top of page
Search

ni Thea Janica Teh | July 6, 2020


ree


Hook na hook ang mga Pinoy ngayong quarantine sa mga Korean dramas. Isa na rito ang CLOY, The King at marami pang iba. Kaya naman siguradong natakam kayo sa mga food na kinakain nila especially sa kimchi!


Kaya don’t worry mga bes, dahil kahit nasa ‘Pinas tayo ay matitikman natin ang kimchi na favorite ng ating K-drama Lodi. Ito ang mga list ng store na maaari nating mabilhan ng kimchi sa Metro Manila:


  • This Kimchi- Ang Kimchi na ito ay all natural, lacto-fermented at vegan-friendly. Maaari kang mamili sa Classic Vegan Spicy Kimchi, White Vegan Kimchi, Cucumber Kimchi, Radish Kimchi at Bok Choi Kimchi. Para makabili, bisitahin lamang ang kanilang Facebook page sa https://www.facebook.com/ThisKimchi/.

  • L’Shef- Bukod sa masarap at healthy ang kanilang Kimchi, kilala rin ang L’Shef sa pag-donate nito sa mga farmer at fisherfolk sa bawat bili ng kanilang produkto. Nakakain ka na ng masarap na kimchi, nakatulong ka pa sa kapwa mo. Ito ay mabibili via Lalafood, Grabfood, Zomato at Meals.ph.

  • Assi Fresh Plaza- Bukod sa home-maid version nito ng kimchi, available din sa kanila ang Jongga Yeolmoo kimchi at Jongga fermented kimchi. Ito ay mabibili sa GrabMart.

  • Sachi Kimchi- Mayroon itong “secret kimchi paste” na inihahalo sa repolyo na lalong nagpapasarap at naiiba sa lahat ng kimchi. Ito ay mabibili ng P180/300 grams; P300/500 grams at P600/one kilogram. Para makabili bisitahin lamang ang kanilang Instagram Account sa @sachikimchi.

  • Appa Kim PH- Ito ay gawa sa original family ng kanilang pamilya kaya naman “Appa” o daddy ang tinawag dito. May iba’t iba itong flavor tulad ng Baechu kimchi, traditional napa cabbage kimchi at Oi Sobagi o stuffed cucumber kimchi. Para makabili, i-message lamang sila sa kanilang Instagram account na @appakimph.


Siguradong magiging perfect ang agahan tanghalian at hapunan niyo kung ipa-partner sa kimchi. Mashisoyo!

 
 

ni Thea Janica Teh | July 01, 2020


ree


Na-miss niyo ba ang strawberry shortcake sa Baguio City? Puwes, ito na ang chance ninyo na muling matikman ang all-time favorite cake nang hindi pumupunta sa Baguio City!

Open na for delivery ang Vizco Bakeshop hanggang Metro Manila. Nakilala ang bakeshop na ito dahil sa katakam-takam na strawberry shortcake, mango cake, ube cake at carrot cake. Hindi lang ‘yan, nagbebenta rin sila rito ng freshly-picked strawberry all the way from La Trinidad Benguet na Php100 lamang.

Bukod sa delivery, maaari rin itong i-pick up sa Commonwealth Quezon City.

Bisitahin lamang ang kanilang Facebook Page sa https://www.facebook.com/lovestrawberry2020 para makapag-order.

Kaya ano pang hinintay ninyo mga bes, i-message na sila thru Facebook para matikman muli ang na-miss nating cake!

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 30, 2020


ree


Madalas ba kayong nakararanas ng pananakit ng likod? Ang pananakit ng likod ay maaaring sintomas ng sakit kung kaya’t nangangailangang kumonsulta sa doktor kapag nadalas na nakararanas nito.


Ngunit minsan, ang pananakit ng likod ay maaaring dahil lamang sa maling

lifestyle at knows n’yo ba mga lodi na mayroong mga pagkain na nakatutulong upang

mabawasan ang pananakit nito.


1. Luya - Ayon kay Dr. Michael Levine ng ChiroCare, ang luya ay sagana sa mga compounds na

nakatutulong upang mabawasan ang mga inflammation sa ating katawan katulad ng

pananakit ng likod.

Mabisa rin itong gamot sa nausea, pananakit ng kasukasuan at menstrual cramps.


2. Mani - Mayroon din anti-inflammatory properties ang mani at sagana rin ito sa protina na

kinakailangan ng ating katawan.


3. Kape - Ang caffeine na taglay ng kape ay mabisa ring pain killer. Ayon sa isinagawang

pananaliksik sa University of Georgia, napatunayan na ang 2 cups ng kape araw-araw ay

nakatutulong upang mabawasan ng 50% ang pananakit ng likod pagkatapos mag-

workout.


Ngunit paalala ng mga eksperto, kung iinom ng kape sa isang araw, kailangang

mas higit ang pag-inom ng tubig. Ang kape kasi ay nakakapag-dehydrate at ang

kakulangan sa tubig ay maaaring makapagpalala ng pananakit ng likod.


4. Red grapes - Ito ay may taglay na anti-inflammatory compound na resveratrol na napatunayang mabisang panlaban sa pananakit ng katawan.


5. Salmon - Ang salmon ay sagana sa omega-3 fatty acids na nakatutulong upang mabawasan ang pananakit ng likod. Ang dalawa hanggang 4 na beses ng pagkain nito sa isang linggo ay mabilis na makapagpapagaling ng pananakit ng likod.


Now we know mga ‘tol! Kaya sa mga madalas na nakararanas ng pananakit ng likod, try n’yo na ‘to!


Ngunit paalala lang mga lodi, kung napakatindi ng pananakit ng likod, huwag nang

magdalawang-isip pa na magpakonsulta sa doktor, okay?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page