top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Nov. 25, 2024



Photo: Vilma Santos sa Uninvited - Trailer


Dream project ni Star for All Seasons Vilma Santos ang Uninvited na entry ng Mentorque Productions at Project 8 Projects sa 50th Metro Manila Film Festival 2024. 

Kaya naman, ganu’n na lang katutok si Ate Vi sa mga eksena ng pelikula, ayon na rin sa producer na si Bryan Dy ng Mentorque Productions. 


Nang makausap namin si Sir Bryan after ng bonggang-bonggang mediacon ng Uninvited na ginanap sa Solaire North sa QC nu’ng November 20, naikuwento nga ng matsikang producer na kahit tapos na raw ang mga eksena ni Ate Vi sa movie, ayaw pa nitong umuwi at magpahinga lalo’t may mga eksena pa si Nadine na dapat ay kasama siya, na kung tutuusin, puwede namang iba na ang gumanap o mag-double dahil balikat o likod na lang ni Ate Vi ang kukunan. 


Ang katwiran ni Ate Vi, hindi magiging natural ang emosyon at pag-arte ni Nadine kung hindi siya mismo ang kaeksena. 


Ganu’n ka-supportive si Vilma Santos sa kanyang mga co-stars para sa ikagaganda ng pelikula lalo na’t collaborator nga rin siya rito dahil siya ang nag-pitch ng story sa team ni Direk Dan Villegas. 


At puring-puri ni Sir Bryan si Ate Vi dahil napakasarap daw nitong katrabaho at walang mga kiyeme at arte, considering her stature in the industry. 


Ang ikinaiirita at ayaw lang daw ng isang Vilma Santos ay kapag may biglaang ipinagagawa sa kanya na wala naman sa plano o istorya, na understandable naman dahil ‘di professional attitude ‘yung ganu’n. 

At kung nagkakaroon man daw ng mga pagtatalo minsan sa production at creative team, natural lang daw ‘yun para sa ikagaganda ng movie. 

No wonder na trailer pa lang ng Uninvited na showing sa Dec. 25 at isa rin sa major cast si Aga Muhlach ay panalo na, what more ang kabuuan ng movie?! 



WALANG pagsidlan ng tuwa at pagmamalaki si Senator Ramon Bong Revilla, Jr. at ang kanyang buong pamilya dahil isa nang ganap na doktor ang kanyang anak na si Dra. Loudette.


Si Dra. Loudette ay nanumpa na bilang full-fledged physician noong Biyernes, Nobyembre 22, 2024 sa Philippine Convention Center ( PICC).


Nagtapos ito ng kanyang pre-medical studies sa Ateneo de Manila University at sa University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (UERMMMC) naman para sa kanyang Doctor of Medicine degree.


Nakapasa siya ng Physicians Licensure Examination noong Oktubre, 2024.


Ang kanyang achievement ay isang mahalagang yugto hindi lamang para sa kanyang sarili kundi sa buong pamilya Revilla na kasalukuyang nagbubunyi pa sa tagumpay ni Dra. Loudette.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Nov. 23, 2024



Photo: Robbie Jaworski, Mikee at Kim Chiu - IG


Star Magic talent na ang eldest son ng dating aktres na si Mikee Cojuangco at ni Pasig Vice-Mayor Dodot Jaworski na si Robbie Jaworski.


Pormal nang pumirma kahapon ng kontrata sa talent management ng Kapamilya Network ang guwapong binata at winelkam siya nina ABS-CBN Chief Operating Officer Cory Vidanes at Star Magic Head Laurenti Dyogi kasama ang manager ni Robbie na si Ms. Girlie Rodis at handler na si Monch Novales.


All-out support din ang parents ni Robbie at younger brother na si Rafael sa kanyang pagpasok sa showbiz.


Ayon nga kay Robbie, thankful siya sa parents na suportado siya sa gusto niyang gawin kahit pa maging banker ang pangarap sa kanya ng ama.


Si Robbie naman, maging presidente pala ang unang dream pero nang alukin ni Ms. Monch na mag-PBB nu'ng 14 yrs. old siya, naging curious daw siya at naisip na i-try nga ang showbiz.


Pero ang kondisyon ng parents niya ay tapusin muna ang pag-aaral kaya ngayon pa lang niya papasukin ang showbiz.


Bilang first project ni Robbie ay magiging part siya ng MYX VJs at gusto rin daw niyang subukan ang acting bukod sa hosting.


When asked kung sino sa mga love teams ang gusto niya sakaling magiging third party siya, pinili niya ang DonBelle dahil naging schoolmate at friend daw niya si Donny Pangilinan.


At nang matanong kung sino naman ang Showbiz crush niya, walang kiyeme niyang inamin na type niya sina Kim Chiu at Maris Racal.


