top of page
Bea Alonzo at Dominic Roque - fb
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 6, 2026



SPECIAL - VICO, WAGI NG $1 MILYON GRANT MULA SA BLOOMBERG’S MAYORS CHALLENGE-FB Mayor Geordin Hill-Lewis

Photo: FB Mayor Geordin Hill-Lewis



Nakakabilib at nakaka-proud naman talaga si Mayor Vico Sotto ng Pasig City. 

Kahit hindi ka taga-Pasig, magiging proud ka bilang Pilipino dahil sa balitang binigyan ang kanyang team ng $1 million matapos manalo sa Bloomberg’s Global Mayors Challenge.


Isa kasi ang Pasig sa 24 cities na napili worldwide para sa challenge para sa mga developing innovative proposals upang masolusyunan ang mga problema ng siyudad.


Nasa 630 cities ang sumali sa kompetisyon na nagaganap lang every 3 yrs.

Ang award-winning entry ng Pasig ay lumikha ng mas maraming open space sa masikip nitong lungsod sa pamamagitan ng paggawa ng mga barge na nakadaong sa tabi ng ilog bilang isang network ng mga lumulutang na parke. 


Ang mga parke ay maglalaman ng mga berdeng pampublikong espasyo para sa libangan at pag-access sa mga mahahalagang serbisyo sa komunidad tulad ng mga klinika sa kalusugan, mga aklatan, at mga lugar ng ehersisyo at kalusugan. 


Kasabay nito, ang pagbaha at paglilinis ng daanan ng tubig ay ipapatupad sa tabi ng ilog upang matiyak na ang lungsod ay pinananatiling ligtas mula sa baha.


Sa tulong ng mga residente ng komunidad, lokal na pamahalaan at mga experts sa private sector, nagkaroon ng malinaw na solusyon para sa kanilang problema.


Ang $1 M grant ng Bloomberg kasama ang tulong teknikal at mga consultant na ibinigay sa Pasig ay magbibigay-daan upang maisagawa ang naturang konsepto.


Sa panahon ngayon na halos wala ka nang mapagkatiwalaan sa mga namumuno sa ating gobyerno, nakakatuwa at nakaka-proud lang na makarinig ng mga lider na may totoong malasakit pa rin sa bayan at sa sambayanan.


Napaisip tuloy kami kung ano’ng nararamdaman ngayon ni Bossing Vic Sotto na habang pinupuri ang kanyang anak na si Mayor Vico Sotto ay binabanatan naman ang kanyang kapatid na si Senator Tito Sotto dahil sa isyu ng flood control projects na hanggang ngayon ay wala pa ring napaparusahan.


In fact, pati nga si Tito Sen., bina-bash ng mga netizens dahil sa “male-maletang” yaman na hinahanap pa rin ng ating mga kababayan kung saan na nga ba napunta.


Well, sana lang talaga lahat ng mga public servants ay tulad ni Mayor Vico Sotto ng Pasig, ‘no?!

Sana all!




Kinumpirma ng tatay-tatayan…

“BEA, IKAKASAL NA” — MR. M


PORMAL nang ipinakilala kahapon ng TV5 ang unang 16 talents ng Star Worx, ang talent management arm ng network.


Ang babata, fresh faces at ang guguwapo at magaganda ang mga napili ni Mr. Johnny Manahan, ang head ng Star Worx, para i-develop to be the next big stars ng showbiz industry na susunod sa yapak nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Bea

Alonzo, etc., ang mga anak-anakan niyang pinasikat noon sa Star Magic.


At bukod sa face value, mukhang matatalino ring sumagot ang mga bumubuo sa Block 1 (first batch) ng Star Worx.


Isa sa 16 talents ng Star Worx na ipinakilala kahapon ang bunsong anak ni QC Councilor Aiko Melendez na si Marthena Jickain.


Bagama’t may-edad na ngayon si Mr. M, ramdam pa rin ang passion niya na ma-develop at mapasikat nang husto ang mga kabataang ito at sabi niya nga, ‘yung goal na ‘yun ang dahilan kaya patuloy siyang nagtatrabaho kahit puwede namang mag-retire na lang siya at i-enjoy ang buhay.


When asked kung ano’ng mga characteristics ang naging batayan niya sa pagpili sa mga talents ng Star Worx, “willingness to work, enthusiasm and youth” ang isinagot ni Mr. M.


