top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | February 25, 2021





Sa nakaraang mga isyu, natapos nating talakayin ang pangunahing ugali at sadlakang kapalaran ng animal sign na Tigre o Tiger ngayong 2021.


Sa pagkakataong ito, ang pangunahing ugali at kapalaran naman ng animal sign na Rabbit o Kuneho ang tatalakayin natin. Kung ikaw ay isinilang noong 1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999 at 2012, ikaw ay naiimpluwensiyahan ng Kuneho o Rabbit.


Sinasabing ang Kuneho ay siya ring Pisces sa Western Astrology, na nagtataglay ng ruling planet na Neptune.


Ang mga Kuneho ay natural na papalarin mula alas-5:00 ng madaling-araw hanggang alas-7:00 ng umaga. Habang ang mapalad naman niyang direksiyon ay ang east o silangan.


Sinasabing higit na magiging mapalad ang Kuneho na isinilang sa panahon ng tag-araw o summer kung ikukumpara sa kapatid niyang isinilang sa panahon ng winter o tag-ulan.


Sa 12 animal signs, kung may sobrang nagpapahalaga sa pamilya at payapang kaisipan, Kuneho ang number one. Kaya naman mapapansin na ang mga Kuneho ay nagtatrabaho at nagsisikap talaga para sa kinabukasan ng kanilang pamilya. Bagama’t mahilig din ang Kuneho sa pakikipagsapalaran at adbentura, ito ay kanya namang lilimitahan para sa kapakanan ng kanyang mga mahal sa buhay.


Halimbawang may outing o lakad sa opisina na kani-kanyang gasta at malaki ang mawawalang pera ng isang Kuneho, mas malamang na manghinayang siya rito dahil tulad ng nasabi na, agad na papasok sa isip niyang ‘wag nang ilaan ang perang gagastusin sa pamamasyal, sa halip, gagamitin na lang niya ito para sa tuition fee at iba pang pangangailangan ng kanyang mga anak.


Dahil sa ganitong kundisyon ng kaisipan, ‘pag higit na ipinaprayoridad ang pamilya, nagiging mapalad naman at laging dinadatnan ng iba’t ibang uri ng suwerte at magagandang kapalaran ang isang Kuneho.


Dahil likas na mabait kung minsan, napagkakamalan din ang isang Kuneho na may mahinang disposisyon sa buhay at napakadaling maimpluwensiyahan. At kung minsan ay iniisip din ng mga nanonood sa kanya na siya ay babagal-bagal, kaya naman naaantala ang dating ng suwerte at magandang kapalaran.


Sinasabing kung mamadaliin ng isang Kuneho ang lahat ng bagay, lalo na ang pagdedesisyon at pagpapatupad ng mga bagay na kanyang napagdesisyunan ay mamadaliin din niyang ipatupad ang lahat ng pangarap at ambisyon niya sa buhay, walang kahirap-hirap, tunay ngang mas magiging maligaya at madaling magtatagumpay ang Kuneho, lalo na sa buong taong ito ng 2020.


Itutuloy

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | February 23, 2021



Ipagpatuloy natin ang pag-aanalisa sa pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Tigre o Tiger ngayong Year of the Metal Ox.


Kung ikaw ay isinilang noong 1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998 at 2010, ikaw ay naiimpluwensiyahan ng animal sign na Tigre o Tiger.


Higit na magiging makulay, dramatiko, aktibo at iba’t ibang uri ng pagsubok ang mararansan sa buong taong ito ng 2021, higit lalo sa first quarter ng taon o mula Enero hanggang Abril.


Maraming pangyayari na hindi pinlano ang magaganap na makadaragdag sa iyong pagka-iritable at stress. Sa simula, aakalain mong hindi maganda ang dulot nito, pero sa bandang huli, matutuklasan mo na ang mga hindi pinaghandaan at biglaang gawain ay magdudulot din pala sa iyo ng malaking pag-unlad at suwerte ngayong Year of the Metal Ox.


Sinasabi ring kung anumang hindi kagandahang mararanasan sa buwan ng Enero hanggang Marso, sa pagpasok ng buwan ng Abril, magbabago na ang lahat. Sa pag-ibig, bago at mas masarap na suyuan ang magaganap. Madaragdagan ang mga oportunidad ng pagkakaperahan na dapat mong sunggaban agad.


Sa mga mag-asawa, ang buwan ng Abril ay magiging mainit at masaya. Habang sa mga estudyante at intelektuwal, ang buwan ng Abril ay magbibigay din ng dagdag na recognition at pagsikat, at sa mga negosyante at mangangalakal, sa panahong ito, unti-unti na muling aangat ang graph ng pag-unlad hanggang sa tuluyang kumita ng malaking halaga.


Sa lahat ng anggulo ng buhay, sa lipunan, personal at maging sa pamumulitika, ang buwan ng Abril ay sadyang magbibigay ng paborableng karanasan at paglago ng kabuhayan.


Samantala, sa taong ito ay may babala rin na bagama’t aangat ang takbo ng kabuhayan, maaari namang masobrahan sa gastusin at walang kabuluhang paglalabas ng pera hanggang sa tuluyang kapusin ng budget, na maaari ring magbunsod sa iyo upang mangutang. Upang maiwasan ang ganitong senaryo, ang pinakamagandang magagawa ng Tigre ngayong Year of the Metal Ox ay higpitan ang hawak ng pera at gumastos ng minimal lamang. Ibig sabihin, kaunting tipid at dagdag na savings ang dapat dahil sa ganyang paraan, ‘pag naging aware at maingat ka sa paggasta, hindi masasayang ang malalaking halaga ng salapi na nakatakda mong mahawakan at matamasa sa buong 2021.


