Julia.

Saad ni Marjorie sa post niya ay “Today is a happy day. Thank you dearest Julia for this gift and all the love you shower me with. God bless you more. I love you.”


Halata sa magandang mukha ni Marjorie na ang saya-saya niya sa natanggap na gift galing sa kanyang loving daughter. Masaya rin ang mga kaibigan ni Marjorie para sa kanya. 


Sabi nga ni Mariel Rodriguez-Padilla sa post ni Marjorie ay “You deserve it all, Mommy Marj! I am so happy for you!!!! God bless you more, Julia!!!!”


Sabi naman ng beauty queen at aktres na si Ruffa Gutierrez, “We love you @juliabarretto. Wowww!!! Love it!! Enjoyyyy.”


Pak na pak ka d’yan, Julia! Ang bongga ng pagpapasaya mo sa mother dearest mo.

‘Yun lang and I thank you.



“PARE, pa-kiss nga,” ito na lang ang nasabi ng Kapuso actor at TV host na si Dingdong Dantes sa Instagram (IG) post ng kanyang asawa na si Marian Rivera.  


Makikita sa larawan ang kakaibang hitsura ni Marian na mukhang lalaki, ganunpaman, litaw pa rin ang ganda ng Kapuso actress.


Sabi ni Marian sa post niya, “Channeling my inner boyish charm on this cover! Who says you can’t mix genres and vibes?”


Marami sa mga netizens ang napabilib sa ganda ni Marian at isa na nga rito si QC 5th District Councilor Aiko Melendez. 


Sabi nga ni Aiko sa post ni Marian, “Tapos na, uwian na, grabe, so beautiful.”

Well, ikaw na ang nagwagi, Dingdong, napapayag mo si the beautiful Marian na halikan siya. 



INIHAHANDOG ng Viva Films at Evolve Studios ang Posthouse, isang psychological horror film na kauna-unahang full-length directorial project ni Nikolas Red sa pakikipagtulungan ng kanyang kapatid na si Mikhail Red na direktor ng Deleter at Lilim bilang creative producer. 


Tampok sina Sid Lucero at Bea Binene, ang kuwentong ito ay tungkol sa isang lumang pelikula na magiging mitsa para mapalaya ang isang mapanganib na puwersang matagal nang nakakabit sa isang madilim na nakaraan.

Sa preskon ng Posthouse ay natanong si Bea Binene kung ano ang mga preparations na ginawa niya sa nasabing movie.


Sagot nito, “Ako po, preparation... Ummm, para sa amin, nag-script reading po kami. S’yempre, siguro ‘yun na ring pagtatanong kina Direk about sa character, about our relationship and the relationship between our co-actors. Siguro po ‘yung pag-prepare rin ng mga pagsigaw.”


Natanong din si Bea kung may mga challenges ba siya na na-encounter sa paggawa ng Posthouse.


Sagot niya, “Unang-una, I love everyone from the prod. Lagi ko pong sinasabi kahit sino’ng makausap ko kung kumusta ‘yung Posthouse, I love everyone. Parang even the production team, they’re one of the most efficient teams that I’ve ever worked with. S’yempre, isang malaking karangalan po na parang first directing film ni Micos and of course with Sid Lucero.


“Nakakatuwa. Ako naman po kasi ‘pag may trabaho, nagpapasalamat po tayo. At grateful po tayo. Sa lahat ng bagong artista, bagong team, bagong mga tao na makakatrabaho po natin.”


Natanong si Bea kung nakakatakot ang movie na ito at kung gaano nakakatakot sa set ng Posthouse?


Sagot ng aktres, “Meron pong eksena na - kasi magugulatin po akong tao - mabilis po akong tumili. Tsaka tumitili po ako. May isang eksena na nag-take kami. Serious kami s’yempre, tapos biglang may nahulog na something. Tapos po, as in naramdaman ko talaga. Tumakbo po ako palabas ng camera ng tumitili. Tapos, sabi niya, ‘Sayang, sana nagamit natin, kaya lang po ‘yung tili ko, ‘Ahhhh!’ ganu’n po, hindi po s’ya pang-horror, parang naging comedy. Pero ‘yung mga ganu’n na gulat na wala naman daw naghulog.”

