top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 3, 2025



Photo: Jake Zyrus - Instagram


Pasabog ang mga rebelasyon ni Jake Zyrus (dating si Charice Pempengco) sa inilabas niyang libro na may simpleng pamagat na I Am Jake.


Nag-viral sa X (dating Twitter) ang ilan sa mga eksplosibong pahayag ni Jake sa naging buhay niya noon bilang si Charice.


Sexually and financially abused si Charice, ayon kay Jake.


Ikina-shookt (gulat) ng mga netizens ang pag-amin ni Jake na biktima ng sexual abuse si Charice when she was only 6 years old.


Narito ang pahayag ni Jake sa kanyang libro, “I was six years old when an uncle began sexually abused me. The first time it happened, I was playing in the living room while he drew. He looked up from the sketches he was making and called me over. ‘Come here. I’ll draw you.’ 


“Even at that age, my instincts told me something bad was going to happen. But I had no choice but to follow him. As he drew me, my mind quickly shifted to denial.


“My uncle then asked me to come with him to his room. We were going to sleep, he told me. Even if I had said no, I was so small and helpless. All he had to do was pick me up.


“Of course, we didn’t sleep. He lay behind me, spooned me, and started touching me all over. My uncle, supposedly my second father, asked me to touch his genitals. I refused to move and didn’t talk. I just lay there stiffly, waiting for the nightmare to be over. I think that disappointed him. He gave up, and I breathed a sigh of relief, thinking that was it; that he would never touch me again.


“I was wrong.”


Nagkamali raw si Jake dahil paulit-ulit pa ring nangyari ang pang-aabuso kay Charice.

Tungkol naman sa pinansiyal, ini-reveal ni Jake kung paano naging deprived si Charice sa perang pinaghirapan niya.


Nalaman lang daw niya kung magkano ang perang kinikita niya nu’ng makausap niya ang kanyang accountant for the first time nu’ng nasa tamang edad na si Charice.

“Imagine how I felt as an adult who should be able to handle my own money when I met my accountant for the first time and learned that when I went on tour, I could earn up to $600,000. 


“When I sang at private events, I could get up to $300,000. Endorsements in the States earned me up to $1,000,000. At one point, my net worth was $16,000,000.


“I am not worth $16,000,000 anymore, but I assure you, I am richer than Charice. She only knew how much she was worth, but she never actually got to touch or enjoy her earnings. 


“Sure, I saw houses being built and cars being bought using my money, but I was always told they weren’t mine. 


“If I needed to use one of our cars, I had to ask permission from my mother. Sometimes, she would refuse my request. It’s only now that I finally know what it’s like to have a house under my name and a car I can use anytime I wish,” paglalahad pa ni Jake.


Marami ang nakisimpatya at mas naunawaan si Jake ngayon especially sa socmed (social media). ‘Yung iba, hindi napigilang ikumpara si Jake kina Sarah Geronimo at Carlos Yulo.


“Parang Sarah G. (Geronimo) lang. ‘Di nila deserve ‘to kasi blood, sweat and tears talaga effort nila para sumikat ever since. Hays.”


“Hello, ganyan din naman si @momshiedivine.”


“For sure, now people understands how Carlos Yulo feels because it is exactly the same.”

“Kaliga rin pala ng nanay nina SG and CY.”


May mga nag-post din ng comments showing their empathy for Jake.

Ani ng isa, “Financially and emotionally tortured by his own mother. Sexually abused by his uncle. Bullied by media and traumatized by the society. I am sorry Jake Zyrus, the world failed you.”


So there.

 (Motherland).


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 2, 2025



Photo: IG - Meryll Soriano at Joem Bascon


Tuloy na tuloy pa rin ang pagtakbo ni Willie Revillame bilang senador this coming election at busy na siya sa pangangampanya.


May tsikang solo flight lang si Willie sa ginagawa niyang kampanya at wala ni isa mang member sa kanyang pamilya ang kasama ng TV host/senatoriable sa panunuyo sa mga botante.


Napag-alaman namin ito mula mismo kay Joem Bascon na partner ng panganay na anak ni Willie na si Meryll Soriano.


Nakausap namin si Joem sa special screening ng bagong obra-maestra ni Cannes Best Director Brillante Mendoza, ang Bansa (Motherland), na ginanap sa The Secret Garden events place sa Busilak St., Mandaluyong City last Sunday.


