top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | July 1, 2025



Photo: Vice Ganda - IG



Nakakaintriga pala ang love story ng kasama ni Vice Ganda na host sa It’s Showtime at lider ng bandang Rocksteddy na si Teddy Corpuz. 


Ikinuwento ni Teddy ang love story nila ng misis niyang si Jasmin kay Karen Davila sa latest vlog ng news anchor sa kanyang YouTube (YT) channel.


“Nu’ng na-meet ko ‘yung wife ko, alam n’yo ‘yun, parang kung sino ‘yung ma-meet ko, gusto ko, s’ya na ‘yung papakasalan ko. Wala akong ‘yung parang dating-dating muna,” simula ni Teddy.


Nakilala ni Teddy si Jasmin sa birthday party ng dati niyang bandmate.

“Pagpasok nila nu’ng friends niya, siguro mga 4 o 3 sila, s’ya lang ‘yung parang naggo-glow... Uy! parang ‘Sino ‘yun?’” sabi ni Teddy.


Kinuha niya ang number ni Jasmin at kinabukasan, naging sila na.

Aniya, “After a week, sabi n’ya sa akin, ‘Alam mo, may ‘di ako sinasabi sa ‘yo. Aalis na ako. Pupunta ako ng States.’”


Sagot ni Teddy kay Jasmin, “‘Bakit?’ Sabi niya, ‘Kasi alam mo ‘yung fiancé visa, para sa visa.’”


Nakaisip ng proposition si Teddy kay Jasmin.


“‘Sige, ganito na lang, since one week pa lang tayo, hindi pa ganu’n kalalim, delete ko ‘yung cellphone number mo, delete mo ‘yung cellphone number ko, ‘wag na tayong magkita. Pero kung mahal mo ako at hindi mo naman mahal ‘yung papakasalan mo ru’n, sa akin ka sasama.’ Tapos, sabi niya, ‘Sa ‘yo ako sasama,’” lahad ni Teddy.

Nagtanan sila at after a few days ay nalaman na ng mommy ni Jasmin na nagde-date na sila.


“Tapos, after a few days, nalaman na nu’ng mom n’ya na meron na s’yang idine-date, na kami na. Sabi n’ya, ‘Babe, nalaman na ng mom ko, ini-lock na ‘yung gate namin.’ Pupunta na s’ya ng America, eh. 


“Nasa Marikina gig kami, Rocksteddy, (sabi ko sa kanya), ‘Sige, after gig, balutin mo na ‘yung gamit mo, pupunta ako sa inyo, magtatanan tayo. After gig, susunduin kita.’ Kaya kasama ko ‘yung bandmates ko, kasi isang kotse lang kami. So sinundo namin s’ya,” kuwento pa ni Teddy.


Hanggang sa nagpakasal na sila. Feeling kasi ni Teddy, kapag bumalik si Jasmin sa bahay nito ay tuluyan na siyang ilalayo ng parents niya sa singer-host.


Nagpakasal sina Teddy at Jasmin 2 weeks after nilang magkita for the first time.

Pero hindi roon natapos ang kuwento. Nag-renew ng vow sina Teddy at Jasmin during the live telecast ng IS noong October 2017. That was their 11th wedding anniversary.


Halos kasabay din ng taon sa pagkuha kay Teddy bilang isa sa mga hosts ng It’s Showtime.



PAGKATAPOS ng kontrobersiyal na pahayag ng mga gay icons na si Mader Ricky Reyes at fashion guru na si Renee Salud, nagpakawala rin ng makahulugang statement ang It’s Showtime (IS) host na si Vice Ganda ukol sa pribilehiyo ng isang LGBTQIA+ member sa ginanap na LOV3LABAN Pride Festival last Saturday, June 28.


Binigyang-punto ni Vice sa kanyang speech sa Pride event ang kahalagahan ng pribilehiyo at responsibilidad.


Pahayag ni Vice, “Kung tutuusin, may pribilehiyo na ako, eh. Pero hindi porke’t may pribilehiyo ka, eh, iiwanan mo na ‘yung mga kasamahan mo na hindi nakakatanggap n’yan.


“Hindi porke’t matanda ka na at may pera ka na, iiwanan mo ‘yung mga tulad mo na hindi nakakakuha ng pribilehiyong nakukuha mo… Dahil ‘yung pribilehiyo ngayon ay hindi dapat maging pribilehiyo mo lang. Dapat maging karapatan ‘yan ng bawat isa.”


Marami agad ang nakaramdam na tila patama ni Vice ang kanyang mga sinabi sa nag-viral na statements nina Mader Ricky at Renee.


Sa huli ng kanyang speech, nagbitiw ng pangako si Vice sa kanyang mga kasamahan sa LGBTQIA+ community.


