top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 28, 2024



Photo: Danilo Barrios - Instagram


For the first time ay nag-join ang dating Streetboys member at aktor na si Danilo Barrios sa annual Celebrity Bazaar sa World Trade Center sa Pasay City nu’ng Christmas. 


‘Yan ang kuwento ni Danilo sa amin when he invited us to visit ‘yung puwesto niya at ng misis niya na si Regina “Reggie” Barrios para magbenta ng Tatio beauty/health products na business nila. May pampaputi, pampalusog ng internal organs at pampa-diet ang products nina Danilo at Reggie. Mismong si Danilo ay na-try ang Tatio slimming product nila, tumaba raw siya nang husto bago pa ang ginanap na reunion concert nila ng Streetboys. Kaya habang nagda-diet daw siya ay umiinom siya ng slimming product na ibinebenta nila.


Nagtitinda raw talaga ng mga gamot noon pa ang misis niya, iba’t ibang products hanggang sa nabitawan niya ‘yung iba. Kaya ang ginawa ng misis niya, nag-create sila ng sarili nilang mga gamot and then, sa Japan mina-manufacture. User din daw ang misis niya ng kanilang mga products noon.


“Tapos nu’ng nagkaanak na, medyo huminto na rin s’ya. Kasi, medyo na-busy na rin sa mga bata at sa ibang bagay, especially sa mga matatanda. Kasi ‘yung mga lola namin, sa ‘min nakatira, kaya ‘di na rin s’ya nakakalabas ng bahay. Sobrang bihira na lang. Kaya feeling n’ya, okay na s’ya doon,” lahad ni Danilo.


Mabibili raw ang products nila sa online, pero dati raw ay may shop sila sa Tomas Morato sa Kyusi. 


Pahayag niya, “After ng pandemic kasi, walang pumapasok, parang siguro, na-burnout din kami ng wife ko, itinuloy na lang namin online. So, mas okey ang online. Wala kaming masyadong iniisip na tao at saka mga pinabayaang something.


“Binabalak namin next year, kung susuwertehin pa rin kami, why not? We will still try ‘pag medyo… ‘yung isa kasi, bunso, four years old pa lang. So, mahirap iwanan sa bahay at mahirap din iiwan kahit kanino lang.”


Gusto pa raw nilang magkaroon ng baby number five. Sey niya, “Why not kung papalarin tayo at bibigyan ng Panginoon. The more, the merrier.”


Dati nilang ambassadors sina Kris Bernal ar Sugar Mercado.


Aniya, “Si Kris, 2018, 2019. Si Sugar, isa sa ano ng wife ko, friends sila. Close sila. So, kinuha na rin n’yang endorser.”


Recently, may celebrities na nademanda at nakulong dahil sa pagiging endorser at part-owner daw ng isang beauty clinic. 


“Walang ganyan sa ‘min. ‘Yung company kasi namin, wala naman nu’ng parang stocks. Hindi ganoon. Products po talaga ‘yung ini-endorse namin para sa kanila. ‘Yun din po ‘yung usapan namin. So, hanggang doon lang din po ‘yung ano. Kasi ayaw din naming magkaroon ng ‘yung kagaya ngayon, ‘yung mga nangyayari na gulo. 


“At least ‘yun, ‘pag may contract doon lang s’ya. Pinapirma po namin sila as endorsers lang po, hindi part ng company. Kasi, mahirap din po, eh. Kasi baka kung saan din po mapunta or whatever kaya doon na lang po sa pagiging endorser,” paliwanag ni Danilo.


Kinumusta naman namin ang experience niya sa pagsali sa isang bazaar.


“Masaya kasi marami kang nakikita, especially kami (ng mga anak ni Danilo). Lagi kami sa Tarlac, medyo close. Ngayon, medyo maraming nakikita. Maraming nagpapa-picture na nakakatuwa. 


“Kasi may iba especially ‘yung matatanda, nakikilala pa nila ako. Nakakataba po ng puso. ‘Yung mga kids naman, lagi nagsasabi, ‘Mama, sino yan?’ ‘Papa, sino yan?’ 


“Siyempre, ‘di na nila ako inabutan. Pero nae-explain din naman ng mga parents nila. So, very ano, nakakataba ng puso talaga. Sobra, grateful,” kinikilig na sabi ni Danilo.


