top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 2, 2025





Ngayon pa lang ay ramdam na ng mga Kapamilya stars ang lungkot sa nalalapit na paggiba sa old main building ng ABS-CBN.


Una na d’yan ang dalawa sa pinakasikat na homegrown artists ng Kapamilya Network na sina Piolo Pascual at Kim Chiu.


Sa ginanap na 38th Star Awards for Television kung saan big winners sina Piolo at Kim ay natanong sila sa napipintong pagkawala ng old main building ng ABS-CBN. Kasama rito ang makasaysayang Dolphy Theater, mga studios, dressing rooms, radio booths, simbahan, atbp..


Ipinagbili ng ABS-CBN sa Ayala Land ang “30,000” square meters mula sa kabuuang 44,027.30 square meters na property ng dating broadcasting network, ayon sa ulat ng ABS-CBN.com noong February 2025.


“Siyempre, masakit. Dito kami lumaki ‘ba,” emosyonal na sabi ni Piolo. 

Naging bahagi si Piolo ng talent management arm ng ABS-CBN na Star Magic noong 1996 o 29 years ago.


Sey naman ni Kim, “Oo, ang daming nangyari rito sa building na ‘to.”


Si Kim ay homegrown artist ng ABS-CBN mula nang manalo siya bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition 1 noong 2006 o 19 years ago.

Pero paniniyak ni Piolo, “But we carry it in our hearts.”

“Yes,” pagsang-ayon ni Kim kay Piolo. 


Aniya pa, “Nasa puso namin ‘yun and alam namin na nand’yan pa rin ang mga Kapamilya.”

May eksklusibong impormasyon naman ang nakarating sa amin tungkol sa paggiba ng Dolphy Theater at ng simbahan sa old building ng ABS-CBN.


Ayon sa aming informant, may nagaganap daw na pag-uusap between the Ayalas at ang management ng Lopez building tungkol sa paggiba ng buong structures sa compound ng Kapamilya Network na nasa Sgt. Esguerra at Mother Ignacia streets.


Ipinapakiusap daw ng mga taga-ABS sa mga Ayala na huwag isama sa gigibain ang Dolphy Theater at ang simbahan na malapit dito.


Puwede rin kasing magamit ng mga Ayala ang Dolphy Theater at ang simbahan. Puwedeng ipagpatuloy bilang tanghalan ng live show or event ang Dolphy Theater. Puwede ring gawing museum.


At sa mga establishments naman ng Ayala ay very visible ang maliliit na simbahan. With the existing “kapilya” sa compound, ‘di na nila kailangang maglagay pa ng bago.

Well, sana nga ay mapagbigyan ng Ayala ang request ng mga taga-ABS-CBN.



NAGPAMALAS ng husay sa pagpe-perform ang very talented all-male group na Magic Voyz sa selebrasyon ng kanilang first anniversary via a hit show sa Viva Cafè last Sunday.


Punumpuno ang Viva Cafè sa anniversary concert ng Magic Voyz. Pero sulit na sulit ng audience ang kanilang panonood dahil sa dami ng performances ng MV, pati na ang bonggang production numbers at outfits ng grupo.


Siyempre, happy and proud ang “nanay-nanayan” at manager ng Magic Voyz na si Lito de Guzman. Malaki rin kasi ang hirap ni Lito sa grupo and seeing them grow as performers at sa kanilang personality, kakaibang feeling ‘yun for Mama Lits.


Ang Magic Voyz ay binubuo nina Jhon Mark Marcia, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones, Johan Shane, Asher Bobis, plus, ang bagong member ng Magic Voyz na si Jorge Guda na ipinakilala sa concert.


“I’m so grateful and happy to be part of an excellent group. I’m looking forward to more shows and events with Magic Voyz. Sobrang worth it lahat ng sacrifices,” sabi ni Jorge.


