top of page
Search

ni Gina Pleñago | July 3, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Nasa 11 pasyente ng COVID-19 kabilang ang 7-buwang gulang na sanggol ang panibagong naitalang nakarekober sa Las Piñas City kahapon.


Sa report ni Las Piñas City Health Office Chief, Dr. Ferdinand Eusebio, nagmula sa Bgy. CAA-BF International; Almanza Uno; Daniel Fajardo; Talon Singko; Pilar; Pamplona Dos at Manuyo Dos ang mga gumaling na pasyente.


Ikinatuwa ni Mayor Mel Aguilar ang patuloy na paggaling ng mga tinamaan ng virus na umabot na sa kabuuang 345.


Nagpapatuloy naman ang Expanded Targeted Testing ng lokal na pamahalaan at mas pinaigting pa ang screening at contact tracing sa mga residenteng posibleng nakasalamuha o na-expose sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.

 
 
  • BULGAR
  • Jun 28, 2020

ni Gina Pleñago | June 28, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Magkakaroon ng panibagong pagtaas sa presyo ng petrolyo sa Martes, Hunyo 30.


Tinatayang nasa P0.40-P0.50/litro ang inaasahang dagdag-presyo sa gasolina.


Mula P0.20-P0.30/litro naman sa diesel at kerosene.


Samantala, kaugnay ng sunud-sunod na oil price hike, aabot ng P9.60 kada litro na ang iminahal ng gasolina. Habang aabot naman sa P5.75 ang sa diesel at P8.50 sa kerosene.


Gayunman, nanindigan ang Department of Energy na kung susumahin ang lahat ng galaw sa presyo, mas marami pa rin at malaki ang mga rollback kumpara sa dagdag-presyo.

 
 

ni Gina Pleñago | June 25, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Tiklo ang tatlong Chinese makaraang mabuko na ginagawa nilang prostitution den ang ikawalong palapag ng isang gusali sa Makati City, kamakalawa.

Nasa detention cell sa Makati City Police ang mga suspek na sina Zhang Yong, 48; Lai Jin Cheng Yuan, 29, at Yin Yuan Sheng, 33, pawang mga nanunuluyan sa JKL Bldg.,4978 Guanzon St., Bgy. Poblacion.


Sa report na natanggap ng Southern Police District, alas-4:00 ng hapon nang maaresto ang mga suspek. Bunsod na rin sa reklamo ni Susan Lim, na nalaman niya na ginagawang prostitution den ng mga suspek ang pag-aari nilang gusali.

Humingi siya ng tulong sa pulisya kaya agad nagkasa ng follow-up operation ang mga awtoridad sa pamumuno ng hepe ng Station Investigation and Detective Management Service na si Police Major Gideon Inis, laban sa mga suspek na nagresulta nang pagkakadakip sa mga ito.

Narekober ng mga pulis ang ilang condom at sexual paraphernalia.

Napag-alaman na tinangka pa umanong suhulan ng P100,000 ang mga pulis ng mga suspek.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page