top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | February 9, 2026



WINNER - BAGONG LUXURY CAR NI DOMINIC, GALING DAW SA RICH GAY_IG _dominicroque

Photo: IG _dominicroque



Buong-pagmamalaki namang ipinakita ni Dominic Roque ang bagong bili niyang sasakyan sa social media. Ibinahagi ng aktor ang video noong araw na nakuha niya ang kanyang bagong high-end car.


Caption ni Dom, “Wooot! Wooot! RapRap 2.0. 3.0L V6 Ranger Raptor.”

Shocked ang mga netizens sa bagong achievement ni Dominic.

“Wow! Idol, Papa Dom.”


“Ganda, bagay d’yan si Sue Ramirez sumakay.”

“Senyora, susunduin ka na raw po para makipag-date sa 14.”


Pero may nagtataka naman kung saan o kanino galing ang bagong kotse ni Dom.

Komento ng mga Marites, “Senyora, ang galante mo naman kay D.”

“Sino po ba ang sasakay mo r’yan? Si S po ba?”


May mga bashers naman ni Dom ang iniintriga siyang baka bigay daw ng rich gay ang naturang high-end cars.


Naku, for sure, si Sue ang unang-unang papalag d'yan, ‘no?

‘Kaaliw ang mga comments ng ilang celebrity friends ni Dom tungkol sa bago niyang kotse. Kabilang na sina Marco Gumabao, Jak Roberto at pati ang tiyahin niyang si Beth Tamayo.


“Buti pa ‘yung oto, malakas,” biro ni Marco.

Sinagot naman siya ni Dom, “Hahaha! hayop.”

Harot pa more!



PORMAL nang naglabas ng opisyal na pahayag si Judy Ann Santos kaugnay ng mga naglalabasang videos online na ginagamit siya bilang promotional material sa pagbebenta at pagpo-promote ng mga produkto.


Deklarasyon ni Juday at ng kampo ng aktres, fake ang mga advertisement videos niya na kumakalat online. Ginamit lamang daw ang mukha at boses ni Juday.


Matagal nang may gumagawa ng ganito kay Juday at karamihan ay naka-post sa Instagram (IG). Marami na ring nagparating sa aktres, kabilang ang mga kaibigan at kamag-anak niya, tungkol dito. 


Patuloy pa raw itong dumarami kaya kumilos na ang kampo ni Juday.


Ayon sa inilabas nilang official statement, “Please be advised that we do not sell, promote, or endorse any of the products featured in these videos or posts. These materials are unauthorized and use AI-manipulated images and videos to falsely associate Judy Ann Santos with certain brands and sellers.


“We urge the public to remain vigilant and discerning. Please be cautious of misleading content and unauthorized online sellers.”


Ipinost ni Juday sa kanyang IG ang verified social media accounts bilang official endorsements, announcements and communications ng aktres.


Kinondena naman ng mga IG followers ni Juday ang mga gumawa ng fake endorsements niya online.

Sey ng mga netizens…


“May nakita pa ako sa TikTok, nagpapa-cash loan si Ate Juday. Ini-report ko nga, eh.”

“Naku! Ang daming gumagamit ng AI. Si @officialjuday ginagamit na endorser pero fake naman.”


Ay, sus!


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | February 8, 2026



WINNER - ANDREA, WALANG BRA SA PHOTO SHOOT SA SWITZERLAND_IG _blythe

Photo: IG _blythe



Nakipagkabugan si Andrea ‘Blythe’ Brillantes sa pagrampa kasabay ang international model sa Switzerland.


Si Blythe lang ang nag-iisang Pinay na rumampa para sa international clothing brand na Guess. 


Ang nakakaloka pa sa invitation ng Guess ay sa bonggang ski resort ng rich and famous sa Gstaad, Switzerland ginanap ang show para sa winter fashion/collection. Plus, provided ng Guess Europe ang hair and makeup ni Andrea. Kaya naman naiba talaga ang look ng face niya sa mga pictures na ipinost sa Instagram (IG). Nagmukhang European talaga si Andrea sa makeup niya.


Habang ang kanyang stylist na si Eldzs Mejia ay inilipad din from Philippines to Switzerland ng Guess. Pang-international star na talaga ang level ni Andrea.





Shookt naman ang mga followers niya sa latest photo na ipinost niya sa IG recently. Braless si Andrea suot ang puffer jacket. Kaya naman sumilip ang mga pisngi ng dalawa niyang malulusog na boobs habang nagpi-pictorial sa Switzerland.


Anyway, tinapos muna ni Andrea ang shoot ng A Secret in Prague (ASIP) sa Czech Republic. Right after matapos ang shoot, agad siyang lumipad papuntang Switzerland.

Ang taray ni Andrea Brillantes, ‘di ba? Bonggang-bongga talaga!



BALIK-‘PINAS na pala si Jenny Syquia.

“Cynthia?” tanong for sure ng mga GenZs. 


Well, sa mga hindi nakakakilala kay Jenny, paki-Google na lang po. Hahaha!

Si Jenny ang pangalawang babaeng pinakasalan ni Gabby Concepcion after Megastar Sharon Cuneta. Pero siya ang pangatlong babae ni Gabby pagkatapos ikasal ang aktor sa nanay ni KC Concepcion.


Noong nagkahiwalay sina Sharon at Gabby, si Grace Ibuna ang sumunod na nakarelasyon ng aktor at nagkaroon sila ng anak, si Garie Concepcion. 

Isa lang din ang naging anak nina Jenny at Gabby, si Cloie, pagkatapos ay naghiwalay din sila after 3 yrs..


