top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 24, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 24, 2025 (Lunes): May malakas kang karisma. Kaya naman, madalas kang paghinalaan na nanggagayuma. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nakakasira ng ganda ang inis at galit. Ito rin ay hindi maganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-18-22-38-39-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magplano ka! Malabong mabigo ang marunong magplano. Dapat mong malaman na hindi nakukuha sa biglaan ang malalaking pangarap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-17-24-27-34-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Nakatutuwa ang takbo ng iyong kapalaran; bigla kang susuwertehin, pero bigla ring hihinto ang suwerte mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-16-20-31-37-41.


CANCER (June 21-July 22) - Kakapit sa iyo ang nagsasabing ikaw ang kanyang suwerte. Ang hindi niya alam, mas gaganda ang kapalaran mo dahil sa kanya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-13-21-29-34-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Mag-ingat ka, dahil napapaligiran ka ng mga tukso at sa pagkakataong ito, sa biglang tingin ay mas malakas ang mga tukso kesa sa mga nakaraang tukso na iyong natalo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-14-18-22-30-35.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sumasarap ang luto kapag ang nagluluto ay masaya. Ganundin sa buhay, sumasarap ang tagumpay kapag ang nagsisikap ay masaya sa kanyang pagsisikap. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-10-15-24-30-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawakan mong mabuti ang nasa sa iyo. Gawin mo ito para pagkalooban ka pa ng mga biyaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-14-21-26-33-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang papahuli. Mas maganda kung aagwat ka sa iyong mga kakompitensya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-18-27-36-38-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mabilis ang pag-asenso ng mga taong hindi lumilingon sa pangit nilang nakaraan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-19-24-34-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang papadala sa iyong emosyon. At huwag mong isipin na ang salitang emosyon ay para lang sa biglaang galit; ito rin ay para sa biglaang pagkakagusto sa isang tao. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-1-12-18-20-33-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mabibigla; ang mga ngiti mo ngayon ay may dalang gayuma. Kaya piliin mo lang ang ngingitian mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-16-20-25-30-35.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sobrang lakas ng puwersa ng pag-ibig. Kaya hindi ka masisisi kung iibig ka man ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-15-28-31-39-42.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 23, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 23, 2025 (Linggo): Makulay ang iyong buhay, kaya makulay rin ang iyong kapalaran. Ang saya at yaman ay sadyang nakalaan sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, ang payo para sa iyo ay mabilis na pagkilos. Kaya huwag kang babagal-bagal at huwag ka rin magplano ng matagal. Sa mabilis na pagpaplano at pagkilos, tiyak na mapapasaiyo ang pag-unlad at malaking pag-asenso. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-11-19-27-30-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka dapat masiyahan sa magagandang kapalaran. Kapag naniwala ka na ang tao ay dapat makuntento, iiwan at pagtatawanan ka ng mga karibal mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-7-11-26-33-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi mo puwedeng pagsabay-sabayin ang mga gusto mong gawin. Ang mga sabayang proyekto ay nagpapabagsak sa tao. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-1-14-20-25-38-41.


CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na dapat kang magsaya. Bubuksan ng nasa Itaas ang bintana at ihuhulog sa iyo ang iba't ibang uri ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-11-18-21-34-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Isantabi mo muna ang mga bagay na walang kinalaman sa negosyo o pinagkakakitaan. Tipunin mo ang lakas at talino mo sa pagpapalago ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-15-20-24-35-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pansin mo bang halos lahat ay nakakaranas ng suwerte? Gayunman, mas buwenas ka pa rin kesa sa kanila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-17-22-27-39-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Oo, puwede kang magmahal ng dalawa. Pero ang tanong, papayag kaya sila? Kaya kung ako sa iyo, isa-isa lang muna. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-18-23-31-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumuha ka ng lakas sa mga mababait at mapagmahal mong kaibigan. Malakas ka, pero kailangan mo ang dagdag na lakas upang magamit mo sa mga mabibigat mong ambisyon sa buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-14-21-25-34-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag nawalan ka, lihim kang matuwa. Dahil nakatakda kang mabawasan, pero huwag kang mag-alala, dahil nakatakda rin naman ang mas malaki sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-29-33-37-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon. Ang mga suwerte ng iba na hindi marunong magpahalaga ay malilipat sa iyo. Ito ang naging pasya ng langit na hindi na magbabago kailanman. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-10-14-28-38-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muli, tayo-upo, upo-tayo, lakad-balik, balik-lakad. Minsan nang naging ganito ang kakaibang gawi mo, at sinuwerte ka nu’n, hindi ba? Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-15-19-26-35-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumabas at mamasyal ka. Oo, sa pag-uwi mo galing trabaho, mamasyal ka muna. Ito ang magsisilbi mong pampasuwerte ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-16-20-22-30-44.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 22, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 22, 2025 (Sabado): Kahit saan ka pumunta, dala-dala mo pa rin ang suwerte. Sa katunayan, lahat ng didikit sa iyo ay bubuwenasin, at habang binubuwenas sila, mas madaming biyaya at suwerte naman ang darating sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong talikuran ang malaking problema. Tulad ng mga multo, wala itong laman at buto. Nakakatakot lang, pero hindi naman talaga totoo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-9-19-24-39-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumilitaw ang ganda kapag masaya. Ngayong papalapit na ang Kapaskuhan, magliwaliw ka! Ito ang payo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-14-21-33-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong ipagpilitan ang gusto mo. Tandaan mo, walang tao na laging tama. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-17-25-28-30-45.


CANCER (June 21-July 22) - Kapag hindi ka kumilos, habambuhay kang magsisisi. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-21-26-34-35.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi nabubuhay ang tao dahil lang sa sarili niya. Ikonsidera mo rin ang kaligayahan ng iba. Hindi maganda kung ikaw lang ang masaya, habang ang kapwa mo ay lugmok na lugmok. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-16-20-27-36-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Namumulaklak ang mga halaman sa takdang panahon. Sa ngayon, nakatakdang magsimulang mamulaklak ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-5-17-23-31-38-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit pilit na hinahanap ng katuwiran ang lantad na kamalian? Gayunman, hindi ka rin naman masisisi dahil ngayon, ikaw ay sobrang nagmamahal. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-10-16-22-25-37.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Totoong nagbabago ang lahat, pero minsan ang pagbabago ay para sa ikatutuwid ng pagkakamali. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-5-18-21-27-29-32.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi nakukuha sa biglaan ang tunay na kaunlaran. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-5-11-24-30-33-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kakaiba ngayon ang kapalaran mo. Kikilos ang mga lihim mong kaaway, at sa biglang tingin ikaw ay talunan, pero sa huli, sila talaga ang matatalo mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-15-20-26-31-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang araw na aalisin ng langit ang sama ng loob at kalungkutan mo. Sa Paskong darating, puro saya at ligaya lang ang tiyak na mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-gold. Tips sa lotto-4-11-17-25-28-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tanggapin mo kahit ‘di gaanong malaki ang ibinibigay sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-18-22-24-34-40.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page