top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 24, 2024



Photo: Elijah Canlas bilang Pablo at Ivana Alawi bilang Bubbles - Batang Quiapo


Nagbabalik si Elijah Canlas sa QCinema International Film Festival. May movie siya ulit na kasama sa taunang filmfest ng Lungsod ng Kyusi.


Although this time, isang short film ang entry ni Elijah titled Water Sports (WS) directed by Whammy Alcazaren.


Kuwento ni Elijah, "Ah, when you watch a film of his, laging unexpected, unpredictable ‘yung nangyayari. But Water Sports is basically a story about a bunch of boys during a period where climate change (is) really, really real. And how they fight through it, how they survived through that climate change.”


Kilala si Elijah na kapag gumagawa ng pelikula ay laging may adbokasiya na ipinaglalaban. Ano naman kaya ang ipinaglalaban niya sa WS?


“Honestly, going through it… kasi one year na ako nagti-TV, puro serye. Gusto kong gumawa ng pelikula for the last part of the year and I got to do a couple of films,” lahad ni Elijah.

Tapos ay may nag-offer daw sa kanya na gumawa ng short film para sa QCinema. 


“Sabi ko, ‘Oh, perfect. Sana, maisingit sa schedule.’ And then, ‘di natuloy ‘yung nag-inquire sa ‘kin na ‘yun. 


"But then, I saw Whammy. I know Whammy. I've been friends with Whammy for a long time now. And I asked him kung may cast na s’ya. And he was like, ‘Oh, my God. Ikaw talaga ang nasa isip ko.' Isinend n’ya sa ‘kin and yeah, we got to do the film,” kuwento ni Elijah.

Tinawag naming QCinema baby si Elijah. As far as we can remember, una siyang nagmarka sa amin sa mga ginawa niyang pelikula sa QCinema.


Aniya, “Yes! Ako, kahit wala akong entry, lagi akong nanonood ng QCinema films. And last year nga, nakakatawa, si Whammy and I were juries sa QC Shorts.


“Sabi ko, ‘Di ba dapat, disqualified na itong si Whammy kasi nanalo na s’ya nang ilang beses?' Tapos nag-jury pa siya last year. Pero, okay lang. I mean, it’s for fun naman and siyempre, we’re all about exploring different types of medium based on storytelling. QCinema is that film festival palagi. But yeah, ‘yung first sa QCinema, 2015 pa po ata.”


Naniniwala rin si Elijah na ang mga nauna niyang pelikula na kasali sa QCinema ang nagbukas ng mga pintuan sa kanya sa showbiz.


Mapapanood ang WS sa QCinema International Film Festival next month.

Then, tinanong namin si Elijah kung ano pa ang mga aasahan ng kanyang mga fans na mga proyekto niya for the rest of the year. 


“I got to finish two films na. ‘Yung isa, ‘yung Uninvited. Tapos, I’m about to start Savage Land with Richard Gomez with Direk Lino Cayetano. It’s a western movie. Tapos, dalawa kaming pulis, mag-ama kami. 


“Tapos, pupunta ako sa, may rehearsal ako ng play. Right now, I’m doing a theater play,” aniya.


Nasa Incognito rin si Elijah and he considers this project na second action series niya after Batang Quiapo.


Nilinaw naman ni Elijah ang sa tingin niyang dahilan kaya siya pinatay agad sa BQ serye ni Coco Martin.


“Ang alam ko rin, para mag-focus sa High Street. Pero ako, the way I look at it, it was really time for Pablo to leave the show. Kasi nang-rape siya.


“I mean, kung alam n’yo ‘yung politics ng show ng Batang Quiapo, once you do something that terrible, unless like, du’n ka sa main cast na from the start, nandu’n ka na, pero when a new character does this thing, ‘yun, patay ka talaga.


“Nu’ng ginawa ko ‘yun kay Ivana (Alawi), sabi ko, ‘Oo, kailangan ay patayin ako,'” paliwanag pa ni Elijah.


Exciting ang lineup sa ika-12 edisyon ng QCinema International Film Festival na may temang The Gaze kung saan tampok ang 77 pelikula na kinabibilangan ng 22 shorts at 55 full-length features sa iba’t ibang kategorya.


Magtutunggali naman sa QC Shorts International category ang Alaga ni Nicole Rosacay, Kinakausap ni Celso ang Diyos ni Gilb Baldoza, Refrain ni Joseph Dominic Cruz, RAMPAGE! ni Kukay Bautista Zinampan, Supermassive Heavenly Body ni Sam Villa-Real, at Water Sports ni Whammy Alcazaren.