Ikinuwento ni Jenny kay Karen Davila na noong pumunta siya sa Pilipinas, may relative siya na nagdala sa kanya sa set ng movie ni Gabby. Agad ay niyaya siya ng aktor na makipag-date hanggang sa nag-propose na nga sa kanya. After a while, ikinasal na sila.


Mas nauna pa raw ikasal si Jenny kay Gabby bago sila nag-kiss. 

Nang maghiwalay sila, muling nagpakasal si Jenny at nanirahan sa Switzerland. Nagkaroon ulit siya ng isang anak na babae sa second husband niya, kaya lang naghiwalay din sila. 


Three years nang hiwalay si Jenny sa kanyang second husband at nagbalik na siya sa Pilipinas. 


May jewelry business si Jenny Syquia na plano niyang i-stretch dito. Naiisip din niyang magbalik sa showbiz, provided na English ang dialogue. 

Bukas din siya sa posibilidad na gawin ang reunion movie with Gabby Concepcion.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | February 7, 2026



WINNER - CHRISTOPHE, AMINADONG SURFER LANG, P7 M LUXURY CAR NA IDINA-DRIVE, KAY NADINE_TikTok Daniel Mac

Photo: TikTok Daniel Mac



Puring-puri si Nadine Lustre ng mga netizens nang ma-interview siya ng isang foreign vlogger na nagpi-feature ng mga mamahaling kotse sa Amerika. 


Pagkatapos nito, pumunta naman ang vlogger sa Pilipinas at nakorner niya ang magdyowang sina Nadine at Christophe Bariou.


Ang vlogger ay si Daniel Mac, na nag-i-interview ng mga celebrities sakay ng mga

mamahaling kotse. 


Una na niyang na-interview si Liza Soberano sa US.


Sakay ng Mercedes-Benz 280S sina Nadine at Christophe. Ang huli ang nagda-drive sa luxury car na nagkakahalaga ng $130,000 (na ang katumbas sa pera natin ay mahigit P7 milyon).


Pagkatapos parahin ni Daniel ang kotse, bumanat siya ng kanyang signature question na: “What do you do for a living?” kay Christophe.


“I just live and surf on an island for a living, honestly. You know, you should ask her,” sagot ni Christophe sabay turo kay Nadine.


Tinanong naman ni Daniel si Nadine, “Are you a big actress?” 

Sagot ni Nadine, “I guess. I do movies and I used to do TV.”


Inamin din ni Nadine na dating mekaniko ang kanyang ama.


Samantala, cool na cool ding nagkuwento si Christophe tungkol sa kanila ni Nadine.

Ayon sa kanya, nagde-date sila at nang makilala raw niya si Nadine sa isla kung saan naroon ang beach resort niya, hindi niya alam na isa pala itong artista at dating on-and-off screen partner ni James Reid.


Dagsa ang papuri kay Nadine sa comment section dahil sa pagiging humble niya, pati na rin kay Daniel.


“Shoutout Nadine for being so humble, I need to brush up on my Filipino knowledge,” sabi ni Mac.


Ibinida naman ng mga fans si Nadine kay Daniel. Sey ng mga netizens…


“Fun fact, Nadine is one of the biggest stars in the Philippines. She peaked around 2015 to 2019 but is still one of the biggest stars in the country today. In fact, she’s been given a title, she’s now called the ‘President.’”


“THE Nadine Lustre. Very humble, that’s my queen.”

“She’s our superstar.”


“Ohhhh, Nadine and Chris looked so good together. Nadine is famous in the Philippines, she’s humble.”

‘Yun, oh!



ISHINARE ng award-winning actress na si Hilda Koronel sa Instagram (IG) ang isang throwback picture niya kasama ang pumanaw na Superstar at National Artist na si Nora Aunor, maging sina Tirso Cruz III at Ed Finlan.


Napa-wow ang mga followers ni Hilda sa ipinost niyang black and white photo

nila. Bumilib ang mga fans ni Hilda dahil matapos ang mahigit 50 taon ay naitago niya ang larawan kasama sina Nora, Pip at Ed.


Sey ng mga netizens:


“OMG, what a beautiful photo and what a beautiful YOU Miss Hilda now and then.”

“Oh youth has no rewind, just memories to remember by.”

“Beautiful people.”


“Kung ang ‘80s, may Sharon, Maricel at Snooky, ang ‘70s, may Nora, Vilma at Hilda.”

May nag-post ding fan ni Hilda na nanghinayang na hindi natuloy ang dapat sana ay proyekto nilang muli matapos ang Beloved.


“Too bad your nth collaboration with Ms. Nora did not take off soon enough.”

Reply ni Hilda, “Sayang nga.”


Malapit nang ipalabas ang comeback movie ni Hilda na may titulong Sisa, na idinirek at isinulat ni Jun Lana Robles.


Ang pelikula ay naganap noong 1902 kung saan ang isang ‘mad woman’ na nakasaksi sa pagpaslang sa kanyang pamilya sa panahon ng malagim na Philippine-American War ay napag-alamang isa palang espiya ng mga rebolusyonaryong Pilipino.


Kasama sa Sisa sina Eugene Domingo at Jennica Garcia.


Kasama ang pelikula sa 29th Tallinn Black Nights Film Festival (PÖFF, Pimedate Ööde Filmfestival). Nagkaroon din ito ng festival premiere sa 46th Festival Internacional de Cinema do Porto (Fantasporto).


Kasalukuyang nasa Amerika si Hilda Koronel. Umaasa naman ang kanyang mga fans na makauwi siya ng Pilipinas bago ipalabas ang Sisa next month.

Sana nga…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page