top of page
Search

ni Gina Pleñago @News | October 8, 2023




Tinatayang nasa 25 Pinoy na biktima ng human trafficking at illegal recruitment ang nailigtas sa Cambodia.


Batay sa mga awtoridad, sila ay nagtatrabaho bilang mga scammer sa isang crypto farm.


Agad na sinimulang hanapin ng mga opisyal ng Philippine Embassy ang mga manggagawa matapos humingi ng tulong ang ilan sa mga ito dahil sa hindi pagbabayad ng kanilang mga amo.


Sa tulong ng impormante natunton ang kanilang kinaroroonan.


Batay kay Consul General Emma Sarne, lahat ng naligtas na mga Pilipino ay walang Overseas Employment Contract (OEC) at hindi dumaan sa legal na proseso.


Sinabi ni Sarne na nakalabas sila ng bansa na nagpapanggap na mga turista.


Sa ngayon, ang naturang mga biktima ay nasa government facility na sa Cambodia at kasalukuyan nang nagsasagawa ang mga awtoridad ng imbestigasyon at pakikipagtulungan sa Cambodian government.



 
 

ni Gina Pleñago @News | October 1, 2023




Inilipat na ang nasa 450 persons deprived of liberties ng Bureau of Corrections mula New Bilibid Prison at Correctional Institution for Women sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa, Palawan kahapon.


Kabilang sa paglipat ang 396 PDL mula sa medium security compound ng NBP, apat mula sa maximum security compound, at 50 mula sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.


Ayon kay BuCor Director General Gregorio P. Catapang, Jr., alinsunod ito sa planong isara ang NBP at CIW sa 2028 at gawing isang commercial development na pinangalanang BuCor Global City at isang government center.




 
 

ni Gina Pleñago @News | September 28, 2023



Bukas na ang Motorcycle Riding Academy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa nais matutong magmotorsiklo.

Pinangunahan ni MMDA acting chairman Atty. Don Artes ang inagurasyon ng nasabing pasilidad kahapon.

Dinaluhan nina GSIS President Atty. Wick Veloso, Pasig City Mayor Vico Sotto, San Juan City Mayor Francis Zamora, Batangas Vice Governor Mark Leviste, at iba pang stakeholders ang inagurasyon.

Layon ng Motorcycle Riding Academy na bawasan ang mga motorcycle-related accident sa pamamagitan ng pagbibigay ng theoretical at practical courses sa pagmomotorsiklo.

Maaaring mag-enroll ang mga rider na baguhan o nagmamaneho na pero gustong malaman ang pangunahing kaalaman sa pagpapatakbo ng motorsiklo na nakatuon sa safety riding.


Ipinahayag naman sa isang mensahe ni Vice President at concurrent Department of Education Secretary Sara Duterte ang kanyang suporta sa MMDA Motorcycle Riding Academy.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page