top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | January 5, 2023


Sa pagkakataong ito ay talakayin natin ang mga kaganapan at kapalaran ng bawat animal sign ngayong 2023, na ayon sa Chinese Astrology ay Taon ng Kuneho o Rabbit.

Tandaan, ayon sa Western Astrology, ang Taon ng Kuneho ay siya ring taon ng zodiac sign na Pisces. Ibig sabihin, ang Kuneho at Pisces ay halos magkatumbas ang interpretasyon at kahulugan.


Bihira ang nakakaalam, pero ibubulgar ko na ngayon na ang Chinese Astrology o animal signs, sa totoo lang ay pareho rin ng kahulugan sa Western Astrology o Horoscope o zodiac signs.


Nangyaring ganu’n dahil ang 12 animal signs sa Chinese Astrology ay siya ring 12 zodiac signs sa Western Astrology sa ganitong paraan:

  • Rat o Daga - Sagittarius

  • Ox o Baka - Capricorn

  • Tiger o Tigre - Aquarius

  • Rabbit o Kuneho - Pisces

  • Dragon - Aries

  • Snake o Ahas - Taurus

  • Horse o Kabayo - Gemini

  • Sheep o Goat, Tupa o Kambing - Cancer

  • Monkey o Unggoy - Leo

  • Rooster o Tandang - Virgo

  • Dog o Aso - Libra

  • Pig o Baboy - Scorpio

Kaya balik tayo sa Chinese Astrology, kung saan sa pagkakataong ito ay tatalakayin natin ang Year 2023 bilang Taon ng Kuneho o Rabbit.


Ang Kuneho ngayong 2023 ay tinatawag na Yin Water Rabbit dahil ang taong 2023 ay may kaakibat na elementong Yin-Water o Tubig. Ang Yin ay puwersa o energy na kung tawagin ay “negative force”. Siya ang naglalarawan sa “passive principle of the universe, relaxation, fluidity, quietness and contemplation,” Dagdag pa rito, larawan din ng puwersang Yin ang “Female energy o force, the moon, darkness, cold, north side of the hill, shady, cloudy and night time.”


Gayundin, tandaan na bukod sa may nakatalagang elemento sa bawat taon, tulad ng taong 2023 na taon ng Yin-Water, ang bawat animal sign ay may “fixed element” at nagkataon na ang fixed element ng Rabbit ay ang wood o kahoy.


Kaya mapapansin mo na dalawang elemento ang mangingibabaw sa taong ito. Una, ang designated element sa 2023 na water o tubig. Pangalawa, ang fixed element ng Rabbit na wood o kahoy.


Malinaw na kung ang mananaig ngayong 2023 ay ang enerhiyang Yin o Feminine force, ang elementong water o tubig, ang animal sign na Rabbit na taglay ang likas na elementong wood o kahoy at puwede mo ring sabihin na taglay ng taong ito ang puwersa ng zodiac sign na Pisces, na may ruling planet na Neptune at Jupiter.


Samantala, may mga nagtatanong kung ano ang magandang negosyo para sa Taon ng Water Rabbit o Kuneho.


Eksakto ang tugon, ang magandang negosyo ngayong taon ay ang mga bagay na may kaugnayan sa tubig. Dahil ang designated na elemento ngayong 2023, ayon sa Chinese Astrology ay water o tubig na taglay ang enerhiyang Yin, puwede rin ang negosyong may kaugnayan sa contemplation, meditation, relaxation at spirituality.


Dagdag pa rito, puwedeng negosyo sa taong ito ang mga bagay na may kaugnayan sa wood o kahoy dahil ito ang fixed element na taglay ng animal sign na Rabbit.


At kung Western Astrology naman ang pagbabatayan, ayon sa zodiac sign na Pisces, ang mapalad na negosyo ngayong 2023, “Are found in all the arts, especially as dancer, poet, writer, or actor; those where intuition is used, such as medium or psychic, those, where others are cared for, such as nurse, doctor, or priest; and all professions connected with the sea. In addition to that, Pisceans likely to do better in art, literature, poetry, travel, and professions connected with water or imports, and exports.”


