top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | July 5, 2025



Photo: Gretchen Barretto - IG


Binasag na ni Gretchen Barretto ang kanyang pananahimik sa pamamagitan ng kanyang abogado sa pagsangkot sa kanya sa mga nawawalang higit 100 sabungero.


Naglabas ng official statement ang legal counsel ni La Greta na si Atty. Alma Mallonga on behalf of her pagkatapos na ihayag ng Department of Justice (DOJ) na isa siya sa mga suspek sa kaso ng mga nawawalang sabungero.


Iginiit ni Atty. Mallonga na “plain suspicion” lamang daw ang mga sinabi ng supposed whistleblower. Hindi raw na-witness ng whistleblower anumang ginawa o sinabi ni Gretchen tungkol sa pagkawala ng mga sabungero.


“The whistleblower maliciously speculates she must nonetheless somehow be involved because of her close connection with Mr. Atong Ang. He insists that Ms. Barretto, being an ‘alpha member’ of Pitmaster, must know everything that is happening. He has even changed his story, now characterizing Ms. Barretto as a ‘mastermind’ based on suspicion and illogical reasoning,” pahayag ni Atty. Mallonga.


Bilang paglilinaw, nabalitaan lang daw ni Gretchen ang tungkol sa mga pagkawala.

Depensa ni Atty. Mallonga, “She did not operate the sabungan, had no participation in e-sabong (online sabong) operations that was suspended more than two years ago, and was merely an investor in the business (one of about 20 investors categorized as alpha members). She attended no meetings where approvals were sought nor given to implement the disappearances. The proposition is so absurd, it is a plain invention.


“Ms. Barretto regrets that she is being crucified without basis, and has become the subject of unsavory speculation based on rumor. Ms. Barretto understands the importance of resolving the case. The sabungeros and their families deserve to know the truth, and they deserve closure because their lives matter. Justice can only be served by a responsible and thorough investigation of the case based on evidence and facts. Wishful thinking borne out of malicious desperation and speculation are not evidence.


“Ms. Barretto confirms there was an attempt to extort money from her, with an offer to exclude her name from the list of suspects if she paid. She refused because she had done nothing wrong.


“Ms. Barretto awaits the results of the investigation and will fully cooperate in the process. This is her priority.”


Nakikiusap si Atty. Mallonga sa mga awtoridad na maging patas, at para sa publiko, huwag daw agad magbigay ng hatol sa kanyang kliyente.


Sa huling bahagi ng official statement ng kampo ni La Greta, naniniwala raw si Gretchen na ang isang “objective investigation” ay magpapatunay sa kanyang kawalan ng pagkakasangkot sa kaso at sa hindi patas at kamalian ng mga akusasyon laban sa kanya.


Sa kabila ng depensa ng kampo ni Gretchen, patuloy pa rin sa pag-post ng negatibong comment ang mga netizens. 


Sey nila, “Magsalita ka na, ipinagpalit ka na ni Atong Ang.”


“Tumakas ka na hanggang maaga pa. Hahaha!”

Grabe sila kay Gretchen, ha?

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 4, 2025



Photo: Gretchen Barretto - IG / Circulated - GMA


Isinabit na ang pangalan ni Gretchen Barretto kay Atong Ang ukol sa pagkawala at pagkamatay ng mga sabungero nu’ng panahon ng pandemic.


Tinukoy na ng witness si Gretchen na isa sa mga opisyales diumano ng sabungan na pinangungunahan-pinatatakbo ni Atong.


Kahapon ay nagsampa ng kaso si Atong laban sa witness dahil sa mga akusasyon nito laban sa tinaguriang gambling lord sa bansa.


Pero si La Greta ay nananatili pa ring tahimik. But knowing La Greta, malamang bumubuwelo lang ‘yan at hindi magtatagal, tatalak na rin sa publiko.


Sa ngayon, another celebrity ang tiyak na gustong makuha ang reaksiyon sa kaso ni Atong.


Sino pa nga ba kundi si Sunshine Cruz, ‘di ba? Si Sunshine ang latest girlfriend ni Atong and they’re very open about their relationship.


