top of page
Search

ni Jeff Tumbado | July 8, 2022



Inihain sa Kamara ng Pinuno Partylist ang isang panukala na kung maipapasa ay magkakaroon ng pabahay ang mga nasa pampublikong guro nang libre.


Ayon kay Pinuno PL Representative Howard Guintu, nitong July 4 nang ihain niya ang House Bill no. 1041 o ang “Free On-Site Living Quarters for Public School Teachers Act.”


Isa sa mga idinahilan ni Guintu kaya naihain nito ang panukala ay matulungan na mabawasan ang pasakit at kahirapan ng isang public school teacher na hindi sapat ang sweldo, bukod sa dinaranas na hirap sa pagko-commute patungo sa kanilang pinagtuturuang paaralan.


“This bill will address the problems of our public school teachers who need to travel though mountainous regions for long hours just to reach their designated schools,” pahayag ni Guintu.


Isa pa na binanggit ng neophyte lawmaker mula Pampanga ay ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na magiging praktikal umano sa gobyerno kung matutulungan ang mga guro na mabawasan ang gastos sa kanilang transportasyon at sa kanilang pamilya na lamang nila maibigay.


Nabatid na ang Salary Standardization Law of 2019 ay naglalaan lamang sa bawat guro o teacher 1 positions ng halagang P25,349 bawat buwanang sweldo.


Nakasaad sa alituntunin na ang Department of Education (DepEd) ay nararapat na maglaan ng libre at maayos na pabahay sa mga guro na malapit lamang sa paaralan na kanilang pinagtuturuan.


Nakapaloob din sa panukala ni Guintu ang paglalaan ng mga karampatang benepisyo at allowances sa mga guro na hindi maaaring bawiin sa kanila.


Providing a safe and livable environment for our public school teachers will help improve their employment and working conditions,” saad pa ni Guintu.

 
 

ni Jeff Tumbado | May 19, 2022



Pinuri ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si Col. Michelle Ng Bonto, ang Jail Warden ng Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD) dahil sa matagumpay na paglulunsad ng “operation greyhound” na dahilan ng pagkakadiskubre sa nakatagong iba’t ibang mga armas at maging ng ilegal na droga sa loob ng piitan.



Ang ikinasang operasyon ay bunsod ng pinagplanuhang “riot” o gawa-gawang senaryo lamang ng pangkat na “Batang City Jail” noong araw ng Biyernes, May 13, 2022 na layong patalsikin sa pwesto si Bonto bilang warden para muling manumbalik ang kalakaran ng ilegal na droga sa loob ng QCJMD.


“Based on an intelligence report, the riot was staged by the PDLs, particularly the Batang City Jail members, to force the removal of current QC Male Dormitory Warden JSupt. Michelle Bonto. The plan was allegedly hatched after Bonto’s team curbed the illegal drug trade inside the jail,” pahayag ni Belmonte.


“Isa sa mga ginagampanan ng mga jail institution ay ang pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa mga mamamayan na magbago at makabangon mula sa kanilang pagkakasala. Pero, paano natin mababago ang buhay ng mga PDL kung habang nasa loob ng piitan ay nalululong sila sa ilegal na droga at nadadamay sa mga kaguluhan,” dagdag ni Belmonte, na uupo bilang alkalde muli sa kanyang ikalawang termino.


“That’s why I call on our DILG, the current and upcoming SILG, to press for prison reforms. They can counter wrongdoings inside the institution if we address the PDL’s needs, implement a stricter and humane prison policy, and more importantly, capacitate our police and BJMP personnel and make them less tempted to accept bribes in exchange for the unhampered entry of weapons and drugs,” ani pa ng opisyal.


Simula nang mangyari ang insidente ay sunod-sunod na ikinasa ang operation greyhound ng QCJMD-Intelligence Unit at nakumpirma ang pagpupuslit at pagpasok ng mga kontrabando gaya ng ilegal na drogang marijuana at shabu na itinatago sa sahig at pader sa loob ng kanilang mga selda.


Ayon naman kay Bonto, nagawa nilang madiskubre ang mga kontrabando matapos wasakin ang sahig at pader sa mga selda gamit ang bareta de cabra, maso at jack hammer.


Ilan sa mga nakuha ay isang .38 revolver baril at iba’t ibang amunisyon nito at sa baril na .45; 700 gramo ng kush o high grade marijuana bricks, 24 piraso ng marijuana sachets, samu’t saring paraphernalia, 99 piraso ng tobacco, 84 piraso ng improvised knife/bladed weapons, 30 piraso ng ice picks, 46 piraso ng Indian arrows na gawa sa pako, 9 piraso ng pana, 104 piraso ng concrete nails, 5 piraso ng cellphones, 6 piraso ng charger adaptor, 5 piraso ng charger cord, 1 smartwatch, 1 pc Bluetooth speaker, 3 piraso ng headset, 2 gunting, 1 lighter at 23 piraso ng iba pang kontrabando gaya ng pliers, screw drivers, at mga piraso ng kahoy.