Nag-mention pa nga ito ng ilang alaga niyang napasikat niya nang husto noon sa Star Magic tulad nina Bea Alonzo, John Lloyd Cruz at Piolo Pascual na nakasama niya sa kanyang paggo-grow noon habang tumutuklas ng mga talents sa industriya.


Sabi niya, “Si Bea, ikakasal na. Si John Lloyd, hinahanap pa rin namin. Si Piolo, poging-pogi pa rin.”


Sayang nga lang, ‘di na namin nakapanayam si Mr. M after ng launching para sana matanong kung isa ba siya sa mga tatayong ninong sa kasal ni Bea Alonzo kay Mr. Vincent Co ng Puregold, na balitang sa May 14, 2026 na gaganapin sa Spain.


Anyway, marami raw plano ang Star Worx para sa Block 1 composed of 16 talents. At nakakalula dahil bukod sa 16 talents na ipinakilala, marami pa palang naka-line-up na i-launch ang Star Worx, dahil sa picture taking, halos mapuno ang stage sa dami ng tinawag na talents na hindi pa nga ipinakikilala sa press.


Kaya abangan ang mga naggagandahang bagong talents ng TV5 na mapapanood n’yo sa kanilang iba’t ibang shows soon.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 5, 2026



Chavit Singson interview - Interview

Photo: Chavit Singson / interview



Dumalo kami kahapon sa ipinatawag na presscon ni dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson sa kanyang bahay kung saan ipinrisinta niya ang kanyang affidavit, patunay na may hawak siyang mga dokumento at ebidensiya sa kanyang pagharap sana sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng controversial flood control scam.


Pero ayon nga kay Manong Chavit, last minute, gayung handang-handa na sana siyang magsalita ng kanyang mga nalalamang sangkot sa flood control scam, kinansela ang kanyang pagharap sa Senate hearing, kaya nagdesisyon na lang siyang magpa-presscon para isiwalat sa media ang mga natuklasan niyang flood control projects sa Ilocos Norte at ang mga contractors na sangkot dito.


Ramdam namin sa mga naging pahayag ni ex-Gov. Chavit ang labis na lungkot, pagkadismaya at galit sa mga aniya’y nakinabang sa “male-maletang” pera na galing sa flood control projects, habang ang mga ordinaryong Pinoy ay patuloy na nalulugmok sa hirap at maging ang kinabukasan daw ng mga susunod na henerasyon ay magiging baon sa P19 trilyong utang ng ‘Pinas sa kasalukuyan.


Diretsahan ding ipinahayag ni Manong Chavit na hangga’t hindi sineseryoso ang imbestigasyon sa flood control scam at may mga nasa posisyon na nagtatakip sa isyu, ayaw magsalita at pansariling interes lang ang iniisip, wala nang mangyayari sa ating bansa. 


Kaya nga ang panawagan niya ay hindi lang para sa mga natitira pang mapagkakatiwalaan sa gobyerno kundi sa sambayanan na huwag nating hayaang paglaruan tayo ng mga sakim na nasa posisyon na may mga hidden agenda at puro pagkamal lang ng yaman ang alam gamit ang kani-kanilang kapangyarihan at puwesto sa pamahalaan.


Nilinaw din ni Manong Chavit na wala siyang balak tumakbong pangulo o bise-presidente sa 2028 elections kaya niya ibinubulgar ang mga nalalaman niya sa isyu ng flood control.


Kung kakandidato man daw siya, bilang senador dahil gusto niyang imbestigahan ang mga tiwali at magnanakaw na mambabatas.


Binanggit din sa amin ni Manong Chavit na marami pa siyang ibubulgar sa mga susunod niyang presscon, pero sa ngayon, sana raw ay magising na ang taumbayan sa panloloko ng mga nasa posisyon at kumilos na, gumawa ng aksiyon nang matapos na ang problema.


Samantala, kinumusta namin ang love life ni Manong Chavit dahil sa nag-viral sa social media recently na holding hands nila ng isang batambata pang chicks.


Natatawang pag-amin ni Manong Chavit, masaya ang love life niya, pero panay “AI” (artificial intelligence) lang ang sagot niya sa tuwing tinatanong namin kung sino ang naturang girl at ano ang pangalan nito, gayundin kung saan niya nakilala.


Biniro rin namin siya at tinanong ng “In love ba kayo ngayon, Gov.?” na sinagot naman niya ng “In love. Binata naman ako, wala namang problema ru’n.”