During the concert, kinanta ng Magic Voyz ang original song nilang Bintana na isinulat ng isa sa mga members ng grupo, si Johan Shane. Kinanta rin nila sa concert ang bago nilang single na malapit na ring i-release, ang Tampo.


Lahat ng awitin ng Magic Voyz ay released under Viva Records and LDG Productions.


Nag-perform din as special guests sina Robb Guinto, Skye Gonzaga, Cebuana Twins, Buraot Queen, Meggan Marie, Miia Bella at si Ayah Alfonso.

After the concert ay nagpaunlak ng interview sa media ang Magic Voyz.


Tsika ng isa, “Hindi ma-explain... may mga nagkasakit, napaos sa kakakanta, pero nakaya naman at naitawid namin.”


“Hindi lang ako ang nagko-compose ngayon,” shared Johan Shane, the group's main songwriter. 


Aniya, “Kasama na rin sina Mhack, Asher, at Mark. Apat na kaming magke-create ng magic para sa Magic Voyz.”

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 1, 2025





Nag-taping si Bea Alonzo para sa episode ng Magpakailanman ng GMA-7 na planong ipalabas sa nalalapit na Semana Santa o Holy Week.


Si Zig Dulay ang direktor ng episode. Siya rin ang direktor ng drama-crime-mystery-series ni Bea na Widows’ War (WW).


Speaking of WW, ipapalabas na rin pala sa Netflix ngayong Abril ang Kapuso hit drama series na pinagbidahan ni Bea, kaya abang-abang na lang tayo.


Samantala, may mga intrigang kumakalat sa showbiz na hindi na raw ire-renew ng GMA-7 ang kontrata ni Bea sa kanila after ng WW.


A reliable source told us na kaya hindi pa inire-renew ang contract ni Bea sa GMA-7 ay dahil ‘di pa naman ito expired, so bakit nga naman magkakaroon ng contract signing for renewal?


At ayon pa sa aming source, nakipag-meeting na raw ang manager ni Bea na si Shirley Kuan sa GMA-7 para sa bagong teleserye ng aktres.


Concept daw muna ng bagong teleserye ng aktres ang gagawin, then, ‘yung mga artistang makakasama ni Bea. Bongga sana kung with Marian Rivera naman na women empowerment ang tema.


Bago ang teleserye, gagawin muna ni Bea ang movie niya under Direk Erik Matti na ipapalabas naman sa HBO.


Ang bongga ni Bea, ha? Mapapanood na sa Netflix, may HBO movie pa.


Hopefully, may mga international producers na maka-notice kay Bea sa mga streaming platforms na nabanggit para magkaroon siya ng legit na foreign movie from a prestigious film studio.


With regards to Bea’s love life, mukhang happy naman ang Kapuso actress. For sure, marami ang umaali-aligid na suitors ni Bea ngayon, ‘di lang mga artista kundi pati rich businessmen.



ELEVATED ang businesswoman-turned movie producer na si Ms. Cecille Bravo for this year’s Philippine Faces of Success na ginanap ang awarding ceremony last Saturday.


Pinarangalan si Tita Cecille as Lifetime Achievement awardee sa larangan ng business. Ilang beses na rin kasi siyang binigyan ng karangalan ng Philippine Faces of Success.


Pahayag ni Tita Cecille, “I’m so elated, grateful and thankful. And, this will inspire me more to do more sharing, giving. Kasi ayaw kong sabihin, ‘Ah, tumutulong lang tayo dahil may kapalit.’ Pero tutulong tayo kahit walang kapalit. Sabi nga, limitless.”


Para kay Tita Cecille, napakaimportante ng mga ganitong parangal.


“Kasi ito, nagpe-pave rin ng way para mas makita ko kung sino pa ba ang dapat tulungan.

Nakikita ko rin ‘yung ibang katulad ko na nabibigyan ng award.


