top of page
Search

ni Lolet Abania | July 13, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Sa patuloy na pananatili sa bahay, hindi natin namamalayan ang paglaki ng katawan lalo na ang ating belly. Hindi maganda sa kalusugan ang pagkakaroon ng belly fat o bilbil. Kaya narito ang mga pagkaing ipinapayo ng mga nutritionist para maging malusog at hindi bilbilin kahit stay-at-home lang.


  1. Avocado. Puno ng nutrients at nagbibigay ng good fat na may fiber, antioxidants, vitamins at minerals, kasama dito ang postassium na sumusuporta sa puso at nagre-regulate sa blood pressure. Ang avocado ay nag-aalis ng sobrang sodium at fluid sa ating katawan. Ang madalas na pagkain nito ay nakababawas ng visceral belly fat o bilbil na lumalabas lalo na pag nagkakaedad.

  2. Mani. Mayroon itong healthful fat na nagbibigay protein, antioxidants, fiber at maraming vitamins at minerals. Para sa adults mainam na kumain nito dahil may magnesium ito na sumusuporta mental health at pagtulog. May mga pag-aaral na ginawa na ang pagkain ng iba't ibang klase ng nuts ay nakakababa ng BMI at blood pressure kesa hindi eaters nito. Makikita rin na maliliit ang waist line nila na nagpapatunay na walang malaking belly fat.

  3. Salmon. Importante ang Vitamin D lalo na sa immunity, bone-density regulation at mental health. May research na lumabas na ang pagkakaroon ng low blood vitamin D level ay kasabay ng paglaki ng buong katawan at pagkakaroon ng visceral belly fat sa babae ganundin sa lalaki. Ang wild salmon o salmon ay isa sa pinagmumulan ng vitamin D na kahit four ounce lang nito ang kainin ay magbibigay ng 80% na kailangan daily na vitamin D. Sakaling walang salmon, may ibang alternatibo tulad ng plant milks o vitamin D supplement na mayroong 800-1000 IU ng vitamin D.

  4. Whole grain. Ito ay health-protective na nakababawas pa ng belly fat. May pag-aaral na ginawa sa Framingham Heart Study sa 2,800 participants, nagresulta na ang pagkain ng whole grains ay nakatulong ng husto sa subcutaneous at visceral belly fat na hindi lumaki kesa doon sa eaters ng refined grains, white bread, rice, pasta na nagkabilbil. Ang corn o mais ay isa ring whole grain.

  5. Lentils. Pamilya ito ng monggo, na nutritious at gluten-free. Puno ng protein, minerals, vitamins, antioxidant at higit sa lahat may pinakamaraming fiber. May soluble fiber ito na tina-track ang belly fat. Nakakatulong din ito sa pagkakaroon ng regular bowel movement at lower cholesterol.


Maging conscious palagi tayo sa ating kalusugan at pangangatawan para may panlaban tayo sa anumang sakit o karamdaman.

 
 

ni Justine Daguno - @Life and Style | July 11, 2020


ree


Knows n’yo ba na ang ginger o luya ay kabilang sa mga super food dahil sa dami health benefits nito?


Ayon sa pag-aaral ni Karen Ansel, R.D.N., ang luya ay hindi lamang basta ginagamit na sangkap o pampalasa sa pagkain, kundi noon pa man ay alternatibo na itong ginagamit sa medisina o epektib na panggamot. Napatunayan din na ang gingerols na tinataglay nito ay mabisang anti-aging, anti-inflammatory, antimicrobial, antifungal at marami pang iba.


Anu-ano nga ba ang mga benepisyo ng luya sa atin?

1. PAMPALAKAS NG RESISTENSIYA. Ang madalas na pagkonsumo ng ginger tea o ginger lozenges ay nakatutulong upang malabanan ang mga impeksiyon at mapalakas ang ating resistensiya. Sa katunayan, oks ito para sa mga pasyenteng nagre-recover o kagagaling lamang sa sakit nang sa gayun ay madaling manumbalik ang kanilang sigla.

2. PANG-RELIEVE NG PERIOD CRAMPS. Para sa kababaihan, hindi na kailangang magtiis sa ng menstrual o period cramps, sapagkat ang ginger tea o lozenges ay mabisa ring pang-relieve nito. Ito ay itinuturing na “ibuprofen alternative”, pareho lamang ng epekto nito sa mga nabibili nating pain-reliever sa botika, ngunit wala itong side-effect.

3. EPEKTIB NA ANTI-AGING. Kung gusto natin ng pampabyuti pero sa mas mura o natural na paraan, panalo pa rin ang luya r’yan. Ito ay nagtataglay ng mga antioxidant ay tumutulong na protektahan ang ating balat mula sa mga free-radical (tulad ng polusyon at UV rays), na nagpapabilis ng pagkasira ng collagen na kailangan ng ating balat. Ang taglay na antioxidant ng luya ay nakatutulong upang mapanatili ang produksiyon ng collagen ng ating balat upang manatili itong makinis at maganda.

4. PANGGAMOT SA PAGSUSUKA. Maaaring may ilan sa atin na pamilyar sa luya bilang panggamot sa pagsusuka. True naman, dahil ayon kay Ansel, nakatutulong ito para sa mga may hangover, sinisikmura, mga buntis na nakararanas ng morning-sickness, nahihilo sa biyahe, at maging ang mga nagre-recover sa chemotherapy.

5. PAMPABAWAS NG BAD CHOLESTEROL. Pinatunayan din ng mga eksperto na ang luya ay nakatutulong upang mabawasan ang LDL cholesterol levels (bad cholesterol) na oks upang maiwasan ang sakit sa puso at iba pang may kaugnayan o tulad nito.

Sa panahon ngayon na pahirapan ang kabuhayan, marami sa ating mga kababayan ang tumatangkilik sa mga alternatibong paraan, kaya oks malaman na ang mga ang akala natin na simpleng sangkap o pampalasa lamang sa pagkain ay marami pa palang magagawa para sa atin—natural na, mas tipid pa! Kuha mo?

 
 

ni Thea Janica Teh | July 10, 2020


ree


Isang eco-friendly resto ang natagpuan ng mga netizen sa Laguna City, kung saan ang pizza nila, hindi sa ordinary box nakalagay, kundi sa handmade pizza box!


Ito ay ang The BrickOven Café na matatagpuan sa Brgy. Labuin Pila, Laguna. Naiiba ang konsepto ng kanilang pizza dahil ito ay nakalagay sa handwoven box na hindi lang eco-friendly, reusable pa!


Ang lahat ng ginamit sa paggawa ng box ay biodegradable at plastic-free. Kaya naman mas mae-enjoy natin ang pagkain ng pizza nang hindi nag-aalala dahil sa plastic na magagamit natin.


Napakagandang ideya nito para ma-sustain ang paggamit ng plastic at para makatulong na rin sa ating inang kalikasan. Kaya naman halina’t suportahan at makiisa tayo sa paggamit ng eco-friendly things tulad nito.



Para sa iba pang katanungan, maaaring bisitahin ang kanilang Facebook Page sa The BrickOven Café o sa kanilang restaurant na bukas mula 10:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page