Bagay din sa taong ito na naiimpluwensiyahan ng zodiac sign na Pisces ang lahat ng gawain o larangan na may kaugnayan sa tubig at lusaw na bagay, gayundin sa lahat ng uri ng agrikultura o pagtatanim. Ang paglalakbay at pagnenegosyo sa malayo at pakikipagsapalaran sa malalayo at iba’t ibang lugar ay maaari ring isaalang-alang, gayundin ang lahat ng produktong nakukuha sa ilalim ng dagat at lupa; produktong mga halaman o galing sa halaman at tubigan.



Itutuloy


 
 

para ‘di maudlot ang suwerte

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | May 10, 2022


Ipagpatuloy natin ang pag-aanalisa sa pangunahing ugali, katangian at kapalaran ng animal sign na Pig, Boar o Baboy ngayong Year of the Water Tiger.


Kung ikaw ay isinilang noong taong 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007 at 2019, ikaw ay mapabibilang sa animal sign na Boar, Pig o Baboy.


Ngayong 2022, susuwertehin ang Baboy sa halos lahat ng aspeto ng kanyang buhay. Maraming biyaya silang matatanggap, at unang-una mula sa kanilang mga mahal sa buhay, partikular ang kanilang mga magulang at kapatid, karelasyon o asawa, at maging sa kanilang mga kaibigan at espesyal na karelasyon.


Dagdag pa rito, aangat din ang kanyang career at kabuhayan sa buong taon at tulad ng nasabi na, ang pag-angat ng kabuhayang ito at pag-asenso sa career ay ibibigay ng kanilang mga mahal sa buhay. Bukod sa mga kadugo o kamag-anak, ang kanilang mga kaibigan o sirkulo ng lipunan na kanilang ginagalawan ay mag-aambag din ng malaking bulto ng suwerte upang tuloy-tuloy na umunlad at sumagana ang aspetong kabuhayan ng Baboy sa taong ito ng 2022.


Ibig sabihin, maraming tulong ang ipagkakaloob ng mga taong malalapit sa Baboy sa buong 2022. Hindi lang mga kabigan at kamag-anak o kapamilya ang tutulong sa kanila kundi pati na rin ang langit. Ang kamay ng nasa itaas ay lalawit mula sa langit upang sila ay abutan ng mga biyaya at hindi masukat na pagpapala na may kaugnayan sa materyal na bagay. Kaya iminumungkahi na lalo pang makipagkaibigan ang Baboy ngayong Year of the Water Tiger, at lalong paigtingin ng Baboy ang kanyang pag-ibig at pakikiugnay sa kanyang mga mahal sa buhay at ang paglalabas-labas ng bahay, upang ang lahat ng suwerte at magagandang kapalaran ay walang tapon niyang makuha sa ngayong taon.


Kaya kung may hindi pagkakaunawaan sa pamilya o kabigan na magdudulot ng samaan ng loob, dapat itong iwasan ng Baboy o sawatain niya agad. Dahil ang mga sigalot na ito ang maaaring maging pangunahing hadlang upang ang magagandang kapalarang nabanggit sa itaas ay hindi agad makarating sa kanyang karanasan.


Samantala, bukod sa kulay na yellow o dilaw, mapalad din ang Baboy sa kulay na silver at gray ngayong 2022.


Kung nais namang makipagsapalaran sa anumang uri ng number games, maaaring subukan ng Baboy ang kumbinasyon ng mga numerong 2, 11, 17, 26, 33, ganundin ang kumbinasyong 42 sa 5, 15, 27, 36, 45, 51, higit lalo sa mga araw ng Lunes, Martes, Sabado at Linggo.


Kusa namang iigting ang mabuting kapalaran ng Baboy mula sa ika-19 ng Hunyo hanggang sa ika-27 ng Hulyo, mula sa ika-19 ng Oktubre hanggang sa ika-27 ng Nobyembre at mula sa ika-18 ng Pebrero hanggang sa ika-27 ng Marso 2023.


