top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | August 16, 2025



Photo: Liza Soberano - IG



Pasabogang mga rebelasyon ni Liza Soberano sa Can I Come In? channel na mapapanood sa YouTube (YT).


Ini-reveal niya ang nangyari sa romance nila ng screen partner niya na si Enrique Gil at kung paano sila nag-split. 


Three years ago na raw sila nag-split (naghiwalay) ng aktor, but a year before ng actual breakup nila, nakikita na raw ni Liza sa sarili niya na unhappy siya. 


Akala raw niya, si Enrique na ang kanyang forever pero may nakita raw siya na signs kay Enrique para hiwalayan.


Instead na tanungin ang aktor, hinayaan na lang daw niya dahil may trauma pala itong si Liza sa confrontation.


Pahayag ni Liza, “I decided to just swallow it or like, sweep everything under the rug. I kind of accepted. I like, I remember I did like a mental checkup with myself and I accepted that there were certain things about him that I wasn’t okay with, and that it’s just always going to be like that. And that’s just life. You win some, you lose some. You have to deal with the good and the bad.


“So I was like mentally telling myself these things because we were already at that point almost 8 years together and I was genuinely EXPECTING US TO GET MARRIED like soon. But then, it didn’t happen. And so, when I broke up with him, I would say it was such a beautiful breakup because it was still so, so full of love.”


Inamin pa ni Liza na nahirapan talaga siya na makipaghiwalay kay Enrique dahil sobra niya itong mahal at nakaramdam din siya ng guilt feeling.


Pero iba naman ang pinansin ng mga netizens sa interview ni Liza at hindi ang tungkol sa kanila ni Enrique. Bagkus, mas ang concern pa ng mga nakapanood ng buong interview ni Liza ay ang sinapit niya sa Amerika noong bata pa siya na nagsimula sa edad na 2.


Sey ng mga netizens…


“Katatapos ko lang mapanood ‘yung video n’ya, grabe ang pinagdaanan n’ya sa Amerika. Grabe ang abuse, ibang trauma, malala.”


“She was talking about her very traumatic childhood for almost 30 minutes. The kidnapping, the child abuse… and all you wanna focus on is the breakup?”


“The headline (caption sa X na dating Twitter) is not clicking. Go watch the whole story. The kidnapping? The trauma? The abuse? Asking her to eat or lick dog feces literally? How did you not put that in the headline?”


“It was kinda an open secret naman na they already broke up. Obvious naman kasi. But still, shocking.”


“There’s more to the video than just a breakup. But then again you wouldn't touch her trauma/childhood survival since you only see her as the other half of a money making duo.”

“All media platforms focus on breakups but no one talks about the trauma and abuse. Hugs for Liza!”


So, there.



MAGSASAMA sa isang ABS-CBN teleserye ang dalawang sikat na heartthrobs na sina Donny Pangilinan at Kyle Echarri para sa Roja na mapapanood ngayong taon tampok ang mga bigating cast.


Parehong beteranong mga aktor at ilang mga inaabangan na young stars ang makakasama nina Donny at Kyle sa serye katulad nina Maymay Entrata, Raymond Bagatsing, Joel Torre, Janice De Belen, at Lorna Tolentino.


Mula sa produksiyon ng Dreamscape Entertainment, inanunsiyo ang Roja sa pamamagitan ng nakakaintrigang video teaser sa social media kung saan tila magtse-check-in sa isang engrandeng resort, ang La Playa Roja, ang bawat cast member matapos ilatag ang kani-kanilang mga maleta.


Ang Roja ang nagsisilbing pagbabalik sa primetime serye nina Donny at Kyle pagkatapos ng kani-kanilang serye na How to Spot a Red Flag (HTSARF) at Pamilya Sagrado (PS).


Abangan ang iba pang mga detalye at kung sino ang iba pang mga cast members ng Roja.


Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook (FB), X (dating Twitter), Instagram (IG), at TikTok (TT), o bisitahin ang ABS-CBN website.



 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 15, 2025



Photo: Sofronio Vasquez - IG



Mainit pa rin ang usapan tungkol sa Super Divas (SD) concert nina Regine Velasquez at Vice Ganda — isang matagumpay na gabi sa Araneta Coliseum na sinabayan ng kontrobersiya matapos kumalat ang tsismis na ipinamigay lang umano ang ilang VIP tickets.

Sey ng mga netizens:


“Ganu’n din kay Vice, ipinamigay na nga lang daw kahit VIP, hindi kasi ata priority ng mga Pinoy.”


“Ang mahal po kasi.”


‘Yan ang nakita naming comments sa Facebook (FB) account ng isang blogger na nagko-cover ng mga concerts dito. 


Sa thread ng post ng naturang FB page nu’ng blogger ay nabanggit din ang lagay ng mga concert ng mga local artists.


Ipinost nu’ng blogger sa kanyang FB page ang picture ng seats para sa venue ng nalalapit na concert ng kauna-unahang Pinoy na nanalo sa The Voice (TV) sa USA na si Sofronio Vasquez with Jed Madela atbp.. Halos marami pang seats (tickets) ang hindi pa naibebenta.


Caption nu’ng blogger, “Bumili naman kayo ng tickets ng #BravoManila happening August 23 sa Solaire featuring Sofronio Vasquez, Jed Madela, Lyka Estrella, Carmeland Collado, and Bituin Escalante.”


Sa true lang, halos sunud-sunod ang malalaking concert events lately. At marami pa ang naka-schedule na malalaking concerts ng Pinoy singers mula ngayon hanggang end of the year.


Comment ng iba pang netizens sa FB post ng blogger:

“SOFRONIO? NO THANKS, HAHAHAHA!”


“Mas sinusuportahan pa kasi ng mga Gen Z ‘yung mga Korean, laging sold out.”

“Mahal po ang ticket, ‘di po namin kayang bilhin.”


“Maloka ka sa ticket ng concert ni Lani Misalucha, halos doble price.”

Reply nu’ng blogger, “Don’t compare. Lani is a bigger artist, and guess what? Her ticket sales aren’t moving either.”

Sabeee?




PATAY na rin ang karakter ng isa sa mga kinaiinisang kontrabida sa hit action-series ng ABS-CBN, ang FPJ’s Batang Quiapo (BQ), na si Edwin na mahusay na ginampanan ng aktor na si Ping Medina.


Bilang pagpupugay, ibinahagi ng CCM Film Production ang isang reel na nagtatampok kay Ping na nagbabalik-tanaw sa kanyang paglalakbay sa serye.


Nagpakita rin ito ng isang sulyap sa kanyang huling taping day kung saan nakatanggap siya ng espesyal na sorpresa mula sa mga kasamahan niyang artista sa Batang Quiapo (BQ).


Para kay Ping, ang BQ ang unang palabas na nalungkot siya sa pagkawala ng kanyang karakter sa serye.


Lagi raw niyang tatandaan ang “brotherhood” na binuo niya kasama ang kanyang mga co-actors sa loob ng halos 3 taon sa BQ.


“Ang tagal na pala namin na parang magkakapatid na kami sa set, lalo na ‘yung mga Tondo boys,” sabi ni Ping.


Ang BQ daw ang nagturo sa kanya kung paano talagang tingnan ang kaluluwa ng isang tao lalo na ang mga nakatira sa Quiapo.


“Ang pinakanatutunan ko sa Batang Quiapo ay hindi puti o itim ang buhay ng tao, may grey area ‘yan. Mas nakilala ko ang mga tao ng Quiapo at mas na-appreciate ko sila,” pahayag ni Ping.


Tulad ng maraming manonood, pinangalanan niya si Roda bilang isa sa mga paboritong niyang panooring karakter dahil sa mga witty adlibs ni Direk Joel Lamangan.


