top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 27, 2024



Photo: FB / Philippines Defense Forces Forum - Circulated


Speaking of former VP Leni Robredo, nagbigay din pala ng halagang P3 milyong donasyon sa kanyang Angat Buhay Foundation ang TV host na si Willie Revillame para sa relief efforts sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine.


May lumabas naman sa X (dating Twitter) ng diumano’y conversation between Leni and Willie.


“Leni: Ipapa-send ko na lang ang resibo.


Willie: Hindi, kahit wala na.


Leni: Bawal 'yun sa amin, eh. Kasi ina-account po namin lahat.”


Siyempre, maraming hanash ang mga netizens sa palitan ng dialogue nina Leni at

Willie, if true.


“‘Yan Willie, mag-file ka ng ITR at gamitin mo ‘yung resibo as tax credit.”


“Leni ‘nananampal ng resibo’ Robredo.”


“‘Yan ang linaw-linaw Willie Revillame! Kailangan transparent.”


As usual, may alegasyon kay Willie ng “red flag” sa pagpapaabot ng donasyon kay Leni.

Sey ng mga netizens:


“Red flag ‘yang galawan ni Willie, hindi pa nga nanalo, ayaw na sa resibo. Ano kaya gagawin n’ya sa pera ng taumbayan? Mawala na parang bula na walang resio? tsk tsk... it is NO for me.”


“Matuto ka sa kanya, wannabe Senator, kailangan may resibo, may resibo, ‘yan ang simpleng halimbawa ng transparency. Salamat, Leni Robredo.”

Ganern.


Yayamanin si ninang! 

ANNE, NAMIGAY NG ALAHAS SA BINI



Viral sa social media (socmed) ang video ng It’s Showtime (IS) host na si Anne Curtis habang namimigay ng regalo sa mga members ng all-female P-pop group na BINI.

It’s Anne’s way for sure of saying “thank you” sa mga members ng BINI after nilang mag-perform sa Team ATJ (Anne, Teddy Corpuz and Jugs Jugueta) sa Magpasikat 2024 sa IS last Thursday. 


Sobrang natuwa naman ang BINI sa pasabog na surprise sa kanila ni Anne na Tiffany & Co. (jewelry) gift. 


Sey ng mga netizens:


“Niregaluhan ni Anne ng Tiffany & Co. ‘yung BINI (crying emoji) ibang level ka!!! @annecurtissmith.”


“Grabe, ang sosyal ni Anne! Cute n’yo so much, BINI!”

“Grabe si Ate Anne magmahal. May kinikilig d’yan kasi crush n’ya si Ate Anne.”


May comment din na parang mayamang tiyahin at ninang si Anne na namumudmod ng regalo sa BINI.


“Parang mga pamangkin na galing abroad ang rich tita na nag-aabang ng pasalubong. Hahaha! Cutie.” 


“Para silang inaanak na namamasko kay ninang.”


Samantala, bigo mang makuha ng team ni Anne ang first place, nanalo pa rin sila as 2nd runner-up. Ang first runner-up ay ang grupo nina Jhong Hilario, Jackie at Ciane.


Habang ang team ni Ogie Alcasid with Kim Chiu, MC and Lassy ang nag-champion sa Magpasikat this year. One of the highlights of the performance ng grupo nina Ogie ay ang death-defying trapeze act ni Kim sa kanta ni Morissette na Isa Pang Araw (IPA).

Idinoneyt naman nina Ogie ang napanalunang cash prize na P300 thousand sa Angat


Buhay Foundation headed by former Vice-President Leni Robredo.

At sa official Facebook (FB) page ng former Vice President ay in-express niya ang kanyang pasasalamat sa It's Showtime hosts for their donation.


“Maraming salamat for your generosity, Kim Chiu, Ogie Alcasid, MC, Lassy and It’s Showtime family,” sabi ni former VP Leni.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 26, 2024



Photo: Angel Locsin - FB


Biglang na-miss ng mga netizens ang aktres na si Angel Locsin sa kasagsagan ng pananalanta ng Bagyong Kristine sa bansa. 