In fact, nagpupunta rin sa sabungan si Sunshine kasama si Atong. Buti na lang, wala pa si Sunshine sa buhay ni Atong nu’ng mawala ang mga sabungero.

Pero s’yempre, aligaga rin si Sunshine for her boyfriend. Nag-aalala rin siya for Atong.


Let’s wait and see kung magpapakita rin ng suporta si Sunshine Cruz kay Atong Ang in public gaya ng pagsama-sama niya sa sabungan.



Napagkamalang bagong girlfriend ni James Yap ang kasama nila ng parents niya sa naka-post na picture sa kanyang Instagram (IG) recently. 


Taken ang photo during the oath taking of James as councilor sa District 1 ng San Juan City. 


Bale second term na ni James as councilor sa kanyang distrito.

Tanong ng mga netizens, “‘Yan na ba ‘yung new love of your life, Idol?”

“The wife?”


Mabilis naman itong kinorek ng ibang netizens. 

Sagot nila, “Sister n’ya ‘yan.”

“Hahaha! Mali, Marites ogag.”


Usually kasi, sa ganyang importanteng okasyon, ang mga mahal sa buhay ang kasama sa oath taking ng mga bagong halal na opisyales sa pamahalaan. 


Minsan pa nga, kahit girlfriend pa lang at hindi pa misis, join din at mas maepal pa sa mga magulang.


Eh, bakit nga ba wala si Michela Cazzola na misis ni James? True kaya ang tsika na matagal na silang hiwalay?


Sa comment section ay may nagsabi na hiwalay na raw sina James at Michela.

“Hiwalay na po sila,” sey ng isang netizen.


Ang nakakalurkey ay pangalan pa rin ni Kris Aquino ang nakalagay na wife ni James sa Wikipedia.


And speaking of Kris, sana ay inimbita rin ni James ang unico hijo nila na si Bimby Yap sa kanyang oath taking since nandito naman sa Pilipinas ang mag-ina.

Or baka naman inimbita rin ni James Yap at hindi lang puwede si Bimby Aquino?



 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 1, 2025



Photo: Vice Ganda - IG



Nakakaintriga pala ang love story ng kasama ni Vice Ganda na host sa It’s Showtime at lider ng bandang Rocksteddy na si Teddy Corpuz. 


Ikinuwento ni Teddy ang love story nila ng misis niyang si Jasmin kay Karen Davila sa latest vlog ng news anchor sa kanyang YouTube (YT) channel.


“Nu’ng na-meet ko ‘yung wife ko, alam n’yo ‘yun, parang kung sino ‘yung ma-meet ko, gusto ko, s’ya na ‘yung papakasalan ko. Wala akong ‘yung parang dating-dating muna,” simula ni Teddy.


Nakilala ni Teddy si Jasmin sa birthday party ng dati niyang bandmate.

“Pagpasok nila nu’ng friends niya, siguro mga 4 o 3 sila, s’ya lang ‘yung parang naggo-glow... Uy! parang ‘Sino ‘yun?’” sabi ni Teddy.


Kinuha niya ang number ni Jasmin at kinabukasan, naging sila na.

Aniya, “After a week, sabi n’ya sa akin, ‘Alam mo, may ‘di ako sinasabi sa ‘yo. Aalis na ako. Pupunta ako ng States.’”


Sagot ni Teddy kay Jasmin, “‘Bakit?’ Sabi niya, ‘Kasi alam mo ‘yung fiancé visa, para sa visa.’”


Nakaisip ng proposition si Teddy kay Jasmin.


“‘Sige, ganito na lang, since one week pa lang tayo, hindi pa ganu’n kalalim, delete ko ‘yung cellphone number mo, delete mo ‘yung cellphone number ko, ‘wag na tayong magkita. Pero kung mahal mo ako at hindi mo naman mahal ‘yung papakasalan mo ru’n, sa akin ka sasama.’ Tapos, sabi niya, ‘Sa ‘yo ako sasama,’” lahad ni Teddy.

Nagtanan sila at after a few days ay nalaman na ng mommy ni Jasmin na nagde-date na sila.


