top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | July 8, 2025



Photo: Vilma Santos



Priority ni Star for All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos ang kapakanan ng kanilang mga mangingisda sa pumutok na balita sa mga nawawalang sabungero na dinala sa Taal Lake sa kanilang lalawigan.


‘Yan ang mariing sinagot ni Governor Vilma nu’ng mainterbyu ng ilang taga-entertainment media sa kanyang opisina sa Kapitolyo ng Batangas kahapon.


Nilinaw ni Governor Vi na wala pang lumapit sa kanya tungkol sa isyu ng mga nawawalang sabungero na ayon sa isang whistleblower ay pinatay at saka itinapon sa Taal Lake.


Pahayag ni Gov. Vi, “It’s the hottest issue now. Pero wala pa rin namang resulta or confirmation of what’s going to happen. So, dedesisyunan pa ‘yan ng legal ba ‘yun?

“Uh, titingnan nila ‘yung legal. Ang akin lang siyempre, nadadamay ang Taal Lake namin. (Do) You get me?


“At kahit paano with this news, hindi naman natin alam kung confirmed or hindi, kesyo may mga katawan d’yan, naaapektuhan ang business ng mga mangingisda namin.


“And you know, that happened a long time ago. Three years ago. So, kahit paano, sana huwag naman. Kasi kahit paano, naapektuhan ang kabuhayan ng aming… ng mga Batangueñong mangingisda, oo.


“Saka hindi naman natin alam kung totoong nand’yan nga, you know. So, huwag naman sana. Huwag naman sana.”


Tinanong din si Governor Vi kung may nagpaalam na para imbestigahan ang kaso ng mga nawawalang sabungero sa kanyang lalawigan.


“Ah, hindi muna ako masyadong nakikialam d’yan. May ibang naghahawak ng aksiyong ‘yan. Wala pa namang kasiguraduhan,” sabi pa niya.


Pagpapatuloy pa ni Gov. Vi, “Ang concern ko lang, sana, ingat naman tayo na palabasin na hindi maganda ang status ng Taal Lake, dahil naapektuhan ang buhay ng ating mga mangingisda.


“And ang priorities ng ating Risk Reduction Management Council ay pangalagaan ang mga signal ng volcanic eruption.


“We should, uh… Ngayon kasi, may alert level 1. So sa ngayon, I think ito talaga ang dapat bigyan namin ng focus. This is our priority. Naka-alert level 1 tayo ngayon sa Taal, oo.”


Kahapon ang unang araw ng opisyal na panunungkulan ni Governor Vi sa Kapitolyo kung saan inihayag din niya ang kanyang inaugural address.


Present sa kanyang inaugural address ang kanyang panganay na anak at TV host na si Luis Manzano kasama ang misis na si Jessy Mendiola, mga kaibigan sa showbiz gaya ng mag-asawang Tirso Cruz III at Lyn Ynchausti, with their only daughter na si Djanin Cruz.


And of course, present din sa inaugural address ni Governor Vi ang mga mayors sa iba’t ibang bayan sa Batangas at mga bagong halal na public servants sa lalawigan.


Ngayon pa lang ay excited na ang mga taga-Batangas sa mga programa ni Governor Vi para sa kanyang mga kababayan. And true to the new slogan ng lalawigan, pramis ni Governor Vi na isang “matatag na Batangas” ang makikita sa muli niyang pagbabalik sa Kapitolyo.


Saludo para kay Governor Vi.



AYAW paawat ng tambalang Kim Chiu at Paulo Avelino. Abala sila sa bago nilang teleserye titled The Alibi sa isang lalawigan sa Visayas.


At siyempre, tuwang-tuwa ang mga fans kina Kim at Paulo sa naturang lalawigan dahil kahit paano ay may chance sila na makita ang sikat na tandem.


Sa sobrang excitement ng mga tagaroon, nagkukuha sila ng video habang nagsu-shoot sina Kim at Paulo.


Kaya pati ang surprise look supposed-to-be nina Kim at Paulo sa mga nag-aabang ng bago nilang teleserye ay na-preempt dahil sa kumalat na video ng shoot nila sa social media.