At the same time, malapit sa kanyang puso ang mga karakter na sina Marsing, na ginampanan ng kanyang ama na si Pen Medina, at Nita, na ginagampanan ng beteranang aktres na si Susan Africa.


Binanggit din niya kung gaano siya nag-enjoy kaeksena si Ronwaldo Martin na gumaganap naman bilang si Santino.


“Nag-umpisa s’ya na medyo alangan s’ya tapos pagtagal, pagaling nang pagaling at paganda nang paganda ang performance n’ya.


“Minsan nasa eksena lang ako, tapos biglang napapansin ko, pinapanood ko na lang si Santino. Ang galing n’ya,” bulalas ni Ping.


One memorable scene para sa kanya ang confrontation nila ni Lovi Poe as Mokang.


“Noong nasampal ako, nagulat talaga ako,” kuwento niya.

S’yempre, todo-pasalamat si Ping sa lead actor, director, and producer ng BQ na si Coco Martin.


Mensahe niya kay Coco, “Utang na loob ko sa ‘yo na binigyan mo ako ng ganitong role. Nagtiwala ka sa akin bilang Edwin. First time na may nagtiwala sa akin na mag-comedy, na mag-action at kontrabida.


“Sobrang nag-enjoy talaga ako. Nabago ang buhay ko ng role ko as Edwin. Marami akong utang na loob sa ‘yo, Direk. Alam mo na ‘yan kaya maraming-maraming salamat, Direk Coco, I love you.”


Huwag palampasin ang kahit isang episode ng FPJ’s Batang Quiapo gabi-gabi, 8 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, TV5, at iWant.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 12, 2025



Photo: KC Concepcion - IG


Pinagkamalang suitor/boyfriend ni KC Concepcion ang kasama niyang foreigner sa picture na naka-post sa kanyang Instagram (IG) kahapon.


Kaya biglang nag-aligaga again ang kanyang mga followers/fans sa socmed (social media).


Ang sweet naman kasing tingnan ni KC sa kasama niyang foreigner sa picture.

Pero sa caption ng kanyang IG post ay nalaman kung sino ‘yung guy na ka-sweetan ni KC sa picture.


Caption ni KC, “Morning well spent with the ever-inspiring Dr. @drdennissempebwa speaker, mentor, and visionary leader. Grateful to be sitting across someone who speaks life, wisdom, and truth in ways that stretch and grow you!


“Good health isn’t just in the body, wellness is in the spirit and the mind, too. Voices that shape the journey! Grateful for.


“Btw (by the way) Doc D’s brand-new podcast ‘Honest Conversations’ actually drops today! If you’ve ever wished you could pull up a chair to a nurturing conversation visit sempebwa website.”


Sey ng mga netizen:


“Wow! Congrats po, perfect couple (face with hearts emoji).”

“Best wishes to both of you.”

“Blacked dot com (laughing with tears).”


Kinorek agad ng mga followers ni KC ang mga netizens sa pagkatao ng kasama niyang si Dennis Sempebwa.


Paliwanag nila:


“They are not a couple. Ptr. Dennis Sempebwa is the family’s spiritual mentor.”

“Thank you for sharing! Dr. Dennis is such an amazing man of God! He preached at our home church @creativeschurch yesterday. God is so good! (raising hands, fire & praying hands emoji).”


Samantala, may netizen ang nag-comment at pinagkukumpara si KC kay Bea Alonzo. Tsika ng mga netizens:


“Si Bea me bilyonaryo na, si KC, wallet pa rin?”


Ang tinutukoy ng netizen na bilyonaryo ay ang boyfriend ni Bea na si Vincent Go. Habang may mapangahas na nag-comment kung sino talaga ang boyfriend ni KC ngayon.

“May Aly na po ‘yan, private lang ang relasyon nila.”


‘Yun na!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page