top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | July 15, 2025



Photo: Gretchen Barretto / Circulated - IG



Tahimik na muli ang kampo ni Gretchen Barretto pagkatapos maglabas ng official statement ang kanyang abogadong si Atty. Alma Mallonga.


Mas gusto raw muna ng kampo ni La Greta na manatiling mahinahon, kaya wala pa o hindi muna nila nais maghain ng reklamo at this point.


“She’s downhearted by all of this,” sabi ni Atty. Mallonga sa panayam ng ANC.

Hindi makakatulong at mahirap na rin daw baguhin ang opinyon ng mga tao kahit daw puro pantasya, imbento, and nonsense ang mga akusasyon laban kay La Greta at ni isang affidavit ay walang naihain laban sa kanya.


Kahapon ay sinampahan na ng reklamo ng whistleblower na si Julie Patidongan alias “Totoy,” sa National Police Commission (Napolcom) ang police officers na kine-claim niya na involved sa kaso ng mga nawawalang sabungero.


Doon ay pinangalanan ni alyas Totoy ang isang aktibong police colonel at isang retiradong police general na umano’y sangkot sa kaso ng mga missing sabungero.

Sey pa niya, ang naturang police general ang nag-udyok umano kay Atong na ipapatay siya.


Pagkatapos magsampa ng reklamo ni alyas Totoy laban sa mga pulis, abangers na ang publiko sa susunod na hakbang na gagawin niya kina Atong Ang at Gretchen Barretto.



MAHUHUSAY ang mga baguhang singers mula sa EBQ Music na kasama ni Gerald Santos sa Gives Back (GB) concert niya sa Music Museum last Friday.


Isa na r’yan ang Soulful Balladeer na si Dex del Rosario. Kinanta niya sa concert ang original song ni Basil Valdez na Gaano Kadalas ang Minsan.


“Mas gusto ko po ‘yung more on ballad. Power ballad po talaga ang hilig ko,” saad ni Dex nu’ng makausap namin during the concert.

Mixed emotions daw ang naramdaman ni Dex sa first time niyang pagpe-perform sa MM, pero siyempre, kailangang magapi niya ‘yun.


“Lagi kong sinasabi na ang musika ay pag-ibig. Hindi ko kailangang maging pinakamagaling. Kumbaga, tuwing aapak ako sa stage, gagawin ko ‘yung best ko. As long as kakanta ako, okey po ako,” esplika niya.


Unforgettable experience talaga itong unang pagtapak ni Dex sa stage ng Music Museum dahil nakasama agad niya si Gerald.


Sabi niya, “Parang ano po, may missing piece na nakumpleto nu’ng nakasama ko si Gerald. Kasi nga po, sabi nila, makaapak ka rito, parang okey na, isa ‘yun sa mga nakakataba ng puso.”


Nagwo-work at isang business owner si Dex, pero passion niya ang pagkanta. Music daw ang nagpapasaya sa kanya.


Kuwento ni Dex, “Nag-start po s’ya siguro way back three years ago. Mula po nu’ng namatay ang mga magulang ko.


“Dati gusto ko lang kumanta. Pero nu’ng nawala ang mga magulang ko, parang mas nabigyan ko ng halaga ‘yung musika. Doon po ako humuhugot kapag malungkot ako, doon po ako lumalakas.”


When asked kung ano ang theme song ng buhay niya, sagot niya, “Siguro po ‘yung nagpasikat sa akin na kanta, ‘yung Minsan ay Minahal Ako. Kasi parang eto ‘yung kanta na inaalay ko sa magulang ko. Na kahit wala na po sila, parang nandito pa rin ako, lalaban para sa inyo. Na minsan may alaala na ako ‘yung nagmahal sa inyo.”


Pramis ni Dex, itutuluy-tuloy niya ang kanyang pagkanta para mas lumaki pa ang passion niya sa musika.


Pagbabahagi niya, “Actually, may song po na iniluluto para po sa gagawin naming album. Soon po ‘yan.


“Excited na ako for my first song. Tapos, may concert po kami agad-agad na gagawin.”

Looking forward kami sa album na ‘yan, Dex!