“Alam n’yo ba na ina-admire ko rin sila? Iniidolo ko rin sila. At ‘yung iba d’yan, iniidolo ko na. Na ngayon, ang sarap ng feeling na makakasabay ko sila because ‘yun na nga, eh, nagawa nila ‘yung gusto nilang gawin, ‘yung mang-inspire and I’m very thankful,” paliwanag ni Tita Cecille.


Inaabangan na rin ang susunod na movie project na gagawin ni Tita Cecille after ng Co-Love niya sa Puregold’s CinePanalo.


Ayon kay Tita Cecille, “May mga brewing pa pero in the works pa and under negotiations. I’m just trying this kasi bago sa akin ‘to. So, titingnan natin.


“Dahil sa totoo, ang hirap din palang mag-produce. Costly na, tapos totoo talaga, hindi naman kumikita, ‘di ba? Even ‘yung movies, magagaling ang plot, ang actors and everything.


Lalo nga kasi ngayon, maraming puwede na lang panoorin kung saan-saan. Hindi na nanonood sa talagang tipikal na sinehan. So, minsan, nag-iisip din ako. Pero we will see. Why not?”


Nagkaroon din ng special role si Tita Cecille sa Co-Love, kaya na-curious kami na malaman kung may kasunod pa siyang movie o TV project.


Aniya, “Actually, (sa) totoo, may nag-o-offer. Tapos, may nagsasabi pa sa ‘kin, ‘Sige na, i-try mo pa. Dugtungan mo pa.’ So, I’m considering it dahil it seems ‘pag natuloy ito, mukhang mother ang role ko, mother na mahirap.”


Challenging daw ang role para sa kanya but not pagganap bilang mahirap. Inamin ni Tita Cecille na pinagdaanan din niya sa buhay ang pagiging mahirap.


Paglalahad niya, “Kaya siguro maganda ring marating mo kung ano o nasaan ka ngayon. Kasi sabi ko nga, ang success, hindi mame-measure ‘yan sa kung ano’ng meron ka. Ang success n’yan, kung happy ka ba sa kung ano’ng narating mo. At doon ba sa narating mo, may natuklasan ka ba? Wala kang nasagasaan? Wala kang naapi?”


Agree. Congratulations again, Tita Cecille!

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Mar. 30, 2025





Hindi na nakatiis ang dating BFF (best friend forever) ni Kathryn Bernardo na si Trina Uytingco sa mga pamba-bash sa kanya ng mga netizens. Kaya naman may post siya sa X (dating Twitter) ng kanyang saloobin.


Post ni Trina sa X kahapon, “Please stop leaving hateful messages and comments targeting my character. Please have some decency and respect before you comment on peoples’ personal lives (which you all know nothing about).”


Ilang araw nang pinag-uusapan sa X ang biglang “pag-disappear” sa buhay ni Kathryn ni Trina, unlike before na laging nakikitang magkasama ang dating magkaibigan. At nitong nakaraang kaarawan ni Kathryn, ‘di raw binati ni Trina ang kanyang BFF.

Sey ng mga netizens:


“I trust that you and Kathryn will always remain the best of friends and stronger than ever. These hateful messages come from people who are unhappy and full of discontent in their lives. All is well!”


“Lods (idol), mahal kita. Sana maging okey pa rin kayo ni Kath sa kabila ng pinagdadaanan n’yong magkaibigan ngayon. Please sana kung ano man ‘yung naging problem n’yo.”


“Leave them alone, ‘yung mga fans na walang respeto kahit saan na lang nag-comment. Gumawa kayo ng GC n’yo, du’n kayo mag-Marites.”

Lagi raw nawawalan ng kaibigan si Kathryn.


“Kathryn is always losing friends.. why kaya? May friendship issue na naman pala siya with Trina na long time friend n’ya noon.”


Walang malinaw na dahilan kung bakit nagkaroon diumano ng gap sina Kathryn at Trina. Pero kung babasahin ang mga naka-post na comments sa X, ay mahihinuhang may kinalaman ang nababalitang boyfriend daw ni Kathryn ngayon na si Lucena City

Mayor Mark Alcala.