Sabay tanong ni Bea kay Sid ng “Hinulog mo ba?”

Sagot ni Sid, “Wala akong alam.”


Samantala, umiikot ang Posthouse kay Cyril, isang film editor na nagtatrabaho sa isang lumang post-production facility na itinayo ng kanyang amang si Edd. Si Cyril ay patuloy pa ring ginugulo ng kanyang childhood trauma—mula sa hindi pa nalulutas na pagpatay sa kanyang inang si Judy, hanggang sa kababalaghang bumabalot dito. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makalaya sa bigat ng sariling pinagdaraanan at magulong buhay-pamilya.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 25, 2025



Photo: Kylie Verzosa - IG


Na-bash ang beauty queen-actress na si Kylie Verzosa matapos niyang i-post sa kanyang Instagram (IG) account ang balita tungkol sa bagong property na nakuha niya sa Italy.


Ipinakita ni Kylie ang Villa Sogno, isang Mediterranean-style na vacation house na matatagpuan malapit sa dagat sa Puglia, Italy. 


Ini-repost ni Kylie ang orihinal na post ng foreigner na si Tomas Barfod, na nagbahagi ng mga larawan ng nasabing villa.


Sa caption ni Tomas, “We bought a villa (red heart emoji).”


Agad na naging usap-usapan ito online, lalo na’t nalaman ng mga netizens na hindi lang pala si Kylie ang may-ari ng Villa Sogno. Isa pala itong business partnership sa pagitan nina Kylie, Tomas at tatlo pa nilang kaibigan.


Pero hindi pa rin ito nakaligtas sa mga nega. May netizen na nagsabing, “Dyowa n’ya bumili n’yan. Hindi sa kanya ‘yan!”


Dahil dito, hinala ng ilan, isa sa lima ang nobyo ni Kylie. 

Pero siyempre, may mga nagtanggol din sa aktres.


Sabi ng isang netizen, “At least, dyowa niya may pera, eh, ikaw? (face with rolling eyes emoji).”


May isa pa, “Based sa kanyang ‘WE,’ meaning co-owner s’ya. Halatang bitter ka lang sa success ng iba.”


Bukod sa mga bashers, marami rin ang bumati at nagpaabot ng congratulatory messages kay Kylie para sa bagong investment na ito sa Europe.


Mukhang bagong chapter ito para kay Kylie Verzosa, hindi lang sa showbiz, kundi pati na rin sa larangan ng negosyo at real estate. 

Congrats, Kylie!



Pagkatapos umamin ni Jinkee Pacquiao sa isa sa mga close friends nila na si Chavit Singson na siya ay isa nang lola, makikita sa recent post ng misis ni Manny Pacquiao ang pagsasama-sama nila ng pamilya ng girlfriend ng kanilang eldest child na si Jimuel Pacquiao sa isang restaurant sa US.


Makikita sa mga larawan ni Jinkee ang bonding ng pamilya nila ni boxing legend at ng pamilya ng rumored girlfriend ni Jimuel na naka-post sa kanyang social media accounts recently.


Simple lang ang inilagay na caption ni Jinkee sa kanyang post pero maraming comments ang mga netizens.


Caption ni Jinkee: “Tonight deserves something special. Family dinner time.

“Cherishing family moments (heart emoji) Love and laughter, God is good.”


Quick-to-react at nag-one-plus-one agad ang mga netizens sa post ni Jinkee. At marami ang nakapansin sa maumbok na tiyan ng rumored GF ni Jimuel.


Actually, nu’ng first time na ipinost ni Jinkee ang picture nu’ng girl na kasama si Jimuel, napansin na agad namin ang maumbok na tiyan niya kahit medyo maluwag ang kanyang suot.


Kaya nga siguro inilantad na ‘yung girl ni Jinkee ay dahil sa kalagayan nito ngayon. Pati sa game ni Manny recently, kasama rin si girl sa family ni boxing legend na nanood.

Sey ng mga netizens… “She's pregnant.... congratulations (party popper emoji).”