Ang QCinema 12 na gaganapin mula Nobyembre 8 hanggang 17 ay mapapanood sa mga piling sinehan tulad ng Gateway Cineplex 18, Ayala Malls Cinema sa Trinoma, Red Carpet sa Shangri-la Plaza, at Powerplant Mall.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 23, 2024



Photo: Kim Chiu sa Magpasikat 2024 - It's Showtime


Another buwis-buhay performance ang ipinakita ni Kim Chiu sa Magpasikat 2024 sa It’s Showtime (IS) kahapon.


Ka-team ni Kim na nag-perform sa Magpasikat ang iba pang hosts na sina Ogie Alcasid, MC at Lassy.


Maraming netizens ang humanga sa ginawa ni Kim sa Magpasikat. At may mga kinilig dahil knows nila na nanonood ang rumored boyfriend ni Kim na si Paulo Avelino.


Sey ng mga netizens:


“Grabe ‘yung lambitin ni Kim Chiu! Buwis-buhay talaga si Queen. Iba talaga kapag alam mong pinapanood ka ng taong mahal mo, ‘no? Hmmmm #Magpasikat2024.”

“Ang galing sobra, lahat napasigaw sa ‘yo, Kimmy. Grabe ang mga puri ng hurados sa ‘yo @prinsesachinita. You’ve made us so proud. TEAM McKOL MAGPASIKAT2024.”

“Siguradong panalo.”


May nag-suggest pa na puwedeng action star si Kim. 


“True, puwede na sa action si accla next year, beke nemen.”


May tatlong teams pa ang magpe-perform for the rest of the week — ang team nina  Anne Curtis, Vhong Navarro at Jhong Hilario.



HAPPY si Jasmine Curtis na nakatrabaho na niya ang mahusay na aktor na si John Lloyd Cruz sa big screen.


Bida sina John Lloyd at Jasmine sa pelikulang Money Slapper (MS) directed by Bor Ocampo. 


Isa sa mga official entries sa full-length category ang MS sa nalalapit na QCinema International Film Festival simula sa November 8-17.


Ayon kay Jasmine, hindi raw niya masyadong “naramdaman” si John Lloyd sa set as co-actor and producer. 


Actually, tatlo ang producers ng MS, ang Paralàya Studio, Plan B at ang Dumpsite Gallery ni John Lloyd.



Ang Dumpsite Gallery ay  account name ng Instagram (IG) ni JLC.


“Maybe he kept it na wala sa set, ‘yung ganu’n sa set as a producer. Although, mas sila ni Direk Bor ang nag-uusap,” pahayag ni Jasmine.


Same ng management sina John Lloyd at Jasmine, ang Crown Artist Management. Kaya thankful ang aktres sa bago niyang management headed by Maja Salvador, for opening the doors for her na makatrabaho in full-length si JLC.


Eksklusibo naming nakausap si Direk Bor at naikuwento niya na nagpa-audition sila ni John Lloyd para sa role ni Jasmine. Marami raw ang nag-audition. Meron pang theater actress, pero wala raw napili sina Direk Bor at JLC. 


Hanggang sa inirekomenda na ni JLC si Jasmine.


Ang MS ay tungkol kay Daniel na iniwan ang kanilang small town after a life-changing lottery win. Five years later, bumalik siya sa kanyang bayan searching for redemption. 

Kasama rin sa movie sina Charlie Dizon, Lav Diaz, Ronnie Lazaro, Mercedes Cabral at marami pang iba.


Ini-reveal ni Jasmine na may love scenes sila ni John Lloyd sa movie. Wala naman daw tutol ang BF niya sa pakikipag-love scene niya on screen especially with John Lloyd. Nage-gets naman daw ito ng boyfriend niya na si Jeff Ortega. 


And with regards to wedding, lagi na raw nilang napag-uusapan ni Jeff ang tungkol dito. Although, wala pa raw talagang definite about their wedding plans.


Bukod sa MS, ipapalabas na rin finally ang kontrobersiyal na documentary film na Lost Sabungeros (LS) sa QCinema International Film Festival next month.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 22, 2024



Photo: Kiko Pangilinan - 2NE1 IG


Napakahaba ng rant ni former Senator Kiko Pangilinan, mister ni Megastar Sharon Cuneta, para sa mga nagbebenta ng sobrang mahal na presyo ng tiket sa mga concerts.


Sa umpisa ng rant ni Kiko, tinukoy niya ang mga scalpers sa nalalapit na reunion concert ng K-Pop girl group na 2NE1 kung saan kabilang dito si Sandara Park na binansagang “Pambansang Krung-Krung” ng Pilipinas, matapos manalo sa isang talent search ng ABS-CBN noon.


Mensahe ni Kiko sa X (dating Twitter), “Nanawagan tayo na imbestigahan ang mga scalper sa nalalapit na concert ng K-Pop girl group na 2NE1.