Gusto raw niya ang pagiging energetic and bubbly ni Kim at ang kakaibang ganda at lakas ng dating ni Maris Racal na napanood niya sa Can't Buy Me Love.


Naku, ha, mukhang may tulog si Paulo Avelino kay Robbie na mas bata na, matalino at napakasipag pa raw dahil bukod sa showbiz, isa rin pala siya sa mga managers sa bangko na pag-aari ng ama.


Well, abangan natin ang mga TV appearances and guestings ni Robbie Jaworski ngayong parte na siya ng Star Magic family.


Produ ng movie, nagsalita na…

PAMBA-BASH KAY NADINE DAHIL SA ONLINE CASINO, SINADYA



Ipinagtanggol ng Mentorque Productions producer na si Bryan Diamante ang controversial ngayong cast ng Uninvited na si Nadine Lustre sa mga namba-bash dito dahil sa pagiging endorser ng online casino.


Nakausap namin si Sir Bryan after ng engrandeng mediacon ng Uninvited na ginanap sa Solaire North na dinaluhan ng major cast na sina Vilma Santos at Aga Muhlach kasama si Nadine.


Hiningi namin ang reaksiyon niya sa pamba-bash ngayon ng ilang netizens kay Nadine.


Ani Sir Bryan, “Alam n'yo, guys, hayaan n'yong magtrabaho ‘yung mga tao. Ang tatanda n'yo na, alam n'yo na ang tama o mali. Lahat kami naghahanapbuhay. And it's too much. They're humans too.”


Hindi naman daw sa hindi naaapektuhan si Nadine sa mga banat sa kanya pero ipauubaya na raw niya ‘yun sa aktres.


Sa tanong kung ‘di ba siya worried na maapektuhan ang promo ng Uninvited ng pamba-bash kay Nadine, sagot ni Sir Bryan, “‘Di ako worried. May tsismis pa nga, tinitira, sinasadya, eh. Haaaaaaaa!!!” sabay tawa nang malakas ng very friendly na producer at humirit ng “Joke lang! Baka mamaya, ‘yun ang banner. Hahaha! Joke lang, joke lang!”


Naku, feeling din naman talaga namin, may mga tumatrabaho para siraan si Nadine dahil ang dami namang wholesome celebs na nag-endorse rin ng online casino, bakit kay Nadine lang OA ang mga banat nila, ha?


Anyway, tiyak na mas mamamatay sa inggit ang mga G na G kay Nadine ngayon dahil bukod sa nakasama niya sina Ate Vi at Aga sa Uninvited, marami ring nagsasabing mas magpapaangat sa career ni Nadine ang role niya sa MMFF entry ng Mentorque Productions at Project 8 Projects na ipapalabas na sa Dec. 25 mula sa direksiyon ni Dan Villegas.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Nov. 22, 2024



Photo: Nadine Lustre at Aga sa movie trailer ng Uninvited


Hollywoodish ang galawan sa ginanap na super-grandiosong mediacon ng MMFF 2024 entry ng Mentorque Productions at Project 8 Projects na Uninvited na pinagbibidahan nina Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre sa Solaire Resort North last Wednesday night.


Nasa 300 o 400 guests siguro ang invited para sa Uninvited kasama na ang mga entertainment press from print, TV, radio and social media (vloggers and influencers).


At nag-effort talagang um-OOTD ang marami naming kasamahan sa media sabay rampa sa mahabang red carpet na nilakaran din ng main at supporting cast ng movie kasama ang mga bumubuo sa produksiyon mula sa pangunguna ng direktor na si Dan Villegas.


Aminado ang producer na si Bryan Diamante o Bryan Dy na dream project talaga niya ang Uninvited dahil sa dinami-dami ng nai-pitch nilang story kay Ate Vi, sa wakas ay pumayag na rin itong gumawa ng pelikula sa produksiyon.


At 'di lang bidang aktres, collaborator din pala ng Uninvited ang Star for All Seasons dahil siya ang nag-suggest ng story nito na kakaiba sa lahat ng nagawa na niyang 200 films.


Tuwang-tuwa rin si Ate Vi na muling makasama si Aga sa Uninvited kung saan third time na nila itong gumawa ng movie. Kuwento nga niya, sinabihan niya si Aga na magsolian na sila ng kandila kung 'di ito papayag na makasama sa pelikula. Ninang pala kasi sa kasal nina Aga at Charlene si Ate Vi.


Super proud din naman si Nadine Lustre na makatrabaho ang Star for All Seasons at ang magaling na aktor na si Aga. At dahil aminado naman siyang palaban talaga sa tunay na buhay, 'di siya nagpatalo at nagpasapaw sa aktingan sa dalawa.