Hindi raw sila sinabihan ni Willie na sumama at tumulong sa pangangampanya niya. Pero kapag nagsabi naman daw si Willie sa kanila, by all means, tutulong sila ni Meryll.

Pag-amin ni Joem sa amin, “When it comes to that, ‘yung tulong namin siyempre… hindi naman patago. Pero tutulong kami the best way na pupuwede kami, kung mabibigyan ng tsansa, ‘di ba?


“Pero for now, siyempre focused kami on working, focused kami sa baby namin. At si Sir Wil naman, focused siya sa campaign niya. Pero siyempre, ‘pag… alam mo naman ‘yun, ‘pag ipinatawag… siyempre, ang dami nang tulong na naibigay sa ‘min, so, pupunta kami.”


Tinanong namin si Joem kung bakit “Sir” ang tawag niya sa ama ni Meryll.

Tugon ng aktor, “Nahihiya kasi akong tawaging Papa o ano, eh. Puwede naming tawaging Senator, Sen.. ‘Hi, Sen.’”


As of last time na kausap namin si Joem, wala siyang alam kung ano ang napag-usapan nina Willie at Meryll pagdating sa suportang hihingin ng TV host sa pangangampanya.

“I guess with Meme (pet name ni Meryll), hindi ko kasi maano kung ano ang napag-usapan nilang dalawa. Pero naka-focus si Meme with work.


“Pero ‘yung buong puso, kaluluwa, buong pagkatao n’ya is ‘yung suporta n’ya, nand’yan for her dad,” paliwanag ni Joem.


Limang taon nang nagsasama sina Joem at Meryll. Sa loob ng panahong ito ay nabiyayaan sila ng anak na lalaki, ang four-year-old na si Gido.


Natawa si Joem nu’ng matanong namin kung bakit ‘di pa sila nagpapakasal ni Meryll.

“Tingnan natin. Hahaha! Hindi ko masagot, eh. Nahihiya ako siyempre. Darating ‘yung panahon na tatanungin ko na s’ya, ganu’n. Pero ‘di pa sa ngayon.


“Siyempre, marami pa s’yang… mas madami pa s’yang kailangang gawin para sa sambayanan. So, hindi ko pa muna maisingit.


“Doon muna s’ya naka-focus. Kailangan s’ya ng sambayanang Pilipino,” diin ni Joem.


Ang mahalaga sa ngayon, maayos at masaya ang pagsasama nila ni Meryll with Gido at ang magandang relasyon nila ni Willie.


Pagbabahagi pa ni Joem, “They’re very relaxed, pero s’yempre, ‘yung pagod with the campaign. It will take a toll, and we’re just here to support him.


“We’re just here to make it easier for him to see ‘yung mga grandson niya para at least, maibsan ‘yung pagod.


“Pero s’yempre, ‘pag nakikita n’ya ‘yung mga taong nagtsi-cheer sa kanya, I’m sure nakakawala ng pagod ‘yun. But for now, ‘yun po muna ang kaya naming mai-offer.”


Bukod kay Joem, nanood din sa special screening ng Bansa ang iba pang gumanap sa papel bilang PNP-SAF 44 sa pangunguna nina Rocco Nacino, Mon Confiado, Richard Quan, Kiko Matos, Mac Mendoza, at Jess Mendoza.


Naipalabas ang Bansa sa Busan International Film Festival sa Japan kamakailan. At pagkatapos ng Japan, for sure, iikot pa sa iba’t ibang international film festival ang Bansa (Motherland).


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Mar. 1, 2025



Photo: Hajji Alejandro - Instagram


Nanawagan ng panalangin ang former schoolmate sa San Beda ni Hajji Alejandro para sa lagay ngayon ng singer sa isang post na ini-repost ng Memories of Old Manila sa kanilang Facebook (FB) account.


Ayon sa post ng may account name na Erwin Sysantos, “Philippines, Prayers Needed to our Fellow Bedan Brother Hajii Alejandro - San Beda Grade School 1967  San Beda HS 1971 Ateneo de Manila University College (Marketing Management).  

San Beda Red Cubs NCAA HS athlete.  


Prayers to our Fellow Bedan Hajji Alejandro who is now at ICU at Medical City Philippines and has Stage 4 colon cancer.  


“Prayers Ascending Hajji’s colon cancer has metastasized to his liver and lungs.  