At habang nagsu-shoot ang KimPau tandem ng bago nilang teleserye, umaarangkada ang unang drama series na pinagtambalan nila, ang Linlang.

Nasa ikatlong puwesto sa Top 10 most-watched shows ng Netflix Philippines ang Linlang.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 7, 2025



Photo: Tina Paner at Daisy Romualdez - TicTalk with Aster


Naglabas ng official statement ang talent management ni Tina Paner sa social media. Naka-post ang official statement ng kampo ni Tina, ang Cube Media at MCB Artist Management, sa kanyang Instagram (IG) account kahapon.


Ayon sa official statement, kinokondena nila ang anumang online harassment, false accusations, and defamatory statements being circulated against Tina.


“Our agency upholds integrity and professionalism, and we will not tolerate any baseless narratives that aim to damage Ms. Paner’s reputation, character, or the dignity of her family,” lahad ng kampo ni Tina.


Pinaalalahanan ng kampo ni Tina na ang cyberbullying, online defamation, and malicious allegations ay punishable by law. Nakahanda raw ang kanilang legal team na gumawa ng hakbang laban sa mga indibidwal o grupong responsable sa ganitong mga aksiyon.


“We will hold those accountable to the fullest extent of the law. Our priority remains to protect the well-being, privacy, and good name of Ms. Kristina Paner,” pagtatapos ng statement ng talent management ni Tina.


May kinalaman sa pag-isyu ng official statement ng kampo ni Tina ang recent interview sa adoptive mom niya na si Daisy Romualdez ng veteran showbiz talk show personality na si Aster Amoyo sa kanyang YouTube (YT) channel, ang TicTalk.


Naghayag kasi ng kanyang tampo si Daisy kay Tina sa ‘di niya pag-aalala sa kanyang adoptive mom.


Hindi naman pinalampas ni Tina ang comment ng ilang netizens, especially noong sabihan siya na patawarin na raw niya si Daisy. 


Sagot ni Tina, “It’s so easy to say forgive, I’ve forgiven her that’s why I didn’t talk… but you don’t know the whole story.”


Hirit pa ng netizen, “Forgiveness has no condition.” 

Hindi rin ito pinalampas ni Tina kaya nag-post din siya ng reply.


Sabi ni Tina, “Ang dali n’yo lang sabihin na forgiveness has no condition, I know that, wala kayo sa position ko kaya ‘di n’yo po alam ang pinagdaanan ko.”


Pati ang anak ni Tina na si Shane ay pinatulan na rin ang mga netizens na namba-bash sa kanyang ina. 


Dahil siguro ayaw pa ring tumigil ng ilang netizens sa pamba-bash kay Tina, kaya sinaklolohan din siya ng kanyang talent management.



MATAPOS ang mahigit 100 araw ng mga espesyal na alaala, gawain at tagumpay sa loob ng Bahay ni Kuya, at mula sa 50 duos na nabuo sa buong season, apat na Final Duos na lang ang nananatiling nakatayo, handang humarap sa labas ng mundo. 


Ang kanilang mga kuwento ng tiyaga at ‘pagpapakatotoo’ ay ipinagdiwang sa isang star-studded na Pinoy Big Brother (PBB) Collab Big Night.


Pagkatapos, isang magic act ang dumaan sa entablado upang ipakilala si Donny Pangilinan, ang opisyal na Messenger ng season, na nagdala ng sobre na naglalaman ng mga huling resulta ng pampublikong boto. 


Binigyan ang mga manonood ng isang linggo para bumoto online, na pinili kung aling duo ang pinaniniwalaan nilang karapat-dapat sa titulong Big Winner (BBS) at kung aling pares ang gusto nilang paalisin sa karera (BBE).


Pagkatapos ay dumating ang sandaling hinihintay ng lahat—ang pagbubunyag ng mga huling resulta. Ang unang duo na bumalik sa labas ng mundo ay ang AZ at River's AzVer bilang 4th Big Placer, na tig-isang tumanggap ng P200,000 cash prize matapos makakuha ng 8.77% ng kabuuang boto.


