top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 21, 2024



Photo: Liam Payne at Zayn - Instagram


Kinansela ng former One Direction member na si Zayn Malik ang nakatakdang US leg ng kanyang world tour concert titled Stairway To The Sky na naka-schedule next week, October 23. 


Part ng US leg ng kanyang concert ang San Francisco, with shows scheduled after the tour kick-off in Las Vegas, Los Angeles, Washington D.C., and New York City.


Ipinost ni Zayn ang announcement na ito sa kanyang socmed (social media) accounts. While on our part, una naming nabasa ang postponement ng Stairway To The Sky US leg sa X (dating Twitter).


Post ni Zayn, “Given the heartbreaking loss experienced this week, I’ve made the decision to postpone the US leg of the Stairway to the Sky Tour.


“The dates are being rescheduled for January and I’ll post them as soon as it's all set in the next few days. Your tickets will remain valid for the new dates. Love you all and thank you for your understanding.”


Of course, ang ‘heartbreaking loss’ na tinutukoy niya ay ang pagkamatay ng kasama niya sa One Direction na si Liam Payne.   


Based on our research, ire-resched ang US leg ng Stairway To The Sky on January 2025. Sinuportahan naman ng public ang decision ni Zayn.

Sey ng mga fans niya:


“Thank YOU for putting yourself first, take all the time you need Z, we are here for you and we will always support you, take care of yourself and your mental health, sending all my love to you (hugs and heart emoji).”


“Take all the time you need. We all understand and are here for you (heart emoji).”

“Everyone understands, Zayn. Take care of yourself.”

So, there.



NAGPAKILIG si Jameson Blake sa pag-post sa X (dating Twitter) ng video ad para sa bago niyang ine-endorse na Bench underwear. Grabe ang comments ng mga netizens sa video ad ni Jameson, huh?


Komento ng ilan sa kanila:


“Kabog!! Ang init po.”


“Hottie.”


“Crush ko ito.”


“Nice. Great looks and body Jamie, love it. Congrats on your new peg for @benchtm.”


“Bagay na bagay mag-Bench briefs ni @jmsnblake.”


“Thank you so much Jameson Blake for making my life better!!! (in love emoji).”


May netizen naman ang nagtaka kung bakit hanggang ngayon ay ‘di pa rin umaalagwa talaga nang husto ang career ni Jameson.


Sey ng isang netizen, “Dami nitong project pero parang ‘di s’ya sikat. Hehehe! ‘Di bale na, igop (pogi) naman.”


Kalat na kalat ang balitang ‘di masyadong nag-hit ang latest movie niya with Lovi Poe na Guilty Pleasure sa mga sinehan.


Well, baka may mag-react. Pinauuna na namin na ‘di sa amin galing ang balitang ‘yan, ha?


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 20, 2024



Photo: Kim Chiu - Darren Espanto - FB IG


Isinugod sa ospital ang It’s Showtime (IS) hosts na sina Kim Chiu at Darren Espanto.

Nag-post si Darren ng larawan niya habang nagpapatingin sa isang room sa loob ng ospital na may nakalagay na Radiology. Ishinare ni Darren sa kanyang IG Stories ang nangyari sa kanila last October 17.


Makikita sa post ni Darren na nakabalot ang kanyang arm ng bandage. At the same time, nag-post din siya ng thumbs-up sign.

Caption ni Darren, “Itinodo masyado sa training for Magpasikat 2024.”


Habang si Kim naman ay nag-post din sa kanyang socmed (social media) accounts ng piktyur ng loob ng isang ambulance van.


Say ni Kim, Magpasikat realness.”


So, alam na kung bakit isinugod sa ospital sina Darren at Kim. May kinalaman ang pagkakaospital nila dahil sa rehearsal ng nalalapit na competition nila sa Magpasikat para sa anniversary ng It’s Showtime.

Hopefully, okey na okey talaga sila sa mismong araw ng laban nila.



INAMIN ni Sylvia Sanchez na hiniling niya sa kanyang mga anak na magkaroon ng apo sa edad na 50.


“Eh, 53 na ako saka ako binigyan. At least, nasa 50 plus pa rin,” bungad ni Sylvia sa eksklusibo naming panayam sa kanya sa grand launch ng Belle Dolls ng Beautederm sa Novotel sa Cubao, Quezon City last Wednesday.


