top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 26, 2026



SPECIAL - ANDREA, NAGBESO-BESO KAY EDU, SINOPLA-IG _blythe & _realedumanzano

Photo: IG _blythe & _realedumanzano



Ibang-ibang Andrea Brillantes ang mapapanood sa A Secret in Prague na eere na simula ngayong Lunes nang gabi sa TodaMax Primetime Singko ka-back-to-back ang My Bespren Emman na pinagbibidahan naman nina JM de Guzman, Shaina Magdayao at Comedy Queen Ai Ai Delas Alas.


Blonde ang hair, inglesera at fashionista ang Andrea na makakapareha ni Enrique Gil sa ASIP. Unang tambalan nila ito kaya ngayon pa lang, inaabangan na kung may chemistry din ba sila lalo na't marami rin daw kilig scenes at kissing scenes ang dalawa.


Naikuwento ni Andrea sa ginanap na mediacon ng rom-com series na nu'ng nagpunta sila sa Prague, Czech Republic, sa una ay talagang na-excite siya sa snow. Pero nu'ng gabi na raw na nagte-taping pa rin sila at nauutal na sa sobrang lamig, ‘di na raw siya na-excite sa snow na first time niyang na-experience.


Maraming bagong karanasan si Andrea sa series na ito bukod sa first time rin niyang makatrabaho ang ilan sa cast maliban kay Enrique Gil.


May kuwento nga si Andrea nang matanong kung kanino siya nai-intimidate sa cast na kinabibilangan din nina Kim Domingo, Cedrick Juan, Edu Manzano, Joel Torre, K Brosas at Ruben Maria Soriquez (gumaganap na parents ni Andrea sa ASIP), Benjie Paras, Arlene Muhlach, Queenay Mercado, Mark Ian at Carlos Agassi.


Pag-amin ni Andrea, kay Edu raw siya nai-intimidate. 

Nu'ng first time raw kasing makita niya ito sa taping nila ng ASIP, nagbeso-beso raw siya rito bilang paggalang. Lahat naman daw kasi ng kasama niya sa taping ay bineso-beso niya.


Nagulat daw siya at tila napahiya nang biglang sabihin sa kanya ni Edu na hindi ito nagpapa-beso.


Inakala ni Andrea na seryoso ang veteran actor pero biglang bumawi na nagdyo-joke lang. Kaya baka by now, kilala na ni Andrea ang ugali ni Edu na akala mo ay seryoso pero nagbibiro lang pala.


Anyway, ngayong gabi na nga magsisimula ang A Secret in Prague, 8 PM sa TV5 mula sa direksiyon nina Barry Gonzalez at Paco Sta. Maria.





Champion duet na winner sa TNT…

JAMIELLE, NAUNA NA HONEYMOON BAGO KASAL



GRABE pala ang galing ng blending ng boses ng mga Star Magic artists at Your Face Sounds Familiar Season 4 Grand Winners na sina Marielle Montellano at JM dela Cerna, na mas kilala bilang Birit Duo.


First time namin silang na-meet sa ginanap na Star Magic Spotlight press conference noong April 20, 2026 sa Dolphy Theatre, ABS-CBN. First time rin naming nasaksihan kung gaano kaganda ang mga boses nila at kung gaano sila kagagaling na singers na kahit acapella ang duet nila, pak na pak!


Bigla nga naming naalala sa kanila sina Concert King Martin Nievera at Concert Queen Pops Fernandez na lovers noon at swak na swak ang tandem kahit sa concert stage.


Hindi lang din kasi pang-camera ang tandem ng JMielle kundi magdyowa rin sila in real life.


Inamin nilang two years na ang kanilang relasyon at malaking bagay daw sa kanilang pareho na bukod sa partnership nila onscreen ay lovers din sila offscreen dahil mas nagkakaintindihan daw sila at napapadali ang kanilang trabaho.


Although, kahit kilala sila bilang JMielle, tumatanggap din naman daw sila ng mga solo engagements kapag may offer.


Kamakailan ay nag-Thailand daw sila at ‘yun ang first trip nila abroad as a couple, pero kasama naman daw ang sister ni Marielle.


When asked kung may balak na rin silang magpakasal, malayo pa raw ‘yun sa mga plano nila dahil career ang kanilang priority ngayon.


Samantala, ibinahagi ng dalawa  kung paano nagsilbing turning point ang mabusisi at matinding kompetisyon sa kani-kanilang career.