Tama naman! At wala naman siyang tinatapakan, hindi rin siya humihingi ng pera para sa love life niya, instead, siya pa nga ang nagbibigay, ‘di ba?


Sabi nga ni Gov. Chavit, “Lahat naman ng mga ex ko, binigyan ko ng bahay.”

Birong tanong uli namin, “Eh, si AI girl, Gov., binigyan mo na rin ng bahay?”

Napangiti lang ito at hindi na sumagot, kaya alam na!

Tanong uli namin, “Gusto n’yo pa pong magpakasal, Gov?”

Sagot niya, “Depende, kung mabait, puwede namang magpakasal.”

‘Yun na! 


May asim pa talaga si Manong Chavit, ‘no? Kaya sa mga bashers, ‘wag kayong ano! 

Inggit-pikit, ganern!!!





Knows kaya ni Daniel Padilla ang mga ipino-post at inire-repost ng kanyang fan page sa Facebook na “Daniel Ford” na may 143K followers?


Nabasa kasi namin kahapon ang isa sa mga ini-repost ng naturang fan page na post ng isang Facebook user na may account na “Daehan Lim”.


Ang caption ng ini-repost ng Daniel Ford fan page ay “Ayaw ko na lang mag-talk.”

Ganito naman ang laman ng post ni Daehan Lim (published as is), “Naibara Lopez ano easy to get si kaila sana ok ka lang baka nakakalimutan mo bago si Mayor si Tito muna.🤣😭 3 months pa lang break KN non may kalandian na yang idolet mo. kung di lang hinadlangan ni mudra baka hanggang ngayon sila pa. may couple couple socks and shoes na pa naman yon sila. kaya nga ngayon kay Mayor natoto na yang idolet mo bumukod na sya para nga naman malaya na sya gawin kahit ano gusto nya.”

Sa comment section ay may netizen na nagtanong, “Sino po ung tito?? Wow ganoon ba...nasa loob pala ang kulo....pa victim.”


Nag-reply ang admin ng Daniel Ford fan page sa tanong ng netizen at sabi nito, “Belle Lee'on jericho hehe.”


May isa pang netizen na nagtanong din kung sino ang “tito” na tinutukoy sa post, “Sino po c Tito?”


Sumagot uli ang admin ng “Barte Potot jericho.”


Tanong uli ng netizen, “Talaga po ba?” na ni-reply-an uli ng admin ng “Barte Potot yup, palaging spotted yang dalwa dati, nag cocoment pa yan si J dati sa mga post ng bff K na si A.”


Dagdag pang sagot ng Daniel Ford admin, “Barte Potot stalk mo nalang si daehan, tingnan mo mga comments dun, pati pag unfollow sakanya nong exwife ni J.”


Tanong uli nu’ng Barte Potot, “Ba’t hndi po cla nag on? Ayaw po ba ni Kath Kay jerecho?”


Sumagot uli ang admin ng FB page ng “Ayaw nong nanay.”

Bagama’t walang binanggit na name si Daehan Lim sa kanyang post, mababasa sa comment section ang pangalan nina Kathryn Bernardo at Jericho Rosales na mga hula ng netizens na tinutukoy sa naturang FB post.


Kung matatandaan, there was a time na na-link sina Kathryn at Jericho matapos silang maging spotted na nagdya-jogging nang gabi na nasundan pa sa birthday party ni Mr. Johnny Manahan a.k.a. Mr. M.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 4, 2026



SPECIAL - ALVIN PINOY MOVIES AT SERIES, BAD INFLUENCE-FB Alvin Aragon

Photo: Sarah Geronimo - Instagram




Ayaw pa rin talagang tumigil ng pa-controversial na dating aktor na si Alvin Aragon sa kanyang mga hirit na tumutuligsa at kumokondena sa mga gawi sa showbiz na mundong kanyang pinanggalingan at dahilan kung bakit kahit paano ay nakilala ang pangalan niya.


Matapos nga niyang banatan ang LGBTQIA+ community na diumano ay “makasalanan” kaya mapupunta sa impiyerno, ang mga intimate at kissing scenes naman ngayon sa mga teleserye at pelikula ang kanyang binabatikos at gustong ipatanggal dahil pinagmumulan daw ito ng kamunduhan at kasalanan.


At hindi lang basta panawagan sa social media ang kanyang ginawa, kinol-out din niya ang ating mga mambabatas para bigyang-pansin ang kanyang paniniwala sa aspeto ng relihiyon at moralidad.