“Soon, Lolo Manny Pacman (heart eyes emoji).”


Sabi rin ng mga netizens, may kasamang pamamanhikan na ang naganap na dinner.

“Wow! Wedding bells and another blessing to the Family Pacquiao... like her father, ang daughter-in-law, very pretty. God bless (praying hands & red heart emoji).”

“Pamamanhikan. Hehehe! Congrats, beautiful family.”

“Pamamanhikan na yata and she is pregnant I guess...”


Malamang ay nagpaplano na rin ng wedding ang dalawang pamilya para kina Jimuel at girlfriend niya na until now ay hindi pa malaman ang name.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 20, 2025



Photo: Sunshine Cruz - IG


Nagdiwang ng kaarawan ang aktres na si Sunshine Cruz noong nakaraang July 18, 2025. Nagbahagi ang magandang aktres ng larawan na nagpapakita kung gaano pa siya kaganda at ka-sexy sa edad na 48.


Kung titingnan si Sunshine ay mukha lang siyang 28 at hindi 48 dahil sa ganda ng mukha at katawan nito.


Saad ni Sunshine sa post niya, “48 today! (red heart & folded hands emoji).

“I’m incredibly grateful for another year. My heart is full thanks to the unwavering love and support of those around me.”


Napakarami ng mga artistang bumati kay Sunshine, tulad nina Ara Mina, Vina Morales, Arlene Muhlach, Yana Concepcion. Bumati rin ang mga pinsan niyang sina Rodjun Cruz at Geneva Cruz.


Sabi nga ni Geneva sa comment section ng post ni Sunshine ay “48 going on 28! Love you, cous (cousin)! Happy Birthday!”


Sabi naman ni Vina Morales ay “Ang ganda n’yang babaeng ‘yan. B-day girl, wishing you good health and more blessings. Love you, Sis.”


Happy birthday, Sunshine! Kantahan na nga lang natin si birthday girl ng… “You are my sunshine, my only sunshine, you make me happy, when skies are gray. You'll never know, dear, how much I love you. Please don't take my sunshine away…”

Pak, ganern!


Kaya naman, parang naka-mega jackpot sa lotto itong si Atong Ang sa kanyang pretty and sexy dyowa.


Kumain lang sa noodle house, nag-concert na…

ROBIN, NAKIPAG-JAMMING SA MGA TAGA-BRUNEI NG OPM SONGS


SA social media post ng aktres at TV host na si Mariel Rodriguez ay nagbahagi siya ng video clip noong nakaraang adventure nila sa Brunei ng kanyang pamilya.


Makikita sa video ang saya ng senador at aktor na si Robin Padilla at ng asawa nitong si Mariel sa pakikipaglaro sa mga anak nila.


Sigurado si yours truly na hindi makakalimutan ng mga anak nina Senator Robin at Mariel ang mga masasayang moments nila kasama ang butihing ama at ina.


Kuwento nga ni Mariel sa post niya, “On our last Brunei adventure, hindi lang food trip ang nangyari dahil may pa-mini-concert din si Robin along the way! (smiling face with smiling eyes emoji).


“Unang stop: kumain kami sa sikat na beef noodle soup place na Soto Pabo, and guess what? Some locals knew a Tagalog song kaya nakipag-jam si Robin on the spot! (microphone emoji & musical notes emoji).


“Next, we explored Jerudong Park Playground, and sobrang surprising lang because almost empty ang place except us kaya parang private theme park experience ang feel namin this time!


"And to cap off the day, habang nagdi-dinner kami ay biglang tumugtog na naman ng another Tagalog song… pero this time, boses ni Robin ang narinig namin! (face screaming in shock & fire emoji).


“Grabe, from Manila to Brunei, umabot na talaga kung saan-saan ang OPM! (CD & globe showing Asia-Australia emoji).”


Ang suwerte ng mga anak nina Robin at Mariel, meron silang mapagmahal na mga magulang. Hindi importante ang mga material na bagay sa kanilang pamilya, mas importante ang panahon at oras na ibinigay nila sa mga anak nila. 

Bongga kayo d’yan, Sen. Robin Padilla at Mariel Rodriguez.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page