Huling sey niya, “Kaya nandito ako. Tumanda man ako at saanman ako makarating, sasamahan ko kayo. Hindi ko po kayo iiwanan.”


May mga umayon sa sinabi ni Vice sa social media. 


Sey nila, “This is why Vice is the true golden gay icon of the Philippines. Renee Salud and Ricky Reyes, they could’ve done something for the community, but they simply empowered the hatred against LGBTQIA+ community.”


“Thank you, Vice. Not thank you na lang sa mga tanders na maraming self restrictions na gusto imposed sa iba ang paniniwala nila.”


“Matatandang walang pinagkatandaan.”


Pero meron din namang nang-bash kay Vice sa pagtalak niya kina Mader Ricky at Renee.

“Vice Ganda is the next Willie Revillame. Ang taas ng lipad n’ya, gusto n’ya, s’ya lagi ang tama. Papunta ka pa lang, Vice, pauwi na si Ricky Reyes at Mama Renee...”


“Bakla ako at ako’y dukha pero kapanig ako du’n sa mga matatandang tinutukoy ni Vice… ‘Wag na tayong mag-asam ng ‘di naman natin kailangan. Tama na ‘yung ma-recognize tayo at irespeto pero ‘yung beyond na, na ultimo ‘yung sagradong kasal, eh, inaasam pa natin, please, hayaan na natin ‘yun sa str8 (straight).”


“Sorry, Vice. Kay Mother Ricky at Renee Salud ako. Mas gusto ko ‘yung POV nila.”

So, there.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | June 30, 2025



Photo: Ricky Reyes - IG


Muling nag-trending ang hair business magnate na si Ricky Reyes dahil sa pag-open niya sa stand niya on same sex marriage.


Sa panayam ni Toni Gonzaga kay Mader Ricky for her YouTube (YT) vlog na Toni Talks, kasama ang icon on fashion design na si Renee Salud, natanong sila about same-sex marriage and SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity Expression Equality) bill.


Para kay Renee, “Kung hahabulin mo lamang ‘yung marriage para sa legalities dahil (sa) paghahati ng kayamanan or properties, puwede naman kayong mag-usap na. Maging partner na lang kayo sa aspeto na ‘yun.”


Inilahad naman ni Toni sa dalawang beauty and fashion business icons na nainterbyu niya si Senator Risa Hontiveros na isa sa mga nagpu-push ng SOGIE bill.


Agad na sumagot si Mader Ricky, “At ako rin ang nagpatigil ng SOGIE bill. ‘Yung sinabi ko, miski anong gawin n’yo sa mga bakla, bakla pa rin ‘yan. Gilingin mo man ‘yan, ang labas n’yan, baklang hamburger. Walang pagbabago.”


Pagkatapos ay humirit muli si Renee, “Ako naman, sige, bigyan ng karapatan, bigyan sila ng puwang sa lipunan, kaso lang the problem with some gays, they ask for too much. Masyadong entitled.”


Para kay Mader Ricky, tama na raw ‘yung pagto-tolerate ng publiko sa mga bading.

“That is more than acceptance. ‘Yun ang sinasabi ko, toleration is more than acceptance.

“Because ang kaharap mo, hindi pare-pareho ang lahat ng tao, hindi lahat ‘yan, tanggap ang mga bading. Ibagay mo ‘yung sarili mo sa tamang sitwasyon,” paliwanag pa ni Mader Ricky.

Sa isa sa mga video ni Mader Ricky sa kanyang Facebook (FB) ay inihayag din niya ang kanyang strong conviction tungkol sa mga gays na tulad niya.


“Ang bading, bukod-tanging pinagpala. ‘Yung babae, ‘yung lalaki, maglakad sila sa dilim. Kinabukasan, itsitsismis na sila ng buong barangay.


“‘Yung bading, mahuling nang-o-ombre sa likod ng puno ng saging, sasabihin, ‘O, hayaan n’yo na. Bading naman ‘yan.’ Kumbaga, there’s so many things that people accept us and they just let go. Hinahayaan lang tayo,” lahad ni Mader.


Mapalad daw ang mga bading sa Pilipinas dahil tino-tolerate sila ng Philippine society.

“And for me, toleration ay isa sa mga pinakamatinding gesture na maibibigay ng tao sa kapwa tao. To tolerate us on what we’re doing. But to push through their throat, they should accept us, na kailangan naka-papel. Ikakasal tayo. ‘Wag naman, sobra na ‘yan. Overboard na ‘yan, mga anak,” mariing mensahe ni Mader Ricky.


Sa kabila ng maayos na paliwanag ni Mader Ricky, marami ang nang-bash pa rin sa kanya kasabay ng pagsaludo sa kanya ng ibang netizens.