Nagdadalawang-isip naman si Danilo kung babalik siya sa pag-aartista. May 13 years na rin daw since umarte sa harap ng kamera si Danilo.


“Busy na rin po ako dito, eh. At saka sa family. Siguro ‘pag medyo lumaki na ‘yung bunso ko. Saka ‘tong mga maliliit ko, pa-baby pa rin sila (Hugo at Isabel).


“Saka masarap din silang ano, eh, hangga’t gusto nila na binebeybi sila. So, why not, I will experience that. I’d like to expereince that kesa doon sa hindi ko sila nakikita,” diin pa niya.


Pero hindi naman daw niya totally isinasara ang kanyang “doors” sa pagbabalik-

showbiz. 


Sa ngayon kasi ay mas gusto ni Danilo Barrios na nasa tabi siya ng family niya.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 24, 2024



Photo: Vilma Santos sa Uninvited


Sulit ang panonood namin ng Uninvited sa sinehan on a rainy Christmas day sa pagsisimula ng ongoing Metro Manila Film Festival (MMFF).


Thanks to Mentorque Productions headed by Bryan Dy na nagpatawag ng special screening ng Uninvited for the entertainment media at nagkaroon kami ng chance to watch another excellent film ni Vilma Santos.


Halatang ginastusan ang production value ng Uninvited mula sa mga artista, costume at sa set. Bongga rin ang musical scoring, lights and sound effect. Pati ang promo ay sobra ring ginagastusan.


Simula pa lang ng Uninvited, mahu-hook ka na agad na tapusin ang entire film. Napakahuhusay din ng mga artista mula kay Ate Vi hanggang kay Nonie Buencamino na may surprise appearance sa movie.


Kita talaga na kinuha ng Mentorque ang mga pinakamahuhusay na artista to make sure na kayang-kayang makipagtapatan sa credentials ni Ate Vi as a multi-awarded actress.


Well, ibang-iba ang ibinigay ni Aga Muhlach bilang si Guilly.


Hindi lang inaral kundi pinagbutihan talaga ni Nadine Lustre ang performance niya sa kanyang role.


And the rest, especially ‘yung mga nakaeksena si Ate Vi, ‘di sila ‘nagpalamon’ ‘noh!

After ng special screening ay nakatsikahan namin ang producer ng Uninvited na si Bryan.


Ayon kay Bryan, “Talagang nakakatuwa po, eh. Nag-viral s’ya on its own today and I think, even though it’s R-16, we’re pretty confident it will surpass Mallari’s performance last year. Because, we saw the numbers coming in already.”


Pero sabi ng iba, mas matindi raw ang labanan sa takilya ng mga entries sa MMFF this year.


“Yes. Actually, ‘yun talaga ang… which is very, very fortunate for the film industry. Ang daming magagandang pelikula and uhm, lahat kami, alam kong, it’s a friendly competition. But at the end of the day, it’s a competition.


“Pero nakakaaliw at nakakatuwa na lahat ng producers, lahat po ng mga artista brought their A game for this 50th golden anniversary. Bagay na bagay sa 50th MMFF,” lahad ni Bryan.


Sinagot din ni Bryan ang isyu na bawal daw mag-promote sa GMA-7 ang ibang entries sa MMFF na ‘di produced ng network.


“Alam n’yo po, we understand the decision ng lahat-lahat. But I have to tell this in the industry, ‘no? I think we have to be more helpful to each other. Let’s have a friendly competition. Let our product speak for itself. Kasi mas kakailanganin natin ang isa’t isa, ‘di ba? Lalo na ngayon na bumabangon pa lang ang film industry. We will be needing each other along the way lalo na po sa amin na mga baguhan. Pero kami, we respect everyone’s decision,” lahad niya. 


Last year, si Ate Vi ang nanalong Best Actress. May mga naniniwala na makakapag-back-to-back win ang Star for All Seasons this year.


“Alam mo si Ate Vi, just to be honest, wala na s’yang dapat patunayan. At the end of the day, ang pinakamahalaga sa akin is did she enjoy doing this?