Para kay JM dela Cerna, higit pa sa panggagaya ng icons ang naging journey niya sa YFSF, naging isa itong mahalagang lesson sa pagkuha ng risks pagdating sa entablado. 


Kilala sa kanyang technical precision, inamin ni JM na tinulungan siya ng show na lumabas sa kanyang shell at yakapin ang mga hindi inaasahang hamon.


Siguro ‘yung pinakanakapagpa-realize sa akin is that the greatest risk is not taking any risk at all, ‘yun po yung napulot ko talaga after Your Face Sounds Familiar,” kuwento ni JM nang tanungin tungkol sa pinakamahalagang aral na kanyang nakuha sa show.


Nakahanap naman ng mas malalim na purpose si Marielle Montellano sa pamamagitan ng kompetisyon. Bukod sa prosthetic makeup at mabusising costumes, natuklasan niya na ang tunay na puso ng bawat performance ay nakasalalay sa emotional connection sa audience.


Being part of Your Face pushed me to become more intentional, not just with my music,” ani Marielle. “Hindi lang siya basta-basta na ‘and’yan lang tapos kakantahin mo as is. Dapat pala, you put your heart into it, your soul, and how I connect with the audience as well, ” sabi ni Marielle.


Mula sa kanilang iconic "Iconator" moments hanggang hirangin bilang grand winners ng YFSF, pinatunayan ng tambalang JMielle na isa silang multifaceted performers. Patuloy ang transformation ng Birit Duo sa  kanilang upcoming concert na JMIELLE: Sings The Icons ngayong May 29, 2026, sa SM North EDSA Skydome.


Para sa iba pang updates, i-follow ang @starmagicphils sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 24, 2026



SPECIAL - SETH, TODO-IWAS SA HALIK NI FRANCINE-IG _francinesdiaz

Photo: IG _francinesdiaz



Nagpaliwanag si Seth Fedelin after ng special screening at mediacon ng bagong movie nila ni Francine Diaz na She Who Must Not Be Named tungkol sa controversial ‘kiss’ nu’ng rumampa sila sa Bench Fashion Show.


Ayon kay Seth, binigyan lang sila ng instruction na basta lumakad sa stage at bahala na silang mag-project at kung ano’ng pasabog ang kanilang gagawin.


Hindi naman daw nila napag-usapan ng ka-love team at rumored GF na ring si Francine na magki-kiss sila sa stage, kaya nagulat daw siya sa pa-surprise na halik ng aktres.


Dahil unexpected nga raw ‘yun, medyo umiwas siya sa kiss ni Francine, kaya imbes na sa lips niya tumama ay sa gilid lang ng kanyang labi dumampi ang halik ng aktres.





Ang naisip daw kasi niya that time ay ang nanay ni Francine na baka magalit ito. Hahaha!


Malaki ang respeto ni Seth kay Francine gayundin sa pamilya nito kaya maingat siya hindi lang sa galawan nila kundi maging sa pag-amin sa tunay na estado ng kanilang relasyon para nga naman hindi sila pagpiyestahan ng publiko.


Kaya naman nang matanong sa mediacon ng movie nilang She Who Must Not Be Named at paaminin ng press sa real score sa kanila ni Francine, ang tanging sinabi ni Seth ay “Malayo na sa dati” ang kanilang closeness ngayon, pero ipaubaya na lang daw sa kanila kung anuman ang namamagitan sa kanila ni Francine.


Well, watch n’yo na lang ang movie sa April 29 at kayo na ang magsabi kung ano ba talaga ang real score sa dalawa.


Mula sa direksiyon ni Christopher Novabos, kasama rin sa movie sina Bobby Andrews, Elijah Alejo, Ruby Ruiz, Bernadette Allyson, Kych Minemoto, Kaleb Ong among others.







ANG fresh ni JM de Guzman at halata sa aura niya na masaya siya at walang problema nang humarap sa entertainment press last Wednesday sa back-to-back mediacon ng My Bespren Emman at A Secret in Prague, parehong TV series na magsisimula sa April 27 sa TodoMax Primetime Singko.


Sina JM at Shaina Magdayao ang bibida sa inspirational series na My Bespren Emman kasama ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas.


Natanong si JM kung ano’ng mga pinagdaanan niyang struggles habang ginagawa ang MBE.