"Operation Greyhound, which started on Monday, have confiscated guns and ammunition, marijuana, improvised bladed weapons, ice picks, indian arrows made out of concrete nails, and even lighters, screw drivers, and cellphones. Tuluy-tuloy pa rin ang operasyon natin para matigil na ang ilegal na gawain sa loob ng city jail," paliwanag ni Bonto.


Sinabi ni Bonto na ang pagkakakumpiska nila sa mga kontrabando ay ang siyang pinakamarami na nakuha sa kasaysayan ng Quezon City Jail Male Dormitory.


Kaugnay nito ay pinapurihan ni Belmonte si Bonto sa matagumpay na operasyon.


“I salute Jail Warden Bonto for the success of the operation, which stops the proliferation of drugs and contrabands inside the prison. Natutuwa ako na kaisa kayo ng lungsod patungo sa iisang layunin: ang matuldukan ang ilegal na droga at maling gawain sa QC,” ayon kay Belmonte.


“The Quezon City government, for its part, vowed to continue providing support to BJMP. In April, the city turned over the newly-built BJMP facility along Payatas road that will help decongest the old jail. It has an adequate space for PDL’s physical activities, non-contact visitation area, laundry area, livelihood training, sports and recreational area, and medical infirmary,” pahayag pa nito.


“The effectiveness of the developmental programs implemented by the BJMP, particularly on drug awareness and its corresponding rehabilitation and treatment programs, will contribute immensely in lowering the recidivism rate of the PDL. BJMP is thankful for the strong support of the QC LGU in terms of programs and projects,” saad naman ni BJMP Director General Allan Iral.

 
 

ni Jeff Tumbado | May 6, 2022



Sa kabila ng tinanggap nang mga pagbabanta sa buhay, hindi aatrasan ni Quezon City Councilor PM Vargas ang hamon na maging bahagi ng Kongreso at tiwala ito sa mga naging karanasan mula sa kasalukuyang posisyon para higit na makapaglingkod.


Sinabi ni Vargas na itutulak nito sa Kongreso ang pagpapalakas ng mga lokal na pamahalaan upang higit na matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.


Magsusulong din aniya siya ng mga batas na magpapataas ng suweldo ng mga health worker at pagtaas ng antas at lakas ng serbisyo ng mga pampublikong ospital.


“Kailangan tayo magfocus sa pandemic recovery at mabigyan ng kaukulang armas ang ating mga frontliners upang makaahon tayo nang sabay-sabay. Importante sa akin ang pandemic preparedness, health services, job generation and social services,” ani Vargas.


Nagsilbi rin si PM Vargas bilang Chief of Staff ng kanyang nakatatandang kapatid na si Rep. Alfred Vargas na patapos na ang ikatlong termino kaya't batid na ng konsehal ang mga regulasyon ukol sa paglikha at pagpasa ng mga batas.


Sa napipintong pagpasok sa Kongreso, handa si Vargas na makilahok sa mga talakayan ng komite sa Kapulungan upang mapabilis ang proseso ng pagsasabatas ng mga mahahalagang panukala.


"Ang importante ay may synergy at pagkakaisang-isip at puso para sa kapakanan ng mamayan. Given a chance to lead a committee, I will make sure that the legislation will always be pro people," ani Vargas.


Sa pamamagitan ni PM Vargas, naipamahagi ang aabot sa 272,388 na family packs bilang COVID-19 relief, gayundin ang mahigit 400,000 na feeding beneficiaries sa Distrito 5. Mayroon ding 21,335 ang natulungan sa livelihood programs, 18,124 ang natulungan sa pang-medical na pangangailangan at nalagyan ng libreng WiFi ang 14 barangay halls noong panahon ng pandemya.


Si Vargas ang kasalukuyang nangunguna sa labanan sa District 5 ng Quezon City at nakatanggap ng pag-endorso mula sa lahat ng sektor sa distrito, kasama na ang importanteng basbas ng Iglesia ni Cristo. Mga kalaban niya sa posisyon sina dating Congresswoman Annie Susano, Cathy Inday Esplana at Rose Nono Lin ng Pharmally na humaharap sa mga kaso sa Comelec.


Kumpiyansa si Vargas sa suportang ipinakita ni Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto at ng iba pang kasamang konsehal.


"Pero, ang pasasalamat ngayon pa lang ay para sa mga ka-distrito na siya namang nagpapakita ng patuloy at maigting na suporta" dagdag pa ng konsehal.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page