top of page
Search

ni Twincle Esquierdo | October 2, 2020


ree

Pinaghahandaan na muli ang pagbubukas ng Luneta Park sa Maynila sa darating na Oktubre 5, Lunes.


Ayon kay National Parks Development Committee Eduardo Villalon, Jr., 10-porsiyento o 2,000 katao lamang ang papayagang makapasok dito simula alas-5 ng madaling-araw hanggang alas-9 ng gabi upang masunod ang physical distancing.


“Kasi GCQ, we’re still maintaining sana ‘yung 10 percent lang na capacity, so siguro mga less than 2,000 lang muna ang ating ia-allow at a given time,” sabi ni Villalon.


“Right now, ang atin pa lang pinapayagan is physical activities,” dagdag pa nito.

 
 

ni Lolet Abania | September 28, 2020


ree

Ipinasara ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Alabang Country Club Golf Course sa Muntinlupa City dahil sa paglabag nito sa health at safety protocols matapos na magkaroon ng golf tournament sa lugar noong nakaraang buwan.


Sa ibinigay na report ng Philippine National Police (PNP), nagsagawa ng golf tournament ang establisimyento noong August 29, 2020 kung saan nilabag nito ang ipinatutupad na guidelines ng Inter-Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) tulad ng ipinagbabawal na mass gathering, hindi pagsunod sa social distancing at health protocols.


Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, inatasan na ng ahensiya ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City para sa temporary suspension ng operasyon ng golf course ng Alabang Country Club dahil sa ginawang paglabag nito.

 
 

ni Thea Janica Teh | September 28, 2020


ree

Aabot sa 2,000 turista ang papayagang makapasok sa Boracay sa pagbubukas nito sa

Oktubre 1, bahagi ni Malay Mayor Frolibar Bautista ngayong Lunes.


Ang mga hotel ay maaari nang tumanggap ng customer sa 50% capacity at maximum na 2 guests per room. Mayroon na ring 382 bars at resto ang nabigyan ng accreditation sa

pagbubukas ng mga ito para sa mga turista.


Ayon kay Bautista, “Sa ngayon, 'di pa natin ma-determine kasi Oct. 1 pa naman ang opening natin, at least mga 2,000 ganyan. Tingnan natin, kung dati 6,000 ang ina-allow na controlled natin.”


Samantala, 199 hotel at resort na sa isla ang pinayagang magbukas simula pa noong Hunyo at may kabuuang 4,416 rooms, ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page