top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | July 20, 2025



Photo: Matteo at Sarah G - IG



Kinumpirma na ni Popstar Princess Sarah Geronimo ang first collaboration niya sa recording with SB19 via Umaaligid sa kanyang social media accounts post kahapon.


Naka-post sa socmed (social media) accounts ni Sarah ang picture ng isang maliit na tape recorder at sa ilalim ng Umaaligid, nakasulat ang pangalan niya at ng SB19.


Nakalagay sa caption ng kanyang post ang ilang linya sa lyrics ng kanta.

Gaya ng naisulat namin kahapon, sa ibang recording label gagawin ni Sarah ang Umaaligid at hindi sa kanyang mother studio na Viva Entertainment.

Indeed, it might be the first big project ng itinayong independent recording label company ni Sarah at ng mister niya na si Matteo Guidicelli, ang G Music.


Ayon sa post ni Matteo sa X (dating Twitter), “Yes it’s finally here! This has been established in its perfect time. SG will start owning her own music and creating exciting things!”


After that, ini-repost din ni Matteo sa X ang post ng G Music sa kanilang socmed accounts ang pagpapa-trending ng art card ng Umaaligid (The Collaboration of the Year) kahapon.

Caption ni Matteo: “Big things coming your way.”


Tanong ng mga netizens kay Matteo sa kanyang post sa X, kung may movie rin na gagawin ang Umaaligid collab nina Sarah at SB19.


Say naman ng isang netizen, “I like the word ‘THINGS’. Hahahahhaha!”

Ibig sabihin, marami pang gagawin na proyekto si Sarah for her new recording label.


May nagtanong din kung kumalas na si Sarah sa kanyang dating record label at sa Viva Entertainment.


Reply ng isang fan ni Sarah, “I think under Viva pa rin s’ya, maybe this is only for her music.”

In fairness sa mag-asawa, ang dami-dami na nilang business na itinayo, ha? 

Siyempre, knows natin na si Matteo lahat ang nag-push para magtayo sila ng business ni Sarah.


Kulang na lang talaga, maging official manager na ni Sarah si Matteo. 

Pero malay natin, ‘di ba? Huwag lang maging stage manager-hubby si Matteo Guidicelli kay Sarah Geronimo in a bad way, of course.



SUCCESSFUL ang performance ng isa sa EBQ Music artists na si Keisha Luiz sa ginanap na Gerald Santos Gives Back (GSGB) concert sa Music Museum recently.

Kino-consider ni Keisha na ang GSGB ang first major concert na nakapag-perform siya.


“Yes po kasi I was with Mr. Gerald Santos po, eh,” nakangiting sabi ni Keisha. 

Aniya, “Sobrang matunog ang name n’ya. Kaya grateful and honored po ako, and to be together with the other talented artists of EBQ Music. Kaya sobrang grateful ko po ngayon.”


Ang natutunan daw nila sa pakikipag-collab kay Gerald, “Well, I can say po I’ve learned a lot about being a professional singer. Kasi ‘pag kasama n’yo po s’ya, talagang on a different level you’ll learn a lot as a beginner. And I’ve learned a lot about discipline as well as teamwork.”


Natutunan na rin ni Keisha kung paano mawala ang kanyang stage fright.

“I just enjoy the music lalo na ‘pag nand’yan na ang audience and hina-hype ka na n’ya. And, talagang naha-hype ka na rin. Nagiging confident ka kasi nae-enjoy mo ‘yung music,” lahad ni Keisha.


Keisha is only 16 years old at Grade 11 sa National University sa Ortigas.

“Actually po, I grew up in a music-oriented family lalo na po ‘yung ate ko na si Lindsay Bolaños. 


“And nu’ng 2022, I was very influenced by EBQ Production. They helped me pursue my singing career po.


“Actually, hindi ko po in-expect na I’ll be a singer. Pero they saw potential in me. So, I’m very grateful for that,” pahayag niya.

After Music Museum, pinaplano na ang big concert ng EBQ Music para sa kanilang mga artists.