Sa pangkalahatan, sa larangan ng career at hanapbuhay, siguradong aangat ang graph ng pag-unlad at kasaganaan kung saan makatatanggap ka ng mga karangalan at dagdag na kita sa anumang uri ng negosyo o investment na pinagkakaabalahan sa kasalukuyan.

Samantala, sa mga single, sa kalagitnaan ng taon, maaari mo nang matagpuan ang dalaga o binatang magtatanim sa puso mo ng binhi ng pag-ibig, na lalago at mamumulaklak ng pagkalinga at pagmamahal hanggang sa mabuo at lumago ang wagas at panghabambuhay na relasyon. Ngunit tulad ng dati nang pagkakamali, hindi dapat pairalin ang bilis ng pagpapasya sa halip magdesisyon na hindi base sa iyong pakiramdam kundi base sa praktikalidad upang umiral ang tapat, wagas at panghabambuhay na pagpapamilya.


Itutuloy

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | February 18, 2021



Ipagpatuloy natin ang pag-aanalisa sa pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Tigre o Tiger ngayong Year of the Metal Ox.


Kung ikaw ay isinilang noong 1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998 at 2010, ikaw ay naiimpluwensiyahan ng animal sign na Tigre o Tiger.


Sa pag-ibig, ganito naman umibig at magmahal ang isang Tigre, sinasabing dahil kakaiba ang kanyang ugali na medyo makasarili, kakaiba at medyo makasarili rin siya kung magmahal. Kaya kapag umibig ang isang Tigre, asahan mo nang ito ay tapat at pangmatagalan. Gayunman, kapag nagalit ang Tigre, tulad ng pag-ibig na ipinadama niya, matagal itong huhupa, kaya ang yamot at inis niya sa iyo ay maaari ring maging pangmatagalan.


Ngunit dahil may likas din namang awa at taglay na kabaitan ang mga Tigre, kapag nagmakaawa ka sa kanya at nakita niyang sincere ang paghingi mo ng kapatawaran, lumalambot din agad ang kanyang puso at habang awang-awa siya sa iyo, may tendency na bigyan ka pa niya ng donasyon at regalo upang mawala ang iyong kalungkutan.


Sa katotohanan, akala mo lang na matapang at astig ang isang Tigre, pero sa totoo lang, tulad ng nasabi na, may pusong-mamon din sila, lalo na kung ang simpatya nila ay ipupukol sa mga taong labis nangangailangan ng tulong, ‘yung tipong sobrang salat sa yaman at kapag nakakakita ng ganu’ng tao ang isang Tigre, madaling nababagbag ang kanyang loob, kaya ito ay palihim niyang tinutulungan.


Samantala, ka-compatible naman ng Tigre ang Kabayo dahil kapwa sila busy o sobrang dami ng iniisip at ginagawa, gayundin, pareho silang mahilig isabuhay ang karanasan, na kadalasang naa-attain o nakakamit naman nila. Dagdag pa rito, dahil mas umiiral ang rason at pag-aanalisa sa Kabayo, ang pagsasama ng Tigre at Kabayo ay magiging ligtas sa biglaang mali-maling desisyon o pagpapasya, na kadalasang nagagawa ng Tigre. Habang kapag nagdadalawang-isip naman ang Kabayo, tiyak na itutulak siya ng Tigre sa isang mabilis at epektibong pagdedesisyon, kaya ang kanilang pagsasama ay tiyak na magiging maunlad at mabunga.


Bukod sa Kabayo, ka-compatible rin ng Tigre ang Baboy na magbibigay ng seguridad at kapanatagan sa Tigre. Kung kilos nang kilos at kung saan-saan ang gumagala o pumupunta ang Tigre, yayayain siya ng Baboy upang manahimik at magpahinga. Habang kung sobra naman sa tulog ang isang Baboy at puro pahinga, tutulungan siya ng Tigre na bumangon at magtrabaho. Kaya naman ang pagsasama ng isang Tigre at Baboy, bukod sa balanse ay sadyang magiging maunlad talaga.


Habang ang Aso ay uunawain naman ang hindi maunawaang pagkatao ng Tigre na ubod ng lalim. Ngunit tulad ng nasabi na, kahit gaano pa kalalim ang personalidad ng Tigre, ito ay kayang-kayang unawain at maarok ng isang Aso. Dahil dito, ang pagsasama ng Aso at Tigre ay talagang magiging panghabambuhay at tunay na magiging maligaya.


Kung sadyang hinihingi ng pagkataon at hindi maiiwasan, puwede na ring pagtiyagaan ang pagsasama ng Tigre at Daga, gayundin ang Tigre at Tandang at Tigre at Kambing o Tupa. Ang mga samahang ito ay magiging maunlad at maligaya rin, higit lalo kung paiiralin ng bawat animal sign ang pag-ibig at pagmamahalan nila sa kapareha nilang Tigre, na sadyang napakahirap unawain, ngunit sa pag-ibig ay nananatili namang tapat at mapagparaya habambuhay.


Itutuloy

 
 
RECOMMENDED
bottom of page