Para kasi sa ibang mga netizens ay isang Darna talaga sa totoong buhay si Angel. Hindi lang daw kasi maaasahan sa pagtulong ang aktres kundi napakaagap pa.


Saanman may nangangailangan ng tulong, darating si Angel at mauuna pa sa pag-aabot ng ayuda kesa sa mga LGUs at matataas na opisyal ng bansa.


Kaya nitong Bagyong Kristine, may netizen ang nag-post at hinahanap si Angel sa mga affected areas ng bagyo. Mapa-Yolanda, Ondoy, lindol man ‘yan o pagsabog ng bulkan, may resibo na nandoon si Angel at may dalang tulong.


Post ng mga netizens sa X (dating Twitter):

“We miss you, Angel, our real-life Darna.”

“Nakaka-miss ka po talaga sa mga panahong (ito) @143redangel.”

“Nasaan na kaya s’ya?”


Naniniwala naman ang iba na hindi tumigil si Angel sa pagtulong sa mga kababayan natin.


“Sigurado, isa rin ‘to sa mga nagbigay na ng donations sa Angat Buhay.”

“For sure, she is helping, wala lang sa limelight.”

“Hindi man s’ya nagpapakita pero sure na nag-aabot s’ya ng tulong sa bawat sakuna sa Pilipinas.”


Iba naman ang reaksiyon ng ilang netizens, “Napagtanto at napagod na ‘yan sa mga tinulungan n’ya, majority humalal sa mga walang kuwenta at inutil na pulitiko.”

“She deserves to take care of herself. Daming stars d’yan, manguna sila.”

True!



ANOTHER ‘feather on his cap’ ang pagkakapili kay Cannes Best Director awardee Brillante Mendoza bilang head ng jury sa 29th edition ng Rabat International Film Festival (RIFF) sa Morocco.


Ini-reveal ito ng mga organizers ng RIFF sa kanilang Facebook (FB) page kung saan naka-post ang larawan ng mga juries na kinuha nila from different countries.

Caption sa FB post, “Let's reveal our International Jury!


“For this 29th edition of the Rabat International Film Festival, we have the great honor to unveil a prestigious jury, chaired by one of the greatest filmmakers of our time: Brillante Mendoza. This world-renowned Filipino director, known for his neo-realistic cinema, won the 2009 Cannes Best Director Award for Kinatay, marking the history of Philippine cinema.


“At his side, Can Saraçoglu (Turkey), director and producer, with more than 30 years of experience and 250 productions at his asset. Founder of Cinetour, he brings together artists and festivals to promote cinema worldwide.


“From India, Rintu Thomas, Oscar-nominated director, marked documentary cinema with Writing With Fire, winner of two Sundance awards.


“We also have the honor to welcome Michel Coulombe (Canada), critic and author, passionate about Quebec cinema, with over 30 years of experience and a key role in the emergence of local cinema.


“Gulnara Sarsenova (Kazakhstan), award-winning director and producer, enriches our jury with her expertise with more than 50 international awards.


“Tunisian producer Dora Bouchoucha, defender of Arab cinema, has contributed to the development of cinema in North Africa and the Middle East since 1994.


“Mohammad Hushki (Jordan) joins us with his award-winning film Transit Cities and his numerous series blending drama, fantasy and sci-fi.


“Finally, Asmae Graimich (Morocco) completes our jury. This talented producer was able to tell authentic narratives, contributing to the radiance of Moroccan cinema.


“Rich in diversity and expertise, this exceptional jury is ready to celebrate the art of author cinema. Stay tuned to experience every highlight of this unforgettable edition!”


Inulan ng pagbati si Direk Brillante from his friends in and outside of showbiz.

Congratulations po, Direk Brillante!

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 25, 2024



Photo: Yassi Pressman - Vincenzo Luigi Villafuerte - Instagram


Nadadawit si Yassi Pressman sa kalunus-lunos na sinapit ng mga kababayan natin sa Bicol.


May naglalabasan kasi sa socmed (social media) na piktyur kung saan kasama siya ng boyfriend niyang si Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte na nag-island hopping sa Siargao. 


