top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 19, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Enero 19, 2026 (Lunes): Kabilang ka sa mapapalad na nilalang. Ang mga suwerte ay darating sa buhay mo. Pero kailangan mo pa ring magsumikap upang hindi ka matawag na tamad.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dagdag-suwerte ang mapapasaiyo kapag kumilos ka nang masaya. Kaya kahit pa may lihim kang lungkot, maganda pa rin na ikaw ay maging masaya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-28-30-34-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka dapat magpatalo sa mga negatibong sinasabi ng mga malalapit sa iyo. Higit kaninuman, ikaw ang may hawak ng sarili mong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-24-33-35-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi naman nawawala ang sikat ng haring araw, bagkus natatakpan lang ito ng mga ulap. Pagkatapos ng iyong pinagdaraanan sa ngayon, ang buhay mo ay magkakaroon na ng kasaganaan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-20-29-31-44.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang manamlay dahil lang sa hindi mo nakuha ang gusto mo. Mapapatunayan sa buhay mo na ang langit ang higit na nakaaalam kung ano ang mabuti at maganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-13-22-30-36-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Susuwertehin ka ngayon at sa darating pang mga araw. Alam mo kung sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba, eh ‘di ‘yung mga lihim at lantad mong kaaway! Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-10-18-27-34-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nanalo ang masaya. Kaya masaya ka ba ngayon? Kung oo, makipagsapalaran ka na! Pero kung malungkot ka ngayon, alisin mo muna iyan, dahil dito sa mundo, ang malungkot ang laging naaagrabyado. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-15-24-32-39-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Simple lang ang ang susi para ika’y suwertehin, ito ay nagsasabing iangat mo ang ulo mo, kumilos at lumakad ka nang may tiwala sa sarili. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-28-33-35-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maganda ang panay trabaho dahil puwede siyang makaipon para sa kinabukasan. Ngunit ang kapalaran mo ay kakaiba, kahit hindi ka magtrabaho, darating pa rin sa iyo ang suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-17-25-34-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pag-aralan mo ang mga mungkahing ibinibigay sa iyo ng iyong mga kaibigan at kasama. Alamin mo kung may nakatagong ‘di magandang motibo, sa ganitong paraan, masasala mo ang mga ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto–8-18-20-25-37-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hinahanap-hanap ang masasayang karanasan. Pero ‘di maiwasang balik-balikan ang mga kabiguan. Wala nang mas maganda pa kundi kumuha ng aral sa mga ito. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-4-19-21-30-33-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ikaw ang nag-alis, ikaw rin ang magbabalik. Bago mo pabalikin ang isang naging bahagi ng buhay mo, suriin mo munang mabuti kung nagbago na ba siya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-14-25-27-32-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit wala kang gawing anuman, hindi na magbabago ang pasya ng langit, mangyayari’t mangyayari pa rin ang naggagandang kapalaran na guguhit sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-13-26-31-36-40.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 18, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Enero 18, 2026 (Linggo): Makakamit mo na ang malalaking ambisyon. Kaya huwag kang susuko sa mga hamon ng iyong kapalaran. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Masuwerte ka sa mga araw na ito. Alam mo kung sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba, eh ‘di ‘yung mga kontrabida sa buhay mo! Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-17-24-30-33-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka mabibigo ngayon, dahil langit mismo ang magpapadala ng mga taong aalalay sa iyo at magsasakripisyo para matupad ang mga kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-13-23-34-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Aakalain mong hindi mo kaya ang iyong mga nais gawin. Ang kailangan mo ngayon ay dagdag na pahinga at maiiksing pagsasaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-12-20-25-35-40.