Pag-amin nito, “Bago pa lang mag-start ‘yung show, to be honest, medyo I’m battling spiritual warfare. Parang I lost my connection with God. I lost my relationship with God. And this show helped me to reconnect with Him.”


Naikuwento nga niya na nang magpunta raw si Direk Derick Cabrido sa condo niya, habang ikinukuwento ang character na gagampanan niya, ang story at back story ng MBE, iyak lang daw nang iyak si JM dahil na-feel niya na timely ang pagdating ng project na ito sa buhay niya.


Dagdag na kuwento ni JM, “Kailangan ko si God, si Emman sa buhay ko ngayon, dahil may mga ups and downs pa rin kahit naka-recover na ako sa past ko. Meron pa rin talagang ibinibigay na misyon sa ‘yo si Emman na hindi mo minsan maintindihan kung bakit paulit-ulit, kung bakit mahirap.


“And ‘yun, nu’ng dumating ‘yung My Bespren Emman sa akin, parang nagkaroon ako ng enlightenment. Nagbago ‘yung pananaw ko lahat ulit. Parang na-realize ko lang na lahat nu’ng pinagdaraanan ko, ‘yung depression, anxiety, ni-lead lang ako dito to prepare me for this show.”


Kaya naman tuwang-tuwa si JM na ganitong klaseng series ang ibinigay sa kanya dahil may malaking impact daw ang kanyang role sa personal niyang buhay ngayon.


Bukod kina JM, Shaina at Ai Ai, kasama rin sa cast ng MBE sina Sid Lucero, Ryrie Sophia, Kit Thompson, Mitch Valdez, Donna Cariaga, TJ Valderrama at Iven Lim, mula sa direksiyon nina Derick Cabrido at Jerome Pobocan.


Co-produced ng Numinous Narratives at Spring Films, mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes, at 8:45 PM pagkatapos ng A Secret in Prague (ASIP).





Todo-deny na magka-live-in na sila ni Elle…

DERRICK: SLEEPOVER LANG KAMI! 





MALAKAS ang chemistry on and off-screen ng reel at real-life partners na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva at muli nilang naipakita ito sa latest movie nilang Neophyte 26 na nagkaroon ng special screening last Wednesday night sa Ayala Vertis Mall.


Swak ang tandem nila at kahit alam na magdyowa talaga sila in real life, may kilig ang kanilang mga eksena. Swak ding ka-love triangle nila si Jon Lucas na magaling ding kontrabida.


Kinumusta namin ang relasyon nina Elle at Derrick at tinanong kung may plano na ba silang magpakasal. May bali-balita kasing nagli-live-in na sila.


Si Elle ang unang umaming 4 yrs. na sila ni Derrick pero pinabulaanan niyang nagli-live-in na sila, although wala naman daw siyang nakikitang masama sa ganu’ng setup dahil ‘di naman siya conservative na tao. 


Paliwanag naman ni Derrick, nag-i-sleepover lang sila sa bahay ng isa’t isa kapag may taping, pero hindi pa sila magka-live-in.


Pinag-uusapan na rin naman daw nila ang kasal, pero ang gusto ni Derrick ay makapagpatayo muna sila ng bahay ni Elle bago humarap sa altar. Nakakahiya naman daw kasing makikitira pa sila sa kani-kanilang mga magulang.


Samantala, maganda ang kuwento ng Neophyte 26 na mula sa Empowerment Film Productions. Tungkol ito sa mga estudyanteng napapasama sa fraternity at ang pros and cons na kaakibat nito.


Marami rin ang pumuri sa galing ni Angelica Jones na nakilala man bilang sexy comedienne, ngayon ay panlaban na rin sa drama dahil napakanatural ng kanyang pag-iyak sa movie. 


At kahit ang kanyang unico hijo na si Angelo Alday na introducing sa Neophyte 26 ay nagpakita rin ng acting talent sa drama scenes.


Kasama rin sa pelikula sina Neil Ryan Sese, Andrea del Rosario, Lance Raymundo, Maxine Trinidad, Dr. Ronald Adamat, Mike Lloren, Mosang at Chris Leonardo.

Mula sa direksiyon ni Rommel Penesa, mapapanood na ito sa mga sinehan at ipapalabas din daw sa iba’t ibang schools sa buong bansa.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 22, 2026



SPECIAL - MANONG CHAVIT, NAGSALITA NA SA VIRAL VIDEO NG HOLDING HANDS NILA NG BYUTING BATAMBATANG BABAE-FB Circulating

Photo: FB / Circulated



Nagsalita na ang dating Ilocos Sur governor na si Luis “Manong Chavit” Singson kaugnay ng pinagpipiyestahan ngayon sa social media na viral video niya kung saan makikitang may ka-holding hands siyang maganda at batambatang babae na kahawig ni Sanya Lopez.