“Tapos, after a few days, nalaman na nu’ng mom n’ya na meron na s’yang idine-date, na kami na. Sabi n’ya, ‘Babe, nalaman na ng mom ko, ini-lock na ‘yung gate namin.’ Pupunta na s’ya ng America, eh. 


“Nasa Marikina gig kami, Rocksteddy, (sabi ko sa kanya), ‘Sige, after gig, balutin mo na ‘yung gamit mo, pupunta ako sa inyo, magtatanan tayo. After gig, susunduin kita.’ Kaya kasama ko ‘yung bandmates ko, kasi isang kotse lang kami. So sinundo namin s’ya,” kuwento pa ni Teddy.


Hanggang sa nagpakasal na sila. Feeling kasi ni Teddy, kapag bumalik si Jasmin sa bahay nito ay tuluyan na siyang ilalayo ng parents niya sa singer-host.


Nagpakasal sina Teddy at Jasmin 2 weeks after nilang magkita for the first time.

Pero hindi roon natapos ang kuwento. Nag-renew ng vow sina Teddy at Jasmin during the live telecast ng IS noong October 2017. That was their 11th wedding anniversary.


Halos kasabay din ng taon sa pagkuha kay Teddy bilang isa sa mga hosts ng It’s Showtime.



PAGKATAPOS ng kontrobersiyal na pahayag ng mga gay icons na si Mader Ricky Reyes at fashion guru na si Renee Salud, nagpakawala rin ng makahulugang statement ang It’s Showtime (IS) host na si Vice Ganda ukol sa pribilehiyo ng isang LGBTQIA+ member sa ginanap na LOV3LABAN Pride Festival last Saturday, June 28.


Binigyang-punto ni Vice sa kanyang speech sa Pride event ang kahalagahan ng pribilehiyo at responsibilidad.


Pahayag ni Vice, “Kung tutuusin, may pribilehiyo na ako, eh. Pero hindi porke’t may pribilehiyo ka, eh, iiwanan mo na ‘yung mga kasamahan mo na hindi nakakatanggap n’yan.


“Hindi porke’t matanda ka na at may pera ka na, iiwanan mo ‘yung mga tulad mo na hindi nakakakuha ng pribilehiyong nakukuha mo… Dahil ‘yung pribilehiyo ngayon ay hindi dapat maging pribilehiyo mo lang. Dapat maging karapatan ‘yan ng bawat isa.”


Marami agad ang nakaramdam na tila patama ni Vice ang kanyang mga sinabi sa nag-viral na statements nina Mader Ricky at Renee.


Sa huli ng kanyang speech, nagbitiw ng pangako si Vice sa kanyang mga kasamahan sa LGBTQIA+ community.


Huling sey niya, “Kaya nandito ako. Tumanda man ako at saanman ako makarating, sasamahan ko kayo. Hindi ko po kayo iiwanan.”


May mga umayon sa sinabi ni Vice sa social media. 


Sey nila, “This is why Vice is the true golden gay icon of the Philippines. Renee Salud and Ricky Reyes, they could’ve done something for the community, but they simply empowered the hatred against LGBTQIA+ community.”


“Thank you, Vice. Not thank you na lang sa mga tanders na maraming self restrictions na gusto imposed sa iba ang paniniwala nila.”


“Matatandang walang pinagkatandaan.”


Pero meron din namang nang-bash kay Vice sa pagtalak niya kina Mader Ricky at Renee.

“Vice Ganda is the next Willie Revillame. Ang taas ng lipad n’ya, gusto n’ya, s’ya lagi ang tama. Papunta ka pa lang, Vice, pauwi na si Ricky Reyes at Mama Renee...”


“Bakla ako at ako’y dukha pero kapanig ako du’n sa mga matatandang tinutukoy ni Vice… ‘Wag na tayong mag-asam ng ‘di naman natin kailangan. Tama na ‘yung ma-recognize tayo at irespeto pero ‘yung beyond na, na ultimo ‘yung sagradong kasal, eh, inaasam pa natin, please, hayaan na natin ‘yun sa str8 (straight).”


“Sorry, Vice. Kay Mother Ricky at Renee Salud ako. Mas gusto ko ‘yung POV nila.”

So, there.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page