“Maraming Pinoy concert-goers ang binubudol ng mga scalpers at itong darating na concert ng 2NE1 nga ay binubudol na naman ang ating mga kababayan. 


“At dahil digital na rin ang pagbili ng tickets, kailangan na ring imbestigahan pati ang mga bot scalpers.”


Dahil dito, nag-suggest daw si Kiko na magpasa ng isang batas na magpaparusa sa scalping.


Aniya, “Ang ating iminumungkahing batas ay lilikha ng isang mas patas at mas bukas na merkado. Sa ganitong paraan, mapoprotektahan ang mga mamimili mula sa pagsasamantala. Maiiwasan din ang pagbaluktot sa merkado na dulot ng reselling na ginagawa sa scalping.”


Kasama rin daw sa batas na iminungkahi niya ang mga alituntunin sa paggamit ng BOT (Better Online Ticket) sa pagbili ng mga tiket nang maramihan, kung saan naaagrabyado ang mga ordinaryong mamimili.


Ang ticket bots ay sophisticated software programs na nilikha para sa mabilis na pagbili ng large quantities ng tickets once available na sa market. Tinatawag din as scalper bots ang ticket bots.


Pagpapatuloy ni Kiko, “Panloloko ang scalping, Pipila ka nang mahaba o maghihintay ka online. Tapos, wala na palang ticket o napakamahal na, kawawa naman ang mga fans.


“Kawawa rin ang mga artists kung 'di sila mapapanood ng fans nila o kung nabudol ang mga fans ng scalpers. Kaya ‘yung iba ay nanonood abroad. Sayang ang pera sa Pilipinas na sana ginagastos, sa ibang bayan pa napupunta.”


‘Yan din daw ang ginawa ni Kiko noon sa bigas, inayos niya ang sistema para sa mga Pilipinong mamimili.


“Hindi tayo nagpadala (sa) presyo ng scalpers ng bigas, sa presyong dala ng artificial inflation. Binaba natin sa tunay na balor ng bigas ang presyo ng pagbili natin dito.


“Makikinabang din sa ating ipinapanukalang batas ang mga concert organizer dahil mapapanatili ang kontrol sa pamamahagi ng mga tiket o produkto sa kanila, at ang isang mas mahusay na reputasyon,” pagtatapos na mensahe ni Kiko. 


Nagpasalamat naman ang mga netizens sa panawagan at impormasyong hatid ni Kiko. 

“Grabe po, thank you for this.


“Pakiimbestigahan din ang mga organizers dahil mukhang inside job din naman ‘yung mga anomalya sa ticket selling.”


Kaya huwag nang magtaka ang mga fans d'yan na gustong manood ng concert ng kanilang mga idolo pero sobrang mahal ng tiket.


Bago pa napunta kay Monsour…

DAWN, NAGING GF NI RAYMOND LAUCHENGCO 


BUSY na ang singer-actor na si Raymond Lauchengco sa pagpo-promote ng kanyang 40th anniversary concert titled Just Got Lucky na gaganapin sa The Theatre, Solaire Hotel & Casino on November 23, 8 PM.


Nu’ng makausap namin si Raymond during the intimate presscon for his concert, pinagbigyan niya ang hiling namin ni Push.com writer Manila Santos na baka puwedeng magkuwento siya kahit kaunti sa kanyang love life noon.


Bukod kay Sharon Cuneta na first celebrity crush ni Raymond, hindi kasi masyadong nalantad sa publiko ang tungkol sa kanyang love life.


Pinagbigyan naman ni Raymond ang request namin kung sinu-sino ang mga female celebs na naka-date niya noon.


Buwelo ni Raymond, “Uh, I dated quite a few of the girls…. Hahaha!


“I dated Dawn (Zulueta). I wanted to date Sharon but that would never happen because you know… baby brother-baby brother (treatment ni Sharon sa kanya). But, yeah.


“Maricel (Soriano)? I became very fond of Maricel. And I had a crush on her while we were filming.


“Because once you get to know her, she’s very sweet. She’s very sweet. And yeah, I had a crush on her too.


“But after the movie, wala na. We never really saw each other anymore.”

Pero may isa talagang artista na nakarelasyon niya sa showbiz.


“I already said it kanina,” na ang tinutukoy ni Raymond ay walang iba kundi si Dawn.


Naging sila bago nakarelasyon ni Dawn si Monsour del Rosario.

Then we asked him again kung nagtagal ang relasyon nila ni Dawn.


“Hindi,” mabilis na sagot ni Raymond.


Anyway, si Bituin Escalante ang special guest sa Raymond Lauchengco, Just Got Lucky  concert directed by Waya Gallardo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page