top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | April 4, 2022



Nais ni senatorial candidate at Sorsogon Governor Francis Escudero na magpatayo ng mga tahanan sa bawat local government unit (LGU) para sa mga homeless members ng lesbian, gay, bisexual, and tennis (LGBT) community.


Ang naturang proposal ay kahalintulad ng kasalukuyang programa nito sa Sorsogon. Itutulak din ni Escudero na ma-institutionalize ang LGBT shelters sa buong bansa kapag siya ay nanalo sa pagka-senador.


“If we are committed to giving equal opportunities for all, every public servant should look after the welfare of their marginalized constituents, including the elderly and homeless LGBTs,” ani Escudero.


“Dapat yakapin natin ang lahat ng sektor ng lipunan para sa pantay-pantay na pagkalinga at tulong, kabilang at kahanay rito ang mga nasa LGBT community,” dagdag niya.


Plano rin umano niya na maglaan ng pondo para sa mga pabahay na siya namang isu-supervise ng Department of Social Welfare and Development at LGUs.


Naghahanda na rin ang Sorsogon sa unang LGBT home nito o ang Home for Homeless Gays matapos mag-donate ng isang private citizen ng 1,500-square meter lot.


Magkakaroon din ng livelihood training center para sa mga LGBT members sa naturang shelter.


“Hindi lang bubong at masisilungan ang gusto nating ipagkaloob sa ating mga may edad at inabandonang miyembro ng LGBT community. Nais din nating silang bigyan ng kasanayang pangkabuhayan at bagong pagkakataon upang may pagkakitaan,” pahayag pa ni Escudero.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | April 4, 2022



Pinasalamatan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Caprio ang kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Linggo sa pagsuporta sa kanyang vice presidential bid.


“Nagpapasalamat po ako sa endorsement ni Pangulong Duterte sa aking kandidatura as vice president,” ani Duterte-Carpio sa isang ambush interview sa Pandi, Bulacan.


Ipinagmalaki naman ng pangulo ang mga kakayahan ng kanyang anak sa ginanap na rally ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) noong Biyernes.


“I’m going to retire but my daughter is running for vice president. If you think that… Actually, this is the first time that I’m using my name as a father, for my daughter. It’s because we’ve had issues, but a child is a child. So… Inday is very good, to be totally honest with you. Inday is very hard working”, pahayag ni Duterte sa salitang Ingles at Bisaya.


“But Inday is really very strict. You can’t crowd around waiting for her, you will be called one by one instead. But she will talk to you. And that’s good, that’s actually good. She can serve people in an orderly manner,” dagdag pa ng pangulo.


Gayunman, nanatiling neutral ang pangulo sa presidential race sa kabila ng pag-endorso ng kanyang Partido na PDP-Laban kay dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., running mate ng kanyang anak.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | April 4, 2022



Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na mamuhay nang may integridad para sa bansa sa pagpapahayag niya ng kanyang pakikiisa sa mga Pilipinong Muslim sa pagsisimula ng banal na buwan ng Ramadan.


Sa isang mensahe na inilabas nitong Linggo, sinabi ni Duterte na ang buwang ito ay panahon para maranasan at matamasa ng mga Muslim ang awa ng Allah.


"Similar to how the period of fasting ends with feasting, it is my hope that all your efforts for discipline and reflection will be rewarded with revelations as well as a deeper connection with Allah," ani Duterte.


"May this occasion likewise allow the teachings of the Qur'an to take precedence over all your decisions -- even the smallest ones. Let the enlightenment that comes with your contemplation lead you to live with integrity for yourselves and for the nation, especially now when it is needed most," dagdag niya.


Nagsimula ang holy Islamic month ng Ramadan nitong Linggo, April 3, at magtatapos sa Eid'l Fitr holiday. Ito ay panahon ng spiritual reflection sa pamamagitan ng pagdarasal, pag-aayuno, at pag-iwas sa "makasalanang pag-uugali."

 
 
RECOMMENDED
bottom of page