Sey pa ng ibang fans:

“We are with you, Trina!!! (teary-eyed emoji).”

“Kathryn Bernardo is THE RED FLAG (red flag emoji).”

“Bakit red flag? Dahil hindi pinili ang idol n’yo?”

“Sa mga fanney ni @bernardokath, ‘di naman kasalanan ni @trinaguytingco na (red flag emoji) enjoyer ‘yung idol n’yo. Na mas pinili n’ya ‘yung CHEATER/TRAPO over sa friendship nila.”

“Beh, ikaw na ang mag-debunk kung totoo ba ‘yung kay Mayor at Kathryn. Hindi ma-debunk nu’ng nanay, eh, sabi lang single si Kathryn. Natural, pero nagde-date, kaya nga may manliligaw, eh. Alangan namang tinitignan lang.”

“After this, kung basted man o sagutin ni Kath ‘yung (red flag emoji) na ‘yun.. markado ka, Trina sa ‘kin. Ikaw nga mas pinili mo dyowa mo over friendship tapos si Kath, ‘di puwede?”

“Her allegedly ending friendship with Trina just to be with #that man (crying emoji) can’t defend her anymore.”

“Hayaan n’yo muna si Kath, mga Mhie. Ibigay n’yo na sa kanya ‘yan. Seven years old pa lang nagwo-work na si accla. Twenty-two years n’ya na tayong pinapasaya. Sabi n’ya nga  ‘di ba? Let her experience PAIN. Kung du’n s’ya matututo at mag-grow, just LET HER. That’s her life and her life alone. Dedma na muna kay Tita Min… (crying emoji).”



BUMALIK na ulit sa Amerika ang award-winning actress na si Hilda Koronel. Lumipad siya paalis ng Pilipinas noong Thursday night.


Pero bago siya umalis, nagpaalam siya sa kanyang mga kapamilya, kaibigan at fans via her Instagram (IG) account.


Sey ni Hilda sa kanyang IG post, “Goodbye for now, Manila. To all my family, friends, and fans– maraming salamat (heart emoji).


“To my SISA FAMILY- thank you so much! (red heart emoji).”


Bago umalis ng Pilipinas, tinapos talaga ni Hilda ang lahat ng eksena niya sa kanyang comeback movie, ang historical-thriller na Sisa, sa direksiyon ni Jun Lana at produced by IdeaFirst.


Actually, na-extend nang na-extend ang pag-stay ni Hilda sa Pilipinas. Nagkaroon kasi ng aberya sa set ng Sisa.



Ikinuwento ng kaibigan ni Hilda sa IG ng aktres at ni Cathy Babao ang nangyari sa set.

Caption ni Cathy sa IG post niya, “Filming proved grueling, especially under the oppressive heat of Tarlac, where the production had relocated after the original Tanay set was washed away by heavy rains. The scorching sun, the dust swirling through the air, the layers of prosthetics and period costumes-it all took a toll. 

“Imagine the make-up, the heavy costume, and the wig under that heat! Add to that the dust kicked up by the wind. She would often fall ill from vertigo.

“Some of the most demanding days began at midnight, with a 1 AM departure for the set, followed by two hours of prosthetics and makeup. Our first shot had to catch the sunrise. The shot was stunning, but imagine climbing the hill in full costume at 4 AM? But it was worth it.”

On another separate IG post of Hilda, proud na idinispley ng aktres ang luggage na ibinigay sa kanya ni Bea Alonzo.

Nagkasama sina Hilda at Bea sa The Mistress (TM), na huling movie ng veteran actress bago siya namalagi sa US.

Ipinalabas ang TM 13 years ago, kung saan nakasama nina Hilda at Bea si John Lloyd Cruz at ang yumaong si Ronaldo Valdez.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page