Ani Alvin sa kanyang Facebook post, “Mr. Senators and Mrs. Senators

“‘Di ba ho, dapat ding itigil ang paghaluin ang saliva ng leading lady na may asawa na at ang saliva ng leading man na may asawa na sa kanilang bed scenes?


“Ang mga teleseryes and Philippine movies ho kasi ang isa sa pinakamalaking influence sa buong bansa natin kung bakit maraming pamilyang nasisira kasi puro affairs.

“At kaya maraming artistang palit nang palit ng asawa ho.


“Dahil sa mga bed scenes na napapanood sa national TV and Philippine movies kaya puro teenage pregnant ang nangyayari sa bansa.


“Kaya maraming nagma-mast*rbate 

na mga lalaki dahil sa mga artistang nagpapakita ng cleavage at mga legs, lalo na ang mga bed scenes, nakakapagpainit nang sobra sa maraming Pilipinong lalaki.


“Ang art po ay hindi para dalhin ang tao na magkasala sa harapan ng Diyos.

“#GodhatesSexwithoutmarriage”


Eh, di wow! Ano na naman kaya’ng nakain ni Alvin Aragon at kung anu-ano na namang pumasok sa isip niya?


O baka naman nasobrahan na siya sa kung anumang gamot na tine-take niya kaya kung anik-anik na naman ang tumatakbo sa isip niya.


Jusko, sa dami ng dapat harapin ng mga senador, papansin pa talaga ‘tong si Alvin?

Naku, ewan ko sa ‘yo, brad. Try mo ring magpahinga para luminaw ang takbo ng isip mo.





Singer, proud mama's boy…

NICK, NAKA-3 GF PERO WALA PA RING ASAWA



Balik-‘Pinas ang singer-nurse na si Nick Vera Perez na matagal nang based abroad para sa kanyang regular work.


Umuuwi lang siya sa bansa kapag may bago siyang album na kailangang i-promote, tulad ng kanyang The Duo Album titled Unafraid: The Gospel Album at Dancing in the Ocean.


Bukod diyan, may series of shows din siya na gaganapin sa: May 10 (4 PM) – United Evangelical Church, May 12 (9:30 AM) – KCC Mall de Zamboanga, May 16 (4 PM) – XentroMall Antipolo, May 17 (4 PM) – Farmers Plaza, Araneta City, May 18 (3 PM) – Charity Walk (DSWD) at May 24 (5 PM) – XentroMall Montalban.





Napaka-goal-driven ni Nick at inspired siya sa mga nagawa niyang songs na kasama sa kanyang 5th and 6th album na ipino-promote ngayon.


Isa sa mga fave songs niya ang Dancing in the Ocean na danceable nga raw at nagdadala ng good vibes lalo sa mga nade-depress at dumaranas ng anxiety.

Sa kanyang mediacon last Saturday, muling naikuwento ni Nick Vera Perez ang strong bonding nila ng ina at inamim niyang proud mama's boy siya. Wala siyang paki sa sasabihin ng ibang tao, dahil ang mahalaga sa kanya ay ang respeto at pagpapahalagang ibinibigay niya rito.


Kaya aminado siyang at his age now, hindi pa siya nakakapag-asawa kahit naka-tatlong girlfriends naman daw siya noon.


Ang kailangan daw kasi niya na maging life partner ay ‘yung tanggap ang kanyang dedication sa ina at hindi nakikipagkumpitensiya sa pagmamahal at oras na ibinibigay niya rito.


Although, umaasa pa rin naman daw siyang darating ang tamang babae para sa kanya, dahil ang payo nga ng kanyang mommy dearest ay dapat meron din siyang maging partner na kasama niya sa kanyang pagtanda dahil ‘di naman forever ay magkasama silang mag-ina.


Kaya sa mga girls na gustong maging bahagi ng buhay ni Nick, ang tip niya, bukod sa dapat ay maiintindihan ang kanyang pagmamahal sa ina, funny din ito dahil

ayaw ng singer-nurse ng stress, ‘coz ito raw ang pinanggagalingan ng mga sakit.


Well, iniimbitahan naman ni Nick Vera Perez ang kanyang mga fans, supporters at Filipino community abroad na pakinggan ang mga bagong songs na kasama sa kanyang bagong dalawang albums na released na ngayon at available na sa mga online streaming apps.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page