Hindi raw siya nag-wish kung babae o lalaki ang gusto niyang maging unang apo, basta kung ano raw ang ipagkaloob ng Diyos na baby at healthy. Nangyari nga ‘yan sa firstborn ng anak niyang si Ria Atayde at mister nito na si Zanjoe Marudo.


Tinanong namin si Sylvia kung ano ang partisipasyon niya sa kanyang apo.

“Mang-spoil,” tawa ni Sylvia. 


Pahayag niya, “Mang-spoil lang. Ganu’n talaga. Disiplina, lahat ‘yan, pagpapalaki ng anak, sila ‘yan. Pero ‘pag may nakita akong mali, sasabihan ko rin ang baby. Tutulungan ko sila ‘pag nasa akin. 


“Taga-spoil lang ako, ‘di ako nakikialam sa kanila. Hinahayaan ko sila sa diskarte nila. Kung ano ang gusto nila, bahala sila.”


Pumupunta raw sila sa bahay nina Ria at Zanjoe kapag weekend. Kuwento pa ni Sylvia, masaya raw si Ria bagama’t may problema ito sa kanyang katawan noon pa man. 

“Pero, sobra s’yang ano, sobrang hands-on s’ya na mom. Tinalo n’ya ako,” ngiti ni Sylvia.


Namana raw ni Ria ang pagiging matiyaga ni Sylvia.


“Lahat naman, eh. Matiyaga, maasikasong nanay,” pagmamalaki ni Sylvia kay Ria.

Humingi kami kay Sylvia ng kaunting description sa hitsura ng kanyang first apo.

“Guwapo,” diin niya. 

“Ehhh,” bitin na dugtong niya na animo nagpi-fish kami ng information from her kaya tumigil na si Sylvia.


At lalong ‘di raw siya puwedeng maglabas ng piktyur.


“Sa kanila ‘yun. Hindi sa ‘kin,” sambit pa niya.


Tapos ay humirit na lang kami ng tanong kung kanino kamukha ang first apo niya.

“Kamukha ni Zanjoe na kakulay ni Arjo pero nagri-Ria rin. Kulay ng mga Atayde (na lahi ng father side ni Ria, ang kanyang ama na si Art Atayde),” paglalarawan ni Sylvia.


Sa huli, sinabi ni Sylvia sa amin na pinasalamatan niya si Zanjoe sa ginawa nitong pag-aalaga kay Ria mula sa umpisa ng pagbubuntis nito hanggang sa isilang ang kanilang anak.


“At sinabi ko sa kanya, ‘Thankful ako na ikaw ang napangasawa ng anak ko,’” sey pa ni

Sylvia.


Anyway, isa si Sylvia sa celebrity endorsers ng Beautederm na pag-aari ni Rhea Tan sa grand launch ng bago nilang produkto, ang Belle Dolls.


Ang Belle Dolls ay ang Stemcell Juice Drink (Strawberry Lychee Iced Tea), Chocolate Drink (Dark Chocolate), Vitamin C Capsule, Pure Glutathione Capsule, Collagen Juice Drink (Kiwi, Avocado, Cucumber), at Healthy Coffee (Caramel Macchiato Original Blend).

Para sa iba pang updates, bisitahin ang social media pages ng Beautéderm at Belle Dolls.



 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 19, 2024



Photo: Lorna Tolentino at Vilma Santos-Recto - FB


Thankful si Lorna Tolentino (LT) na malamang happy si Star For All Seasons Vilma Santos na napunta sa kanya ang role na ina ni Judy Ann Santos sa forthcoming film nila na Espantaho.


Unang inialok kay Vilma ang role ni Lorna sa Espantaho. Umingay pa nga nu’ng unang pumutok ang balita ang posibilidad na magsama sina Vilma at Judy Ann for that project.

But it turns out na tinanggihan ni Vilma ang Espantaho and opted to do ang horror movie rin under Mentorque Productions with Nadine Lustre.


If ever mapili sa natitirang slots sa MMFF, baka magkabanggaan ang movie ni LT with Judy Ann at ‘yung kay Vilma with Nadine.


“Ay… naku,” napabuntong-hininga na sabi ni Lorna. 


Sey niya, “Pero maraming salamat kay Ate Vi, kay Ate Vi talaga ‘yung role na ‘yun.