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 14, 2025



Photo: Shuvee Etrata - IG



Pinag-uusapan sa X (dating Twitter) ang ibinigay ni Shuvee Etrata na kotse sa kanyang parents. Feeling proud ang mga followers niya sa X sa ginawa ng aktres.


Actually, ang mga netizens ang nag-reveal na bumili ng bagong kotse si Shuvee para sa parents niya. Ini-repost ng isang fan ang pictures ng kotse at nakalagay sa comment section na si Shuvee ang bumili nito.


Sey ng netizen, “Shuvee bought a new car for her family (teary-eyed face), a Ford Everest.”

“Grabe ka, bhe, so proud of you, Shuvs! Sobrang nakaka-proud si Shuvee (teary-eyed face).”

May nagtanong sa comment section kung ni-rent ba nina Shuvee ang kotse na nasa picture.


Sagot ng isang netizen, “Hindi po, Ma’am, bumili talaga sila sa aming showroom po sa Gold Aces Car Display Center po.”


Na-happy ang mga netizens for Shuvee.

Mensahe nila, “Grabe rin kayod ni Shuvee after leaving BNK, kaya super-deserved niya lahat ng blessings.”


“Shuvee, you are finally living your dreams and this is just the start, only up from here, always here for you, Shuvs!”


So far, more than 10 na raw ang endorsements ni Shuvee.

In fairness, marami talaga ang gumaganda ang career at siyempre ang buhay sa mga housemates ni Kuya. 


Kaya after ng kotse, new house na raw ang kasunod na bibilhin ni Shuvee.

Sey pa ng mga netizens: “Unti-unti na natutupad ang pangarap niya (red heart emoji).”


“Sunod na ang bahay. Deserved so much (red heart emoji).”


“May ipon na s’ya! Bahay next, manifesting (pink heart emoji).”


May nag-suggest na bumili rin si Shuvee ng resort. 

Iba pang komento…


“Sana mag-invest s’ya sa resort du’n sa Cebu para may business na s’ya para sa family na rin n’ya.”


“May resort ata family ng lolo sa Bantayan, and also may resort din ata sila sa Polomolok pero hindi talaga sa kanila. I think sa lolo at lola lang n’ya.”

‘Yun na!



Magkasama sa Europe…

EDU, SI JOY ORTEGA RAW ANG IPINALIT KAY CHERRY PIE


HOW true na in a relationship sina Edu Manzano at Joy Ortega?

May mga posts kasi si Joy sa kanyang Instagram (IG) ng pictures nila ni Edu habang nagbabakasyon sa Europe.


Karamihan sa mga netizens ay hindi na naabutan ang pagiging active ng career ni Joy sa showbiz.

Komento ng mga netizens:


“Nakaka-throwback naman ‘pag narinig mo si Joy Ortega, parang nasa ‘90s. Hahaha!”

“‘Di ba si Joy ‘yung gumagaya kay Kris dati, as an act siyempre, pero du’n s’ya nakilala before SST.”

“Yes. Povedan si Joy Ortega. From the north political clan na Ortega.”


Nasilip din ng mga netizens ang pattern ng mga nagiging girlfriends ni Edu.

Sey nila, “From Cherry Pie to Joy Ortega. Hahaha! Talagang within his age range lang ang pinapatulan ni Edu. Ayaw n’ya sa mga bata.”

“Hindi ba si Edu and ‘yung Sharmaine Suarez?”


“Why not, pareho namang single? What I like about Edu, he dates people na ka-age bracket n’ya lang or not super duper young. Cringe kasi talaga ‘yung mga nagdyo-jowa ng parang apo na nila (disappointed face emoji).”

True…


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 13, 2025



Photo: Vice Ganda / YT



Viral ang picture na magkasama ang It’s Showtime (IS) host na si Vice Ganda at ang isa rin sa mga dating hosts ng Kapamilya noontime show na si MC Muah. 


Nagkita ang dalawa sa comedy bar na pag-aari ni Vice sa Kyusi. Ipinost ng isang netizen sa X (dating Twitter) ang dalawang pictures na magkasama sina Vice at MC.


