top of page
Search

ni Jersy L. Sanchez - @Life & Style| May 17, 2022




Ayon sa mga eksperto, ang alak ay isang diuretic o substance na nagiging sanhi ng increased production ng urine o ihi, na nagreresulta naman ng dehydration.


For sure, lahat tayo ay may kilalang manginginom or tayo mismo ‘yun?


At bagama’t alam natin na ang labis na pag-inom ay may hindi magandang epekto sa ating katawan pagkalipas ng mahabang panahon, anu-ano naman ang senyales na “heavy drinker” o malakas tumoma ang isang tao?


1. WRINKLES. Dahil isang diuretic ang alak, nagiging sanhi ito ng dehydration, at ang dehydrated skin ay lumulubog at kumukulubot. Sey ng experts, ang older-looking skin ay maaaring may kaugnayan sa kung paano nade-detoxify ng katawan ang alak sa pamamagitan ng pag-recruit ng ilang nutrients at antioxidants sa atay. Gayundin, naaapektuhan ng alak ang pagtulog, kaya naman ang hindi magandang tulog ay nakakabawas sa “repair time” ng balat.


2. REDDISH FACE. Normal ang pamumula ng mukha para sa mga alcohol drinker dahil ang alak ay isang inflammatory. Ayon sa mga eksperto, ‘pag inflamed o namamaga ang balat, posible itong mauwi sa kondisyon na rosacea. Ang rosacea ay nakikita sa pagkapula ng mukha, at minsan, ito ay nasa tainga, likod at dibdib. Puwede rin itong maging acne-like bumps o ‘yung mga bump na tila taghiyawat. Bagama’t may mga cream o gamot na nakakatulong sa kondisyong ito, band-aid solution lamang ito para sa mga heavy drinker o may alcohol abuse.


3. BRITTLE NAILS AND HAIR. Tulad ng nabanggit, ang alak ay isang diuretic at dahilan ng dehydration. Bagay na nakakaapekto sa balat at mga kuko, kaya naman nagiging malutong ang mga ito at nagbibitak. Giit pa ng mga eksperto, ang pagnipis at hair loss ay long-term effect ng heavy drinking, lalo na sa mga taong malnourished. Kaya paalala ng mga eksperto, kumonsumo ng tamang dami ng vitamins, mineral, proteins, fats at carbohydrates na mahalaga para magkaroon ng healthy scalp at hair.


4. STAINED/YELLOW TEETH. Ayon sa mga eksperto, ang acid content ng alak ay nagiging sanhi ng pagkawala ng tooth enamel, na dahilan ng pagkapit ng mga kulay ng inumin sa ating mga ngipin. Bukod pa rito, posible ring mauwi sa mas seryosong kondisyon ang heavy drinking tulad ng gum disease, tooth decay, mouth sours at oral cancer.


5. DISPROPORTIONATE BELLY AND BODY. Knows n’yo ba na hindi lamang beer drinkers ang prone sa “beer belly”? Ang mga diet-conscious alcoholic beverages tulad ng vodka at soda ay puwede ring maging sanhi ng disproportionate belly weight. Ito ay dahil ang alak ay nakakapagpataas ng estrogen production at nakakapagpababa naman ng testosterone production, na may kaugnayan sa pagtaas ng breast tissue at “truncal obesity”. Paliwanag ng mga eksperto, ang belly fat ay nakapaligid sa inner organs at may kaugnayan sa panganib ng serious conditions tulad ng heart disease, diabetes at liver disease. At habang tumatagal at lumalala ang alcohol abuse, tumitigas ang tiyan, at ang fluid buildup ay posibleng senyales ng liver damage.


6. YELLOWISH SKIN. Ang jaundice o yellowish skin ay senyales ng liver disease. Maaari itong mangyari ‘pag hindi na kayang i-filter ng atay ang yellow-orange substance sa dugo, kaya ito ay nakikita sa balat. Gayunman, para sa mga taong may darker complexion, mas nakikita ang kulay sa ‘whites’ ng kanilang mga mata.