“Sabi po nila, sa MOA Arena ang next,” sambit ni Keisha.

Dream ni Keisha na maka-collab si Kitchie Nadal.


Anyway, kinuha namin ang opinyon ni Keisha sa pahayag ni Asia’s Songbird na tapos na ang kanyang panahon sa showbiz. At panahon na raw ng mga bagong singers.


“Hindi pa po tapos ang panahon ni Ms. Regine because music is music, eh. It’s there until the end. Hindi po s’ya matatapos. And magkakaroon pa po kami ng many ways to express ourselves through music,” esplika ni Keisha.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 19, 2025



Photo: SB19 at Sarah G - IG



Inilabas na ni Sarah Geronimo ang latest project na aabangan ng kanyang mga fans sa kanyang social media accounts kahapon. 


Isang mala-poster ng bagong proyekto ni Sarah na may pamagat na Umaaligid (Sa Dilim May Mga Tinig Na ‘Di Mapakali) ang nakalagay, at may petsang July 30 na malamang ang araw ng release nito.


Caption sa post ni Sarah, “Dilat na ba ang mga mata? Umaaligid 2025.07.30. Mukhang payapa ang loob, hanggang sa kuwento’y magsimulang kumulo.”

Sa comment section, makikita kung ano ang reaksiyon ng mga netizens.


“Eto na ‘yung ‘KING OF PPOP AND QUEEN OF POP IN ONE FRAME’ (red heart).”

“Sana eto na ‘yung collab with SB19, tapos ‘yung vibe nu’ng paligid ng bahay parang same doon sa TikTok nila ni Stell ng Dam (thinking face).”


“Very esbi (SB19) coded ang lyrics (red heart emoji).”

Isang lumang mansiyon ang makikita sa larawan na ipinost sa socmed (social media) ni Sarah. Dito nagbase ang mga fans ni Sarah at ng SB19 na collab nila ang inanunsiyong bagong aabangan sa Pop Princess. 


Sey nila, “Ito yata ‘yung place na tinuturuan ng SB ng sayaw si SG? Sana new song nila ‘to.”

“Ito na ‘yung July 30 collab sa end sa PH Arena concert, ‘di ba? (crying face emoji).”


Maging ang voice coach ng SB19 at dating kontesero sa mga singing contests sa telebisyon na si Brenan Espartinez ay nag-post din sa X (dating Twitter) ng kaparehong picture ng post ni Sarah. At may caption si Brenan na ganito, “LFG (let’s fucking go) fire emojis).”


“Sa mga lyrics na matalinghaga, si Pablo naiisip ko na sumulat.”


May nakita rin kami na same post ng award-winning director na si Nijel de Mesa.

Caption ni Direk Nijel, “Ito na! Congratulations to the beautiful couple!”


Ayon kay Direk Nijel, kanta raw ni Sarah ang Umaaligid sa bagong recording label ng misis ni Matteo Guidicelli.


Ay, bakit kaya bagong label? Hindi ba’t under Viva Records si Sarah?

Abangan daw namin, sabi ni Direk Nijel.



NAMAALAM na ang aktor na si Albie Casiño sa kanyang role sa ABS-CBN’s hit action series FPJ’s Batang Quiapo (BQ) sa episode noong Huwebes.

Ginampanan ni Albie ang karakter na si Iñigo, anak ni Chanda Romero bilang si Olivia.


Namatay ang karakter niya dahil sumabog ang bomba during a campaign rally para sa team ni Tanggol (Coco Martin).


Sa naturang episode rin makikita ang emotional breakdown ni Chanda na running mate rin ni Coco sa BQ.


Naghayag ng pasasalamat kay Albie at pagpapaalam sa karakter niya sa BQ ang producer ng show, ang Dreamscape Entertainment, sa kanilang Instagram (IG) account.


Samantala, inaabangan din ng mga netizens kung ano ang mangyayari kay Tanggol (karakter ni Coco Martin) dahil kasama rin ito sa pagsabog. Sa huling episode ay nakitang inaakay siya papuntang ambulansiya at walang malay.

