top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 24, 2023




Darating sa bansa ang American singer-actress na si Vanessa Hudgens na may dugong Pinoy. First time niya sa 'Pinas at gagawa ng documentary upang i-trace ang family history ng kanyang inang si Gina Guangco.


Twenty-five years old nang umalis sa 'Pinas ang kanyang ina at piniling manirahan sa Salinas California, USA kung saan du'n na isinilang at lumaki si Vanessa Hudgens.


Si Direk Paul Soriano ang producer-direktor ng travel documentary ni Vanessa Hudgens na kukunan sa Palawan at Manila.


Maraming fans ang sabik na makita nang personal si Vanessa na sumikat noon dahil sa pagbibida sa High School Musical ng Disney Studios.


Naging BF niya noon si Zac Efron na partner niya sa High School Musical.


Tiyak na magge-guest naman sa ilang TV shows si Vanessa Hudgens kapag dumating sa 'Pinas at tiyak na maraming foreigners ang daragsa sa Palawan kapag naipalabas na ang kanyang travel documentary.



 
 

ni Ejeerah Miralles (OJT) | March 9, 2023




USA — Dalawa ang patay at 8 ang sugatan matapos ang stampede sa concert ng American rapper na si GloRilla sa Rochester, New York.


Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente sa concert nang magsimulang dumagsa at sumugod ang mga tao patungo sa exit, dahil sa isang putok ng baril.


Ngunit sa salaysay ni Rochester Police Lieutenant Nicholas Adams, walang ebidensyang sumusuporta na may nangyaring pamamaril sa concert.


Kasalukuyan namang under-investigation ang tunay na sanhi ng insidente.


Samantala, naghayag din ng pakikiramay si GloRilla sa pamilya ng mga nasawing fans.


 
 

ni Zel Fernandez | April 22, 2022


Earlier this month, apat na concerts na ang nagawa ng K-Pop sensation boy band group BTS sa Las Vegas, na nagkaroon umano ng malaking economic impact sa US city.


Batay sa report na inilabas ng Arirang News, sa kabila ng kasalukuyang pandemic crisis, umabot pa sa mahigit 200K fans ang um-attend sa mga nagdaang BTS concerts, in person.


Base sa mga industry officials, sa concert ticket sales pa lamang ng Bangtan Boys (known BTS) ay umabot na ng 32 million US dollars ang revenue.


After namang maisama ang accommodation at iba pang goods and services na nai-purchase ng mga fans na nag-stay sa Las Vegas, ang overall economic impact ng BTS concerts ay tinatayang aabot sa mahigit 162 million dollars.


Pero paano naman daw kaya kapag ang mga concerts na ito ay ginanap sa South Korea, ngayong ang mga travel restrictions at social distancing measures ay sinimulan nang ibaba?


Ayon sa mga researchers sa Korea Culture and Tourism Institute nitong Wednesday, kung ang BTS ay magko-concert nang mayroong 65K fans sa Korea, habang mayroong million fans na manonood, online, ang total spending ay maaaring maging katumbas ng 600 million dollars, habang ang economic impact nito ay posible pang maging mas mataas sa 990 million US dollars.


Ang mga nabanggit na figures ay base umano sa economic impact ng mga nakaraang BTS concerts sa Los Angeles at Seoul, kasunod ng naging epekto ng pagtanggal sa COVID-19 restrictions.


Noong 2019 nang mag-concert ang BTS sa Seoul, South Korea bago mag-pandemic, ang mga nearby hotels ay sinasabing napuno ng mga fans. At sa pag-attend ng mga fans sa kanilang concert sa Los Angeles, over 70% ng audience ay galing umano sa labas ng siyudad.


Ang BTS sa kasalukuyan ay isa lamang sa mga maituturing na pinakasikat na K-Pop boy band groups sa South Korea na nabuo noong 2010 at unang nag-perform in public taong 2013 sa ilalim ng Big Hit Entertainment. Kabilang sa septet ay ang mga members nitong sina Jin, Suga, J-Hope, RM, Jimin, V, at Jungkook.


Giit ng mga institute researchers, ang mga K-Pop concerts ay maaaring magkaroon ng mabuting epekto sa domestic economy. Anila, ipinakikita lamang nito na mahalagang i-facilitate ang growth in culture at travel industries sa pamamagitan ng K-Pop.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page