Hindi naman masamang uminom ng alak basta’t may moderation. ‘Ika nga, ang lahat ng sobra ay masama, at ‘wag nating hintayin na mapasama tayo bago matauhan.


Ilan lang ‘yan sa mga senyales na heavy drinker ang isang tao at kung ikaw ay manginginom, itsek ang sarili kung nararanasan mo na ang mga nabanggit sa itaas. At para makasigurado, oks ding kumonsulta sa doktor para sa kaukulang aksiyon.


Tandaan, hindi dapat ikahiya ang kondisyon na ito, ang importante, willing kang umaksiyon para maiwasan ang malalang epekto nito. Okie?

 
 

ni Jersy L. Sanchez - @Life & Style| May 16, 2022



‘Pag sinabing “happiness,” karaniwang pumapasok sa isip natin ang mga goals. Bagama’t true naman ito, beshies, ang happiness ay puwede rin namang maliliit na bagay, ‘yung tipong, keri nating gawin araw-araw.


Nakakapagod din kasi ‘yung araw-araw nating pinagsisikapang ma-achieve ang isang bagay na pinaniniwalaan nating magbibigay sa atin ng kaligayahan. Pero sa totoo lang, ang happiness ay puwedeng maranasan sa iba’t ibang paraan.


For sure, curious ka sa mga paraan na ito, kaya naman narito ang ilang tips para maging masaya tayo araw-araw:


1. ALAGAAN ANG KATAWAN. Alam nating hindi madaling mag-maintain ng healthy lifestyle, pero knows n’yo ba na ang simpleng exercise tulad ng pag-i-stretching sa umaga o maiksing cardio workout ay nakatutulong upang mag-produce ng happy chemicals ang ating katawan? Yes, besh! Ayon sa mga eksperto, ang happy chemicals tulad ng endorphin at dopamine ay nakatutulong upang mapaganda ang ating sense of well-being. Ang kombinasyon ng pag-e-ehersisyo at healthy diet at regular sleep cycle ay nakatutulong upang magkaroon tayo ng magandang mood.


2. PALAKASIN ANG SELF-ESTEEM. Ang self-esteem ay ang kumpiyansa natin sa ating sarili. At ang pagkakaroon ng mataas na confidence ay mahalaga upang magkaroon ng healthy at happy relationship sa ating sarili. Pero paano nga iba ito ma-a-achieve? Maaari itong simulan sa pagkausap sa iyong sarili habang nakaharap sa salamin o kaya naman, alamin mo kung ano ang iyong mga kahinaan at kalakasan.


3. MAGING OPTIMISTIC. For sure, may mga pagkakataong hindi nangyayari ang inaasahan natin, pero besh, ‘di ito dapat makaapekto sa kung ano ang mararamdaman natin sa bagay na ‘yun. Sa halip na magpokus ka sa kabiguan, mas mabuting isipin na pagkakataon ito upang matuto at sumubok muli. Tandaan, kapag hinarap mo ang stressful moments sa ganitong paraan, mas makikita mo ang sitwasyon sa ibang perspective.


4. I-ENJOY ANG SARILI. Ang paggawa ng mga entertaining activities ay nakatutulong upang magkaroon ng magandang araw. Halimbawa nito ang pagbabad sa bubble bath o pakikinig sa mga pampakalmang musika. Sa ganitong paraan, mas name-maintain mo ang iyong sarili, gayundin ma-e-enjoy mo ang iyong sarili at ang iba pang mga bagay na karapat-dapat ma-appreciate at ma-enjoy.


Simple lang, ‘di ba?


Choice natin kung magiging masaya tayo. Tayo rin ang bahala kung sa paanong paraan natin ito gagawin. Basta ang mahalaga, wala tayong tinatapakang ibang tao, at nagiging inspirasyon din tayo sa iba upang maging masaya sila sa kanilang paraan.


Spread the good vibes, beshie! Keri?