Caption ng netizen, “Vice Ganda and MC! All is well (white heart).”


Samu’t sari ang comments ng ibang mga netizens sa posted pictures nina Vice at MC. 

Sey nila, “They were never really not okay. They just laid low for a while. Their friendship won’t easily be broken dahil lang kay bwak, bwak, bwak. Basta naniniwala ako na okey talaga sila. Hahaha!”


“Honestly, ‘yan din naman naisip ko. They needed space from each muna. But also at the same time, ‘di ko gets ba’t nila kailangan mag-shade kay VG though by liking those YouTube (YT) comments?”


“Sinasakyan din siguro nila ‘yung issue. Hahaha!”

“Friends pa rin ang mga ‘yan, ‘yun siguro, may awkwardness pa rin dahil sa issue.”


Hindi rin siyempre mawawala ang mga comments ng mga bashers sa viral photo nina Vice at MC. 


“Na-increase-an na siguro. Pera-pera lang din naman ‘yan si MC. Bwak, bwak, bwak! Charot. Ayusin n’yo ‘yan nang makapag-mahjong na.”


“Grabe! Kunwari lang nila ‘yan, ‘noh!!!”


On a separate post, nasilip namin sa Instagram (IG) ng isa sa mga stand-up comedians na nagpe-perform sa bar ni Vice na si Tammy Brown ang picture nila ni Vice kasama si MC sa loob ng dressing room.



Sey ni Tammy sa kanyang IG post kahapon, “Isang masaya at nag-uumapaw na pagmamahal ngayong gabi. Sobrang masaya ang puso naming lahat @praybeytbenjamin at Kuya @mcmuah.”


Na-happy din ang mga followers ni Tammy sa kanyang latest IG post:

“Happy Anniversary (sweet red heart emojis & sweet candy emoji).”

“My heart is so happy seeing them both together.”

“I’m so happy to see them both together.”

“Yehey! Nice to see Meme (Vice) and MC together again. Mag-sisters talaga sila.”

True…



NA-SENTI ang mga Kapamilya stars sa nalalapit na paggiba sa iconic Millennium Transmitter o ang tinatawag na ABS-CBN Tower. Kani-kanya sila ng post sa social media ng picture nila kung saan nasa background ang ABS-CBN Tower. 


Una na d’yan si Anne Curtis na isa sa mga loyal stars ng ABS-CBN. Ipinost niya ang picture niya kasama ang iba pang It’s Showtime (IS) hosts na nag-pose sa harap ng ABS-CBN Tower.


Well, paglipat niya sa ABS-CBN mula GMA-7 ay hindi na siya nagpalipat pa sa ibang TV networks.


Caption ni Anne sa kanyang Instagram (IG) post kahapon, It’s Showtime! Saying goodbye to the iconic tower but not to the memories Showtime has made from its broadcast (red, green & blue hearts emoji).”


Sey naman ni Amy Perez na isa ring IS host, “Today we say goodbye to the historic Millennium Tower, a symbol of hope, strength, and joy for numerous years (red, green & blue heart emoji) Ready for our next chapter together (red heart emoji).”


Pahayag naman ni Ogie Alcasid na member din ng IS family, “Dito po ako nagsimula noong taong 1991 sa programang Small Brothers kasama sina Pareng @jannolategibbs, sina Cheenee de Leon, Janet Arnaiz, Racel Tuazon, at ang

Neocolours. Hinding-hindi ko ito malilimutan. Salamat sa ‘yo at sa inyo. Mananatiling #kapamilyaforever.”


Para naman kay Cherry Pie Picache, “An emotional farewell to the physical representation of dreams, hard work, livelihood, creations, stories, memories... of hope, service and love for thousands of people, including I. Its meaning, different for every individual. 


“A history. Such is life. Changes, evolvement and to proceed are inevitable. 

“Once again a reminder, it is essential to be able to transcend and to be grateful, always, that you were and are a part of the process. 


“Though physical presence is lost, the connection, the love and the spirit lives on. As our leaders say, home is where your heart is (red heart emoji).”


“Closing time, every new beginning… Comes from some other beginning’s end… Closing Time (musical notes emoji).”

So, there.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page