“I mean, that’s more important than anything. I know that there will always be pressure. But at the end of the day, I think whatever it is, ‘di ba, uh, Vilma Santos will always be Vilma Santos.


“Kami nga, lahat kami nagpunta rito, alam namin na it’s a competition. We brought everything, nakita n’yo naman. Walang tapon lahat.


“Nakita n’yo si Aga (Muhlach). Kita n’yo po si Nadine (Lustre). Kita n’yo po lahat ng cast. Talagang ganoon po kagaling si Dan Villegas, lalo pa’t naka-tandem si Tonette (Jadaone).


Naka-tandem pa si Irene (Villamayor). 


“So, we just brought everything here. I think everyone deserves it but definitely, it’s really up to the jury and we respect that. 


“But of course, yes, Ate Vi is my best actress. At kung makikita n’yo naman ‘yung range ng akting n’ya na ipinakita rito, talaga namang from pent-up to outburst, ‘di ba?


“Ako, I’m just happy sa reaction of the people now, lalo na ‘yung mga nakapanood online, it’s really heartwarming. Nakakataba po ng puso,” esplika ni Bryan.


Anyway, sugod na at huwag palampasin sa mga sinehan ang Uninvited. Now na!

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 24, 2024



Photo: Beauty Gonzales - Instagram


Ibinulgar ni Beauty Gonzales na marami siyang nude paintings. Mahilig kasi siyang mag-collect ng painting pero hindi niya feel pag-usapan ang tungkol sa art collection niya.


Katwiran ni Beauty, “When you talk about your own art, nagiging cheap na. I stopped talking about it.”


Nakatsikahan namin si Beauty sa grand mediacon ng Tolome! Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (TWMNPSMNM) na nagsimula na sa primetime ng GMA-7 last Sunday.


Si Beauty ang leading lady ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa action serye.

Naisip ba niya na minsan ay magpa-paint siya nang nude?


Sagot ni Beauty, “Oo, there is. My husband has a lot na gift na portrait sa ‘kin.”


Sagot niya if willing siyang mag-pose nang nude, “Yes, I have a lot of nude paintings. By my husband, his gift.”


Siya ang nag-paint?


“No,” ani Beauty. 


“By artists and also photographs. I don’t mind. I mean, if I got a body like this, why not, ‘di ba?

“In 40 years, 50 years, hindi na ganito ‘yung hitsura ko,” katwiran niya.


Secret daw kung ilang artists na ang nakakita ng kanyang “kagandahan.” 

Wala raw plano si Beauty na i-exhibit for public ang kanyang nude paintings. 


“That will be inside my room only. Para kay hubby lang, yeah,” aniya.


At wala rin siyang balak ipagbili ang kanyang nude paintings.


“That’s personal. That’s my husband's gift. And that’s not bastos,” ani Beauty. 

Diin niya, “Hindi naman ako naka-pose na ‘f*ck me,’ eh.”


Naikuwento naman ni Beauty na hindi siya nakaramdam ng pagkailang habang ini-sketch siya.


Aniya, “When you feel conscious, that means you’re posing to be f*cked. But if you’re not conscious, it’s art. I’m not conscious because I know it’s art and it’s a gift from my husband.” 


Ayaw din niyang sabihin kung ilan lahat ang kanyang paintings.


Sagot niya, “Well, if I have to say, that’s not fun anymore.”


Sa kabila ng marami niyang paintings, hindi naman daw siya mayaman.

“Hindi naman ako mayaman. ‘Yan lang talaga ang hilig ko. Kung ang iba, mahilig sa bag, mahilig ako sa painting. For me, paintings are vital in our life. It’s very vital,” sey ni Beauty.


Samantala, nagka-feeling “sepanx” (separation anxiety) si Beauty after ng shoot nila sa TWMNPSMNM.


“Kasi ang bilis lang ng seven weeks, eh. Ang saya-saya! Sana, hindi ninyo malampasan. Every week, may pasabog,” proud na sabi ni Beauty.


Busy pa rin si Beauty kahit tapos na niyang gawin ang seven episodes ng TWMNPSMNM.


“I’m busy also right now, eh. I’m gonna start another film next year. And then, I’m doing Prinsesa ng City Jail and I’m writing my own screenplay,” tsika pa ni Beauty.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page