- BULGAR
- Mar 7
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 7, 2026

Sa may kaarawan ngayong Marso 7, 2026 (Sabado): Lalaki ang mga suwerte mo dahil sa malalaking pagsubok. Gayunman, mas masuwerte ka pa rin kesa sa mga pangkaraniwan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kapag nakita ng langit na sapat ang lakas ng loob mo, agad na dadapo sa iyo ang malalaking suwerte. Kaya huwag kang mag-aalinlangan na harapin ang mga hamon ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-13-20-28-31-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nasa sa iyo na ang mga suwerte mo. Mas magandang gumawa ng pagkilos para sa katuparan ng mga pangarap mo upang lalo ka pang umunlad at umasenso. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-15-22-25-39-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Kahit tamarin ka ngayon na parang nawala ang sigla mo, ang mga magagandang kapalaran ay hindi naman magpapaawat. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-4-11-21-26-37-41.
CANCER (June 21-July 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo dahil kailangan mo pa palang malungkot upang pasayahin ka ng langit. Oo, walang alinlangan, ang malalaking kasiyahan ay guguhit sa buhay mo ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-17-25-32-35-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Walang talab ang mga panalangin ng mga lihim mong kaaway. Hindi pinapayagan ng langit ang mga kahilingan ng mga hindi malinis ang pagkatao. Ikaw ang manalangin; makikita mo, anumang ipagdasal mo ay magkakatotoo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-16-29-33-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Suwerte ka ngayon sa larangan ng pagkita ng malalaking halaga. Tutukan mo ang pinagkakakitaan mo upang hindi masayang ang magandang pagkakataong ito para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-14-23-31-35-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magmumula sa karelasyon mo ang mga suwerte mo at hindi na mahalaga kung maganda o hindi ang relasyon ninyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-15-19-24-33-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makukuha mo ngayon anumang pangarapin mo, pero kailangan mo munang magkunwaring mahina at duwag. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-16-22-36-38-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magpapatuloy ang magandang takbo ng iyong hanapbuhay. Ang mga bagay na nagpapahirap sa iyong kalooban ay gagawan ng paraan ng langit upang ito ay gumaan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-10-24-32-35-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon, na nagsasabing kapag hindi mo pinahalagahan ang mga takdang oras, ikaw ay bubuwenasin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-20-23-38-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - ‘Wag mo nang pansinin ang mga bagay na iyong inayawan. Dahil sa mga bagong pakikipagsapalaran, naghihintay sa iyo ang magagandang kapalaran, na magsisimula nang dumating. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-16-19-29-32-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagsisimula na ang tag-init, ibig sabihin, nagsisimula na rin ang mga araw kung saan dadagsa sa buhay mo ang magagandang bagay at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-17-22-25-31-45.
