- BULGAR
- Jan 4
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 4, 2026

Sa may kaarawan ngayong Enero 4, 2026 (Linggo): Kusang kikilos ang iyong kapalaran para umangat ang iyong kalagayan. Marami ang masasagasaan, lalo na ‘yung mga walang bilib at panay ang kontra sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling magbabalik ang iyong sigasig para mas lalo mo pang paunlarin ang iyong kabuhayan. Gayunman, dadami rin ang maiinggit sa iyo dahil sa kakaibang sigla mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-12-19-25-32-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. Ang madalas mong pag-iisip sa hinaharap ay hindi nakakaganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-23-28-30-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong ikabahala kapag nasingitan ka ng iyong mga karibal. Ang totoo, sila ang dapat mabahala dahil sa muling pag-arangkada ng iyong kapalaran; isa-isa na silang mawawala sa balanse. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-13-20-26-31-44.
CANCER (June 21-July 22) - Lalambot ang puso mo at papatawarin mo ang mga nagkamali sa iyo. Ito ang nakaguhit sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-19-22-27-39-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong hanapin ang mali dahil tiyak na makikita mo rin iyan, bagkus, ang hanapin mo ay ang kabutihan upang mas bumuti ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-15-17-25-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tanggapin mo sa sarili mo ang mga kahinaan mo. Kapag natanggap mo na ang kahinaan mo, muling ibabalik sa iyo ng langit ang kalakasan mo na siya namang pagsisimulan ng panibagong suwerte at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-5-16-24-28-33-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kikilos ang kapalaran mo na para bang hindi pabor sa iyo. Ang tawag dito ay mapaglarong kapalaran. Pero tandaan mo, kung sino pa ang nakakawawa, siya pang nananalo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-14-21-27-30-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magiging abala ka, pero hindi para sa sarili mo. Gayunman, hahangaan ka ng langit dahil sa pagsasakripisyo mo. Kaya tiyak na makatatanggap ka rin ng mga biyaya at pagpapala. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-12-18-29-33-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malakas ka, pero hindi puwedeng lumabis ang tiwala mo sa iyong sarili. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-18-20-23-35-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Simulan mo na ang pagtupad sa mga plano mo para ‘di ka na rin masingitan ng mga kontrabida. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-13-25-31-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Humahabol sa kapalaran mo ang ilang masasayang pangyayari. Ito ang nakatakda sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-15-17-29-38-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magdaratingan na ang mga suwerte mo, pero hindi mo ito masyadong makikita o madarama. Gayunman, ang mga suwerteng ito ay hindi agad matatapos; sa halip, aabot pa sa mahabang panahon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-27-31-39-42.