CANCER (June 21-July 22) - Ipakita mo ang paninindigan mo sa harap ng mga sumasalungat sa iyo. Makikita mo, sa huli ay makikiisa sila sa iyo at ang iba ay labis na hahanga sa paninindigan mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-16-18-29-32-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Lalakas ang loob mo at tatapang ka dahil makikita mong gumagaan na ang buhay mo. Gayunpaman, ang payo’y nagsasabing ‘di dapat magbago ang kasalukuyan mong ginagawa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-19-28-30-37-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka dapat matangay ng mga negatibong pananaw ng mga nasa paligid mo dahil masasayang at mababalewala lamang ang magandang pagkakataong nasa harapan mo ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-14-21-33-39-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sapat na ang nakaraan mo para maging inspirasyon mo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-17-23-27-35-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magtiwala sa kahit na sino. Mas mabuting balikan mo ang nakaraan na ikaw ay nagtiwala, ngunit sa huli ay napahamak ka lamang at labis na nasaktan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-17-25-30-37-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Talasan mo ang iyong pakiramdam. Isang munting suwerte ang mapapasaiyo, at ito ay masusundan pa nang masusundan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-26-28-34-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aakalain mong hindi mo kakayanin ang pagsubok na nasa harapan mo. Pero kapag hindi mo ito inatrasan, mamamangha ka mismo dahil ito ay iyong malalagpasan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-15-28-35-37-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ingatan mong huwag lumabis ang tiwala mo sa iyong sarili. Kahit kailan, ang anumang sobra ay hindi maganda at minsan pa nga ay sanhi ng masasakit na kabiguan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-12-20-24-31-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipakita mo ngayon ang iyong tapang. Makakaasa ka na makatatanggap ka ng premyo mula sa langit. Ang premyong mapapasaiyo ay isang napakalaking suwerte na labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-11-21-29-36-40.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 17, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Enero 17, 2026 (Sabado): Ibahagi mo ang iyong suwerte sa mga nangangailangan. Sapagkat, kakaiba ang kahulugan ng iyong kapanganakan, dahil kabila ka sa mga pinakamasuwerteng tao.   

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maaaring mabigat ang araw na ito para sa iyo, ngunit gagaan ito kapag kasama mo ang taong nagbibigay-inspirasyon sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-6-11-25-38-44.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Ito ang araw na inilaan ng langit para sa iyo. Maaari kang humiling ng anumang nais mo, basta’t buo ang paniniwala at wala kang pag-aalinlangan, matutupad mo ito. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-2-18-20-26-36-41.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang kilos mo ngayon, dahil gusto ng langit pag-isipan mo munang mabuti ang iyong mga plano. Ang pagmamadali ay hindi makakabuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-13-28-31-34-40.

 

CANCER (June 21-July 22) - Gawin mo lang ang mga bagay na kaya mong gampanan. Sa maayos at magaan na paraan, tiyak na yayaman ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-15-29-32-35-42.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Iwasan mong magalit sa mga mahal mo sa buhay at sa mga taong nakapaligid sa iyo. Mas mainam na palawakin mo ang iyong pang-unawa at pag-iisip. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-19-26-32-38-43.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag ka nang makiepal sa alitan ng iba para ‘di ka na rin maapektuhan ng negatibong enerhiya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-12-20-25-39-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pahinga ang kailangan mo ngayon. Pahinga sa katawan, at lalo na sa isipan. Ang katahimikan ng isip ang higit na mahalaga para sa iyo. Masuwerteng kulay- pink. Tips sa lotto-6-17-23-28-38-44.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Piliin mong mamuhay ng masaya. Iwasan mo ang mga taong puno ng reklamo, lungkot, at negatibong pananaw, sapagkat nakakaapekto ito sa iyong enerhiya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-14-22-27-39-43.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mas mainam na gawin mong mag-isa ang iyong mga plano. Ang pagkakaroon ng kasama ay maaaring makapagpabagal o makapigil sa iyong mga gawain. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-19-26-30-34-40.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyo ang araw na ito. Ihayag mo ang iyong kahilingan sa langit at ikaw ay pakikinggan, sapagkat nasa iyo ang pabor ng kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-16-23-31-35-41.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mataas ang iyong pangarap, at ito ang dahilan kung bakit may mga naiinggit sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-18-24-29-37-42.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pahalagahan at panghawakan mo ang mga aral na natutunan mo sa nakaraan. Ito ang magiging susi mo sa magagandang kapalarang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-15-20-32-45.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page