 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | May 7, 2022


Ipagpatuloy natin ang pag-aanalisa sa pangunahing ugali, katangian at kapalaran ng animal sign na Pig, Boar o Baboy ngayong Year of the Water Tiger.


Kung ikaw ay isinilang noong taong 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007 at 2019, ikaw ay mapabibilang sa animal sign na Boar, Pig o Baboy.


Dahil likas na matulungin at mapagmahal sa kanilang kapwa, sadya namang lapitin ng suwerte at magagandang kapalaran ang mga isinilang sa Taon ng Baboy. Para sa kanila, kung ano ang nasa puso mo, gawin mo, dahil ang nasa pusong ito ng mga Baboy ay ang likas na pagiging mabuti. Kaya naman sa huli, bumubuti at lalong nagiging buwenas ang kanilang kapalaran.


Dagdag pa rito, batid ng mga Baboy na ang natural na batas ng kalikasan ang magbibigay sa kanila ng suwerte at magandang kapalaran, hanggang patuloy silang naglilingkod sa kanilang kapwa at gumagawa ng kabutihan.


Tulad ng Baka, ang mga Baboy ay nagsisikap at nagtitiyaga, ngunit ang kaibahan nila, ginagawa ito ng mga Baboy nang may arte, lambing at saya dahil ang pagiging malambing at masayahin ay isa sa mga pangunahin nilang katangian.


Kaya naman ang mga Baboy ay hindi basta dinadatnan ng lungkot at kamalasan dahil tulad ng nasabi na, anuman ang dumating sa kanilang bahay, itinuturing nila itong may maganda at mabuting kauuwian dahil batid ng mga Baboy na sadyang malakas sila sa nasa itaas. Kaya anuman ang sapitin nila, sa huli, sila ay kusang pinapatnubayan at binibigyan ng suwerte at magagandang kapalaran ng langit.


Sa pag-ibig, romansa at pakikipagrelasyon, ang mga Baboy ay nahihirapang magtago ng kanilang damdamin o emosyon. Kaya kapag nakursunadahan ka ng Baboy, malamang na sinadya man o hindi, makikita mo agad ang kanilang pagkalinga, lambing at pagmamahal sa iyo. Bukod sa malambing at mapagmahal, tunay ang mga Baboy ay mahusay ding kapareha sa romansa. At dahil hindi niya maitago ang damdamin at pagnanasa, kadalasan ay nauuwi sa kabiguan at pagkadismaya ang unang pag-ibig ng mga Baboy. Subalit tulad ng nasabi na, higit na nagiging maligaya at very satisfied ang Baboy sa ikalawang pag-ibig o pakikipagrelasyon kung ikukumpara sa una.


Samantala, ka-compatible naman ng Baboy ang mahinhin at tahimik na Tupa o Kambing at ang sopistikadong Kuneho. Mauunawaan ng Kambing ang itinatagong damdamin ng Baboy. Habang masasarapan naman ang Kambing sa malambing at mapagkalingang Baboy.


Pagpupursigihan namang ayusin at lalo pang pakikinisin ng Kuneho ang medyo magaspang at padaskol na ugali ng Baboy, habang tuturuan ng Baboy ang Kuneho upang lumakas ang loob at palaging maging positibo ang kanyang mga pananaw sa buhay.


Bukod sa Kuneho at Kambing o Tupa, ka-compatible rin ng Baboy ang Tigre.

Habang ang relasyong Baboy sa Baboy ay maaari namang sa umpisa lang magiging masaya at sa bandang huli ay posibleng mauwi rin sa panlalamig at pagkasawa sa isa’t isa.


Puwede ring makasama ng Baboy ang Daga, Baka, Dragon, Kabayo, Tandang at Aso, dahil ang pagiging excess o paglalabis sa maraming bagay ng isang Baboy ay kayang disiplinahin at limitahan ng nasabing mga animal signs.



Itutuloy


 
 
RECOMMENDED
bottom of page