top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports News | August 24, 2025



Handling passport to airport personnel - FP

Photo: FP


Kasunod ng kabi-kabilang mga pagkuwestiyon sa iregularidad ng tunay na kasarian sa pampalakasan, naglatag ang 33rd Southeast Asian Games host Thailand na ipanukala ang mas mahigpit na beripikasyon ng mga passport at random gender checks upang maiwasan ang pandaraya sa multi-sports event na nakalatag simula Disyembre 9 hanggang 20, 2025. 


Ibinunyag ang naturang mga plano sa ginanap na 1st Chef de Mission Seminar na ginanap nitong Agosto 20 sa The Grand Fourwings Hotel sa Bangkok, Thailand, na pinangunahan nina Thailand National Olympic Committee President Asst Prof Pimol Srivikorn at CEO ng SEAG Federation Chaiyapak Siriwat.


This SEA Games will be strict from the moment delegations arrive in Thailand, throughout the competition, and until they return home," pahayag ni Chaiyapak sa panayam ng The Nation Thailand. "If we find any falsification or impersonation, the person will be immediately disqualified and prosecuted."


Matatandaang nagkaroon ng kontrobersiya sa dalawang Vietnamese volleyball player mula sa under-21 team na sina captain Dang Thi Hong at Nguyen Phoung Quynh, na agad na diniskwalipika ng FIVB, habang kinukuwestiyon ang kasarian ni women’s volleyball star Nguyen Thi Bich Tuyen. Nabalot din ng kontrobersiya ang pagkakadiskuwalipika sa mga Olympian boxers na sina Imane Khelif ng Algeria at Lin Yu Ting ng Taiwan sa world championships.


Sa naturang meeting ay inihayag din ang kumpirmasyon sa paglahok ng Cambodia na may ipadadalang 600 na atleta at 800 na opisyales, kung saan bumaba sa dating 1,600 na kinatawan sa hosting noong 2023.


Sa kabilang banda, nakatakdang magpadala ng malaking delegasyon ng Pilipinas na aabot sa 1,600 atleta mula sa 50 pampalakasan, kabilang ang pagsalpak ng pagdepensa ng Gilas Pilipinas basketball team at ang Alas Pilipinas men at women’s national squad. 


 
 

ni Gerard Arce @Sports News | August 23, 2025



The Nation - Olympicthai

Photo: The Nation / Olympicthai


Binigyang-diin ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) na dapat maging patas ang bawat kalahok na magpapartisipa sa 2025 Southeast Asian Games, higit na pagdating sa kasarian kasunod ng kontrobersiyang bumalot kay Vietnamese volleyball star Nguyen Thi Bich Tuyen.


Umatras ang 25-anyos na opposite spiker sa 2025 FIVB Volleyball Women's World Championships sa bansang Thailand sa kanilang Volleyball Federation of Vietnam (VFV), ilang araw bago ganapin ang palaro. Ang rason ng 6-foot-2 power hitter na napilitan itong umatras dulot ng hindi binanggit na pagbabago sa patakaran ng FIVB, na lubusan umanong ikinalungkot nito.


Nabalot ng kontrobersiya ang paglalaro ni Tuyen na umano'y kinukuwestyon ang tunay na kasarian, na binabantayan ngayon sa pandaigdigang kompetisyon kasunod na rin ng pagdiskwalipika kina Olympian boxers Imane Khelif ng Algeria at Lin Yu Ting ng Taiwan.

Iminungkahi ni POC secretary-general Wharton Chan na nararapat na magsimula sa host country Thailand ang pagsasagawa ng ‘gender testing methods’ sa lahat ng mga atleta at mas maging mahigpit sa pagpapatupad nito. 


They have to follow strict rules, especially on equality. We cannot conform to unfair competition,” pahayag ni Chan sa mensahe sa Bulgar Sports kahapon. “Thai SOC should set parametersI am sure even the Asian Volleyball president is against it. We will not condone.”


Bagaman hindi nasasakupan ang pagkatawan sa pandaigdigang estado sa SEA Games, nanindigan ang ahensya ng pampalakasan na dapat na mag-report ang pamunuan ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) na apektado ng kontrobersiya at tuluyang umaksiyon din ang Asian Volleyball Confederation sa mga ganitong suliranin.


In the stand of athletes, hindi lang dapat sa doping ang tinututukang issue. We should also examine these kinds of circumstances. We should still support safe sport pa rin,” pahayag ni PSC Officer-In-Charge Executive Director Atty. Guillermo Iroy sa Bulgar Sports kahapon.

 
 

ni Gerard Arce @Sports News | August 21, 2025



Nesthy Petecio

Photo: Nesthy Petecio



Tila nakabinbin muna ang pangarap na “Walang hinto, hangga’t walang ginto” na mantra ni two-time Olympian boxer Nesthy Petecio matapos muling pagmuni-munihan ang mga susunod na hakbang at plano sa kanyang matagumpay na karera sa pampalakasan.


Matapos maging kauna-unahang Pinoy boxer na nagbulsa ng ikalawang medalya sa Summer Olympic Games sa tansong medalya sa 2024 Paris Games, at ang makasaysayang silver medal finish noong 2020+1 Tokyo Olympics, bilang unang boksingera na nagwagi ng medalya, humiling ang Davaoena na magkaroon pansamantala ng panahon upang muling makapag-isip sa landas na tatahakin dahil 33-anyos na siya.


She’s still contemplating whether she will continue with boxing,” pahayag ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary-general Marcus Jarwin Manalo sa panayam ng Bulgar Sports. “Actually, she went back to training in Baguio, then nag-ask lang uli ng break.”


Inamin ni Manalo na patuloy na nasa line-up ng national team ang tubong Santa Cruz, Davao del Sur boxer, ngunit nakatakda pang pag-usapan ang sitwasyon na wala pa umanong eksaktong rason na hiniling sa national sports association (NSA).


She's in the lineup, but we're giving her the space for now and that's what we will discuss soon,” sambit ni Manalo, na tanggap ang anumang magiging desisyon ng 2-time SEA Games at 2019 World Champion. “Wala namang nabanggit na reasons, but she has served the national team na din for more than a decade. May personal plans na din sya, I'm sure. Normal naman for an athlete her age, lalo na she has accomplished a lot already.”


Naghahanda ngayon ang national squad para sa  2025 SEA Games sa Bangkok, Thailand, kung saan nasa training camp sina Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam, Paris Games bronze medalist Aira Villegas, Jay Bryan Baricuatro Junmilardo Ogayre, 2025 Asian Youth bronze medal winner Mark Ashley Fajardo, Ronald Chavez Jr., Ofelia Magno at beteranong si Riza Pasuit. 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page