Ang kasabikan ay tumaas nang mas mataas nang ang CharEs ay inihayag bilang 3rd Big Placer, na nakakuha ng 22.91% ng kabuuang mga boto. Nag-uwi sina Charlie at Esnyr ng P300,000 cash prize.


At sa wakas, idineklara ang RaWi bilang 2nd Big Placer, na nakakuha ng 25.88% ng kabuuang boto at nag-uwi ng P500,000 bawat isa.


Back in the holding area, halos hindi makapaniwala sina Brent at Mika nang mapagtanto nilang sila ang huling duo na nakatayo, na nangangahulugang nakagawa sila ng kasaysayan bilang pinakabagong PBB Big Winners at ang kauna-unahang ‘Big Winner Duo’ ng palabas. 


Nagyakapan ang dalawa sa pagkabigla at kaligayahan nang tawagin ang kanilang mga pangalan, opisyal na inangkin ang grand prize na P1 milyon bawat isa matapos makakuha ng impresibong 33.03% ng kabuuang pinagsamang boto.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 6, 2025



Photo: Emil Sumangil Journalist - IG


Nagpasalamat ang misis ng GMA-7 reporter na si Emil Sumangil na si Michelle Tolentino Sumangil sa mga netizens pagkatapos manawagan sa social media para sa proteksiyon ng kanyang mister.


Ipinost ni Michelle sa kanyang Facebook (FB) account ang ‘Protect Emil Sumangil at all cost’ na art card.


Caption ni Michelle, “A Personal Prayer Request:


“We would like to thank the netizens who first initiated and called for the safety and protection of my husband, Emil Sumangil. Your concern, prayers, and vigilance brought light and strength to us during this time.


“Dear Lord, thank You for Your constant protection and grace. We lift up Emil into Your loving hands. Surround him with Your divine shield and keep him safe from harm.


“May Your peace reign in our hearts as we trust in Your perfect will. Amen.”

Si Emil ang reporter na nag-expose sa sinasabing whistleblower sa kaso ng mga nawawalang mahigit 100 sabungero.


Idinawit ng whistleblower ang pangalan ni Atong Ang, maging ang celebrity na si Gretchen Barretto.


Sey ng mga netizens:


“Taumbayan ang kasama mo. ‘Pag pinitas ‘yan si Emil, magrerebolusyon.”


“Yes. He’s one of the best GMA-7 journos; developed his own branding that is unique among the quintessential tough talking type of journalist/anchors that we have.”


“‘Di naman pababayaan ng home network n’ya ‘yan dahil nasa tama naman s’ya kung sa tingin nila.”

‘Yun na!


INAMIN ni Anjo Yllana ang tunay na dahilan ng pag-backout niya para pakasalan si Sheryl Cruz when he appeared sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) last Friday.


Ini-reveal kasi ni Sheryl kay King of Talk Boy Abunda sa naunang pag-appear niya sa programang Fast Talk ng GMA-7 na kaya siya nagpunta ng Amerika at iniwan ang kanyang career dito sa Pilipinas ay dahil sa hindi pagtupad ni Anjo na pakasalan siya.


Ayon kay Anjo, true na niyaya niya si Sheryl na magpakasal na noon. 

Ten years after ay nagkasama sina Anjo at Sheryl sa isang acting project. At sa isang eksena ay kailangang sampalin ng aktres ang aktor.


Ramdam ni Anjo ang napakalakas na sampal sa kanya ni Sheryl during the scene. Doon daw kasi inilabas ni Sheryl lahat ng galit niya kay Anjo sa loob ng 10 taon.


Matagal na ring hindi nababalitang may karelasyon si Sheryl, gayundin si Anjo na matagal nang nahiwalay sa kanyang misis na si Jackie Manzano.


Hindi malayong magkaroon ng part 3 ang relasyon nina Anjo at Sheryl, nagkabalikan kasi sila noong 2016.


Kapag nangyari ang part 3 ng love affair nila, baka matuloy na rin ang naudlot nilang kasalan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page