 
 

ni Jersy L. Sanchez - @Life & Style| May 9, 2022



Hindi maitatanggi na nagdulot ng trauma ang COVID-19 pandemic sa iba’t ibang aspeto ng ating buhay.


Bagama’t may ilang pagbabago sa ating sitwasyon matapos ang dalawang taon nang makapasok ang pandemya, nananatiling hamon para sa ilan ang mental health crisis.


At ayon sa mga eksperto, halos lahat ng age group at propesyon — bata, mga magulang, college students at frontline workers — ay hirap sa kanilang mental health sa nakalipas na dalawang taon, kung saan ang mga may preexisting physical and/or emotional challenges ay mas vulnerable sa stress na dulot ng social isolation.


Gayunman, base sa Journal of General Internal Medicine, ang lebel ng mental distress ng healthcare workers sa simula ng pandemya ay maihahalintulad ng moral injury na naranasan ng mga sundalo sa combat zones.


Habang marami sa atin ang nakaranas at patuloy na dumaranas ng burnout o chronic trauma response, nilinaw ng mga eksperto na ang mga term na “burnout” at “trauma” ay hindi lamang ginagamit sa mga apektado ng COVID-19.


Samantala, ibinunyag ng isang doktor na may mga pasyenteng nakararanas ng exhaustion at frustration o pagkapagod at pagkabigo sa kabila ng kanilang preexisting mental health condition.


At bagama’t akala natin ay normal at hindi dapat ikabahala ang nararanasan nating hirap sa pagtulog o pagkairita, ipinaalala ng mga eksperto na ang sintomas ng pandemic trauma ay posibleng magsimula sa simpleng bagay. At ‘pag hindi ito natugunan, posibleng maging hadlang ang burnout sa ating daily activities.


Dagdag pa ng mga eksperto, ang distress sa loob ng mahabang panahon ay maaaring mauwi sa clinical diagnosis at anxiety treatment o Post-traumatic stress disorder (PTSD), ngunit ang burnout ay mas magaan at kayang solusyunan sa pamamagitan ng lifestyle changes.


Pero anu-ano nga ba ang senyales ng burnout?


1. FATIGUE. Kung inaalam mo kung gaano karaming oras ang kailangan mo para tapusin ang isang gawain, malamang na nakakaranas ka na ng burnout.


2. NAIIRITA. Sey ng experts, ang kawalan ng kontrol ay maaaring magresulta sa frustration. Kaya naman, inirerekomendang maging kalmado sa lahat ng pagkakataon, lalo na kapag may mga kausap na tao upang maiwasan ang pagkairita.


3. HIRAP MATULOG. Ang kakulangan sa tulog o sobrang caffeine intake ay isa na ring senyales.


4. MAS MARAMING INIINOM NA GAMOT. Tulad ng caffeine, ang alak at ilang gamot ay posibleng gamitin upang ‘matago’ ang ilang burnout-related behaviors. Gayundin, anumang ginagawa o ginagamit mo upang pagtakpan ang iyong distress ay posibleng warning sign.


5. WALANG SAYA. Tila tinanggal ng pandemya sa atin ang pakikisalamuha sa ibang tao. Bagay na naging dahilan ng kawalan ng interaksiyon sa mga bagong kakilala, gayundin ‘di na natin mabalikan ang mga bagay na nagpapasaya sa atin noon. Kaya kung feeling mo ay ‘di ka masaya at ito ang nagiging dahilan ng kawalan mo ng motibasyon, it’s a sign, besh.


Hindi naging madali para sa ating lahat ang pandemya dahil bukod sa krisis-pangkalusugan, naharap din sa krisis ang ating mental health.


Paalala lang sa mga may pinagdaraanan, ‘wag tayong mahiyang humingi ng tulong sa ating pamilya o mga kaibigan. For sure, nand’yan sila para sa atin at handang makinig sa ating mga hinaing. Tandaan, hindi pagiging duwag ang paghingi ng tulong, bagkus, isa itong senyales ng katapangan.


Gayunman, we hope you are doing well, besh! Fight lang!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page