Mamamatay kaya si Coco? Mukhang imposible dahil siya ng bida. Hahahaha!



 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 16, 2025



Photo: Matteo at Sarah G - IG



Bakasyon-grande ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa Europe recently. Nasa honeymoon mode pa rin ang mag-asawa after couple of years ng kanilang marriage.


Sa Instagram (IG) ay ipinost ni Matteo ang mga ganap nila ng kanyang wifey from the super first-class airplane up to their last dinner sa isang fancy resto sa London. 


May pa-shower room at spa, first time raw nakasakay ni Matteo sa ganitong eroplano.

Pagkatapos ay nag-breakfast ang mag-asawa sa The Ritz, a five-star luxury hotel in London. Feeling namin, dito rin nag-check-in sina Sarah at Matteo.

Pagpasok ng resto ay kinanta pa ni Sarah ang isang linya sa hit song ng SB19, ang Dungka


Tinugtog din ang fave song ni Sarah na My Heart Will Go On ni Celine Dion.

Parang halos pareho na ang igsi ng buhok nina Sarah at Megastar Sharon Cuneta. Bagay na bagay naman kay Sarah, na parang hindi rin tumatanda.


Mukhang panay ang ikot around the world nina Sarah at Matteo. Parang nasa honeymoon stage pa rin kahit matagal na silang mag-asawa.


Maybe this is their way na rin na ma-maintain ang sweetness nila. And at the same time, baka they are really trying na rin to make a baby kaya panay ang bakasyon ng

mag-asawa.

Well, support kami d’yan 100%, basta sa happiness nina Sarah at Matteo. 

Ang tagal na rin naman since they got married and up to now ay hindi pa sila nabe-bless ng baby.



OVERWHELMED ang new singers ng EBQ Music na sina Joanne at Keisha Luiz na mapasama sa concert na Gerald Santos Gives Back (GSGB) sa Music Museum last Friday.


Pahayag ni Joanne, “Uh, overwhelmed po. Kasi nakasama ko na ‘yung dating Pinoy Pop Superstar champion, si Gerald po. Dati po kasi sumasali lang po ako sa Pinoy Pop Superstar. Ngayon, kasama ko na po s’ya.”


Kinanta ng rock singer na si Joanne sa GSGB concert produced by EBQ Music Productions ang What About Love na pinasikat ng grupong Heart.


“Ever since rock na po talaga ang genre ko. (Nasa) Banda po kasi ako dati. ‘Yung boses ko po kasi, bagay sa rock. Pero nakakakanta rin po ako ng mga Whitney (Houston) and Celine (Dion), si Regine (Velasquez). Pero mostly po, full band ako,” paliwanag ni Joanne.


Maraming natutunan si Joanne sa pakikipag-collab kay Gerald sa concert. 

“Ano po, number one po is discipline, sa group namin. Then, sa bosesan. Saka, tinuturuan din po kami. Saka may mga ibinibigay po s’ya na tips sa amin,” sey pa ni Joanne.


Natutunan din ni Joanne from Gerald kung paano i-conquer ang stage fright.

“Ano po, ‘yung itinuro po n’ya sa ‘kin, just face the wall. And you perform hanggang mawala ‘yung takot mo. Ibuga mo lahat. ‘Yan ang ibinigay n’yang tip sa aming lahat.

“Bilang bagong singer po, ‘yung mga natutunan namin na tips sa kanila, ‘yun po ang ina-apply namin ngayon. Mas nade-develop namin ang sarili namin,” pagre-reveal ni Joanne.


Samantala, natanong si Joanne kung ano ang opinyon niya sa sinabi ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na tapos na ang panahon niya at panahon na ng mga bagong singers.


Kontra ni Joanne, “Hindi pa po, eh (naniniwala kung tapos na panahon ni Regine). Kahit kailan po, kahit ano man po, mawawala man, eh, nakatatak na po ang pangalan n’ya.”


After Music Museum, wish ni Joanne na matuloy ang pinlano na concert ng EBQ Music nina Mr. Nick and Evie Quintua at SM Mall of Asia Arena (MOA).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page