ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 13, 2024
Matapos maglabas ng pahayag ang sexy star-vlogger na si Ivana Alawi kung saan idine-deny nito na girlfriend siya ni Bacolod Mayor Albee Benitez dahil sa kumalat na video na magkasama diumano sila sa trip pa-Japan, ang politician-businessman naman ang naglabas ng kanyang official statement sa kanyang Facebook account last Sunday night.
Ang nilalaman ng official statement ni Mayor Albee, "I am fully aware of the video footage that has been circulating which unfortunately does not accurately explain why I was in Tokyo.
I went there on a business trip as stated in my official travel order.
"Speculations involving Ms. Ivana Alawi are untrue and only serve to put malice into what was clearly a chance encounter.
"I apologize to Ms. Alawi and her family who have been unfairly dragged into issues concerning my private life. There is no truth to any and all the rumors spreading and I am setting the record straight to avoid further hurt and damage to them.
"Maraming salamat po."
Well, at least nagsalita na ang politician-Brightlight Productions producer para mabigyang-linaw ang issue sa kanila ni Ivana.
Pero mas maganda rin sigurong pangalanan na ni Ivana kung sino talaga ang negosyanteng nagpapasaya sa puso niya ngayon para tuluyan nang matuldukan ang issue sa kanila ni Mayor Albee.
Kung binata at wala naman sigurong sabit ang apple of the eye ngayon ni Ivana, walang dahilan para 'di niya ito ipagmalaki sa publiko, 'di ba?
Aktor, after mahiwalay kay Kathryn… GILLIAN, NAGSALITA NA SA KUMALAT NA VIDEO NILA NI DANIEL NA MAGKASAMA SA BAHAY NI MATT
Hindi pa officially inilo-launch ang Kapamilya actress na si Gillian Vicencio bilang endorser ng Beautederm, pero sobrang thankful ng CEO ng beauty and skin care products na si Ms. Rhea Anicoche-Tan sa laging pagsuporta ni Gillian sa Beautederm.
Isa kasi si Gillian sa mga celebrities na dumating sa first anniversary celebration ng Beautederm Headquarters sa Angeles, Pampanga last Saturday kasabay ng Chinese New Year.
At dahil ngayon pa lang naka-face-to-face ng entertainment press si Gillian na umingay ang pangalan dahil sa pagkakadawit niya sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pinagkaguluhan ang aktres after ng Beautederm event ni Ma'm Rei Tan.
Sa one-on-one interview namin kay Gillian, aminado siyang hindi siya natuwa na umingay ang pangalan niya sa showbiz dahil sa pagkakadawit sa hiwalayan ng KathNiel.
"Kahit nakilala ka, hindi siya maganda na ganu'n ka nakilala. Mas gusto kong makilala sa talents ko po, sa pag-arte, kung paano ko ginagawa 'yung trabaho ko, hindi sa mga ganitong issues," ani Gillian na very accommodating sa mga tanong namin.
Shocked din daw siya na na-link siya kay Daniel dahil wala naman daw itong katotohanan.
Nagbigay din ng reaksiyon si Gillian sa na-headline pang issue na may statement daw siyang "Dyuts si Daniel."
Pailing-iling na sabi ng dalaga, "Huh? Saan galing 'yun? Wala po talaga akong sinasabi. Wala pong nangyaring ganu'n, kaya 'di ko rin po talaga alam kung saan nanggagaling 'yun."
Hindi na raw niya naisip pang magdemanda sa mga naglalabas ng malicious info tungkol sa kanya dahil unang-una, gastos lang at alam naman daw niyang hindi talaga ito totoo.
"Nag-message naman po ako kay Ate Kath na wala pong ganu'n, hindi po nangyari 'yun," pagdidiin pa ni Gillian.
Pero true ba na in-unfollow siya ni Kathryn?
"I think… opo," pag-amin niya.
Nagtaka rin daw siya sa ginawa ni Kathryn dahil bukod sa 2 Good 2 Be True serye nila, nagkasama rin sila sa A Very Good Girl movie.
Nag-reach out daw siya kay Kathryn nang in-unfollow siya nito, pero dedma lang ang aktres.
"Hindi po nag-reply si Ate Kath, eh, pero I respect din naman kasi 'yung mga nangyayari, 'di ba, hindi rin madali 'yung mga nangyayari sa kanya. Maraming sinasabi, so, 'yun," ani pa ni Gillian.
Hindi pa raw sila nagkita ni Kathryn at kahit ni Daniel after ng hiwalayan issue pero kung magkikita sila, handa naman daw siyang ulitin kay Kath na malinis ang kunsensiya niya at walang katotohanan ang pag-uugnay sa kanila ni DJ.
Ang pagiging sobrang close nila ni Daniel dahil sa pagkakasama nila sa serye ang nakikita ni Gillian na dahilan kung bakit sila naiisyu.
Pero aniya, sakaling manligaw si Daniel ngayong single na ito, hindi pa rin niya ie-entertain ang ex ni Kathryn dahil tropa lang ang tingin niya rito.
Samantala, nilinaw na rin ni Gillian 'yung mga pictures na lumabas na magkasama raw sila ni Daniel sa bahay ni Matt Evans.
Aniya, hindi totoong sila lang ni Daniel ang magkasama that time dahil nandu'n din si Yves Flores at si Matt, pati ang anak nito.
May picture pa nga raw si Yves na natutulog si Gillian sa bahay ni Matt, patunay na hindi lang sila ni Daniel ang nandu'n.
Sa ngayon, wala pang boyfriend si Gillian dahil career daw ang priority niya at mas gusto niya ay magkapera.