top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | August 2, 2025



Photo: BINI Aiah



Solb na solb ang mga nanood sa katatapos lang na Alagang Suki Fest sa Smart Araneta Coliseum nu’ng Huwebes ng gabi na handog ng Alagang Unilab Rewards at Mercury Drug Suki Card programs sa kanilang mga suking customers para sa 80 taon nilang paghahatid-alaga.


Star-studded ang line-up ng mga guests and performers.


Unang um-appear si Momshie Jolina Magdangal na celebrity ambassador ng Unilab sa Neurogen-E na umaming umiinom na rin pala ng Neurogen-E dahil at her age na 46, nakakaramdam na rin ng mga tusuk-tusok sa kanyang mga kalamnan at buto.


Nang-aliw at nagpakilig naman si Robi Domingo sa kanyang Kremil-S segment dahil sa kanyang kakaibang wit and humor. Para talaga siyang si Luis Manzano na makulit at laging patawa.


Bentang-benta rin sa crowd ang song medley ni Belle Mariano, na take note, alam naming live ang pagkanta at hindi recorded, dahil nagkamali ng pasok ang aktres (nauna siya) sa isang line ng Dancing Queen.


Kineri naman ni Belle at hindi krimen ‘yun, dahil ang mahalaga, pinasaya niya ang crowd na naki-sing and dance sa kanya with matching selfie pa dahil nilapitan niya ang audience.


After Belle, ang bandang Mayonnaise na ang humataw ng kanilang mga sikat na signature rock anthems.


Sinundan sila nina Maki at Darren na hinarana ang crowd with their soulful voices and undeniable charm.


Buhay na buhay naman ang crowd sa performance ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na balik-Araneta matapos ang kanyang One Last Time concert.


Nakakabilib na kahit ilang dekada na ang kanyang kantang ‘Di Bale Na Lang, nang kantahin at sayawin ito ni Gary V., sumabay talaga ang audience sa energy ni Mr. Pure Energy.


At kung nu’ng One Last Time concert ni Gary V. kung saan matatandaang isinugod pa siya sa ospital kaya medyo hindi niya naitodo ang paghataw ng sayaw, bigay-todo na naman ang magaling na singer-performer sa Alagang Suki Fest at akala mo siya inasnang bulate na naman kung makagalaw.


Finale siyempre ang pinakasikat ngayong nation’s girl group na BINI na apat na song nila ang kinanta at isinayaw.


Grabe ang sigawan ng mga Blooms (BINI’s fans) habang isa-isang ipinapakilala ang walong members, pero napansin naming pinakamalakas ang sigaw nila kay BINI Aiah.


Napagkamalan naman naming si Sarah Geronimo si BINI Sheena dahil ang laki ng pagkakahawig nila, pati sa hairstyle.



Sarah G at BINI Sheena - IG


Samantala, nakadagdag-saya rin ang Comedy Manila artists na sina GB Labrador at James Caraan na nag-provide ng entertainment bago nagsimula ang concert.

Well, congrats sa Unilab at Mercury Drug sa kanilang successful collab para mabuo ang Alagang Suki Fest.



ANG sweet talaga ng Star for All Seasons na si Gov. Vilma Santos-Recto.

Imagine, despite her busy schedule bilang nagbabalik na gobernador ng Batangas, naglalaan talaga siya ng time para suportahan ang kanyang mga kaibigan, tulad na lang ng mahal din naming si Roderick Paulate o Kuya Dick.  


Balik-pelikula kasi si Kuya Dick at sa August 20 ay ipapalabas na ang kanyang comedy film na Mudrasta na mula sa CreaZion Studios.


Napanood ni Ate Vi ang trailer ng Mudrasta na trending ngayon sa socmed at nag-comment ito ng “Good luck, Dick!!! Told you. Magaling ka talaga sa lahat ng bagay! Napakagaling na AKTOR… HANGGANG NGAYON!! Proud of you, my friend! Mga kababayan… nood tayo ng MUDRASTA!!!!”


Oh, ‘di ba? Ganyan ang tunay na kaibigan, nakasuporta kahit ‘di mo hingan ng tulong.


Naku, excited na rin kaming mapanood ang pagbabalik-comedy ni Kuya Dick sa pelikula dahil sa totoo lang, laugh to the max talaga kami kahit paulit-ulit na naming napanood ang mga comedy films niya noon.