“Kaya kahit magkasabay ang movie namin sa MMFF, okey lang kasi happy naman si Ate Vi na ako ‘yung nakuha for that role. So, happy lang. Let’s all be happy.”

Tapos na raw ang shoot ni Lorna para sa Espantaho under Chito Roño’s direction, at ginagawa na lang ang special effects.


This is the second horror movie na naidirek si Lorna ni Chito. Ang una ay ‘yung remake ng Patayin sa Sindak si Barbara noong 1995. Second time rin lang nakasama ni Lorna si Judy Ann. 


“Nakasama ko s’ya pero maikli lang sa Mano Po. Hindi kami halos nagkaeksena. So, first time talaga na mag-ina kami. So, talagang ang tawag na nga niya sa ‘kin, ‘Nay’. Anak naman ang tawag ko sa kanya. Tapos, exchange kami nang exchange ng pagkain,” kuwento ni Lorna.


Nakausap namin si Lorna sa grand launch ng Belle Dolls at ng celebrity endorsers  ng sikat na beauty and wellness product company ni Rhea Tan, ang Beautederm. 

Kitang-kita ang sigla at glow ng negosyante sa nasabing launch. Kabilang sa mga unang batch ng ambassadors na ipinakilala sa media ay sina Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Sofia Pablo at Shaira Diaz — na equally talented at glowing.


Ayon sa CEO and owner ng Beautederm na si Rhea Tan, “The essence of our brand is the transformative experience that we provide to our consumers. Belle Dolls is a revolutionary brand for men and women everywhere.


“When choosing an endorser, attitude matters. Ysabel, Miguel, Sofia, and Shaira exude sincerity and grace. I admire their growth and I love their youthful energy.


“They know what they're advocating for: a healthy lifestyle supported by healthy products. We should prioritize health and wellness, ensuring that we consume the right supplements, drinks, and juices.”


Ready at glowing, masaya naman ang Sparkle stars sa mainit na pagtanggap sa kanila ng female CEO. Tiniyak nilang maayos na maihahatid ang mensahe sa mga consumers.

Pahayag nina Ysabel, Miguel, Sofia, Shaira, “Ms. Rhea Tan is an inspiration to everyone. What we love about her is her commitment to excellence. She knows the business and she really values her consumers. We’re grateful for her trust and for the trust of Belle Dolls family.”


Layuning makapagbigay ng mura, effective at FDA & Halal-approved drinks, juices, at capsules, inilabas ng Belle Dolls ang Stemcell Juice Drink (Strawberry Lychee Iced Tea), Chocolate Drink (Dark Chocolate), Vitamin C Capsule, Pure Glutathione Capsule, Collagen Juice Drink (Kiwi, Avocado, Cucumber), at Healthy Coffee (Caramel Macchiato Original Blend).



BALIK-TELEBISYON na via FPJ’s Batang Quiapo (BQ) si Ricardo Cepeda pagkatapos makalabas ng bilangguan.


Si Ricardo ay gumaganap bilang si Richardson Wu sa ABS-CBN's hit series starring Coco Martin.


Sa episode 435 of the action-drama, si Richardson ay mapapanood na nakikipag-usap kay Angkong (Joonee Gamboa) sa telepono.


Noong episode last Thursday, ipinakita na dumating na sa Manila si Richardson para umpisahang tulungan si Angkong. 


Naging bahagi ng BQ si Ricardo bago siya maaresto nu'ng October last year for ‘syndicated estafa’.


Sa isang panayam ng ABS-CBN kay Ricardo ilang araw after ng kanyang paglaya sa kulungan sa Tuguegarao, nagpadala raw siya agad ng mensahe kay Coco after he received confirmation that he is set for release.


Pagbabahagi ni Ricardo, “When I got the release, lahat ng kaibigan ko… minessage ko. Sabi ko, ‘Confirmed na. I’m released.’ Right away, nag-respond s’ya. Sabi n’ya, they wanted to help me more than they could. 'Ibabalik namin ‘yung character mo.’”


Aside from the return of Richardson, ipinakilala rin sa BQ ang newest character na si Atty. Vera Saldivar portrayed by actress Maika Rivera. Si Atty. Saldivar ang namamahala ng estate left by the Caballero family.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page