Tinawagan namin ang isang taong malapit kay Manong Chavit para alamin kung sino ‘yung girl. Aniya, hindi rin niya personally kilala ‘yung girl at nang makita niya ang video, tinanong din niya si Manong Chavit at ang sagot lang daw nito ay “AI lang ‘yun.”


Of course, hindi naman bebenta sa amin ang palusot na ‘yun ni Manong Chavit. But obviously, kung kilala nga namin siya na talaga namang ladies’ man, hindi naman niya itatanggi ang naturang girl pero hindi na rin siya magbibigay ng detalye tungkol dito dahil ayaw niyang pinagpipiyestahan ang kanyang love life. In short, ayaw niyang mina-Marites ang kanyang buhay.


Pero hindi naman daw apektado si Manong Chavit sa mga negative comments at panlalait sa kanila ng mga netizens dahil sa malaking agwat ng kanilang edad. Positive or negative comments ay alam niyang publicity pa rin kaya dedma siya sa mga pang-ookray at harsh comments ng mga netizens.


Ang mahalaga nga naman ay ‘yung happy siya, devah?





Movie, kumita ng more than P100 M… 

VICE, MARICEL, KIM-PAULO AT RICHARD, PARARANGALAN NG SPEED BILANG BOX OFFICE HEROES SA 9TH EDDYS



HABANG patuloy na nagbabago ang interes ng manonood, umaasa ang mga lokal na sinehan sa mga sikat at de-kalidad na pelikulang nililikha upang mahimok ang manonood na tangkilikin pa rin ang industriya ng pelikulang Pilipino.


Kasabay ng pagsisikap na ito na ibalik ang mga manonood sa mga sinehan, muling bibigyan ng pagkilala ng 9th Entertainment Editors’ Choice (The Eddys) ang mga bituin na ang mga pelikula ay nakakuha ng pinakamalaking crowd at kita noong nakaraang taon.


Ang Box Office Hero award ay ibibigay bilang isang espesyal na karangalan sa ika-9 na edisyon ng The Eddys, na magaganap sa Hulyo sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts sa Pasay City.


"Pinararangalan namin ang mga bituin na ang mga pelikula ay nagdala ng mga manonood pabalik sa mga sinehan at gusto naming ipaalala sa lahat ang kasabikan sa panonood ng mga kuwentong Pilipino sa big screen," sabi ng pangulo ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na si Tessa Mauricio-Arriola.


“Pinangunahan ng mga artistang ito ang mga proyektong nagpasigla sa lokal na takilya at tumulong sa pagsisimula ng mas masiglang panahon para sa pelikulang Pilipino.”


Pinangungunahan ng TV host at komedyante na si Vice Ganda ang mga pararangalan ngayong taon para sa comedy drama na Call Me Mother, na kumita ng P392 milyon sa takilya.


Kikilalanin din ang beteranang aktres na si Maricel Soriano para sa family drama na Meet, Greet, & Bye, na kumita ng P260 milyon.


Kasama ring pararangalan ang screen partners na sina Kim Chiu at Paulo Avelino para sa kanilang rom-com movie na My Love Will Make You Disappear, na kumita ng P173 milyon.


Pararangalan din ang aktor na si Richard Gutierrez bilang pangunahing bida sa Shake, Rattle & Roll: Evil Origins, na kumita ng P140 milyon at pinalawig ang long-running horror franchise.


Nagbabalik ang Box Office Hero award para sa ikatlong pagtatanghal nito, kasunod ng debut nito sa 7th Eddys noong 2024.


Ang SPEEd ay binubuo ng mga entertainment editor mula sa mga pambansang broadsheet, tabloid, at online media platform.


Nagsisilbing paraan ng grupo ang The Eddys sa paghikayat sa mga Filipino filmmakers, producers, manunulat, aktor, at iba pang kaalyadong artista sa industriya ng pelikula sa Pilipinas na ipagpatuloy ang kanilang hilig sa paglikha ng mga pelikulang sumasalamin sa realidad ng lipunan habang kinikilala rin ang artistikong merito at epekto nito sa takilya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page