Ka-join din daw nina Yassi at Gov. Luigi ang ama ng huli na si Camarines Sur 2nd District Representative LJ Villafuerte. 


Missing in action daw ang mga politicians na ito habang rumaragasa ang Bagyong Kristine sa Bicol.


Sey ng mga netizens…


“T*nga na lang ang boboto sa mga Villafuerte. Villafuerte is claiming that they are not stranded in Siargao.”


“Sabi nasa CamSur daw sila, pero ‘di makapaglabas ng proof. Hahahaha!”

“Naghahanap pa yata ng way para makauwi ang mga bakasyonista.”

“If so, who can independently confirm this? Are they in their home province? Nasaan sila ngayon?”


Napag-initan din ng mga netizens si Gov. Luigi sa ginawang sobrang PDA (public display of affection) nila ni Yassi sa isang event.

“Sana kung gaano kalakas ang loob ni Gov. Luigi Villafuerte laplapin si Yassi Pressman in public, ganu’n din sana kalakas ang loob n’ya na lumabas ngayon para silipin at kumustahin ang mga taga-CamSur na labis na naapektuhan ng #KristinePH #BangonNaga #PrayForBicol.”


“Kakasuka!”


“Sa true! Landi pero walang public service (?) LOL (laugh out loud).”

“Kurique! Hahahaha! Baka nag-cuddle weather pa with Yassi. Keme.”

“Si Yassi din naman kasi…. ayoko na lang mag-talk! Charaught!”

Pati ang tsismis kina Yassi at Coco Martin noon ay nabuhay.


“HAHAHAHA kaya tama lang na winarla ni Julia Montes, eh. Charot! Ungkatan ng past? Keme!”


May bintang din ang ibang netizens na mukhang pera si Yassi.

“Naku, naubos malamang ang pondo n'yan kay Yassi! 'Di ba, nagbakasyon ulit sila abroad? Dapat pala, mapalitan na rin 'yang mga Villafuerte d'yan.”

“Mukhang pera 'yang si Yacksie.”

Sabeee?



PASOK ang baguhang singer na si Lindsay Bolaños bilang isa sa mga nominado for Best New Female Recording Artist sa 2024 Star Awards for Music para sa kanyang debut single na Pusong Nagmamahal mula sa EBQ Music.


Thankful si Lindsay sa pagkilala sa kanyang kakayahan bilang mang-aawit at napasama siya sa listahan ng talented new female artists sa music industry sa kasalukuyang henerasyon. 


Bata pa lang si Lindsay ay pangarap na niyang maging sikat na singer, kaya nagsikap nang mabuti noong mapabilang siya sa EBQ MUSIC Scholars 2022. 


Nagbunga ang pagsisikap ni Lindsay bilang iskolar ng EBQ Music dahil naging recording artist at nagkaroon ng chance na makaawit ng isang original song.


At 18, slowly but surely ay nakakamit na ni Lindsay ang katuparan ng kanyang mga pangarap. 


But at the same time, isinasabay ni Lindsay sa kanyang singing career ang college degree sa National University. 


Ang EBQ Music ay pagmamay-ari ng producer-composer na si Evie Quintua at executive producer na si Nick L. Quintua.


Nakapag-release na rin si Lindsay ng kanyang first album na same title ng kanyang debut single, ang Pusong Nagmamahal.


Ang Pusong Nagmamahal ay composed by Rachel Anca, Bobot Bolaños at ni Ms. Evie; arranged by Mike Bon; Rubin Remperas as sound engineer; Nicasio L. Quintua as record producer; released and distributed by PolyEast Records.


Sa ngayon, naghahanda na si Lindsay para sa dalawang cover songs niya na maire-release early next year. 


Ang title ng dalawang cover songs niya ay Ikaw Hanggang Ngayon ni Raye Imperial at ang hit song ni Renz Verano na Ibang-Iba Ka Na composed by Efren Jumaquio and Evelyn Bruce na ini-release ng Octo Arts Music.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page