- BULGAR
- Dec 24, 2025
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 24, 2025

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 24, 2025 (Miyerkules): Magmumula sa malayo ang mga suwerte mo, pero hindi ibig sabihin nu’n ay wala kang suwerte sa malapit. Sa halip, kahit lumayo ka pa o hindi, sunud-sunod pa rin ang dating sa iyo ng suwerte.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nahahadlangan ba ang kabiguan? Oo naman! Lalo na kung mananatili kang lumalaban. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-19-26-33-38-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung sino ang mahina, siya ang dapat na tulungan. Mahina ka ngayon, kaya kakailanganin mo rin ang tulong nila. Ngunit ang kinaganda nito, espesyal na tulong ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-17-21-35-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Hinahon ang nagdadala ng kapayapaan. Itinuturo rin nito ang mga nararapat na ikilos. Huminahon ka nang sa gayun ay pumabor sa iyo ang mga kaganapan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-12-19-25-34-40.
CANCER (June 21-July 22) - Masuwerteng ka! Dapat alam mo kung ano ang ginagawa ng taong sinusuwerte. Kung alam mo, gawin mo na agad at huwag ka nang mag-alinlangan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-16-23-25-37-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sobrang lakas ngayon ng iyong karisma. Kaya hawakan mong mabuti ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-14-20-22-27-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masyadong malayo ang nararating ng isip mo. Awatin mo ang sarili mo sa pag-iisip ng mga bagay na sa totoo lang ay malayo sa reyalidad. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-18-21-33-38-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ngayong malungkot ka, ihip ng sariwang hangin ang kailangan mo. Subukan mo at magugulat ka, dahil ikaw ay biglang sasaya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-17-24-39-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Simple lang naman ang pormula ng tagumpay. Gawin mo ang ginagawa ng mga nagtatagumpay, at huwag ka nang mag-eksperimento pa ng bagong ideya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-14-22-30-32-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masuwerte ngayon ang may inaalagaang hayop sa bahay. Pakitaan mo sila ng espesyal na pag-aalaga at makakaasa ka, bubuwenasin ka! Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-19-25-28-36-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang babalik sa nakaraan, bagkus pagmasdan mo ang sarili mo at ang kapwa mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-18-21-26-37-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung sino ang nakatulong dati sa iyo, siya muli ang tutulong sa iyo. Kaya huwag ka nang lumapit pa sa mga alam mo namang nagtatago. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-17-29-35-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli kang susuwertehin, pero may kondisyon na nagsasabing iwasan mong makasakit ng damdamin. Mas maganda kung mahinahon kang magsasalita. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-13-20-26-32-43.