Sey niya, “They are not and will never be an icon for the LGBTQ+ community.”

May tumawag din kay Mader Ricky ng ‘poor gay person’ and ‘unattractive’.


Sey ng isang netizen, “‘Tong Ricky Reyes na ‘to, ipokrito, porke’t ‘di bagay sa ‘yo ang mag-bestida, pinagbabawalan mo ‘yung iba na bagay naman sa kanila.

“Ikaw nga itong nagsusuot ng blouse na pambabae, eh, ‘di ba nga, nagparetoke ka pa nga, para maayos mukha mo!


“Kung mukha kang babae, sigurado magpa-girl ka, kaso hanggang d’yan ka lang, hanggang sa pagsusuot ng blouse na pambabae.”

Sabeee?


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | June 29, 2025



Photo: Ice Seguerra - IG


Nakahimplay na ang labi ng ina ni Ice Seguerra na si Mommy Caring sa Aeternitas Chapel and Columbarium sa Commonwealth Avenue, Quezon City.


Ipinost ni Ice sa kanyang social media accounts ang lugar kung saan nakaburol ang kanyang ina, viewing schedule at date ng cremation.


Sa Instagram (IG) ni Ice ay isang madamdaming mensahe ang kanyang ipinost para kay Mommy Caring.


Caption ni Ice, “I was looking forward to June 28 because ngayon ‘yung drop ng Shelter of the Broken. We've been preparing for today for months now. Pero siguro, ganu’n talaga ang buhay. Instead of feeling excited, my heart is shattered because my mama passed away the morning of June 27th.


“Hindi mo man lang nahintay, Mama. Pero happy ako kasi kahit papaano, narinig mo ‘yung buong album bago ka nawala. Sinabi mong proud ka sa akin at nagandahan ka sa mga kanta. Napanood mo pa ‘yung shoot namin ng lyric video.


“At kahit wala ka na, sa bawat awit at bawat letra, nandoon ka. Sa bawat pagsampa ng entablado, kahit hindi na makikita, alam ko nasa puso kita.


“Ang hirap, Mama. Tulungan mo akong kayanin ‘to, ha? Mahal na mahal kita.”


Bumaha ng mensahe ng pakikiramay sa comment section ng IG post ni Ice from her celebrity friends gaya nina Arnel Pineda, Ara Mina, Karylle, Angeline Quinto, Kayla Rivera at marami pang iba.


Comment ni Arnel, “Buong pusong nakikidalamhati sa iyo aking pamilya (praying hands emoji).”


Mensahe ni Karylle, “Hugs (heart emoji).”


“Rest well now, Mama Caring. Mahigpit na yakap @iceseguerra, nakikiramay ako (praying hands, white heart emoji, crying face emoji),” mula kay Angeline.

Taos-pusong pakikiramay sa pamilya, Ice.



TAOS-PUSO rin namang nagpapasalamat sa mga Pilipino ang lahat ng bumubuo ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ) matapos itong magtala ng 20.4% average na national TV rating para sa urban at rural households noong Hunyo 23–26, kumpara sa 16.0% na nakuha ng katapat na programa ayon sa datos ng Kantar Media.


Nanatiling most-watched teleserye sa bansa ang programang pinagbibidahan ni Coco Martin matapos itong magkamit ng national TV rating na 20.2% kumpara sa 17.1% ng kalaban sa pagbubukas ng Linggo noong Hunyo 23.


Lalo pang kinapitan ng mga Pilipino ang episode kung saan namatay ang kontrabidang karakter ni McCoy de Leon noong Hunyo 24 na nakakuha ng national TV rating na 21.3% kumpara sa kalaban na nakakuha ng 16.2%.


Nagpatuloy ang lamang ng Kapamilya teleserye sa Hunyo 25 na episode na nagrehistro ng national TV rating na 19.2% laban sa katapat na programa na nagtala ng 15.4%. Tinutukan pa rin ang palabas ng ABS-CBN noong June 26 episode na nagtala ng national TV rating na 20.7% kumpara sa 15.4% ng katapat na serye.


Namamayagpag din ang BQ pagdating sa online viewership dahil nagtala ito ng mahigit kalahating milyon o 600,000 daily peak concurrent viewers, o mga sabay-sabay na nanood sa Kapamilya Online Live sa YouTube (YT), para sa parehong panahon.


Kamakailan ay nangako ang Primetime King na si Coco Martin sa isang panayam na handog ng BQ ang sunud-sunod na umaatikabong eksena at pasabog na rebelasyon para sa lahat ng mga Pilipinong patuloy na sumusubaybay sa buhay ni Tanggol.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page