Isa sa mga highlights sa ipinalabas na teaser ay 'yung minura-mura ni Nadine si Aga, na kung bakit, eh, 'yun talaga ang isa sa mga dapat alamin sa movie na showing on Dec. 25, 2024.


Sayang at hindi na namin naka-one-on-one interview ang main cast na sina Ate Vi, Aga at Nadine dahil umalis na sila agad after ng Q&A, kaya ang Mentorque producer na lang ang tsinika namin after the event.


Ayaw sabihin ni Sir Bryan Dy kung gaano kalaki at ilang milyon ang ginastos sa sobrang bonggang pelikulang ito, pero aniya nga, sa kalibre ng mga artista na kayang ilaban globally, walang dahilan para hindi gastusan ang Uninvited.


Diretso naming ipinakumpirma kay Sir Bryan kung totoo ba ang bulung-bulungan na si Dept. of Finance Secretary Ralph Recto na mister ni Ate Vi ang 'boss' na sinasabi niyang handang gastusan ang pelikula kahit gaano pa kalaki ang budget nito.


Sagot ng Mentorque producer, "Actually, you have to dispel that. Ako, I work for them when it comes to politics. Talagang 'yung boss ko, very supportive lang. Sabi ko, 'Boss, I wanted to go to film.' 'Oh, to keep yourself sane, para magkaroon ka ng creative ano, sige, go!' Very supportive sila on that. 


"But basically, sila, they just empower you kung ano'ng kailangan mo, kung ano'ng trip mo. Pero hindi 'yan dahil 'Oh, my boss ka, gawin mo 'to, Bryan. Hindi ganu'n 'yun.'"

At sa tanong kung nag-invest nga ba ang mister ni Ate Vi sa Uninvited, aniya, "'Di ko alam kung investment 'yun kasi whatever I have, galing talaga sa boss ko, pero hinahayaan lang kami to venture out. Gets n'yo? So, very supportive talaga. Sabi nga niya, 'To keep yourself sane.' Baka mamaya, utang-utangan sa pulitika."


So, ayun na! At saka kung gastusan man ni Sec. Ralph ang movie ni Ate Vi, why not, eh, misis niya siyempre 'yan at proud siya lalo na't pang-international ang quality ng Uninvited na to be distributed by Warner Bros.


Also in the powerhouse cast are RK Bagatsing, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Gabby Padilla, Elijah Canlas, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Cholo Barretto, Ron Angeles and Tirso Cruz III.



Na-appreciate namin 'yung ipinunto ni Sen. Alan Peter Cayetano sa last Nov. 17 episode ng show nila nina Sen. Pia Cayetano at Tito Boy Abunda na CIA with BA.


Binigyang-diin kasi ng senador na hindi lang dapat nila-"lang" lalo na ang ginagawa ng mga nanay na 24/7 kung magtrabaho kumpara sa mga haligi ng tahanan na 8 oras.


Napansin niya kasi kung paano madalas na minamaliit ng mga tao — lalo na ang mga ina — ang kanilang mga tungkulin sa pamamagitan ng pagdaragdag ng salitang “lang” kapag inilalarawan ang kanilang mga responsibilidad sa bahay.


“Kasi napapansin ko, ‘pag tinatanong, lalo [‘yung mga nanay], ang sagot, ‘Sa bahay,’ tapos may ‘lang,’” ani Sen. Alan.


Ipinunto niya na kinikilala ng batas ang pantay na kahalagahan ng kontribusyon ng nanay at tatay.


“Yes, nagtatrabaho ‘yung spouse, minsan 9 to 5, minsan longer. Pero ‘pag homemaker ka, 24/7 ka. Even sa batas, kinikilala na equal ang inyong kontribusyon at trabaho,” aniya. 


Hinikayat niya ang lahat na kilalanin ang halaga ng kanilang ginagawa, at nagtapos sa pagsasabing, “If there’s power in words, let’s start practicing it.”

Sumang-ayon naman si Tito Boy at nagbahagi ng personal na kuwento. 


“Importante talaga ‘yun,” sabi niya habang inalala ang kanyang pagkabata sa Samar. “'Pag kinukumusta kami, ako, nakalakhan ko, [na isinasagot], ‘Ito, Waray.’ It’s a way of humbling ourselves.”


Ang pag-uusap ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng wika sa paghubog ng ating pag-iisip at kung paano natin nakikita ang ating mga tungkulin, na nagpapakita ng panawagang pahalagahan ang bawat pagsusumikap at responsibilidad.


Ang CIA with BA ay nagpapatuloy sa pamana ng yumaong Senator Rene Cayetano at napapanood tuwing Linggo, 11:00 PM sa GMA-7, may mga replays sa GTV tuwing Sabado, 10:30 PM.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page