top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | June 25, 2025



Photo: Janine at Echo - IG


Kinorek ni Janine Gutierrez ang mga netizens na nagsabing engaged at nagli-live-in na sila ng boyfriend niyang si Jericho Rosales.


Nag-post kasi si Janine sa Instagram (IG) recently ng series of old photos niya nu’ng tumira sila sa Subic, Olongapo.


May isang photo rin sa post na kuha ni Jericho na nakatingin sa kabayo na same area ng larawan din ni Janine nu’ng binisita niya ang old house ng parents niya sa Subic.


Obviously, magkasama sina Janine at Echo nu’ng pumunta sa Subic.


Caption ni Janine, “Been shooting in Bataan the past few months and went on a little road trip on a day off to visit our old house when I was a kid, when Papa used to race in Subic. Smiling face smiling face. My heart, my heart — a part forever here.


“I am older now than my parents were during the time we had this house and I don’t know how they pulled it off but this was such a great time. Thank you, Mama and Papa.”

May netizen ang nag-comment ng ganito, “Marry each other (heart eyes emoji).”


Sinagot ito ng isa pang follower sa IG ni Janine. Sabi ng netizen, “They’re engaged and living together na (red heart emoji).”


Pinabulaanan naman ito ni Janine. Pero hindi naman galit ang aktres nu’ng ni-reply-an ang comment ng netizen.


Aniya, “No. I just moved into a new place of my own, I don’t even have all my furniture yet!”


Baka ‘pag natapos nang punuin ni Janine ng furniture ang bago niyang “place,” whether it’s a house na or condo, saka sila magpapakasal ni Echo.


PROUD and loud ang mister ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff sa pag-imbita sa kanya ng kilalang American writer and producer na si Philip “Phil” Rosenthal sa travel documentary TV series nitong Somebody Feed Phil (SFP) na napapanood sa Netflix.


Ipinost ni Erwan sa Instagram (IG) ang piktyur nila ni Phil sa pag-apir niya sa show nito.

Caption ni Erwan: “The cat’s out of the bag! I was invited to take part in Somebody Feed Phil when they came to Manila last year. I was so nervous, but Phil’s genuine passion and

interest put me at ease immediately.


“To be given this platform to talk about Filipino food and our love for it is such a privilege.

“The episode visits some pretty great spots around our beloved and chaotic Metro Manila. It was also our last meal with Gaita before she passed. Such a special episode, please check it out on @netflix. I hope we made all of you proud!


“@phil.rosenthal I hope to bump into you again soon! Amazing job with the new season.”

Tinawag naman ni Phil si Erwan bilang “Instagram titan with millions of followers” at “Champion of Filipino cuisine”.


Well, dito na umani ng mga haters si Erwan, sa title na ibinigay sa kanya ni Phil. 

Sey nila, “Luh! Maraming haters sa ‘Asawa ni Anne Curtis’ dahil tinawag s’ya na ‘Champion of Filipino food’ ni Phil Rosenthal. He has done so many things for Filipino cuisine and culture with Featr.”


“Sana mag-aral s’ya ng Tagalog. Marunong s’yang mag-French (dahil sa tatay) pero bakit hindi s’ya tinuruan ng sariling wika natin? Dito naman yata sila lumaki. Iniisip ko tuloy, nakakababa ba sa kanila na matutong magsalita sa wikang Tagalog?”


“Parang mas deserve ni Kara David. Mukha kasing profiting off on our culture ‘yung isa. Iba ‘yung business-centered talaga.”


“Not a hater here. Pero I find Erwan overrated as a cook.”


“Nah. Turn-off ‘yan, may isang vlog na he said he grew up daw with Burger Machine. Sino’ng t*ngang maniniwala ru’n? He makes his ‘renditions’ of Pinoy cuisine. His ‘advocacy’ is done by a team of researchers.”


“So it’s not him alone. Bakit sa kanya credit? Featr is a copy of Eater and Bon Appétit. He said he grew up with Burger Machine then turns around and says they had a chef growing up cooking French food.


“On his solo episode, kung anu-ano ginagawa n’ya sa lutong Pinoy.”


Sinagot din ng ibang mga netizens ang bashing kay Erwan. 


Sey ng ibang netizens, “You don't have to be fluent in Tagalog to be a champion of Filipino food. He has been advocating and promoting it through — try watching his episodes and you’ll see how he does it.”


FEATR is more than Erwan's cooking skills. Hindi biro ‘yung paggalugad sa bawat sulok ng Pilipinas to promote our local cuisines, ha?”


Ang Featr Media ay isang content creator na pinamamahalaan ni Erwan.