LINGGU-LINGGONG inihahatid ang trending chika mula online at showbiz updates sa mas pinalawak na entertainment programming lineup ng DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM Teleradyo sa pangunguna ng Alam na Dis nina Papa Ahwel Paz at DJ Jhai Ho.


Napapakinggan tuwing Lunes hanggang Biyernes, alas-9 ng gabi, pangunahing tinatalakay nina Papa Ahwel at DJ Jhai Ho sa Alam na Dis ang ilan sa pinakamaiinit na isyu, mga pasabog ng artista, at iba pang viral na mga ganap sa mundo ng showbiz.


Para naman sa gustong magpuyat o magsenti sa pagsapit ng alas-10 ng gabi, hatid ang ilang nakakakilig at heartbreaking love stories ng Love Konek kasama si Coach Vee, na nagbibigay ng payo sa pag-ibig at buhay kasabay ang all-time favorite hugot love songs ng madlang pipol.


Hindi rin pahuhuli ang weekend showbiz programs tuwing Linggo, 11 AM, tampok si Lyza Aquino sa Wow Sikat kung saan binibigyang-pansin ang mga trending na personalidad o ganap na usap-usapan ng mga netizens sa TikTok, Facebook, Instagram, X (na dating Twitter), at Youtube.


Pagpatak ng 12NN, balik si DJ Jhai Ho sa Bongga Ka Jhai para sa isang oras ng eksklusibong balitang showbiz, panayam sa mga bagong artista, at updates sa kanilang mga inaabangang proyekto.


Simula pa noong Hunyo 2, umaarangkada na ang bagong showbiz talk show lineup na ito bilang bahagi ng misyon ng DZMM na masabayan at pag-usapan ang ilang latest happenings sa mundo ng showbiz na inaabangan ng solid fans ng mga artista at netizens.


Napapakinggan ang DZMM Radyo Patrol Patrol 630 sa 630 kHz AM band, at napapanood ang DZMM Teleradyo sa Sky Cable at halos 170 pang cable providers nationwide, TFC, iWant, satellite TV, at online sa official Facebook at YouTube pages nito.

Para maging una sa balita at public service, i-follow ang DZMM sa Facebook, Instagram, X (Twitter), at TikTok.


Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 2, 2025



Photo: Bea Alonzo - IG


Obvious na may nagpapakalat ng maling information tungkol sa lagay ng kontrata ng aktres na si Bea Alonzo sa GMA-7.


May nagpadala sa amin ng picture ni Bea na nakakalat sa socmed (social media). Nakalagay sa picture, “‘Di na s’ya nag-renew sa Kapuso Network.”


May nakalagay din na ganito, “Bea Alonzo no longer a Kapuso,” at “May pagbabalik kaya sa ABS-CBN?”


Malinaw na isang malaking fake news ito.


Ayon sa aming source, malayo pa ang renewal time ng contract ni Bea sa GMA-7. Posible raw na may mga tao na nagkakalat ng maling info about Bea.


At ang matindi pa raw, sinabi pa ng nagpapakalat ng fake news kay Bea na sisiguraduhin nito na hindi ire-renew ang kontrata ng aktres sa Kapuso Network.

Ganern?!



Happy kami na personal na mabating muli ang Cannes Best Director na si Brillante Mendoza sa kanyang intimate birthday celebration na ginanap sa bonggacious house niyang The Secret Garden sa Busilak St., Mandaluyong City last Wednesday.


Present sa kanyang party with almost the same people na loyal friends ni Direk Brillante from his previous birthday celebration ang mga nakasama niya as founders ng Sinag Maynila Film Festival and Solar Entertainment Corporation president na si Wilson Tieng.

Spotted din namin sa party sina Ronnie Lazaro, Vince Rillon, Mark Dionisio, Ihman Esturco, Dennis Evangelista, Dante Balboa, Direk Lawrence Fajardo, at Jomari Angeles.


Marami sa mga bisita ni Direk Brillante ang nakapansin sa kakaibang glow at paglusog ng kanyang katawan kumpara last year. At 65, mas mukhang bumata si Direk Brillante.


Halatang natuwa at natawa siya nu’ng banggitin ito sa kanya ng entertainment media na inimbita niya on his 65th birthday party.


“Wala akong ipino-promote na gluta,” sabay tawa ni Direk Brillante.


Aniya, “I think it’s just a matter of feeling good inside. S’yempre the last time na nakita ninyo ako, katatapos ko lang magkasakit noon.