“He is intubated. Nagkaroon pa ng mga seizures kanina. The family decided not to accept any visitors for now. We have to respect that. More prayers needed for him not to suffer.  

“Kindly pray for the wellness of Mr. Alejandro.”


Bukod dito, may isang concerned friend ang nanghingi rin ng prayers from us after sending a picture na screenshot sa isang reel ng newscaster na si Arnold Clavio. 


Makikita sa picture ang male patient na nakahiga sa hospital bed na intubated.

From another source also, balita namin ay dumating na sa Pilipinas from the US ang eldest daughter ni Hajji na si Rachel Alejandro.


Nag-enjoy naman daw…

MARCO, KUMANTA SA KARANASAN SA MGA BADING


BIGLANG nag-iba ang datingan ng former child star na si Marco Masa dahil sa isang eksena na ginawa niya sa pelikulang Outside.

May mga nakiliti at naseksihan kay Marco. Hindi na raw “totoy” ang tingin sa kanya ng iba.


“Well, darating din naman po talaga tayo sa part na tatanda ako. Malilinya na rin ako sa mga ganu’ng bagay. But, hindi naman po magpapaseksi, hindi po ganu’n. Medyo mature role po. Mao-open naman po ‘yung mature roles sa akin. I have to be versatile rin po,” esplika ni Marco.


Marami rin ang naintriga sa pag-amin ni Marco na crush niya si Ysabel Ortega na girlfriend ni Miguel Tanfelix.  


Mas matanda si Ysabel kay Marco. Okey lang daw ‘yun na magkaroon siya ng crush sa mas matanda sa kanya, huwag lang sobrang layo na sa edad niya.  


“Nothing ano naman sa amin ni Ate Ysabel. It’s just paghanga,” depensa ni Marco.


Ano’ng nagustuhan niya kay Ysabel? 


Sey niya, “Well, the way she brings herself po kasi, parang I just like the way…. ‘yung personality n’ya ‘pag nakikita ko s’ya. So, ‘yun. I just admire that.”


Nakausap namin si Marco sa red carpet premiere ng latest film niya na The Caretakers (TC) na pinagbibidahan nina Iza Calzado at Dimples Romana, directed by Shugo Praico, na palabas na sa mga sinehan ngayon. 


Base sa napanood naming mga eksena niya with Iza and Dimples, hindi intimidated si Marco sa dalawang award-winning actresses. Kasi naman, kino-consider na ng ibang showbiz critics si Marco as a veteran actor.


Aniya, “Thank you kung ganoon ang tingin nila sa ‘kin. But ang tagal ko na nga rin talaga sa showbiz if you’re gonna talk about ‘yung length.  


“Ever since bata ako I’ve done commercials, lahat ng TV series, nag-grow na rin ako. Pero I’m still open for learning kasi life is a continuous process naman. But, uh, I can’t really say na veteran na veteran na talaga ako. Hindi pa rin.  


“Marami pa rin talaga akong matututunan and I’m really happy to be working with such great actors and actresses dahil hindi nauubos ‘yung mga bagay na natututunan ko from them, eh. So, sobrang saya ko na nakakasama ko sila sa mga projects ko gaya nina Ate Iza and Ate Dimples.”


Then, someone asked Marco during our interview kung may bad experience na ba siya sa showbiz.


Sagot niya, “Personal experience like sobrang pagod lang kasi nag-aaral din ako at the same time. As I grow up, dumadagdag na rin ‘yung mga responsibilities ko. But, hindi ko ipagpapalit ‘yun sa mga natatamasa ko ngayon. I’m really happy. I’m really grateful.”


Diretsahan naman naming tinanong si Marco kung may nag-take advantage na ba sa kanya sa showbiz. Kung meron na, ano’ng ginawa niya? At kung sakali, ano’ng gagawin niya?


“Wala, wala naman,” sagot ni Marco.


Dagdag niya, “Maingat naman po ako pagdating sa mga ganyan. I mean, I’ve been in the industry for so long so medyo open na rin ‘yung pag-iisip with those kind of things. I’m pretty aware naman po with what I do. I’m in control naman.”


Hindi raw siya natatakot sa mga bading.


“Okey naman ang experience ko sa kanila. Actually, ang saya naman nilang kasama sa set. Pero pagdating sa mga ganoong bagay, I know my place. I know where to stand. Hindi ko tino-tolerate ‘yung mga ganu’ng bagay,” diin pa ni Marco Masa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page