Anyway, kung ayaw nila na tawaging ‘Champion of Filipino food’ si Erwan Heussaff, hayan at binigyan naman siya ng Broadcast Media Award under Social Media Account category mula sa The James Beard Awards, dubbed as “Oscars of the Food Community.”



 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | June 21, 2025



Photo: Sam Milby - IG


Ibinulgar ni Sam Milby ang pagpapa-stem cell sa isang clinic dito sa Pilipinas sa kanyang Instagram (IG) post recently.


Most of the stars kasi na nabalitaan namin na nagpa-stem cell ay sa ibang bansa nila ipinapagawa. But now, marami na rin pala talaga sa mga clinic dito sa Pilipinas ang meron nito.


Anyway, ang dahilan ng pagpapa-stem cell ni Sam is for health reasons. Last year, same month, inihayag ni Sam ang pagkakaroon niya ng Type 2 diabetes.

Sa kanyang IG, ipinost ni Sam ang picture niya habang nakahiga sa medical bed sa isang clinic.


Caption ni Sam, “First time to try stem cell therapy to help improve my type 2 diabetes. Excited to share with you guys my journey. Thanks, Villa Medica!”

Ipinost din ni Sam ang video ng kanyang “journey” or pagpapa-stem cell sa nabanggit na clinic.


Sa video ay binanggit ni Sam na 2 years na pala ang pagiging type 2 diabetic niya. At inamin niya na habang tumatagal ang kanyang health problem, lalo raw itong lumalala.


Pahayag ni Sam sa video na naka-post sa kanyang latest IG post, “I’m going to, for the first time, do for my stem cell for the reverse diabetes.


“I’ve been diagnosed for 2 years now and sadly, this year has been a bit rough for me. It’s parang lumalala habang tumatagal.”


Umaasa si Sam na sa pamamagitan ng pagpapa-stem cell ay mababalik ang function ng kanyang pancreas at mabawi ang blood sugar control sa pamamagitan ng ‘Pancreas-Specific Stem Cell Therapy’ na nagmula sa Germany.

Siyempre, we wish na maging epektibo sa health issue ni Sam ang kanyang pagpapa-stem cell.


Nagulat ang marami sa ipinost ni Cannes Best Director Brillante Mendoza na larawan niya kasama ang Batangas governor at Star for All Seasons na si Vilma Santos at si Coco Martin sa kanyang Facebook (FB) account kahapon.


At sa caption ay may nakalagay na “#filmmaking.”


Mabilis na naglaro tuloy sa isipan ng mga netizens na ang next movie project ni Direk Brillante ay pagbibidahan nina Vilma at Coco.


Binati agad si Direk Brillante ng mga kapwa niya directors at ibang mga netizens sa kanyang FB post.


Sey ni Direk Trina Dayrit, “Great cast, Dir. Dante!”


Komento naman ni Direk Emman dela Cruz, “Love the Cast Rek Brillante Mendoza (smile emoji).”


“Wow nice naman Direk (wink emoji) congrats.”


“Looking forward to it, Direk! #Vilmanian.”


Dahil isa rin kami sa mga ‘di mapakali kaya nag-private message kami kay Direk Brillante para batiin siya.


Sey namin kay Direk Brillante, napa-‘Oo’ rin niya sa wakas si Gov. Vi sa isang proyekto niya. 


Matagal nang gustong gumawa ng movie ni Direk Brillante with Gov. Vi pero either ‘di sila magkasundo sa proyekto or may problema sa schedule.


Pero ayon sa award-winning international director, matagal na raw ang piktyur nila nina Gov. Vi and Coco. Nakunan daw ang piktyur na ‘yan nu’ng nag-lunch sila and talk about a possible project in the future.


May nabanggit sa amin na concept noon si Direk Brillante sa isang project na inalok niya ang role ng isang public servant kay Gov. Vi. We asked Direk Brillante kung ito ba ang gagawin niyang project with Gov. Vi.


And he said to us, “Hindi kasi nasa politics na (siya) ulit.”

Sabi pa ni Direk Brillante sa amin, matagal pa raw bago matuloy ang Vilma-Coco project dahil parehong napaka-busy ng schedule ng dalawa.



HITIK sa kilig ang handog ng ABS-CBN YouTube (YT) sa paglunsad ng bagong tambalan nina Anji Salvacion at BGYO Gelo para sa inaabangang online movie na The Four Bad Boys and Me (TFBBAM).


Tampok din sa YT ang patok na variety show ng BINI at ang pagbabalik ng Kuan on One (KOO) at Sparks Camp (SC).


Makakasama nina Anji at Gelo na magpapaulan ng kilig sa movie adaptation ng sikat na Wattpad series  na TFBBAM sina Harvey Bautista, Dustine Mayores, River Joseph, AC Bonifacio, Brent Manalo, Analain Salvador, Gela Alonte, at Krystal Brimner.