“Hindi ko naman inano ‘yun, ‘di ba? Pero nagkita-kita pa rin tayo kahit na ano, ‘di ba? Kasi sa akin, ‘yan ‘yung mga kaibigan, gusto ko lang makita, ganyan-ganyan.


“Nakikita n’yo naman, paulit-ulit lang ang mga guests ko, wala namang bago. Kung may madagdag, isa, dalawa lang, ‘di ba?”


When we asked his birthday wish, wala na raw siyang ganoon.


Esplika niya, “Napakaplastik pero totoo, para sa iba… Marami tayong problema ngayon, ‘di ba? Ayoko nang magbasa ng news. Nakakasakit lang ng dibdib. Hahahaha! Nakaka-depressed.”


Pero okey lang daw, basta gawa lang siya nang gawa at malakas ang katawan.

Last month ay naging overall mentor siya sa Sinag Maynila Masterclass 2025, habang ang mga mentors sa masterclass on filmmaking ay sina Carlitos Siguion-Reyna, Arvin Belarmino, Javier Abola, Zig Dulay, Odie Flores, Ben Padero, Mike Idioma, Teresa Barrozo at Ruby Ruiz.


Pahayag ni Direk Brillante, “Sobrang nag-e-enjoy talaga ako pagdating sa ganyan. Kasi alam mo 'yun, parang ‘yun na ‘yung aking giving back. Nakakatuwa, kasi ang mga participants, mga professional, ‘di ba? May mga festival director na nga.


“Nand’yan si Harlene (Bautista), nand’yan si Dante Balboa, nand’yan ‘yung mga direktor. Nakagawa na rin sila ng mga pelikula. Nag-Cinemalaya.


“So, parang the mere fact na nandoon sila, nakakatuwa. Kasi parang gusto pa nilang matuto, ‘no? I hope I didn’t fail them. Eh, ako naman, napaka-competitive ko pagdating sa ganyan.


“Gusto ko, ‘yung mga estudyante, ‘yung mga participants, may natututunan sila.”

Sinimulan ni Direk Brillante ang workshop noon pang 2014 hanggang 2016.


“Tuwang-tuwa ako dahil iyong mga produkto kong artista, at saka naging direktor, nagkaroon na sila ng mga pangalan,” pagmamalaki ni Direk Brillante.


Aniya, “Nag-compete sa ibang bansa. Alam mo ‘yun, nakakatuwa. Kasi sa akin, sa mga nagbibigay ng ganyan, ng workshop, magme-mentor ka, parang fulfillment mo na ‘yan so far, alam mo ‘yun? Alam mong may natutunan.”


Ayaw namang isipin ni Direk Brillante na ‘yun ang way niya of leaving his legacy.

“Well, hindi ko naman iniisip ‘yun. Actually sa akin ngayon, dahil alam mo ‘yun, hindi na tayo bata, ‘di ba? ‘Pag nandu’n ka na sa age na kailangan mo talagang mag-give back, this is the time.


“I mean, basta feel good. Tapos just do good, kung ano ang magagawa mo,” lahad pa ni Direk Brillante.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 1, 2025



Photo: Ruffa Mae Quinto at Trevor - IG



Hours after kumalat ang balitang pagpanaw ng mister ni Rufa Mae Quinto na si Trevor Magallanes sa social media, nag-post na ang sexy comedienne ng official statement sa kanyang Instagram account kahapon.


Isang relative ni Trevor ang nagkumpirma ng pagkamatay ng mister ni Rufa at ama ng kanyang unica hija na si Athena Magallanes.


Walang cause of death na nabanggit ang naturang relative ni Trevor na isang financial analyst sa US.


Habang nalaman na lang daw ni Rufa ang balitang yumao na si Trevor dito sa Manila and wala pa siyang complete details on how her husband died.


Caption ni Rufa sa kanyang IG post, “I'm deeply saddened by this development. Hope u give us time to mourn his lost especially my daughter. Just pray for us that we will get thru this by the help of God!


“We are still gathering factual information about his death. Even us or his immediate family are still verifying what happened. 


“So we kindly ask his friends or anyone to stop spreading fake news or mere speculations about his death. I am flying tomorrow for d US with my daughter so pls wait for the official announcement surrounding his death from me & his family only and not fr any other source.

“Thank u very much and pls give us respect & pray for us in this time of trial.

