top of page
Search

ni Gina Pleñago | June 15, 2023




Patay at napugutan ang isang motorcycle rider matapos maaksidente sa EDSA sa ilalim mismo ng MRT Shaw Station sa Mandaluyong City, kahapon ng madaling-araw.


Batay sa ulat, isang concerned citizen ang nag-report sa mga awtoridad, bandang alas-5 ng madaling-araw kaugnay ng lalaking nakahandusay sa daan.


Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority at Inter-Agency Council for Traffic.


Sa monitoring ng MMDA, bumabaybay sa EDSA Bus Carousel lane ang rider at isang SUV nang mangyari ang insidente habang may tanker naman sa tabi ng bus lane.


Kaugnay nito, nagbabala ang MMDA sa mga motorcycle rider at iba pang motorista na bawal pumasok sa EDSA Bus Carousel Lane.


Binigyang-diin ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, na ang EDSA Bus Carousel Lane ay eksklusibo para sa mga pampasaherong bus, ambulansya, at marked government vehicles na rumeresponde sa anumang emergency.


 
 

ni Gina Pleñago | June 14, 2023



Pinarangalan ang 18 tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) personnel na pumigil sa pag-atake ng Abu Sayyaf Group (ASG), bilang bahagi ng pakikiisa ng ahensya sa ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.


Ayon kay BuCor Chief Director General Gregorio Pio Catapang, Jr., pito sa mga personnel ang kinilala dahil sa malaking kontribusyon upang mapigilan ang tangkang pagtakas ng malaking bilang ng inmates sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City noong 2022. Ang mga inmates ay sinubukan umanong pumuga katulong ang grupo ng Abu Sayyaf Group noong Pebrero 2022.


Ilan sa mga tumanggap ng komendasyon sina Supt. Vic Domingo F. Suyat, Superintendent of SRPPF, Roberto Veneracion, Director for Security Operation, C/SINSP Julius Pareja, Asst Regional Supt. for Security and Operations, CS4 Allan Macaso, CO3 Alvin Albarracin, CO3 Silverio Garcia at CO1 Jonathan Paingan; CO2 Samarijohn Glores, CO2 Eherson G. Feria, CO2 Lazaro Rafols, Jr., at CO2 Ritchie Canja.


Kinilala ang mga tauhan na nakatalaga sa Maximum Security Compound (MaxSeCom) ng New Bilibid Prison (NBP) dahil naibalik nila sa piitan ang 26 bilanggo na tumakas mula June 2022 hanggang January 2023.


 
 

ni Gina Pleñago / MaiAncheta | June 8, 2023




Isang command post ang itinayo para sa mga biktima ng food poisoning sa Lungsod ng Taguig.

Nitong Martes, nagkaroon ng food poisoning sa lungsod kaya napagpasyahang magtayo ng command post ang Incident Management Team at City Epidemiology and Disease Surveillance Unit ng City Health Office ng Taguig para aksyunan ang mga nangangailangan ng atensyong medikal kaugnay sa food poisoning sa Bgy. Upper Bicutan.


Naitala ng lungsod ang nasa 45 residente na nakaramdam ng pagsusuka at pagkahilo matapos kumain ng pastil na itinitinda sa isang stall.


Kaugnay nito, 13 ang nasa TPDH; 7 ang nasa iba pang ospital, at 22 ang napauwi na matapos ma-check-up at mabigyan ng gamot.


Ipinasara agad ang food stall na nagbenta ng pastil na posibleng naging sanhi ng food poisoning.


Kumuha na rin ng food sample para suriin, samantalang titingnan din ng Sanitation Office ang water source.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page