Iikot ang kuwento sa nakakaintrigang high school life ng isang babae na magiging close ang pinakasikat na boy group at mapapanood na ito sa Hulyo 31 mula sa direksiyon ni Benedict Mique.



SAMAHAN naman ang BINI sa nakakatuwang challenges para sa una nilang variety show na BINIversus, kung saan umabot na sa pinagsama-samang 1.9 milyong views ang episodes nina Colet, Maloi, at Gwen.


Si Aiah naman ang sumalang bilang game master sa panibagong episode na napapanood sa BINI YouTube (YT) channel.


Mas pinasaya rin ang kulitan kasama ang BINI sa never-before-seen clips sa “BINIversus Chaos: Unreleased Scenes” na eksklusibong mapapanood ng Super Kapamilya members kapag pinindot ang “join” sa ABS-CBN Entertainment YT channel.



 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | June 19, 2025



Photo: Zeinab at Ray Parks - IG


Sumalang for an exclusive interview sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ang newlyweds na sina Bobby “Ray” Parks, Jr. at Zeinab Harake last Tuesday.

Sinagot nina Zeinab at Ray ang mga isyu sa naganap na kasalan nila last June 1.


Isa rito ang tsikang buntis si Zeinab noong ikasal kay Ray.

Pahayag ni Zeinab, “No! No! Saan galing ‘yan?”


Itinanong din ni Kuya Boy ang tanong ng mga netizens kung bakit paper plates ang gamit sa napakabonggang wedding nila.


“Kay Ate Toni (Gonzaga),” natatawang sabi ni Zeinab. 


Paliwanag niya, “Ano po ‘yun, kaya may paper plate dahil sa cocktail area. May pika-pika kasi after the ceremony, after the fireworks. Para hindi naiinip ‘yung aming mga bisita po at ‘di masyadong magutom. Nag-ready po kami ng pika-pika. So, that’s a pika-pika. Hindi s’ya ‘yung sa reception po.”


Nilinaw din ni Zeinab ang tungkol sa P20 million worth na ginastos nila sa wedding.


“OA (overacting) po… Hahaha! Ako po, nag-comment po talaga ako ng OA. Kasi masyado nilang pinapalaki. Even the cake, P2M na hindi naman po talaga. At hindi rin po umabot ng P20M ‘yung wedding,” esplika ni Zeinab.


Nagbigay din ng kanyang reaksiyon si Ray tungkol sa laki ng budget daw nila for their wedding.


“To be honest, na-humble po ako and blessed at the same time. Kasi po, ganu’n po ang taas ng tingin nila sa amin. Pero ‘yun nga po, hindi naman gumastos ng P20 M. Pero blessed po kami dahil na-present ‘yung elegance and ‘yung wedding na ganu’n,” lahad ni Ray.


Samantala, waiting din ang mga netizens sa kung ano ang paliwanag ng newlyweds tungkol sa pagbabawal na pumunta sa wedding nila ang ina ni Zeinab na si Marife Ocampo. Pero tila umiwas ang bagong kasal na pag-usapan ang tungkol dito.


Nangako naman ang isa’t isa ng katapatan sa kanilang marriage vows.

Sey ni Zeinab, “Forever akong magiging great wife and mom sa aming future kids and sa aming dalawang anak.”


Pramis naman ni Ray, “Nangangako ako na mamahalin kita to the ups and to the downs... I will remain faithful.”

So, there.


Kumpirmado na ang susunod na teleserye ng tambalang Kim Chiu at Paulo Avelino (KimPau). Gaya ng nauna na naming isinulat days ago, it’s a totally different genre na mapapanood sa Kapamilya Network.


New look kumbaga ang inaabangang teleserye ng KimPau, at ito ay ang romance-suspense series na pinamagatang The Alibi (TA), na ayon sa aming source ay isa ring period drama series.


Meaning, ang production ay naka-set in a past era. Kaya asahang makikita sa bagong serye ng KimPau ang metikulosong atensiyon na ibibigay sa historical details sa settings, costumes and social customs.


Kasama sa mga bumubuo ng TA ang mga direktor na sina FM Reyes at Jojo Saguin, writer na si Danica Domingo, at mula ito sa produksiyon ng Dreamscape Entertainment.


Ang TA ang kasunod na proyekto nina Kim at Paulo pagkatapos ng kanilang

matagumpay na mga seryeng Linlang at ang Philippine adaptation ng What’s Wrong With Secretary Kim (WWWSK)


Bumida rin sila sa box office hit movie ng Star Cinema na My Love Will Make You Disappear (MLWMYD).


Abangan ang iba pang mga detalye tungkol sa TA bukod sa eksklusibong impormasyon na nalaman namin sa setting ng bagong proyekto ng KimPau.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page