“Hanggang sa huli.... Hanggang sa muli,

“Mahal kita Trev.”


Legally married pa rin si Rufa kay Trevor pero naghiwalay sila noong Mayo ngayong taon. 


Pahayag ni Rufa sa isang interbyu as to why ‘di pa annulled ang kasal nila ni Trevor, “‘Yung legalities, walang file ng divorce. Walang nag-file. Hindi ako magpa-file kasi andami ko nang file sa kaso. Ayoko muna mag-file sa divorce kasi dito rin naman kami ikinasal sa Pilipinas. ‘Di ko na rin alam ano gagawin, masyadong masakit pa. May anak din kami.”

As of this writing, may tsika na babalik si Rufa Mae sa US para sa huling pamamaalam niya kay Trevor.



BAGONG revival song, bagong talent management, at marami pang bagong pakulo ang ibinida ng tinaguriang Revival King na si Jojo Mendrez.

Inilunsad ang dalawang bagong singles ni Jojo under Star Music na parehong magiging bahagi ng kanyang EP album. 


Ang una ay ang Timmy Cruz original na I Love You, Boy na gagawing I Love you, BABE sa version ni Jojo. At isa naman ay ang hit song ni Dina Bonnevie na Bakit Ba Ganyan?


Incidentally, parehong under Artist Circle sina Dina at Timmy.

Anyway, kasabay ng pagpirma ni Jojo ng kontrata sa bago niyang talent management, ang Artist Circle under the leadership of President and CEO Rams David, he is now officially a certified Ka-Circle.


Ayon kay Jojo, “Well, kasi uhm, first kami nag-meet ni Rams, ramdam ko na mabuting tao si Rams. Kasi ganoon naman, eh, kapag siyempre, ‘yung first impression ko sa kanya, naramdaman kong mukhang magkakatulungan kami nang maayos.


“Kasi ako, marami akong pangarap sa buhay. Kasi nga laging sinasabi ko, life is short. So, gawin mo na lahat ng iyong dapat gawin. 


“So, nu’ng nag-meet kami ni Rams, nasabi ko ‘yung mga plans ko. Eh, siyempre, surrounded ako ng mga good heart, ng mga kaibigan din niya. So, parang kampante ako sa buhay ko ngayon with Rams.”


And then, we asked Jojo and Rams kung gaano katagal ang kontrata nila sa isa’t isa.


Paliwanag ni Rams, “Well, lahat naman ng contract, may terms ‘no? Initially, three years ‘yung contract namin ni Jojo. So, hopefully, idinadalangin namin sa Panginoon na maging maganda ‘yung relationship and ‘yung management. ‘Pag maganda, eh, di dire-diretso lang ang contract, ganoon.”


Immediate plans daw nila ni Jojo sa kanyang career gaya ng sabi ng Revival King sa media launch na mas nare-recognize ‘yung kanta niya on the contents that he is doing. Kaya kasama raw si Jojo sa pagpaplano nina Rams sa mga contents na ginagawa niya sa socmed. 


At the same time, paano ii-inject ‘yung mga kantang ilo-launch ng Star Music para mas makilala ang kanyang mga revival songs at si Jojo. 


Kaya isang malaking collaboration daw ng socmed accounts ni Jojo at mga kantang ilo-launch niya ang gagawin ng Artist Circle.


Kilala rin ang mga artistang mina-manage ng Artist Circle sa larangan ng pag-arte. Kaya tinanong namin si Rams kung may chance kaya na pasukin na rin ni Jojo ang pag-arte.


“Tinanong ko rin naman siya. Nakakaarte naman si Jojo. So, why not? Bakit hindi?” diin ni Rams.


Sabi naman ni Jojo, “Kahit ano po ang ipagawa sa akin, okay. Wala sa akin ang hihindian. ‘Wag lang Vivamax ang gagawin ko na mag-bold ako. Kasi mukhang hindi bagay, “ seryosong biro ni Jojo.


Bukod sa pagiging Revival King, kilala na rin siya bilang si Super Jojo. Trending palagi ang pagla-live ni Jojo sa Facebook kung saan nagse-share ng blessings sa ating mga kababayan.


Soon ay magkakaroon din ng official launch ang kanyang “Super Jojo: Libre Ko Na ‘To.”


Ilan pa lang ‘yan sa mga bagong pasabog  ni Jojo sa bagong yugto ng kanyang showbiz career.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page